Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 33

Isla's POV

"Hoy!"

"Ay pucha!" malakas kong sigaw sa gulat dahil kay Alice.

"Anong problema mo?" natatawa niyang tanong.

"Wala, 'no."

"Saan ka galing?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"Hinahanap ka ni Alon, gaga ka! Alalang-alala 'yon sa 'yo! Nag-commute ka raw na lasing na lasing!" aniya sa akin na halos maghesterikal pa. Tinawanan ko lang naman siya dahil kahit paano'y nakauwi naman ako ng buhay.

"Basta kapag nagtanong siya ng related sa akin. Huwag mo na lang sagutin!"

Nang umalis ako sa bahay nito, wala pang ilang oras ay may katok na mula sa apartment ko. Malalakas 'yon tila ba handa nang gibain ang loob. Late na rin akong nakapasok ngayon dahil ang tagal bago niya umalis doon. Mabuti na lang ay nag-text si Alice na hinahanap niya ako. I just lied that I'm in Alice's place.

"Miss Emperyo, tawag ho kayo ni Chief sa office," sabi sa akin ng isang staff. Napatango naman ako sa kanya at tumayo na rin sa pagkakaupo.

"Good morning, Chief," sambit ko nang makarating ako sa office.

"Good morning din, Ms. Emperyo," bati nito. Wala naman ako sa sariling nakatingin lang sa kanya. Wala pa rin sa wisyo hanggang ngayon. "Miss Emperyo?"

"Yes, Chief?"

"Ang sabi ko congrats dahil napapayag mo na si Mr. Alfaro para magpa-interview." Napatigil naman ako sa pag-iisip at prinoseso sa utak kung ano ang sinabi nito.

"Ho?!" malakas kong tanong na nanlalaki pa ang mga mata.

"Ang sabi ko, pumayag si Mr. Alfaro na magpa-interview." Mukhang kaunti na lang din ay sesermonan na ako nito dahil hindi talaga nakikinig sa kaniya.

"Pero pwede ho bang hindi na ako ang mag-interview, Chief? Marami kasi akong gagawin," request ko.

"Ibigay mo na lang muna 'yong iba sa mga kasama mo. Ikaw na 'tong mag-interview kay Mr. Rat tutal ay ikaw naman ang nakapagpapayag sa kanya."

Napakamot naman ako sa batok, ayaw na sanang tanggapin pa ang alok nito kaya lang ay mukhang desididong-desidido si Chief.

"Sa Cafe Frez later. I already contacted him." Tumango na lang ako kahit labag sa loob ko. Kung kailan namang iwas na iwas ka, doon naman nanunukso ang tadhana.

Bagsak ang balikat akong bumalik sa office. Napatingin tuloy sa akin ang mga officemate ko.

"Bakit?" tanong ni Janine. Hindi naman ako sumagot at umiling na lang. Tahimik lang akong umupo sa upuan ko.

"Hey!" bati ni Mike nang mag-lunch na, halos hindi ko na namalayan sa sobrang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang interview na 'to.

"Kain ka na rin, Isla. Sayang naman ang limang libo ko kung hindi," sabi ni Mike sa akin. Napatingin naman ako sa office, lahat sila'y kumakain ng pagkain na dala ni Mike. Tumango lang ako, wala sa mood para makipag-usap pa. "Ayos lang ba?" May pag-aalala sa mata nitong tinignan ako.

"Yeah," simpleng sambit ko na ibinalik lang ang atensiyon sa ginagawa. Hindi ko na rin siya pinansin pa.

"Shet, hindi ka nga ata talaga ayos," sabi ni Alice na kakarating lang. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ni hindi mo sinungitan si Mike!"

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa trabaho hanggang sa sumapit ang oras nang pagkikita namin ni Alon.

Kinuha ko na ang lapis at notebook ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad patungo sa Cafe Frez. Pagkadating ko roon, maghahanap na sana ako ng table kaya lang agad kong nakita si Alon na roon na. Tutok ang atensiyon nito sa laptop niya kaya hindi pa ako nakikita.

"Good afternoon, Mr. Alfaro," nakangiti kong saad. Pinanatiling propesiyonal ang tindig.

"Good afternoon, Miss." Wala man lang kangiti-ngiti sa mukha ngunit hindi rin naman siya mukhang iritado o ano.

"What do you want?"

"Having an interview with you."

"I mean... What do you want to eat?"

"I'm good."

"Let's start the interview then..." sabi niya. Bakit parang ako ata 'tong maiintriga sa paraan ng tingin niya?

"Why did you go last night? Do you know how worried I am?" Kita ko ang inis mula sa kaniya mga mukha habang sinasabi 'yon. Napatikhim naman ako.

"You go home drunk. Not just drunk, you're completely wasted! That's not a nice thing to do, Isabel Lara," malamig ang tinig nito ng sambitin 'yon.

"Oh, we're not going to talk about that, Mr. Alfaro. Let's be professional here," ani ko na nilabas ang laptop ko. Isang masamang tingin lang ang ibinigay niya. "Fine. Let's talk later."

Sinimulan ko naman ng magtanong ng mga question na related sa kanya kung paano nga ba ito nagsimula. 'Yong ibang tanong ko para sa sarili ay nasagot, tulad na lang nang mga tanong na paano siya nagsimulang maging white hat hacker. "I tried to apply in one company with my basic skills because I don't have a diploma to begin with. Tinanggap nila ako roon. Until I made my own name when I started to help Imango," aniya kaya napatango ako. That's nice to hear. He's been doing great. I'm really proud of him.

"So can you tell me, how was your journey being a white hat hacker?" tanong ko sa kanya.

"It was fun but hard at the same time, especially since I keep on missing that person." I suppose to ask who's that special someone but I'm too scared to do so.

"Is it true that you'll launch another Imango update?" Hindi naman siya sumagot. Napangisi naman ako. I think confidential pa 'yon.

"That's for today, Mr. Alfaro. Thank you for giving TeaNews a chance to have an interview with you." Sinimulan ko naman nang ayusin ang gamit ko. Nagmamadali pa para makaalis na. "Now, can we talk?"

"Huh? Sorry, Mr. Alfaro, but I still have another appointment to attend to," sabi ko na natataranta.

"Let's talk for a minute," sabi niya na hinawakan ang palapulsuhan ko. Napapikit na lang ako.

"Isla?" tanong ng isang lalaki sa akin. Tinignan ko naman kung sino 'yon. Si Mike. Pucha. Hindi ko alam kung malas o swerte ako ngayon.

"Hey! Aalis na tayo, teka lang." Hinila ko pa siya para lang makatakas.

"Una na ako, Mr. Alfaro. Thank you for your time." Nang makalabas kami ng cafe ni Mike ay agad akong nakahinga nang maluwag.

"That was your ex, right? Ginugulo ka ba niya?"

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Napabuntonghininga na lang ako at nilingon itong si Mike.

"No and thanks. I should get going."

Napanguso naman ako nang makita ang masamang tingin ni Alon habang nakatingin sa banda namin. Nagmadali na rin akong umalis doon.

Sa mga sumunod na araw, iniwasan ko lang ang magkasalubng ang landas namin. Npanguso ako nang makitang may text galing sa kaniya. Tinignan ko 'yon.

Ex:

Choco misses you.

Napapikit na lang ako bago ko binalibag ang cellphone sa kama. What a great text to start my day. Nakakainis. Pa-fall.

Lumabas na lang ako ng apartment at nag-jogging. Sa parke ako nagtungo para naman kahit paano'y presko. Napangiti na lang ako kapag naalala ang mga panahong kasama ko pa si Alon sa pagjo-jogging kasama si Choco. Napangisi naman ako habang tumatakbo. Miss ko na rin si Choco but I won't visit him. Tiis-tiis muna.

Nang mapagod ay sandali lang akong uminom ng tubig ngunit gulat na gulat nang may tumalon sa akin. Nanlalaki naman ang nga mata ko nang tiningnan si Choco na siyang dumamba sa akin. What the heck? Kamukha lang ba 'to ni Choco? "Choco!" malakas na sigaw ni Alon na tumatakbo patungo kay Choco.

"Pasensiya na ho," sabi nito ngunit agad na nagulat nang makita ako.

"Isla?" Nataranta naman akong napatayo.

"Oh, hi." Awkward pa akong tumawa roon.

"I think I should get going. See you around," sabi ko sa kanya ngunit agad niya akong hinawakan sa palapulsuhan.

"Do you want to go to Aling Lina's place? My treat," tanong niya sa akin, anh nagtitinda ng pancit na madalas naming puntahan. Madalas kami roon noon kada weekends, kada walang pasok. Hindi na rin ako gaanong nakakabisita pa ulit doon. "Hindi na."

"Why do you keep on ignoring me?" Seryoso ang mukha nito nang magtanong. When I was looking at him. I thought I was already worth it but I was still the same Isla who can't even ask. Hanggang ngayon, duwag pa rin.

"I'm not. Still a lot of work to do. Next time na lang," ani ko na tipid siyang nginitian. Next time kapag nakapagmove-on na ako.

He was about to say something ngunit nagmadali na rin ako sa pag-alis.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report