Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 32

Isla's POV

Hindi ko alam kung dala lang ng kalasingan ko ang boses na narinig ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita habang patuloy na umiiyak.

"Miss na miss na kita," bulong ko na patuloy sa paghikbi.

"Naghintay ako... Naghintay ako na babalikan mo pero wala na, hindi na ako..."

"Pero huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Ayos lang kung hindi na ako..." humihikbi kong saad.

"Kasalanan ko naman, 'di ba? Kasalanan ko na pinagtulakan kang iwan ako..."

"Bakit umalis ka agad? Bakit mo ako iniwan?" tanong ko pa kahit wala namang makukuhang sagot.

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya no'ng nakita kita ulit? Tangina, sabi ko baka pwede pa... Baka binalikan ako... Baka ako pa rin..." Halos wala na akong makita dahil sa mga luha mula sa mata. "Pero hindi na nga siguro ikaw ang Alon ko... Ibang-iba na... Ibang-iba na sa Alon na minahal ko... Ang hirap mo nang abutin." Sinubukan kong punasan ang mga luha ngunit hindi ito humihinto.

"Bago ako huminto, gusto ko lang sabihin sa 'yo na ikaw pa rin hanggang ngayon." mahinang saad ko na halos hindi na maintindihan dahil sa malakas na paghikbi.

"Nasaan ka?" tanong nito mula sa kabilang linya. Napahinto naman ako do'n at unti-unting nabitawan ang cellphone ko. Hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak pero parang nawala 'yong kalasingan ko dahil sa boses na 'yon. Si Alon! That's impossible...

"Excuse me. Can I sit here?" tanong ng isang lalaki. Natameme naman ako, hindi pa rin nagproproseso na may nakikinig talaga sa akin mula sa kabilang linya.

Tumayo lang ako para pumuntang cr. Wala ako sa sariling natulala lang sa salamin. Pinakiramdaman ko naman ang sarili. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko ang mukhang punong-puno pa rin ng luha. Mukhang alam naman ni Francisco na iiyak lang ako nang iiyak dito dahil water proof ang make up ko.

Kinakabahan naman akong lumabas at kumuha na ulit ng napakaraming inumin, hindi ko alam kung dahil ba sa sakit 'to o dahil sa kahihiyan ko ngayon. Inom lang ako nang inom at halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa hilo. Masakit na rin ang ulo ko ngunit tumayo pa rin ako.

Nakangising nakiki-cheers sa kung kani-kanino.

"Cheers! Cheers to the love we can't have!" malakas kong sigaw at sumayaw pa.

"Cheers to our broken hearts!"

"Isla! Nandito ka lang pala! Halika na sa dance floor. Bitawan mo na 'yang alak mo." Nahihilo ko namang tinignan kung sino ang humawak sa akin. Ngumisi naman ako nang napagtanto na si Neneng ito.

"Can I get your number?" tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. Umiling lang ako sa kanya at kumaway pa.

Habang nagsasayaw naman ay hindi ko namamalayang napapalayo na rin ako kina Kakay. Iritado ko namang binalingan ng tingin ang isang lalaki nang hawakan niya ako.

"Putangina, bitaw nga!" Lumayo ako roon at nagpatuloy sa pagsasayaw.

"Tangina naman, sabing ayaw ko!" iritadong kong saad nang may humawak sa palapulsuhan ako. Tinignan ko naman ang seryosong mukha nito, mukha itong galit sa akin. Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanya. Humagikhik ako ng mas lalong ilapit ang mukha at mas lalong bumilis ang paghinga nito, mukhang pinipigilan ang inis sa akin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, may asul na mga mata na katulad ng kay Alon at may nunal din ito sa baba ng mata. Napangisi naman akong hinawakan ang labi nito. Iritado na ito ngayon at binuhat na ako palabas ng dance floor. "Aray..." mahina kong bulong habang inaalis ang heels ko na dahilan ng pagkapaltos ng paa.

"May kamukha ka," sabi ko na sinubukan pang bumaba. Malalalim ang hininga nito ngunit hinayaan niya akong makababa.

"Kamukha mo 'yong ex kong kakalimutan ko na ngayon," sabi ko na humagikhik pa ulit pero ramdam kong namasa ang mga mata dahil sa likidong gusto na namang kumawala sa aking mga mata.

"Gwapo 'yon, mas gwapo pa sa 'yo saka mahal na mahal ako no'n. Mahal na mahal ako kaya lang noon lang," sabi ko na ngumiti pa sa kanya ngunit tuloy-tuloy lang ang luha sa mga mata.

"Pero kahit kamukha mo 'yon, hindi pa rin ako sasama sa 'yo kaya tabi nga!" inis kong sambit at tinulak siya. Patakbo naman akong bumalik sa dance floor kahit na matapilok pa. Sumayaw pa ulit. May sumayaw sa likod ko kaya tinapakan ko ang paa nito. Madali naman siyang umalis. Napangisi naman ako.

"Party! Party!" malakas ko pang sigaw ngunit laking gulat nang nakalutang na ako.

"Uuwi na tayo, Miss," seryosong saad no'ng lalaki nakausap ko kanina.

"Eh 'di umuwi ka! Bakit pati ako?!"

"Ibaba mo ako!"malakas kong sigaw at sinipa-sipa pa ito.

"Kidnapper!" malakas ko pang sigaw. Tila wala namang pakialam ang halos ng lahat sa kanya kaya dire-diretso lang 'tong naglakad. Mas lalo naman akong nahihilo. Nang makalabas kami ay hindi ko maiwasang maamoy ang mabangong halimuuak nito. Pamilyar na pamilyar pa rin sa akin ito. Hindi ko namamalayang kinakain na naman ako ng antok.

Napatingin naman ako nang may nag-aalis ng heels ko. Nahihilo pa ako kaya hindi ko gaanong makita ang mukha nito.

"What the hell?! Huwag po!" malakas kong sigaw sa kanya. Napailing lang ito habang inaalis niya ang make up sa mukha ko. Napatitig naman ako sa kanya. Unti-unti akong naiyak nang makita ko kung sino ang kaharap ko. Alon...

"Why the fuck are you fucking crying again?" tanong niya habang marahang pinapalis 'yon.

"I'm still in love with you pero ang sakit sakit mong mahalin." Para akong inaalon sa asul nitong mga mata. Nakaupo lang siya sa kama habang nakatitig sa akin. Tumayo ako sa pagkakahiga at niyakap siya. "Payakap lang, saglit lang. Hiramin lang kita sandali," umiiyak kong saad.

"Shit!" malakas kong sigaw na napatakbo sa cr. Nagsuka lang nang nagsuka. Pinuntahan naman niya ako ngunit pagewang-gewang kong sinubukang lumabas ng bahay niya. I'm woman too. I know what her girlfriend will think if she ever saw me sleeping in my ex's house. I refuse to hurt someone because I'm in love with him.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report