TUMAKBO

Gano'n ang naging set up. Ginagawa ko pa rin ang mga trabaho ko bilang isang secretarya niya, umabot ang ganitong set up sa loob ng tatlong linggo. Sa pagsasama namin ni Rezoir ramdam ko na parang totohanan na talaga ang mga nangyayari, ang mga pinsan ko si Theo lang ang may alam sa nangyari. Hindi ko alam kung anong alibi ang sinabi nito kila Red at Lucas, miminsang napapatawag sa akin ang dalawa.

Ang malamang walang kalam alam si papa sa nangyari sa akin, mali man na itago ito sa kanya. Mas mabuti kung hindi na ito mag-aalala. Ayos naman na ako, may konting takot pa rin na nararamdaman. Kung magpapatalo ako sa takot sa huli ako rin ang mahihirapan, nagpatingin na rin ako sa doctor sa kagustuhan na rin nila Theo at Rezoir.

Nakatulong naman ang mga payo ng doctor sa akin sa kung anong dapat kong gawin. So far, masasabi kong kuntento na ako sa ganito. Gusto ko sanang bumalik na sa trabaho pero hindi pa rin ako pinapayagan ni Rezoir, nahihirapan akong kumbinsihin siya.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at agad pinatay ang nakabukas na telebisyon. May nagdo-door bell sa labas, ako lang ang tao dito dahil pumunta sa trabaho si Rezoir. Kami lang dalawa ang nasa tirahan niya, pagkabukas ko ng gate natigilan ako nung bumungad sa aking mata si Althea.

Pinagtaasan ako nito ng kilay. At nagmamayabang ang mga ngiting ipinapakita nito sa akin. Anong ginagawa niya dito?

"What? Surprised to see me here? Hindi lang ikaw ang ibinahay ni Rezoir, Constantine or should I say Azeria?" itinulak ako nito para makapasok ng tuluyan. Natulala ako sa sinabi nito, sa kaalamang una alam nito ang totoo kong pangalan. At pangalawa, natatakot akong tama ang unang sinabi nito. Hindi lang ako ang unang ibinahay nito, napasinghap ako at isinara na ang gate at naglakad na papasok. Prenteng na ka upo si Althea sa sofa, makikita sa galaw nito na hindi ito ang kauna unahang pag punta niya.

Pero kahit ganun pa man, hindi ako nagpakita ng kahinaan sa kanya. Tumikhim ako nung umupo rin ako sa mismong harap niya. "Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko. Seryoso rin ako nitong tinignan at nang matitigan ako ay napangisi kalaunan. "Hindi ko inakalang ang katulad mo ang magpapanggap sa mismong harap ni Rezoir, Azeria."

Alam kong darating sa puntong may makakaalam rin sa totoo kong katauhan, hindi ko lang inaakala na mapapaaga at si Althea pa ang nakaalam sa bagay na iyon. Babaeng may kaugnayan kay Rezoir.

"Kung may isa mang kinasusuklaman si Rezoir ay iyong mga taong, nagsisinungaling. How stupid of you para sumama rito, what? It is because inalok ka niya ng kasal sa tingin mo ba makakatohanan na ang lahat?" napakuyom ako sa mapang uyam niyang mga salita.

"Why did he ask your hand also? Ganyan ka ba nagaalala sa isang tulad ko at pumunta ka pa talaga rito?" subok ko rin rito.

"I investigated you, and I found out na kabilang ka sa isang marangyang pamilya. Hindi ka ba nahihiyang malaman ng pamilya mo kung paano ka nagamit at pinaglaruan ng isang lalaki?" napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. "W-what are saying? G-ginamit?"

"Oh! How poor you darling," exaggerated na saad ni Althea. "inalok rin ako ng kasal ni Rezoir. I thought naglalaro lamang siya, hindi ko akalaing pati ikaw aalokin niya. Kung alam ko pa lang gustong gusto na talaga nitong magpakasal, sana hindi na ako nagpakipot pa. What I'm trying to say here Azeria, ako ang naunang inalok ng kasal. Nagrerebelde lamang si Rezoir sa akin, pinapaselos niya lang ako at ang bobo mo naman para magpagamit rito." "H-hindi 'yan totoo! Nasabi na niya sa akin kung anong papel mo!" sigaw ko at napatayo. Galit niya akong tinignan, at humakbang papalapit sa akin.

"Did you see what I'm wearing? Siya ang mismong nagbigay sa akin nito, inalokan ka rin ba niya ng singsing tulad ko?" pagak na natawa si Althea nang hindi ako makapagsalita, namumuo na ang luha sa mga mata. Umiling ako sa kanya. "H-hindi...mahal niya ako!" giit ko. Pero kumikirot ang puso ko, dahil mismong ako ay dudang duda sa sinabi ko...alam kong malabong mahal ako nito. Ilang araw at oras pa lang ang pagsasama naming dalawa. "Mahal ka lang niya sa kama, Azeria. Itatak mo iyan sa kokote mo, at isa pa hindi ba at gabi na kung umuwi si Rezoir? Dahil ako ang kasama niya, in fact I met her family last night. You know for formality, ikakasal na kasi kami," Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Kaya kung ako sa'yo ngayong mas maaga pa, bumalik ka na kung saang ka nararapat Azeria. Ang pagiging haciendera lang ang bagay sa'yo, that's your reality."

Tulala lamang akong nakatayo nung iwan na ako ni Althea, bumalik sa akin lahat na parang sirang plaka ang mga pangyayaring kung saan una kong nakilala si Rezoir. At tama si Althea, hindi ako kailan man mamahalin ni Rezoir dahil una pa lang sa kama na kaming humantong na dalawa.

Siguro nga na ginamit lang ako nito dahil kumpara kay Althea mas nauna ang babae sa lalaki, nanghihina akong napaupo sa sofa at patuloy na umiiyak. Ang tanga tanga mo Azeria! Magaling lang ang lalaki sa paglalaro ng mga salita! Napakuyom ako ng kamao, hindi naman tanga ang babae para magsuot ng napakagandang brilyante. Kung hindi ito galing sa lalaki, ang singsing na ipinakita ni Althea ang siyang sumampal sa akin ng katotohanang.

Lahat ay laro lamang, ginawa lang ako nitong aliwan. Galit kong pinahid ang aking mga luha, hindi Azeria! Huwag ka ng masiyadong maging mababa. Mas mabuting nalaman mo ng maaga, may panahon ka pa para bumalik sa hacienda! Kaya iyon ang ginawa ko, mabuti na lamang at wala akong gamit na kinuha sa unit ko. Lahat ng gamit na isinusuot ko ay pawang bili lahat ni Rezoir, hindi nito ako pinahintulotan na lumabas sa kanyang tirahan. Habang lulan ako ng taxi hindi pa rin matigil tigil ang pagluha ko, ang takot kong sumakay ulit sa taxi ay natakpan dahil sakit na lang ang mas nangingibabaw.

Wala akong sinayang na panahon nung makarating ako sa condo ko, mabilisan kong pinagkukuha lahat ng mga gamit ko at inilalagay sa maleta. Umiiyak pa rin ako pero sinusubukan ko pa ring kumalma at tumigil na, nung lahat ay nakuha ko na. Iisang taxi ang sinakyan ko, nang malayo layo na kami ay doon lang ako kumalma.

Ipinagpapasalamat ko rin ang matandang driver ng taxi, magmula kaninang umiiyak ako. Wala itong ginawa kundi kuwentuhan ako, wala akong imik. Aware akong nagsasalita si manong pero walang pumapasok sa utak ko, nang subukan kong ipasok sa tenga ang mga sinasabi niya.

"Saan ba tayo papunta ma'am?"

Hindi ko siya masagot dahil pati ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong bumalik sa hacienda, pero natatakot at nahihiya ako kay papa. Hindi ko maisip na sa isang kagaya ko, kilalang matalino sa probinsya nagamit at naloko lang sa Manila. Muli ay bumagsak ang aking luha.

Napasulyap sa akin si manong at natigilan ito saglit. Medyo natakot pa ako nung itigil nito ang sasakyan sa gilid, halos hindi ako makahinga sa kaba. Napansin 'yon ni manong nung bumaba ito at binuksan ang pinto sa kinaroroonan ko, at nung tinangka ako nitong hawakan. Napahiyaw ako.

"H-huwag po! Maawa po kayo sa akin!" sigaw ko at ramdam ko na natigil ang kamay ni manong sa pagtangkang paghawak sa akin. Nagsusumiksik pa rin ako sa upuan. Napabuntong hininga si manong at nagulat na lamang ako nung isara nito ang pinto. At bumalik ito sa driver seat at hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan.

"Alam mo ba hija, hindi naman talaga ako maalam sa sasakyan. Mahirap lang kami, may anak akong dalagang pinagaaral at nasa kolehiyo na ito. Nung nasa grade twelve siya ay doon ako nagsimulang mag aral kung paano gumamit ng sasakyan, pangarap ng anak kong sumakay ng taxi katulad ng mga kamag aral niya. Isang varsity player ang anak ko sa isang volleyball, isang hapon ay pagod ito sa paglalaro. May sapat na ipon siyang pera para sumakay ng taxi," natigilan ako ng natawa si manong. Pero bahid ng lungkot ang pagkakatawa niya. Halatang hindi siya natutuwa.

"Isang gago lang ang napara niya sa hapong 'yon. Napagsamantalahan ang anak ko...wasak na wasak ako sa tagpong iyon. Malaking trauma ang nakuha ng anak ko, kaya talagang nagsumikap akong matuto kung paano mag drive ng taxi. Hindi dahil kumita ng pera, para maisalba ang mga walang pusong driver na gumagawa ng masama sa mga pasahero nila. Magmula noon hanggang ngayon, hatid sundo ko pa rin ang anak ko," nilingon ako ni manong at magaan na nginitian. Mas napaiyak ako sa nalaman, napagkamalan ko pang masama ang matanda.

"Ang kagamitang nasa tabi mo ang palaging hawak ng anak ko, maski ako ay nakasanayang ginagamit at laging dala na ang bagay na 'yan." Isang stress ball ang siyang gustong ibigay pala sa akin ni manong.

Umandar na ang sasakyan, balik ulit sa pagkukuwento si manong. Nung mahanap ko na ang salita, humingi ako ng tawad sa kanya.

"Matapang ka hija, dahil sa kabila ng lahat. Sinubukan mo pa ring sumakay sa ganitong sasakyan, kahit alam mong babalik sa'yo ang lahat ng nangyari."

"K-kamusta na po ang anak niyo?"

May kung ano itong tinignan at napansin kung may larawang nakasabit sa sasakyan nito. Larawang mayroon sila ng kanyang anak.

"Ayos na ang anak ko hija, sa awa ng diyos. Aktibo na ito sa organisasyong may kinalaman sa pang aabuso. Hindi niya man naipagtanggol ang sarili noon, ngayon ay siya na ang magliligtas sa mga taong gaya niya ay may parehong karanasan. Gumaan na ang pakiramdam ko sa ilang minutong pag uusap namin ni manong, nang tumigil na ang sasakyan. Doon ko tinignan ang lugar, ang sabi ko kay manong ay dalhin ako sa lugar na walang makakahanap sa akin. Kung possible ba 'yon, pero nginitian lamang ako ni manong at hindi na nagsalita. Nahihiya mang napagkamalan kong masamang tao ito, sa loob ko ay nagtitiwala ako rito.

Bitbit ang mga maletang naglalakad, nang malapit na ako sa pier. Nilingon ko ang si manong, nakatingin ito sa aking banda. Kinawayan ako nito at may ngiti sa labi. Ipagsasalamat ko sa diyos na siya ang natagpuan ko sa oras na ito. "Papunta sa liblib na isla ang pier hija, hindi masiyadong pamilyar ang isla sa mga taga Maynila. Naniniwala akong magiging ligtas ka sa lugar na 'yon, nasa papel na ito ang taong kakilala ko. Huwag kang mag-aalala at ka pag nakasakay ka na, ay itatawag ko ora mismo rito na titignan ka."

"Hindi niyo na po kailangan gawin 'yon manong. Sobrang tulong na po ang nagawa niyo, nagpapasalamat na po ako dahil itinuro niyo ang lugar na maaari kong paglagian."

"Sana ay mahanap mo ang payapang hinahanap mo sa isla hija, huwag mo munang alalahanin ang mga taong tinakbuhan mo. Saril mo muna ang alalahanin mo pansamantala."

Tuluyan na akong sumakay sa pier, bahagya akong napahaplos sa sariling braso nung yakapin ako ng ihip ng hangin. Patawarin ako ng mga pinsan ko at ang papa, ayoko munang magpakita sa kanila. Gayong puno ako ng kahihiyan sa katawan, kung ano mang naghihintay sa akin na kapalaran sa isla.

Buong puso kong haharapin, ang ganitong paraan lang ang naiisip ko. Ang tumakbo muna sa mga taong na dismaya ko, at higit sa lahat takbuhan ang lalaking sumira sa akin ng buong buo. Pinahid ko ang luha sa aking mata, huli na 'to Azeria. Huling luluha ka sa isang lalaki, ito na ang huli.

Payapa kong pinagmamasdan ang agos ng dagat sa nagsunod na minuto. Sa dakong kanluran, napansin ko na ang mga kabahayan. Narating na namin ang isla, islang tiyak na magiging bagong aking tirahan. Kasabayan ang mga ibang pasaherong naglalakad ay binabagtas ko rin ang daang hindi tiyak kung pa saan.

"Hija, ang pangalan mo ba ay Azeria." napatingin ako sa bandang gilid ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Isang kaedaran rin ni manong ang siyang ngayo'y nagtatanong, kumirot ang puso ko sa kaisipang totoo nga ang sinabi nito.

Nag aabang na nga ang kaibigan ni manong, lumakad ako palapit rito. Umiling ang babaeng pinagtanungan ni manang, isang matandang babae ang nagtatanong sa pangalan ko. "Manang," tawag ko. "Ako po si Azeria." Ani ko. Agad naman itong nangiti at magiliw akong nilapitan.

"Ikaw pala ang binilin ni Lito, 'yong sinabi niyang tumakbo." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni manang, dahil 'yon rin naman ang totoo. Tumakbo naman talaga ako, tumakbo para magtago.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report