The Shimmy of Love -
Chapter 1
Napatingin si Chantelle sa kanyang paligid habang nakapila. Sinundan niya ang isang bata na nasa kanyang walong taong gulang yata. Napansin na niya ito sa kanyang connecting flight mula Manila hanggang Honolulu at ngayon ay mula Honolulu papuntang Auckland bago Apia, Samoa.
"Who's your guardian?" ang tanong ng clerk ng airline sa bata na tagabigay ng boarding pass.
"No one. I'm traveling by myself," ang tugon ng batang babae na itinaas pa ang ngusong tila proud pa ito sa achievement nito so far. She was petite with long black hair and beautiful brown eyes. Sa madaling salita, isa itong mestiza. "Ah, right. I'm sorry. I was looking for her all over the place. I was about to turn her over to one of your attendants, as requested by her uncle, but she just left the plane without a word," singit na sabi ng isang babaeng flight attendant ng connecting flight nila mula sa Pilipinas.
"Oh, I see. She's indeed in our unaccompanied minor record." Kinausap nito ang isang kasamahan na tumalikod naman at bumalik itong may kasamang flight attendant ng Samoan airline.
Nakamasid si Chantelle sa batang kawawa at walang kasama sa flight nito papuntang Samoa. Magkatabi pa naman sila kanina sa eroplano ngunit tahimik lang ito. Akala lang niya ay kasama nito ang isa pa nilang kasama sa row seat na isang matandang babae. Hindi pala at ngayon niya lang ito nalaman.
Nakita niyang gumalaw na ang pila pagkaalis ng bata kasama ang isang Samoan flight attendant. Pagkatapos ay binigyan na siya ng boarding pass. Sinundan na lang niya kaagad ang bata at nagtungo na sa waiting area. Nakita niyang dinala na ang bata diretso sa gate patungo sa eroplano dahil nga underage ito at mag-isa lang na nagta-travel. Dahil allowed naman ng US airline ang mga bata mula limang taon na puwedeng mag-travel nang walang kasama kaya may mga "unaccompanied minor" procedures ito.
Napatingin si Chantelle sa relo sa waiting area. She still had to wait for an hour before it was boarding time. Napatingin siya sa mga fastfood na nasa malapit lang at naisipan niyang bumili ng makakain. Pagkatapos ay nagbasa na siya ng dalang magazine para pamatay-oras hanggang boarding time.
Nang makaupo na siya sa kanyang designated seat sa loob ng eroplano ay napasandal siya. Baka ayos lang na pumikit muna siya bago sila darating sa Samoa. Pagod siya dahil sa kaka-anticipate na matapos na ang biyaheng ito and to start right off with her papers na magkaroon ng belly dance studio sa Apia, Samoa. Buti na lang at tutulungan siya ng kanyang kaibigang nakatira na roon na si Carlie.
"Excuse me," ang hinging despensa ng isang boses ng bata pagkatapos ng ilang sandaling nakapikit na siya ng mga mata.
Napamulat siya at umupo nang maayos dahil uupo ito sa tabi niya. Nakilala niya ito kaagad.
"Dito ka nakaupo?" ang naitanong niya sa bata sa wikang Tagalog.
"Opo. Pumunta lang po akong banyo," ang magalang na sagot nito.
Hindi siya nagkamali. Pinay ang tisay at magandang batang ito. Pero ano naman ang gagawin nito sa Samoa nang mag-isa?
"Magkasama pala tayo ng connecting flights papuntang Apia. Bakit mag-isa ka lang?" ang tanong niya sa bata.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Kumibit naman ito pagkatapos nitong maisuot ang safety belt dahil nagsasalita na ang flight attendant ng instructions nang umandar na ang makina ng eroplano.
"I don't have parents anymore. Kamamatay lang ng mommy ko at may sakit ang lola ko kaya hindi niya ako masamahan papuntang Apia. May uncle akong doon nakatira nakababatang kapatid ng late dad ko. I'm going to live there for good. Sobrang busy lang talaga ni Uncle Lebrandt kaya hindi niya ako nasundo. Besides, sinabi ko sa kanyang kaya kong magbiyahe mag-isa, kasi may iba sana siyang uutusan para sunduin ako."
"Oh, I see, sorry to hear that. You're such a brave little girl," nakangiting aniya sa bata. "Siyanga pala, puwedeng makipagkaibigan? Ako si Chantelle de Jesus," at nakipagkamay siya bata.
"Ley Daphne Olsen," ang nakangiti ring tugon ng bata. "I think I already like you, Ate Chantelle." Bumungisngis pa ito.
Napatawa na rin siya. "Chantelle na lang. Huwag na 'yong Ate. Magkaibigan naman na tayo, eh, 'di ba? 'Tsaka wala na tayo sa Pilipinas," nakangiting aniya sa bata at kinindatan ito.
Ngumisi naman sa kanya ang bata at tumango. Nagkuwentuhan sila habang lumilipad ang eroplano. Naikuwento na rin niya sa bata na isa siyang ulila at lumaki sa isang orphanage ng mga madre kaya de Jesus ang apelyido niya. Iyon ang napili ng madreng gamitin niyang apelyido at siyang inirehistro. Sinabi niya ring ang isang kaibigan niyang ulila noon na natagpuan na ng ama nitong half-German at half-American na nakatira sa Samoa ay nakatira ngayon sa Apia at ito ang tutulong sa kanya roong makapag-umpisa ng panibagong buhay at magtayo ng belly dance studio.
"O? Belly dance studio? Gusto ko ang sumayaw ng belly dancing. Gusto kong matuto, Chantelle!" excited na anito sa kanya, nagniningning ang mga mata.
"Sige, tuturuan kita nang libre," nakangiting pangako niya sa bata.
"Thank you, Chantelle!" Halatang tuwang-tuwa ito.
Nakalapag na sa Auckland, New Zealand, ang eroplano pagkatapos ng mahigit tatlong oras. Doon ay pumila silang lahat ng pasahero saka tinitimbang ang malalaking pasahero. Dahil ang airlines pa-Samoa ay mayroong weight system for plane capacity in and out of the country dahil eighty percent ng populasyon ay obese.
Ilang oras din silang naghihintay para sa kanilang susunod na flight papuntang Apia. Apat na oras din ang biyaheng iyon.
Kinausap na ng bata ang airline na si Chantelle na ang kanyang guardian mula rito. Kahit na nag-alangan ang mga attendants ay pumayag ang mga ito dahil sa kinunan naman ng detalye ang dalaga at contact number at kung sino ang nag- invite sa kanya sa Apia.
Nagkukuwentuhan pa rin sila hanggang sa makasakay na sila ng eroplano. Nakatulog ang bata sa pagod. Alas otso ng umaga sila darating sa Apia. Siguro ay dapat din siyang matulog kahit saglit lang.
Pumunta siya ng banyo, nag-toothbrush, at nag-retouch ng kanyang manipis na makeup. Mayamaya ay lalapag na ang eroplano sa Apia-Faleolo International Airport. Pagbalik niya sa kanilang upuan ay hindi na niya nakita ang bata. Hinanap niya ito. Umupo siya at tinawag ang isang flight attendant na babaeng Samoan ang beauty.
"Have you seen the little girl with me?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report