Skyler's Pov

Lulan kami ngayon ng sasakyan at magkatabi kami rito sa likod ni prince Alex dahil ang nagmamaneho ay si manong Henry, maglilibot-libot kasi kami sa bayan kaya sinama niya si manong Henry para ay may magbantay sa sasakyan habang kami ay nag-iikot.

"Ano ang una nating titingnan sa bayan prince Alex?" tanong ko rito

"Kahit ano na lang siguro gusto ko lang naman malaman ang kalagayan doon" sagot nito at tinanguan ko ito bilang tugon.

Sa bayan ay makikita namin ang pinakamahihirap na mga tao dito sa kaharian, nakapunta na ako doon ngunit isang beses lamang iyon ng isama ako ni manang Linda na mamalengke sa bayan dahil ubos na ang stocks ng pagkain sa ref noon. Masasabi ko na talagang napakasisipag ng mga tao roon at nagustuhan ko ang mga street foods na tinitinda ng ilan doon, susubukan ko ngang patikimin nun si prince Alex baka sakaling magustuhan niya rin. "Narito na po tayo mahal na prinsipe" wika ni Manong Henry nang makarating kami sa bayan.

"Thankyou Manong tatawagan na lang po kita kapag susunduin mo na kami" sabi ni prince Alex na tinanguan naman ni manong.

Lumabas na kaming dalawa ni prince Akex at sinalubong kami ng maingay na paligid at napakaraming tao na abalang abala sa paglalako at pag-aalok ng kanilang mga tinitinda.

"Ganito ba talaga rito?" tanong bigla ni prince Alex sa akin

"Oo kamahalan at sa tingin ko ay iilan lang ang nakakakilala sayo rito marahil ay walang TV ang karamihan sa kanila kaya hindi nila napanood nung ipakilala ka ng hari bilang anak niya" paliwanag ko rito "Mas mabuti na iyon dahil ayoko na magkagulo sila rito" sagot niya at naglakad na kami.

Sa aming paglalakad ay may mga iilan siyang kinakausap tungkol sa kung ano ang kalagayan nila rito habang ako naman ay nakamasid lang sa ginagawa niya.

Napahanga niya na naman ako dahil sa dedikasyong pinapakita niya na gusto niyang alamin ang tunay na kalagayan ng mga tao dito sa bayan.

"Sakto naman sana ang aming kinikita rito iho kaso ang mahal ng renta dito sa pwesto namin" sagot ng matandang babae na kinakausap niya dahil tinanong niya ito kung sapat ang kinikita nila para sa pamilya nila. "Ho? Eh hindi po ba ipinag-utos ng ama kong hari este ng hari rito na libre ang mga pwesto niyo rito sa bayan" takang tanong ni Alex sa matanda.

Totoo iyon ayaw ng mahal na hari na sinisingil ang mga tao rito ukol sa kanilang pwesto para sa ganon ay sapat pa rin ang maiuuwi nila sa kanilang pamilya.

"Hindi naman nagpupunta rito ang mahal na hari iho kaya may mga taong umabuso at wala naman kaming nagagawa dahil makapangyarihan rin sila" malungkot na saad ng matanda kay Alex

Nakita ko naman sa mukha ni prince Alex ang labis na pagkadismaya alam kong nalukungkot siya sa nalaman niya at kahit ako ay nabigla din dahil umiiral pa pala ang mga ganong kaganapan dito sa bayan. "Ganon ho ba? Tanggapin niyo po ito bilang regalo ko sa inyo" sabi ni prince Alex sabay abot ng sobre na naglalaman ng salapi.

"Nako iho napakalaking halaga naman nito" manghang sambit ng matanda

"sa inyo na ho iyan at umuwi na po kayo at kumain kayo ng masarap na pagkain kasama ng pamilya mo" sagot ni prince Alex rito

"Maraming maraming salamat iho napakasaya ko" saad ng matanda na halatang halata sa kaniyang mukha ang labis na katuwaan.

Umalis na kami ni prince Alex sa pwesto ng matanda at pinagpatuloy ang paglilibot nang makita ko ang tindahan ng street foods na gustong gusto ko. "Alex tara bili tayo non!" sabi ko sabay turo toon sa tindahan

"Huh? No Sky marumi yan!" sagot nito sa akin

"Anong marumi? Malinis yan at masarap pa kaya tara na" wala na siyang nagawa ng hinila ko siya papunta doon sa lalaking nagtitinda.

"Kuya pahingi nga po ng dalawang baso" sabi ko at binigyan naman kami agad ni kuya.

Kumuha ako ng stick at tsaka ko tinusok ang fishball at nilagay iyon sa baso ko, napansin ko naman na nakatingin lang si prince Alex sa ginagawa ko. "Ano pang hinihintay mo? Kumuha ka na rin" sabi ko sa kaniya

"Marumi yan Sky wag mong kakainin yan!" sagot nito sa akin

"Iho hindi marumi yan, malinis yan at masarap pa" sabi ni kuya sa kaniya

"Oo nga Alex ito subukan mo" wika ko at tinusok ang fishball sabay sawsaw doon sa matamis na sauce at tsaka pinwesto sa harap ng bibig niya.

"Sure ka ba jan?" takang tanong ni Alex na tinanguan ko naman.

Nagtagumpay naman ako at kinain niya ito, nakita ko na parang nagulat siya sa lasa ng kinain niya.

"Wow hindi ko inexpect na ganito kasarap" ngumunguya niyang saad sa akin.

"Sabi ko sayo masarap eh" sabi ko at pinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang sa mabusog kaming dalawa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Hindi namin namalayan ang oras at malapit na palang magdilim kaya tinawagan agad ni prince Alex si manong Henry upang sunduin kami rito.

"Thankyou Sky, nasarapan talaga ako doon sa fishball" saad ni Alex habang kami ay nakasakay sa sasakyan niya.

"Walang anuman prince Alex, masaya ako dahil nagustuhan mo" nakangiti kong sambit rito

Ilang saglit pa ay nakarating agad kami sa loob ng palasyo at nadatnan namin ang hari at reyna sa kanilang trono. "Saan kayo nagpunta Alexander?" bungad na tanong sa amin ng hari

"Nagpunta lang po ako sa bayan ama dahil gusto kong makita ang kalagayan ng mga tao roon" sagot ni prince Alex "Mahusay Alexander dahil nalalapit na rin na maging ganap kang prinsipe ng kaharian ng Monte Verde" saad ng Reyna "Salamat po Ina" sagot ni prince Alex

"Ngunit anak wala ka pa bang napupusuang babae na magiging asawa mo at magiging katuwang mo sa pamamahala ng kaharian?" dagdag pa ng reyna.

Nag-iba naman ang pakiramdam ko dahil doon, totoo nga na kailangan niya ng katuwang sa pamamahala dito sa kaharian at malabong ako iyon dahil una sa lahat ay hindi naman ako babae. "Darating din po tayo diyan ina pero hayaan niyo po muna akong sulitin ang aking pagkabinata" sagot ni prince Alex

"kung iyan ang gusto mo anak" sambit ng hari na tinanguan lang ng prinsipe.

Sana ako na lang ang maibigan ng prinsipe kasi hindi ko maisip na maikakasal siya sa ibang babae, iisipin ko pa lang ay para ng sinasaksak ang aking puso.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report