Alexander's Pov

Isang buwan ang nakalipas at ito pa rin ako na parang balisa at hindi makapaniwala sa lahat ng pinagdaanan ko.

Gusto kong magalit kay Sky pero hindi kaya ng puso ko, maalala ko pa lang ang itsura niya at yung mga panahong masaya pa kaming magkasama ay nawawala na agad ang galit ko sa kaniya. Sa loob ng isang buwan ay palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang pagkukulang ko at bakit niya ako nagawang iwanan ng ganun ganun na lang.

Sobrang sakit at wala akong ginawa tuwing gabi kundi ang uminom ng alak kasama ang mga kaibigan ko maliban kay Claude.

Isa pa sa iniisip ko ay kung bakit hindi pa nagpapakita sa amin si Claude, kapag inaaya namin ito ay palagi niyang sinasabi na may mahalaga siyang ginagawa kaya hindi siya makakapunta.

Kahit wala si Sky sa tabi ko ay hindi ako sumuko dahil naniniwala ako na isang araw ay babalik din siya sa akin at ipagpapatuloy namin ang naudlot naming pagmamahalan.

"Baby Alex are you ready?" malanding tanong sa akin ni Thyra.

Narito kami ngayon sa silid ko at kakatapos lang namin maghanda para sa magaganap na pag-aanunsyo ngayon na ikakasal na kami.

Hindi ko naman gusto na ikasal sa kaniya kaso ipinilit lang ito ng mga magulang namin dahil ngayong buwan rin ay kaarawan ko na at magiging ganap na akong prinsipe kaya kailangan ko ng magkaroon ng katuwang sa buhay. Sinabihan ko sila na kaya ko naman gampanan ang aking pagka prinsipe kahit na wala akong asawa pero pinagpilitan nila na kailangan akong ikasal kay Thyra kaya wala na akong nagawa dahil ayaw kong magalit sa akin ang aking mga magulang.

"Alexander ang itawag mo sa akin" matigas na sagot ko rito.

"Bakit si Skyler lang ba ang pwedeng tumawag sayo ng Alex?" napatingin naman ako dahil sa sinabi nito.

"Huwag mong banggitin ang pangalan niya!" inis na sabi ko rito.

"Ano bang meron sa baklang iyon at siya ang minahal mo kesa sa akin?" di ko napigilan ang aking sarili at hinawakan ko ito sa magkabila niyang braso.

"Huwag na huwag mo siyang tatawagin sa di kaaya-ayang pangalan kung ayaw mong magalit ako sayo!" sigaw ko sa kaniya.

Napansin ko naman na natakot ito sa akin pero wala akong paki dahil ayaw ko na bastusin niya si Sky.

"Nasasaktan ako Alexander" daing nito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa mga braso niya.

Binitawan ko na ito at agad naman siyang napaupo sa kama ko.

*TOK TOK TOK

Napatingin kaming dalawa sa pinto ng may kumatok dito, dahan dahan itong bumukas at iniluwa nito si manang.

"Pinapatawag na po kayo sa baba ng inyong mga magulang dahil dumating na po ang mga bisita niyo" sabi niya sa amin

"Sige po manang bababa na kami" sagot ko kaya sinarado niya muli ang pinto.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang aking sarili, nang sa tingin ko ay ayos na ako ay agad akong lumabas at nakita ko naman na sumunod si Thyra sa akin. Nang makarating kami sa trono ng Reyna at Hari at nakita ko ang mga bisita na inimbitahan ng mga magulang namin.

Dito gaganapin ang pag-anunsyo sa harap ng trono ng Reyna at Hari, naghanda sila ng maraming mga lamesa at upuan para maging comfortable ang mga bisita. "Anak mabuti naman at bumaba na kayo dahil sisimulan na natin ang kaganapan ngayon" sabi sa akin ni Ina.

"Hindi na po ba ako pwedeng umatras Ina? Alam mo namang ayaw ko nito" sagot ko sa kaniya.

"Anak wala ka ng magagawa kasi malapit ka ng maging prinsipe kaya kailangan mo ng pakasalan si Thyra" nainis naman ako sa tinuran ng aking Ina.

Pumwesto na kami sa harapan at napatingin naman ang mga bisita sa amin.

"Magandang Hapon sa inyong lahat, marahil ay nagtataka kayo kung bakit namin kayo pinapunta dito" panimulang sambit ni Ina sa mga bisita.

"Mayroon kaming mahalagang iaanunsyo sa inyong lahat tungkol sa anak kong si Prince Alexander at Princess Thyra!" bigla naman nag bulung-bulongan ang mga bisita dahil sa winika ni Ina. Wala akong emosyon na pinapakita sa kanila dahil wala naman akong paki sa mga nangyayari ngayon, ang gusto ko lang ay si Sky.

"Gusto kong sabihin sa inyo na si Alexander at si Thyra ay malapit na ikasal!" Nakita kong lahat ng bisita namin ay nagulat at yung iba naman ay natuwa.

Binigyan nila kami ng malakas na palakpakan pero ako ay nakatitig lamang sa mga bisita.

"HINDI KAYO PWEDENG IKASAL!" napatingin kaming lahat sa pinto ng biglang may sumigaw.

Iniluwa nito ang taong matagal ko ng hinihintay na bumalik at siya rin ang taong mahal na mahal ko, biglang nabuhay ang natutulog kong puso at ibayong saya ang naramdaman nito.

"Ano pinagsasabi mo? At bakit ka pa pumunta dito hindi ba pinagbawalan ka na nag Reyna na tumuntong dito?" mataray na tanong ni Thyra at napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang huling sinabi. "Pinagbawalan siya ng Reyna? Hindi ba ang sabi niyo ay nakipagtanan siya kay Ash?" tanong ko sa kaniya.

Napansin kong hindi siya mapakali dahil sa winika ko at tiningnan ko si Sky dahil naguguluhan na ako.

"Pumunta ako dito para linisin ang pangalan ko sa inyong lahat! Hindi ako ang nagnakaw ng kwintas ng Reyna kundi si Thyra mismo!" Matapang na saad ni Sky.

Nagulat naman ang aking Ina dahil sa sinabi nito.

"Paano mo naman papatunayan ang lahat ng ito?" Tanong ni Ina.

Bigla naman pumasok sa pinto si Claude at kasama niya si Ash, bigla akong nagalit ng makita ang lalaking umagaw sa taong mahal ko, gusto ko siyang lapitan at sapakin pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "Hayaan niyong ikwento ni Ash ang lahat ng pangyayari dito sa loob ng palasyo habang wala si Alex". Napangiti naman ako dahil tinawag niya pa rin akong Alex.

Lumapit si Ash sa gitna at nagsimulang magkwento ng mga kaganapan dito sa palasyo, lahat kami pati ang mga bisita ay seryosong nakikinig lang kay Ash at nagulat kami sa aming mga nalaman. All this time ay niloko lang pala ako ni Thyra!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report