The Perfect Bad Boy
Epilogue Wakas

"Hmmmm..." Napa ungol ako bigla. Naramdaman ko kasi na mayroong tumatapik sa pisngi ko, nang matauhan ako ay bigla akong umayos ng upo. Ay, tanga! I'm kidnapped pero nakuha ko pang matulog?

Narinig kong bumukas ang van kaya napakunot ang noo ko. Nasa dagat ba kami? Naririnig ko kasi ang munting hampas ng alon.

"Hoy mga gago kayo! Bakit niyo ba ako dinala dito? Ano? Kukuhanin niyo ba ang laman loob ko? Pwede ba isa isa lang? Tsaka, wag niyo muna ako tsugiin, ah? Babalikan pa kasi ako ng boyfriend ko eh." Halos hingalin ako sa diretsong pagsasalita ko.

"Pfffffft---" napakunot ulit ang noo ko ng marinig ko ang pagpipigil ng tawa ng tatlong bibe na kumuha sa akin. Mga gago nato! Kapag ako talaga nakawala dito! Naku, naku!

"Hoy! bakit mo ako hinihila?" Paano may humihila sa akin. Tapos hindi ko pa makita kasi may piring pa din yung mga mata ko.

"Ibang klase ka talaga!" Meron nagsalita na hindi ko naman naintindihan. Pero ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Patuloy ang pagpupumiglas ko. Yung tatlong lalaki naman ay hawak hawak ako. Seriously? Sa tingin ba nila makakatakbo ako? Ni hindi ko nga alam kung nasaan kami.

"bakit mabato dito? Hawakan niyo ako mabuti ah?" Pagtataray ko. Grabe! Nagkaka altapresyon na naman ako. Wait, huling naramdaman ko ito kay Glen eh.

Naiinis ako! Ang tagal mo gumising. Sino na ngaun ang sasagip sa akin? Talaga bang katapusan ko na? Ala naman akong inagrabyadong tao. Bakit palagi nalang sa akin nangyayari ito? On ther part, medyo nawiwirduhan ako sa sarili ko dahil hindi ako masyadong kinakabahan.

Binitawan nila ako. Nakatayo lang ako at naghihintay ng gagawin nila. Lumakas ang mga alon na naririnig ko. Kung nasa dagat ako, lulunurin ba nila ko? Oh, gosh! Baka naman ipapaing nila ako sa pating?

Walang nagsasalita kaya naman nagtaka ako. Wala din nag tutulak o nanakit sa akin. Kinalma ko ang sarili ko at pinakiramdaman ang paligid. Waahh! Mga lapastangan! Iniwan ba nila ako?

Huminga ako ng malalim at unti-unting tinanggal ang piring sa mata ko. Medyo pumikit pa ako dahil bumungad sa akin ang sinag ng araw.

Blurred ang paningin ko, natanaw ko na may nakatayo sa harap ko na lalaki kaya sinapak ko agad siya.

"What the fucking fuck, Julia!!" Natigilan ako at nagtambulan na naman ang puso ko. Pakiramdam ko ay huminto ang oras ng marinig ko ang boses niya. Pumikit ulit ako at dumilat.

Isa isa nang nagtuluan ang luha ko ng makita ko siya sa harap ko. Naka igting ang panga niya tsaka nakatingin sa akin ng masama.

"Lumaban ako mula sa kamatayan pero hindi ko inakala na ikaw ang papatay sa akin. Tangina! Pangalawa na yan.." Masungit na sabi niya. Wala akong magawa kundi ang kumurap kurap sa harapan niya. Is he even real?

Napatingin pa ako sa tumawa sa likuran. Si Simon at Dominic. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nandito siya? Nandito na siya? Binalikan niya ako?

"Para ka talagang gangster.." Umiiling na sabi niya. Ako ay tulala pa din habang tuloy tuloy na pumapatak ang luha ko. "Hindi ka pa din ba nagbabago? Ang tagal natin di nagkita, siga ka pa din?" tuloy tuloy na sabi niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita.

"Hoy! Julia! Magsalita ka nga!" Iritableng sabi niya.

"T-totoo kaba?" Nauutal na sabi ko. Dirediretso lang ang luha ko at halos wala na ngang lumabas sa bibig ko na salita dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko kasi nanaginip lang ako.

Ngumisi siya at dahan dahan lumapit sa akin. Hindi kasi ako makagalaw at para akong na estatwa. Lalo akong napahagugol ng hinila niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi. Kahit umiiyak ako ay napapikit nalang ako. He's starting to move his lips kaya sinabayan ko. His tounge is searching for an entrance to my mouth kaya binuksan ko ng kusa ang bibig ko. He smirked in between of our kisses. He's kissing me passionately na para bang sabik na sabik. I burst out a cry. Totoo siya! nandito na talaga siya.

"Naniniwala ka nang totoo ako?" Pinahidan niya ang luha ko."God, I missed you baby, so damn missed you.." Niyakap ako ni Glen kaya yung puso ko ay humahataw na naman. Nandito pala kami sa Zambales, right exactly sa rock formation kung saan nandoon ang diving board. Kitang kita mo dito ang papalubog na araw at kulay orange na langit.

Unti unti akong tumango. "Bakit ang tagal mo? Ang tagal tagal mong bumalik? Hindi mo ba alam na miss na miss na din kita?" Napahikbi pa ulit ako. Ngumiti siya kaya parang natutunaw na naman ang puso ko. Lalong gumanda ang features niya. Mas nagmatured lang nang ka onti pero mas gumwapo siya tsaka lalong nadepina ang perpektong panga niya.

"Does it matter now? Bumalik naman ako diba? Binalikan naman kita.." Pinahidan niya ang mga mata ko na patuloy ang pag agos ng luha. Ang saya saya ko. Hindi ako makapaniwala pero ang saya saya ko.

"Bakit hindi mo sinabi--" hindi na niya ako pinatapos magsalita ng bigla siyang pumwesto sa likod at niyakap ako mula doon. Napapikit ako sa sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko na parang gusto ng lumabas sa dibdib ko. Napapapikit pa nga ako ng halikan niya ang ulo ko.

"Kasi ayokong mag-alala ka, Julia. Gusto kong ituloy mo ang buhay mo at mga pangarap mo kahit wala ako. I wasn't even sure kung makakayanan kong labanan yung injury ko noon. Ayokong problemahin mo iyon. Hindi ko sinabi kasi gusto kong i-cherish yung moment na magkasama tayo."

Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ang sarap ng feeling. Ang tagal kong hinintay ng moment na ito. Hindi ako sigurado na mangyayari ito, pero eto na, nangyayari na.

"Pero ako ang may kasalanan kung bakit nangyari seyo lahat yan, Glen." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa kumpol ng ibon na dumaan sa harap namin ni Glen. Huminga siya ng malalim at hinarap ako.

"It was my choice, Julia. You don't have to blame yourself. Ako ang may gusto na protektahan ka dahil mas hindi ko kaya kapag seyo may nangyaring masama. Diba alam mo naman na ikaw ang kahinaan ko? Hindi ko kayang may mangyaring masama seyo. Though, fate played us well. But still, lumaban ako, Julia. You're maybe my weakness, but you are also strength. Pinilit kong mabuhay para makabalik seyo. Pinilit kong mabuhay para maipagpatuloy yung tayo. And you made me happy coz' you've waited for me.."

Ngumisi siya." Damn it! I'm being cheesy as fuck!" Natatawang sabi niya na tila ba nahihiya sa mga sinasabi niya. "I never thought that I could love someone like this, yung sobra sobra, yung ayaw matapos, yung umaapaw. I'm so inlove with you.."

Hinalikan ni Glen ang noo ko at niyakap ulit ako sa likod. Bakit wala akong masabi? Ang tagal kong hinintay to pero alang gustong lumabas sa bibig ko.

"Sobrang proud ako seyo, alam mo ba yon? Proud ako seyo kasi lumaban ka kahit wala ako. Lumaban ka para sa mga pangarap mo. Hindi ako bumalik agad kasi pinalakas ko pa ang sarili ko. Gusto ko, kapag bumalik ako dito ay hindi na kita iiwan. At yung sakripisyo natin? It's all worth it. You're all worth it, baby.."

Ramdam ko na nakangisi si Glen. Wala akong mahagilap na salita. Pakiramdam ko kasi ay nasa isang bangungot pa din ako kahit alam kong totoo siya. He's talking to me like nothing happened. I just can't take it all. He's just too much for me. This is too much for me.

"Natupad muna lahat ng pangarap mo, Julia.. Pangarap ko naman ang tutuparin ko." Bumitaw siya sa akin. Kunot noo ko siyang tinignan. Ano pa ba ang pangarap ng isang Silverio?

"Do you trust me, Julia?" Seryosong sabi niya. Without a second thought ay tumango ako sa kanya. Ngaun paba ako magdududa sa kanya? Pagkatapos ng lahat?

"Take my hand." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti ako. Mabilis kong inabot ang kamay niya. Pumwesto kami sa dulo ng diving board. Wala akong maramdaman takot o kaba.

"If I ask you to jump, would you jump?" Seryosong seryosong sabi niya. Lumunok ako. Waahh! baka itulak na naman niya ako.

"Hindi kita itutulak." Natawa siya ng bahagya at pinitik ang noo ko kaya napanguso ako. Nabasa niya naiisip ko?

"Will you jump, Julia?" Ulit niya. Walang sabi ay bumitaw ako sa kamay niya at mabilis na tumalon sa dagat.

Pagbagsak ko sa tubig ay nagfloating ako agad. Naiyak na naman ako kasi napapalibutan ako ng madaming pulang rosas ang nakalutang sa tubig.

Parang panaginip.. Nagpalutang lutang ako habang pinagmamasdan ang mga rosas na nakakalat sa tubig. This feeling is superb. This is breathtaking.

"Are you happy?" Napasinghap ako ng biglang lumitaw si Glen sa harap ko. Napasinghap pa nga ako ng magtama ang balat namin. He's all smiling tsaka ako niyakap ng mahigpit. I hugged him back. I feel safe and secured. I feel complete. "Kahit naman hindi mo ginawa 'to. Bumalik ka lang, masayang masaya na ako, Glen. " ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Kulay orange na ang langit kaya ang gandang pagmasdan.

"But I want to, gusto ko din makuha ang pangarap ko." Nakangiting sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Huh?" Takang tanong ko kaya umirap siya. Ang gwapo gwapo niyang magsungit. Namiss ko yang pagsusungit niya.

"You're ruining the moment, stupid!" Masungit na sabi niya tsaka pinitik yung noo ko. Kung hindi lang over flowing ang nararamadaman ko para sa kanya ay baka sinapak ko ulit siya. Hindi ko akalain na masama pa din talaga ang ugali niya. Huminga ng malalim si Glen at umiling na para bang naiinis. Nagtama ang paningin namin. Ayan na naman ang puso ko. Idinikit niya ang katawan niya sa akin tsaka niya hinaplos ang pisngi ko.

"Ikaw ang pangarap ko, Julia." Sobrang sincere niya kaya naluluha na naman ako. Bakit ganyan kang magmahal badboy ka? Deserving naba ako para sa kanya?

"Pangako, babaguhin ko ang sarili ko para seyo, Glen. Magsisikap ako ng mabuti para maging deserving ako seyo." Pakiramdam ko kasi sobra sobra siya para sa akin. Ayokong maniwala na totoo siya pero alam kong totoo siya. Hindi lang ako makapaniwala na may ganitong lalaki na magmamahal sa akin nang sobra sobra. Sino ba naman ako diba?

Umiling si Glen. Napapikit nalang ako nang dampian niya ng halik ang mga labi ko.

"Mahal kita sa paraan na nakilala kita, Julia. Wala akong gustong baguhin seyo, except one thing.."

Never failed to astonished me. Wala daw, tas except one thing? Ano na naman yan pinagkakana ni Silverio? Hindi ako nagsalita. Baka kasi masira ko na naman ang moment niya. Pero syempre, gusto ko malaman yung one thing niya na yan. "Ano naman yang one thing na 'yan, Glen?" Tanong ko sa kanya.

Lumubog siya bigla sa tubig kaya naman naiwan ako nakalutang habang pinapanuod ang pag galaw ng mga rosas na nakapalibot sa akin.

Medyo natagalan nga si Glen kaya nag-aalala na naman ako. Sisigaw na sana ako ng bigla siyang umahon sa harap ko na may kagat sa labi na rosas at may nakalawit na sing-sing. Mabilis akong napatakip ng bibig at nagsimula na namang umiyak. Lumangoy palapit sa akin si Glen habang kagat pa din ang rosas.

Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kamay ko. Kinuha niya ang sing sing na nakatali sa rosas at mabilis na isinuot sa daliri ko.

"I want to change your last name, Julia.." he sincerly said.

Naiiyak akong tumango sa kanya kaya mabilis niyang inangkin ang labi ko. He's really the perfect badboy.. And I'll never ever regret that I've waited for him, kahit natagalan siya, kahit habang buhay akong maghintay sa kanya. I will never ever regret that I fell for the badboy..

The end....

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report