The Perfect Bad Boy
Chapter 32 11:11

Halos hindi ako nakatulog buong magdamag. I tried to call Glen pero cannot be reach na talaga siya. Dama ko talaga ang nararamdaman niyang sakit. I remembered Dom said that he has a trust issues. Dammit! How can I be so reckless? Bakit hindi ako nag ingat? Paano na kami ngaun?

Umaga na. Pero pakiramdam ko ay hindi naman tumakbo ang oras. May exam ako ngaun sa Algebra kaya kailangan kong pumasok. Pero, natatakot ako. Sa reaksyon ng mga tao kahapon? Alam kong fiesta na naman ang aabutan ko. Tamad na tamad akong tumayo. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat sa akin. He's wasn't even sure about us. Kasalanan ko naman diba? Hindi ako naging open sa kanya. I smiled bitterly when I remembered na hiningi ko sa kanya. No more secrets..

"Ang tanga-tanga mo, Julia.." Halos mapasabunot na ako sa buhok ko sa laki ng frustration na nadadama ko.

"Ate, okay ka lang?" Napaayos ako ng upo ng bigla nalang lumabas si Kimmy sa banyo. Nanliit pa nga ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. "Natulog kaba, ate? Bakit para kang zombie? Tapos maga pa yung mata mo. May problema kaba?" Umabante si Kimmy palapit sa akin ng bigla akong tumayo at nilagpasan siya.

"Pagod lang ako, Kimmy.. But I'm fine.." I lied. I fucking lied again! Kinakain na ako ng little white lies ko. Minsan kahit para sa ikakabuti ang pagsisinungaling mo, mali pa din. Lesson learned, be honest. Maliit o malaking bagay man, dapat sinasabi mo. Kasi, sa huli hindi mo alam na ito pala ang sisira sa iyo. Hindi ko lang naman nasabi yung kay Simon dahil hindi ko naman alam na mahalaga. And it wasn't a big deal to me.

Sino kaya ang naglabas ng video na yun?

It's still a question to me. Si Simon ba? Para kasing may narardaman ako na iba. At huwag siyang magpapakita sa akin! I will kill him myself.

Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa labas ng university. Kita ko naman na normal lang sila sa loob. Pag ba pumasok ako ganyan din kaya? O ako lang talaga ang abnormal? Ugh! Bakit kaba natatakot, Julia? Yeah, bakit nga ba ako natatakot? I did nothing wrong.

Pag tapat ko sa gate ay madami agad ang nagbulungan. Okay, kaya mo yan, Julia. Hindi ka mamatay sa bulungan nila. Huling week na naman ng klase kaya konting tiis nalang. Makakalimutan din nila lahat. Makakalimutan.

Sana..

Ang kapal ng mukha. Pumasok pa talaga?

Kung ako kay Glen pinaalis ko yan sa school.

Bakit may basura dito?

Ilan yan sa mga nadidinig ko habang paakyat ako sa room ko. I shrugged. Ala naman akong mapapala kung papatulan ko silang lahat. Ala silang alam. At hindi ko obligasyon na magpaliwanag.

Nang makapasok na ako sa room ko ay tahimik ang mga kaklase ko pero masama ang tingin sa akin. Napatingin pa nga ako sa gawi nila Kristele ng padabog niyang binaba ang ballpen niya.

"Saan kaba kumuha ng kapal ng mukha, Julia?" Singhal niya. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Kagabi nga ay kalat na kalat ang video na yun sa social media. I don't know what happened at bigla nalang nawala. "Will you please stop, Kristele." Napatingin ako kay Klaus. Gusto kong maiyak sa kanya. I never thought na ipagtatanggol niya pa ako.

"Haaaayysss!!! Sayang kayo! Ang tanga niyo ni Glen." Iritableng tumayo si Kristele.

"Okay ka lang ba?" Tumango ako at nilagpasan siya. Naguilty pa nga ako ng hindi manlang ako nakapag pasalamat.

I finished the exam. Lumabas agad ako at hindi na lumingon pa. One down. Konti nalang at tapos na ang sem.

Tumungo ako sa cafeteria para kumain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom at panghihina. Nung palakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Athena. I timidly smiled at her.

"Julia..." Her voice was full of concern. Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong naglakad habang nakasunod sa akin si Athena.

Dumaan kami sa main building ng university. Napahinto pa nga ako ng makita ko ang Vios ni Glen.

He's here..

Hindi ko din alam kung nasan yung tayo, Julia..

Napapikit ako ng dumaan ang kataga niya sa utak ko.

"Julia, tara na.." Hinila ako ni Athena. Para akong lutang na lutang sa mga nangyayari at sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.

Pag dating namin sa canteen ay madaming tao. Walang gulo dito. Ni hindi ako pinag uusapan ng mga tao hindi katulad kanina. I wonder why.. Tulala lang ako habang hinila ako ni Athena sa pinakasulok ng cafeteria. Natauhan lang ako ng makita ko si Glen na nakatawa habang may kausap na kung sino. Business partners, I guess? Medyo may edad na din naman kasi.

"Hui, Julia, okay---" pinutol ko ang sasabihinni Ahtena. Malungkot akong ngumiti sa kanya. " I'm f-fine, Athena.." Halos mabasag ang boses ko. Bakit ba ganito? Parang ayoko ng mabuhay. This is not me pero hindi ko mapigilan na hindi maramdaman.

Huminga ng malalim si Athena at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Punong puno ng habag ang mga mata niya. Lalo akong nasasaktan. Hindi ko alam. I don't want people to look at me that way. Pakiramdam ko ay kawawang kawawa ako. But I don't have the power to say it. I'm so drained.

"Hindi mo naman kailangan magpanggap na ayos ka, kahit hindi naman talaga. I'm here, Julia. I believe in you.." Nakatitig ako kay Athena hanggang nagtuluan na ang luha ko. Wala akong sinabi pero naiiyak lang ako. I still have things to be thanked for. Athena's with me. I'm glad that we became friends. Kasi ang hirap hirap mag isa.

Pabalik balik lang ang tingin ko kay Glen. Hindi niya ako nililingon. Talaga bang ganon siya kagalit sa akin? Akala ko mahal niya pa din ako? Bakit hindi niya pakinggan yung side ko?

Nang tumayo si Glen at mga kasama niya ay mabilis siyang lumabas ng cafeteria.

"Stop what you're doing, Julia. You're making things harder for you. Let him be, let him heal his pain. You should heal your pain too. Maayos din lahat.."

Nakatitig lang ako sa upuan na tinayuan ni Glen. Hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi ni Athena. Tumayo ako ng makita ko na naiwan niya ang cellphone niya. Mabilis ko itong dinampot at lumabas ng cafeteria. Sinigawan pa ako ni Athena pero hindi ko siya pinansin. Patakbo akong pumunta sa main building para mahabol si Glen.

Nang makarating ako sa building ay natigilan ako ng makita ko siya sa tapat ng Vios niya na may kayakap. Fuck.

Si Maggie..

Bigla nalang nanglambot ang tuhod ko. Parang sunod sunod na tinutusok ng karayom ang puso ko. Sila ba? I shooked my head. Asawa siya ni Simon diba? O asawa ba talaga? Nagoover think na naman ako. Maybe, Athena's right. I don't ovethink, I over love.

Tulala akong nakatingin sa kanila. Mas lalong piniga ang puso ko ng halikan siya ni Glen sa noo. Napadiin ang hawak ko sa cellphone niya. Think positive, Julia..

Naghiwalay sila ni Maggie. Pumasok si Maggie sa front seat ng Vios niya.

"Glen.." Patakbo akong pumunta sa kanya. Kunot ang noo niya at malamig akong tinignan. I almost lost my breath dahil sa takbo na ginawa ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"What?" Malamig na sabi niya. Ang sakit sakit kasi walang emosyon ang mga mata niya.

"Kayo ba ni, Maggie?" Napatawa ako ng mapait. What the hell was that, Julia? Nandito ka para iabot ang cellphone niya. Bakit kung ano ano ang lumalabas sa bibig mo? Ngumisi si Glen. I got stiffened. Sarkastik kasi ang pagkakangisi niya.

"It's none of your business, Julia.." Shoot! Bigla nalang akong naiyak sa harap niya. Siya naman ay natigilan. Hindi ko mapigilan yung sakit na nadadama ko, masyado ng uumapaw.

Lumapit ako sa kanya." Alam kong galit ka sa akin. I can't even blame you for hurting me back. Pero sana, dahan dahanin mo naman.. Hindi pa ako sanay e, unti untiin mo naman yung sakit." Napahagulgol ako. Nakatingin lang siya sa akin. Nakitaan ko ng emosyon ang mata niya kaya lalo akong naiyak. It's still pain. Sakit pa din ang nasa mga mata niya.

"You know how bad I am, right?" Nakatitig lang ako sa kanya. Pula na naman ang mga mata niya.

"I want you to feel the pain, I want to hurt you so bad, so we can get even." Basag ang boses ni Glen kaya napailing ako at patuloy na umiyak. Alam kong masama siya pero hindi naman ganito. "At kahit mahal kita, You'll never be an exemption, Julia. Ganon ako kasama.." Kinusot niya ang mukha niya ng palad niya tsaka ako tinalikuran.

Ang sama niya talaga! I never thought that he can be this bad. Naiinis ako dahil mahal na mahal ko pa din siya kahit ang sama sama niya! At naiinis ako dahil nagiging mahina ako dahil sa kanya.

"Yung phone mo.." Sigaw ko. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako tinignan.

"Just throw it." Naiwan akong tulala ng sumakay siya sa sasakyan niya at mabilis itong pinaandar.

Umupo ako sa bench sa gilid ng office. Tulala ako sa cellphone ni Glen na hawak hawak ko. Ala na ba talaga? Hindi mo na ba ako mapapatawad?

Pinindot ko ang gilid para buksan ang phone. May lock. Napaiyak na naman ako ng makita ko ang screen locked picture ng phone niya. Picture of us when he was so inlove with me. The memories we had when we were at Zambales.. 11:11 sabi nila pag nagwish ka pag eleven- eleven magkakatotoo ang wish mo.. Pumikit ako...

I wish I could turn back the time when you were so inlove with me..

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report