The Perfect Bad Boy
Chapter 29 Bygones be Bygones

"Ate, okay ka lang ba?" Natauhan ako ng kalabitin ako ni Kimmy. Dalawang linggo nalang at tapos na ang sem ko na ito. Bakit bigla nalang ako nakaramdam na nawalan ako ng gana sa mundo? Today is his birhday. Nagsend na ako ng pagbati sa kanya thru text, facebook, IG at kung saan pa siya pwede batiin. Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng wala akong natanggap sa kanya na kahit ano.

"Oo naman, Kimmy.." Ngumiti ako ng tipid sa kapatid ko. Wala na si nanay dahil nasa palengke na. Inilibot ko ang paningin ko sa maliit namin bahay.

"Sigurado ka ah?" Tumango ako kay Kimmy." Sige pasok na ako, ate." Tipid akong ngumiti kay Kimmy at tumango. Kahit alam kong hindi siya naniniwala sa akin ay pinag walang bahala ko nalang.

Nang tumuntong ako sa La Soledad, ang tanging pangarap ko ay makatapos at maiahon sa hirap si nanay at Kimmy. Pangarap ko na mailipat sila sa kumportable at malaking bahay. Bakit parang wala na sa akin ang pakiramdam na yun? All I can think now is Glen. Is this love can make people? Aminado ako. Super distracted at bothered ako ngaun. Hindi nga ako sigurado kung naipasa ko ang ilan exams ko.

Nang makarating ako sa LSU ay busy na ang mga tao sa sembreak. They all looked excited. Pero ako? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Pumasok ako sa room. Tamad akong naglalakad papunta sa dulong chair kung saan usually umuupo si Glen.

"It's Glen's party tonight.." Masayang sabi ni Kristele. Napatingin ako sa kanila. Nakalibot sila sa dulo kasama ang mga alipores niya at si Trixie na seryoso lang.

"Yeah right. I am so excited. Nagpagawa pa ako ng gown para lang dito." Sabi ng isang alipores ni Kristele. My eyes became widder and my hands suddenly tremble. Bakit alam nila ang tungkol sa party ni Glen? Bakit invited sila? Diba girlfriend niya ako? Bakit ako hindi niya inimbitahan? It's because mahirap ako? Ano ba talaga? Patong patong na ang naiisip ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ano ba yung samin ni Glen?

"Trixie, are you ready to meet the inlaws?" Nakangising sabi ni Kristele sabay tingin sa akin. Nag iwas ako agad ng tingin.

Ready to meet the inlaws?

What does they mean?

Nang matapos ang klase namen ay lutang na lutang pa din ako. Ala akong ibang gusto kundi makausap si Glen. Pero paano? Nararamdaman ko talaga na nilalayuan niya ako. Pero bakit?

"Julia, I'm sure invited ka sa birthday ni Glen, right?" Tinaasan ako ng kilay ni Kristele. I don't want fights now. Parang sampal sa mukha ko ng lapitan niya ako. Ano sasabihin ko? Na invited ako? Kahit ang totoo ay hindi naman.

Matabang akong humarap sa kanila. Si Trixie ay malamig lang na nakatingin sa akin. "Of course, girlfriend kaya siya. Kayo nga invited, siya pa kaya?" Napakunot ang noo ko ng biglang nag salita si Athena na bigla nalang sumulpot. Somehow, I feel relief. Kasi, kahit ako mismo ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Thank you for saving me.." Tipid akong ngumiti kay Athena. Nagsimula akong maglakad sa hallway. Si Athena naman ay tahimik lang nakasunod sa akin. Kagaya kahapon pareho lang ang mood namin ni Athena ngaun.

Nang makarating kami sa building kung nasaan ang office ng university ay natigilan ako. Nakita ko kasi ang Vios ni Glen na nakaparada malapit lang sa office. Bigla akong nakaramdam ng kaba at may kung anong bumaligtad sa sikmura ko. I was about to walk near the building nang biglang hilahin ni Athena ang braso ko. "What are you doing, Julia?" Seryosong sabi niya kaya nakaramdam ako ng bahagyang iritasyon. Ilang araw ko na gustong makaharap si Glen. Tapos pipigilan niya ako?

"Kakausapin ko siya.." Malamig na sabi ko. Huminga ng malalim si Athena." You already did your part last night, Julia. Hayaan mo siya ang gumawa ng way para mag kausap kayo."

Tinanggal ko ang kamay ni Athena sa braso ko. Eh hindi nga niya ako kinakausap eh. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari. Nahihirapan na din ako.

"I still want to talk to him, Athena." Sabi ko.

"But--" pinutol ko siya. Alam ko naman na concern lang sa akin si Athena. Pero eto ako. Lalapit pa din ako. I'm so willing to risk the thing that's left for me. Yung pride ko. I am willing to swallow everything. Ganon ko siya kamahal.

"I will just greet him." Sagot ko sa kanya. Tumuloy ako sa paglalakad at ramdam ko pa din ang pagsunod ni Athena. Hinayaan ko nalang siya. There's no point to argue with her.

Nang makarating ako sa office ay saktong palabas na si Glen. Napalunok ako at bumilis ng todo ang tibok ng puso ko. I'm nervous okay?

Nakatingin lang ako sa kanya habang gumagalaw ang panga niya sa pagsasalita. Napangiti pa nga ako dahil iretable siya sa kung sino man ang kausap niya sa cellphone niya. Nang humangin ay tinangay ang buhok niya kaya lalo itong nagulo. Ngumuso ako. Ang gwapo gwapo niya.

Napatalon ako ng tumunog ang sasakyan niya.

"Glen.." Tawag ko sa kanya. Nanginginig ako sa bawat hakbang na ginagawa ko. Naiinis ako kasi napaparamdam niya sa akin na mahina ako.

Nang lumingon siya sa akin ay bahagya siyang natigilan. Nawala ang ngiti ko ng nawala ang emosyon sa mga mata niya.

"Happy birthday.." Lumapit ako sa kanya at tsaka siya mabilis na niyakap. Bahagya siyang nanigas at dahan dahan akong inilayo sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagtutubig ng mata ko.

"I have to go.." Matabang na sabi niya. Lalo akong naiiyak. Bakit siya ganyan? bakit siya nagkakaganyan?

"Can we talk? Kahit saglit lang?" Malumay na sabi ko. Kumunot ang noo niya. Halatang halata sa kanya na naiirita siya.

"I'm busy, Julia. Huwag ngaun.." Iritableng sabi niya kaya parang may punyal na rektang tumusok sa puso ko. Busy? Ano ba pinag kakaabalahan niya para hindi manlang ako mabigyan kahit isang minuto.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Tatalikod na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya. Napatingin siya doon. Nagbuntong hininga siya at blangko akong tinignan.

"Pupunta ako sa party mo." Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin dalawa. Ngumisi siya at umiling tsaka dahan dahan tinanggal ang kamay ko na nakakapit sa braso niya.

"alright then, be my guest, Julia." Malamig na sabi niya sabay sakay sa sasakyan niya at mabilis itong pinatakbo. Fuck! Parang may bahagi sa pagkatao ko ang nawasak. Natulala ako sa sasakyan niya na unti unting nawawala sa paningin ko. "You don't need to come.." Napalingon ako kay Athena. Puno ng sympatya ang mga mata niya.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at tipid na ngumiti." I have to, Athena. Girlfriend niya ako diba? I should be there.."

Nang mag aalas siete na ay nag gayak na kami ni Athena. Same mood. Tahimik lang kami. Sa condo kami ngaun ni Athena. Nag paalam ako kay nanay na dito lang ako dahil may project kaming gagawin. I lied again.

"Sure kaba na pupunta ka?" Nag aalalang tanong ni Athena. Ngaung nakabihis na kami, nakaramdam ako na parang ayoko nang pumunta. Tama ba na pumunta ako? Pero kailangan eh. Gusto ko. Tumango lang ako.

"okay.." Natapos mag make up si Athena. Ako naman ay nakasalampak lang sa sofa ni Athena habang nagfe-facebook. I suddenly want to see everything na nangyayari. Ang daming nagpopost about sa happenings ngaun sa Silverio mansion. Lalong humataw ang kaba sa puso ko.

Natigilan ako bigla ng may nakita akong post ni Glen. As in ngaun lang. Parang nawawasak na naman ako. Hindi ko na siya maintindihan.

Is he mad at me? Did I do something wrong? what was that mean? Nagugulo ako!! Ugghhh!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report