THE LAST WOLF PRINCESS
KABANATA 1- ANG PINAGMULAN

Year 1971:

Malakas ang ulan sa kagubatan isang babae ang mabilis na tumatakbo. Isa siyang babaeng kabilang sa tribu ng mga taong naninirahan sa bundok ng Kanlaon. Isang bundok na malapit sa isang kagubatan na itinuturing ng mga tao na mahiwaga at puno ng kababalaghan.

Naniniwala ang mga tao na ang kagubatang iyon ang siyang pintuan at lagusan patungo sa ibang mundo. Ang mundo ng mga mahihiwagang nilalang. Ang kanilang mundo ay napupuno ng iba't ibang uri ng mga mahihiwagang hayop na may kakayahang magpalit ng anyo. Ngunit libong taon nang namumuno ang mga Lobo sa daigdig na iyon at sila ay itinuturing na hari ng kagubatan.

Minsan ang tinuturing na prinsipeng tagapagmana na si Lenon ay nangahas na lumabas ng kagubatan, kung saan ang gubat na iyon ay natuklasan niyang daanan pala patungo sa kakaibang mundo. Ang mundo ng mga tao. Nang lumabas ito ay nakita nito si Patricia. Isang babaeng tribo na matagal nang itinakwil ng mga ka-tribo nila at nang kanyang pamilya sa kadahilanang siya raw ay naiiba kaysa sa mga karaniwang katribo. Ipinanganak si Patricia na may kulay berdeng mga mata. Bagay na kinatakutan ng mga tao lalo na kapag nakikita siya sa kadiliman ng gabi. Umiilaw kasi ang mga mata niya sa dilim.

Nang makita ni Patricia ang lalaking Lobo na si Lenon ay natakot ito at kumaripas ng takbo palayo. Ngunit dahil sa malakas na buhos ng ulan siya ay nadulas sa maputik na daanan na puno ng mga damo at ugat ng mga punong kahoy. Sumabit ang kanyang isang paa sa ugat ng puno at siya'y natumba. "Pakiusap! Huwag mo sana akong sasaktan at kakainin!" sigaw ni Patricia habang nakikiusap sa malaking hayop, itoy tulad ng isang mabangis na Lobo sa kagubatan. Ngunit sa halip na lusubin at lapain siya nito, bigla na lamang nitong dinilaan ng mahaba nitong dila ang mga paa niyang sugatan at dumudugo.

Mabilis na naghilom ang mga sugat sa mga paa ni Patricia. At siya ay nawalan ng malay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa tabi na siya ng isang malawak na batis, may magagandang tanawin at may mga talon sa paligid. Nakita niyang may mga kababaihan ang naliligo sa batis, masaya ang mga ito habang naliligo, at naglalaro.

Nakita ng isa sa kanila na siya ay may malay na. "Sino ka? Anong uri ka ba ng nilalang?" tanong ng isang babae sa kanya. Nagulat siya ng mapatingin siya sa malinaw na tubig, nakita niyang walang paa ang babaeng kumakausap sa kanya. Kundi buntot na gaya ng sa isang isda.

"H-hindi ka tao?" naibulalas niya rito. Nanlaki ang mga mata niya at napaurong siya, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na panglalamig sa buo niyang katawan. Nayakap niya ang sarili dahil sa matinding kilabot na kanyang nararamdaman.

"Oo hindi siya taong tulad mo," sigaw ng isang nilalang sa kanyang likuran. Mabilis siyang napalingon sa kanyang likod, nakita niya ang napakalaking asong Lobo, ang siyang dahilan ng kanyang pagtakbo.

"Sino ka? Ikaw ang humabol sa akin!" sigaw rin niya na patuloy na nakakaramdam ng matinding takot. Habang yakap pa rin niya ang kanyang sarili at palingon-lingon sa kanyang paligid.

Tapos noon ay kitang-kita niya ang biglaang pagbabago ng anyo ng asong Lobo. Si Lenon ay naging isang makisig na lalaki sa kanyang harapan. "Ganito ang anyo ng isang lalaki sa inyong mundo hindi ba?" tanong nito sa kanya ng ito'y magpalit anyo.

Doon ay lalong tumindi ang takot ni Patricia, "H-hindi ka rin tao! Isa kang taong Lobo?" sambit ni Patricia. Bigla na naman siyang nawalan ng malay, nasapo naman siya ni Lenon.

SA ISANG kubo sa mundo ng mga tao siya dinala ni Lenon. Iyon ay isang abandonadong kubo mula sa mga naliligaw na mangangaso noon. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat pa siya ng muling makita ang lalaki sa kanyang tabi. Laking gulat niya ng makita niyang siya ay hubad at natatakpan ng malaking dahon ng saging bilang kumot ng kanilang mga katawan. Mas lalong ikinagulat niya ang lalaking katabi niya na natutulog. Sinubukan niyang silipin at nakita niyang itoy hubad din. Nang hanapin niya ang kanyang putting bistida nakita niya ang bahid ng kaunting dugo sa bandang likuran ng kanyang damit. Iyon ay katibayan na siya ay nilapastangan ng lalaking wolf na iyon. Lumakad siyang dahan dahan at tumakas na palayo sa lalaking alam niyang nagpapanggap lamang na tao. Alam niyang iyon ay isang Lobo, at hindi tunay na tao.

Six months later:

"Patricia! Anong ginawa mo? Paano kang nabuntis? Sabihin mo sa amin!" malakas na tanong ng kanyang Lola na noon lamang umuwi kasama ng kanyang Lolo. Naglalagi sa bayan ang dalawang matanda at halos anim na buwan bago ito magbalik sa kanilang kubo sa ituktok ng bundok.

"Pa-patawarin niyo po ako Lolo! Lola! Pero sa maniwala po kayo at sa hindi, hindi tao ang dinadala ko! Isa siyang halimaw! Anak siya ng isang malaking Asong Lobo! Na nagpanggap na tao at ako'y hinalay!" paliwanag niya sa kanyang Lolo at

Lola.

"Anong sabi mo? Paanong mangyayari iyon! Kay tagal na naming naninirahan sa bundok na ito, ngunit wala kaming nakitang malaking Lobo na sinasabi mo!" Sinampal siya ng kanyang Lola.

"Lola nagsasabi po ako ng totoo!"

"Sinungaling!" Niyugyog pa siya ng kanyang Lola at tinangkang sampalin muli.

"Sonya! Tumigil ka na," awat naman ng Lolo Berting niya.

"Hindi ba sabi mo, nakakita si Selya na kanyang ina ng ganoon, kaya nakapaglihi ito, at ang kanyang anak ay nagkaroon ng berdeng mata." Tapos ay lumakad itong palapit kay Patricia. Niyakap siya ng kanyang Lolo na puno ng awa sa kanya. Napaupo ang kanyang Lola Sonya, sa upuang kawayan at napaiyak, "kailan pa matatapos ang ating pagdurusa! Tayo'y itinakwil ng ating tribo dahil sa kanyang kakaibang mga mata, ngayon ay magkakaanak naman siya mula sa kakaibang nilalang." Napahilamos ng mga palad ang matandang babae sa mukha nito.

"Lolo, Lola kung salot ako! Ayokong magkaanak din ng isang salot! Ipapalalag ko na lamang ito! Ayokong mabuhay siya na gaya ko, itinataboy at kinatatakutan ng mga tao! Ayokong maranasan niya ang mabuhay na itinuturing na isang sumpa!" sambit pa niya at tuluyang lumisan sa kanilang kubo. Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang kagubatan. Doo'y nagsisigaw siya at tinawag ang Lobo. Ang ama ng kanyang anak.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report