The Job
Chapter 23

"Uhm... Crystal. Ano? Ayos ba yung ginawa ko?" nakangiting tanong ni Bryan kay Crystal. Nasa isang coffee shop sila malapit sa tinitirahan ni Crystal. Tinawagan niya ang binata dahil gusto niyang magpasalamat dito. Humigop muna si Crystal ng mainit na kape. "Thank you, Bryan. Sobrang na appreciate ko yung ginawa mo." Ngumiti si Crystal sa binata at tinitigan ang mukha nito. "Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo 'yon? Paano kung na bash ka rin?"

Ilang araw na kasi ang makalipas matapos na magpost si Bryan ay humupa na ang pangba-bash kay Crystal. Maraming nagulat at nagtaka. Merong naniwala at meron ding hindi. Marami ang naki-simpatya sa kanya at humingi ng tawad. Unti- unti ay nakakalabas na rin siya kanila. Hindi pa rin siya nakakapasok sa kanyang trabaho dahil binigyan siya ng leave ng kanilang kompanya.

"Actually, hindi ko rin alam eh." Bahagyang tumawa si Bryan. "Basta inisip ko lang ay kailangang may gawin ako para matulungan kita." Sumeryoso ang mukha nito at tumitig sa kanya habang nangungusap ang mga mata. Nakaramdam naman ng pagkailang si Crystal kaya umiwas siya ng tingin kay Bryan. "Ahm.. Crystal sa totoo lan-"

"Ang swerte ko naman pala," pinutol ni Crystal ang sasabihin ni Bryan. "May kaibigan akong sobra kung magmalasakit sa akin. Thank you talaga. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako titigilan ng mga taong 'yon."

Nakaramdam ng kirot sa puso si Bryan at napangiti na lamang ng mapait. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa sinabi ni Crystal. Hindi lang kasi kaibigan ang turing niya sa dalaga. "S-syempre naman," sabi na lamang niya at napatungo. Muli ay mukhang mabibigo siyang sabihin iyon sa dalaga.

"Pero.. may aaminin ako Bryan. Bilang sa ikaw ang naging hero ko."

Nag-angat ng paningin si Bryan at tinitigan si Crystal. Kagat-kagat nito ang mga labi niya. Malikot ang mga matang hindi makatingin sa kanya. Parang binundol tuloy ng kaba si Bryan. Napalunok siya at nakaramdam ng panlalamig. "A-Ano 'yon?" kabadong tanong niya. Napakuyakoy na siya dahil gusto niyang marinig ang sasabihin ng dalaga ngunit merong parte sa kanya na ayaw niyang marinig ito.

Tumikhim si Crystal at bahagyang nilibot ang paningin sa paligid para masigurong wala silang katabi. Nang mapanatag siya ay tumitig siya ng deretso sa mga mata ni Bryan. "Totoo ang lahat ng 'yon."

Kumunot ang noo ni Bryan at nalilitong tiningnan si Crystal. Ilang segundo pa niya prinoseso ang sinabi ng dalaga pero walang pumapasok sa isip niya. "H-ha?"

"B-Boyfriend ko talaga s'ya," mahinang sabi ni Crystal at iniwas ang tingin kay Bryan.

Napamaang si Bryan. Para siyang biglang nabingi dahil paulit-ulit niyang narinig sa isipan niya ang sinabi ni Crystal. Inikom niya ang bibig niya at pasimpleng hiwakan ang dibdib niyang labis na kumikirot. "G-ganon ba?" sabi niya makalipas ng ilang sandali.

"Sorry, Bryan," saad ni Cystal at inabot ang kamay ni Bryan.

Lalo namang nakaramdam ng kirot si Bryan nang maramdaman niya ang mainit at malambot na palad ni Crystal. Ngumiti siya ng mapait at nangingilid ang luhang tumingin kay Crystal. Umiling siya noong nakita niya ang awa sa mukha nito. "Okay lang." Huminga ng malalim si Bryan at pinagsaklob ang dalawa niyang kamay sa kamay ni Crystal. "Alam mo pala? Yung nararamdaman ko?" Marahang tumango si Crystal. "Ouch." Napatawa na lamang siya ng pagak. Tinapik-tapik niya ang palad ni Crystal. Malungkot ang mga matang nginitian ito. "Okay lang.. alam ko naman eh. Nararamdaman ko naman. Doon pa lang sa restaurant. Pero okay lang Crystal kasi na iintindihan ko. Yung post ko, actually pag-amin ko na iyon sa 'yo. Kaso.. huli na pala ako." Napasinghot si Bryan noong may tumulong luha sa kanya. Mabilis niya itong pinunasan.

"Bryan.."

"So, I guess.. This is it? But can we still be friends?"

Ngumiti ng sobrang tamis si Crystal. "Oo naman." Hindi tuloy maiwasang maawa ni Crystal kay Bryan. Kung sana noon pa sila nagkaroon ng pagkakataong magkaaminan ay hindi sana mangyayari ito.

"Thank you. Sana alagaan ka niya ng mabuti. Lalo na at isa siyang sikat na tao. Kasi kung hindi? Kukuhain na talaga kita sa kanya," pabirong sabi ni Bryan at bahagyang tumawa. Napangiti na lamang si Crystal.

'Napakaswerte ng babaeng magugustuhan ni Bryan.. Sana kapag dumating na siya ay mahalin ka rin niya ng totoo.'

"A-ate sorry na po, please!" Halos lumuhod na sa pagmamakaawa kay Crystal ang dalagitang may kulay pula na buhok na nasa harap niya. Isa sa mga dalagitang nanugod sa kanya noon. Kasama nito ang isang babaeng staff ng building na tinitirahan nila Crystal.

"Please ma'am! Sorry na po. Hindi na po talaga mauulit."

Bumuntong hininga si Crystal at inilibot ang paningin sa mga taong nasa loob ng silid. Nasa unang palapag lang sila ng building na tinitirahan nila nag-usap usap ng mga taong salarin kung bakit lumabas ang mga pictures nila ni Hanuel. Maliit lamang ang silid at wala masyadong desenyo. Merong mahabang lamesa sa gitna kung saan sila nakapwesto. Sa kanan ay si Crystal, Joseph at isang adogabo na kinuha ni Hanuel para sa kanya. Sa kaliwa naman dalagita at pinsan nito at ang mga magulang nila. Nasa pagitan naman nila ang representative ng management ng building na tinitirahan nila Hanuel.

Gusto sanang sumama ni Hanuel sa meeting ngunit mariin itong pinigilan nila Crystal.

"Please ma'am, sir. Bata pa po ang anak ko. Parang awa niyo na po ma'am," humahagulhol na pakiusap ng nanay ng dalagita. Kung titingnan ito ay nasa trenta na ang edad nito.

Nagkatinginan si Joseph at Crystal. Sumenyas si Crystal kay Joseph na siya na ang magsasalita. Tumikhim siya at matamang tinitigan ang pamilyang nasa harap nila. "Wala naman po akong balak na ipakulong kayo," paunang sabi ni Crystal. Lalong pumalahaw ang nanay ng dalagita at napayakap sa anak. "Pero kasi, masyado pong matindi po ang nangyari sa akin. Buong mundo po hinusgahan ako. Muntik din po akong saktan ng anak niyo noon." "Sorry po talaga ate." Umiyak na ang dalagita. "Hindi ko na po kasi naisip pa ang yung tama. Sobrang nagselos lang po talaga ako sa inyo."

"Ikaw kasi anak! Sinasabihan na kita palagi sa mga koryanong 'yan! Wala kang mapapala sa kakaidolo mo sa mga taong 'yan! Tingnan mo ngayon halos masira na ang buhay mo dahil sa koryanong baklang 'yan!" galit na sabi ng nanay nito. Napangiwi naman si Crystal dahil sa sinabi nito. "W-wala naman pong masamang umidolo ng kahit sino. Mapa-koryano man o ano. Ang masama po ay yung ganyan, sumusobra na po na halos makalimutan na ang sarili. Tsaka 'nay, masama pong manghusga ng tao."

"S-sorry po," nahihiyang sabi ng nanay nito. Tinanguan ni Crystal si Joseph.

"As what we decided. Ms. Crystal and Mr. Lee Hanuel will not file a case to you. In return, you should make a public apology for them. Telling eveyone that what you've said and seen is not true. But for you Miss." Nilingon ni Joseph ang babaeng staff ng building. "We want you to resign from this company. I'm sorry but if this company has employers like you. The life of every person living in this building will be at risk," mahabang paliwanag ni Joseph.

Napatungo ang babae at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha. Nakaramdam ng awa si Crystal para dito ngunit wala naman siyang magagawa. Isa kasi iyon sa mga pinirmahan nila na hindi pwedeng ilabas ang kung ano mang maririnig at makikita sa building na 'to.

Ilang minuto pa sila nag-usap sa loob ng silid. Merong mga pinirmahang mga papel na mga napagkasunduan nila. At nagbigay ng date kung kailan sila magpapa-intervie sa isang tv program para doon sabihin ang paghinge ng paumanhin ng dalawa.

Pagkatapos ay lumabas na sila ng silid. Nakahinga na ng maluwag si Crystal at para siyang nabunutan na ng tinik sa dibdib. Sa wakas ay wala na siyang dapat problemahin pa. Kailangan na lamang niyang masanay dahil halos lahat ata ay kilala na siya.

Hindi na umakyat pa sa itaas si Joseph at ang kasama nitong abogado kaya naghiwalay na rin sila sa lobby ng condo. Papaakyat na sana siya ng elevator noong may tumawag sa kanya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ate sandali po!" agad na nilingon ni Crystal ang tumawag sa kanya. Ang dalagitang kausap niya kanina. Nahihiya itong ngumiti sa kanya pagkalapit nito. "M-may itatanong lang po sana ako." "Ano 'yon?"

Tumingin sa itaas ang dalaga. "A-andoon po ba si Opp- Lee Hanuel?" tanong nito at muling tumingin sa kanya.

Napangiti siya rito at hinarap ito ng maayos. "Gusto mo ba siyang makita?"

Nanlaki ang mga mata nito. "So BF mo talaga siya at andito siya ngayon sa Pinas?" hindi makapaniwalang tanong nito. Natatawang tumango si Crystal. Tama nga ang desisyon niyang hindi na lamang ito pinatulan at pinakulong. Dala lamang ng labis na paghanga nito sa binata kaya siya nagkaganoon. "Anong pangalan mo?"

"J-Jaime po. Pwede ko po ba siyang makita ate? Please? Kakapalan ko na po mukha ko. Promise hindi ko na po uulitin yung ginawa ko sa 'yo! Ibibida kita sa buong mundo. Pero sana pagbigyan mo po akong makita siya! Sige na ate! Sobrang idol ko po talaga siya!" Kumapit na ito sa braso niya.

"Okay, Jaime. But first akina ang cellphone mo at iba mo pang mga gadget." Inimuwestra niya ang palad niya sa harap nito.

"Waah! Thank you po!" Mabilis nitong kinuha ang cellphong niyang nasa loob ng bulsa. Kinalkal niya rin ang backpack nitong nakasukbit sa likuran niya. Meron doong maliit na camera kaya ibinigay niya rin iyon sa kanya. Matapos nito ay umakyat na sila sa elavator papunta sa floor nila.

Napapangiti na lang si Crystal dahil mababakas ang pagka-excited sa mukha ng dalagita. Pasayaw-sayaw pa ito habang nagha-hum ng mahina.

"Ate hindi kaya siya galit sa akin?" biglang tanong nito.

Umiling si Crystal. "Hindi. Mabait 'yon."

"Paano kayo nagkakilala?"

Natigilan si Crystal sa tanong nito at nakangiwing tumingin sa dalagita. "Sabihin na lang natin na sinuwerte ako." Kinindatan niya ito.

Maarte itong lumabi. "Sana ako rin maka-meet ng Oppa. Sana si Lee Jung-suk maging jowa ko rin in real life! Hindi na pwede si Lee Hanuel eh hehe. Kaya ibang Lee na lang," ani nito.

Natawa na lamang si Crystal dahil sa sinabi nito. Nakatingin kasi ito sa itaas tapos magkasaklob ang dalawang kamay na para bang nagdadasal. Hindi na sumagot pa si Crystal dahil bumukas na ang elevator. Kumapit sa kanya si Jaime noong nasa tapat na sila ng pinto ng bahay nila.

"Ate.. yiiee!"

Ngumiti lang si Crystal at binuksan na ang pinto. Bumungad sa kanila ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Pagkapasok nila ay hindi na niya sinabihan ang dalagita na hubarin ang suot nitong sapatos dahil nagtanggal na ito kaagad. 'Alam niya na talaga ang kultura nila.'

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "What happened? Is it okay-"

"Waah! Oppa!" Hindi na natapos pa ni Hanuel ang tanong niya dahil biglang sumigaw ang dalagita at niyakap si Haneul. Nai-angat na lamang niya ang dalawang kamay na merong hawak na sandok. Nakaawang ang bibig at nalilitong tiningnan ni Hanuel si Crystal. Kumindat lang si Crystal sa kanya.

"W-Who are you?" nag-aalangang tanong ni Hanuel.

"I'm your fan Oppa! Waah! I can't breathe! You smell so yum- I mean good!" umiyak na ito dahil sa labis na kaligayahan. "I'm not dreaming, right?" Kumalas ito sa pagkakayakap kay Hanuel at tinitigan ang mukha nito. Dinutdot nito ng konti ang dibdib ni Hanuel. "Waah! You're real!" Muli itong yumakap kay Hanuel.

Napapangiwi na lamang si Hanuel at sinasamaan ng tingin si Crystal. Habang si Crystal naman ay natatawa lang na pinapanood ang dalawa. Lumapit na si Crystal sa dalawa at hinawakan sa balikat si Jaime.

"Halika? Doon tayo sa sala. Hintayin natin si Hanuel matapos magluto. Dito kana kumain." Pinandilatan siya ng mata ni Hanuel. Nginusuan niya lang ito at pinandilatan din ng mga mata. Ngumiti na lamang si Hanuel at umiling. "Pwede po?" namamanghang tanong ni Jaime at nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa.

"It's okay, right oppa?" tanong ni Crystal at kinindatan si Hanuel. Marahang tumango si Hanuel.

"Yes. Of course. I'll be happy eating with my fan," ani ni Hanuel na hindi inaalis ang tingin kay Crystal.

"Yes!" Si Crystal namang ang niyakap ni Jaime ng mahigpit. "You're the best ate! I stan you!" masayang sabi nito. Natatawa na lamang na tumango-tango si Crsytal.

Nagtungo na sila sa sala at pinaupo roon ang dalagita. Manghang mangha ito sa itsura ng bahay na kanyang kinaroroonan. Hinayaan lamang ito nila Crystal. "Why did you bring her here?" mahinang tanong ni Hanuel kay Crystal noong nasa kusina na sila. Tinulungan na kasi siya ng dalaga na maghanda ng pagkain. "Fan ka kasi niya. Kawawa naman eh."

"After what she did to you?"

"It's okay. Sadyang nahibang lang siya sa 'yo. Hindi natin masisisi, bata eh."

Ngumisi si Hanuel. "Gwapo ko kasi." Sabay kindat kay Crystal. Napangiti na lang din si Crystal.

"Oo na! Ikaw na," sang-ayon niya rito.

Nang mahanda na nila ang pagkain ay tinawag na nila si Jaime sa hapag-kainan. Walang pagsidlan ang kaligayahan nito. Panay tanong ito kay Hanuel ng kung ano-ano na magiliw na sinasagot ng binata. Madali lang kasi pakisamahan ang dalagita kaya madali silang nagkasundo.

Lalo natuwa si Crsytal dahil tama ang naging desisyon niya. Naiisip niya na kung ano na lang ang nangyari sa buhay nito kung kinasuhan nila dahil sa pagiging fan niya. Walang masama umidolo ang kailangan lang ay kontrol sa sarili. Amiinin man kasi natin o hindi merong mga kabataan ang napapasobra sa pag-iidolo ng mga artista. Marami ang nakakalimot na at halos sambahin na ang mga ito. Hindi porket artista sila at kailangan nila ang mga paghanga natin ay kokontrolin na natin ang buhay nila. Kailangan nating alalahanin na meron din silang mga sariling buhay na iniingatan at yun ang dapat nating irespeto.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report