The Job
Chapter 14

Tatlong araw lang ang itinagal nila Hanuel at Crystal sa isla. Pagkatapos ay umuwe na rin sila. Si Hanuel ay dumeretsong airport pa korea samantalang si Crystal ay sa Cavite naman. 1-week naman daw kasi leave na ipinasa ni Joseph sa company nila. Hindi niya alam kung paano niya ito nagawa pero hindi na siya nag-usisa pa. Mas minabuti na lamang niyang umuwe na lang muna sa kanila dahil miss na miss na niya ang kanyang ina at mga pamangkin. "Where have you been?!" Bahagyang natigilan si Hanuel sa pagbukas ng pinto nang marinig ang boses ng ama niyang galit na galit. Nakaupo ito sa isahang sofa sa may gitna ng sala niya. Nakaharap iyon sa may pinto akaya kita agad kung sino ang papasok.

Hindi sumagot si Hanuel at tahimik na naglakad paakyat sa hagdan. Ayaw niyang makipag sagutan ngayon sa kanyang ama. Palagi kasi siya nitong pinipilit na tumigil na sa pag-aartista at pagtuunan ng pansin ang kanilang negosyo. "I'm tired, dad. Let's talk about it tomorrow," sagot niya rito. Lalo itong nagalit dahil sa sinabi niya.

"No! Get down here! You never listen to me. When will you learn? When I die?!"

Napatigil si Hanuel sa paghakbang at humarap sa ama. Bumuntong hininga muna siya at bumaba. Alam niya kasing hindi ito titigil.

"What do you want this time?" Pinipigilan niyang tumaas din ang kanyang boses.

"I want you to take over the company and focus there," sabi nito.

He groaned because of disbelief. "Not again, dad. You know I love acting!"

"You won't get anything from there. How many times do I have to tell you?"

"You don't understand me!" Napasinghap siya dahil bahagya nang tumaas ang kanyang boses.

"What I understand is that you are wasting your time!" Para itong mapuputulan ng ugat sa leeg dahil sa pagsigaw nito. "If your mom is here, she will not like what you are doing to yourself!!"

Nag-init na ang ulo ni Hanuel nang mabanggit ang kanyang ina.

"If she's here, she will understand me and will not force me to do something that I don't want. Just like what you are doing now!" sigaw niya. "Why are you bothering me? Why not make your fake son to be your heir?"

"You don't understand, Hanuel." Kumalma ito at tiningnan siya sa mukha. "You are my only son. I want you to take care of our company. That is my last promise to your mom.'

Imbes na matuwa ay lalong nag-init ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito. "Huh? Now you're saying it's because of mom? Do you care for her? Then why did you marry again?" Bahagya siyang tumigil para huminga dahil parang sasabog na ang kanyang damdamin. "She was just gone for five months and you marry again!"

Sa totoo lang ay maayos ang pagsasama nila ni tatay niya noon kahit noong namatay ang kanyang ina. Nagbago lang nang bigla na lang nagpakasal ulit ito. Labis-labis na lamang ang galit niya dito dahil sa ginawa niya. Kaya mula noon ay hindi na siya umuwe sa bahay nila at bumili ng sarili niyang bahay. Idagdag pang palagi nitong ibinibida sa mga press-con ang anak ng bago nitong asawa.

They owned most of the hotels in Korea. They have many branches around the world. Most of the exclusive people choose their hotel because of their service and the hotel itself. Mahilig din bumili dati ang kanyang ama ng mga lupain at pinapaupahan niya ito. Ito na ang naging negosyo nila mula noong hindi pa siya ipinapanganak.

Sadyang nahilig lamang siya sa pag-aartista dahil may mga pinsan siyang mga nasa ganitong larangan. Hindi naman siya nabigo dahil magsa-sampung taon na siya sa industriya at sikat na sikat pa rin siya. Mapa sa Korea man o sa ibang bansa pa.

Noong una ay hinahayaan lamang siya ng kanyang ama. Parehas sila ng kanyang ina na sinusuportahan siya sa gusto niyang gawin. Ngunit isang buwan matapos itong magpakasal ay bigla na lamang siya nitong pinapatigil sa pag-aartista at pilit siyang pinapapasok sa kompanya nila.

"You know what dad? Just leave. I don't want to talk about this anymore. I don't want to fight with you."

Huminga ng malalim ang kanyang ama. "You will understand me why I did that, my son. And that is my last wish for you. "Take over the company. You are my only son and you are my only heir," puno ng pagsusumamo sa sabi nito. Bahagyang natigilan si Hanuel. Parang may tumusok sa kanyang dibdib dahil sa mga sinabi nito. Ilang beses na nilang napag-usapan ang tungkol dito ngunit ngayon lamang ito nagpatalo ng ganon. Hindi na siya muling nagsalita pa at hinatid na lamang ito ng tingin habang palabas ng kanyang bahay.

Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay pagod na pagod na umupo sa sofa. Huminga siya nang malalim at pumikit. Sinapo niya ang kanyang noo at bahagya itong minasahe. Muli niyang na alala ang kanyang ina. Nakaramdam na naman siya ng pangungulila dito..

"I wish you were here. mom." usal niya at inalala ang mga panahon na nabubuhay pa ito. Kung sana ay andito pa ito hindi sila magkakasira ng kanyang ama ngayon. Sa totoo lang ay may balak naman siyang tanggapin ito. Alam naman niya na siya lang ang natatanging magmamana ng kompanya at magpapatakbo niyon. Bago pa man siya mag-artista ay tapos na siya sa kolehiyo tungkol sa pagnenegosyo at pagmamanage niyon. Pagkatapos niya ring ma-discharge for military na kailangang daluhan ng bawat lalaki sa kanilang bansa ay nagtrabaho rin muna siya ng isang taon sa company nila.

Sadyang nasa arte lang talaga ang puso niya. Ngunit alam naman niyang hindi iyon pang matagalan. Isa lang siya sa mga artistang sinuwerte dahil sa kanyang pag-arte at angking kagwapuhan kaya hindi siya mawalan ng fans at tinatangkilik pa rin ng masa. Hindi niya lang maiwasang magalit sa kanyang ama. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinailangan niyang magpakasal agad. Para bang wala itong pakealam sa kanyang ina na kamamatay lang. Muli siyang bumuntong hininga at inayos ang higa sa sofa. Maya-maya pa ay nakatulog na siya. Ipinahinga muna ang pagod na katawan at isipan.

"Hoy! Napapadalas na yang pag-absent mo ha? Mayaman ka na ba?" Biro ni Ynette sa kanyang kaibigan nang pumasok na ito. Isang linggo na naman kasing nawala sa trabaho si Crystal. "Ingay mo ano ka ba?" Sita ni Crystal dito..

Lumabi lang si Ynette at kumapit sa braso niya. "Kumusta? Maganda ba doon? Ayyyieee! Sana makarating din ako d'on!" Napatingin si Crystal sa paligid dahil nagtinginan ang mga kasabay nilang papasok sa building. "H'wag ka nga maingay! Mamaya na natin pag-usapan. Kwento ko sa 'yo lahat!" Excited na sabi ni Crystal at inakbayan ang kabigan.

"Sana all talaga besh. Sana ako rin swertihin at makahanap na ng kan-" mabilis na sinapo ni Crystal ang bibig ng kaibigan niya.

"Ano ka ba!" Nakangiwi niyang sabi. Tinanggal ni Ynette ang kamay niya at inirapan ito.

"Oo na!" Sabi nito at hinila na siya pasakay ng elevator. Namumula naman ang pisngi na sumunod si Crystal dito. Sila lang ang sumakay sa elevator ngunit bago pa man ito magsara ay may pumigil doon. Si Bryan.

"Good morning girls! Uy Crystal! Andito ka na pala," bati nito sa kanila pero sa kanya nakatingin.

"Good morning Bryan!" Masiglang bati ni Ynette. Ngumiti lang si Crystal dito.

"Parang nangitim ka ata Crystal?" Puna ni Bryan sa kanya.

Napatingin si Crystal sa repleksyon niya sa elevator. Bahagya nga siyang nangitim pero hindi naman sobra. Para lang siyang na-tan.

"Hehe. Ganon ba?"

"Oo. Tingnan mo yung pisngi mo at leeg." Bigla nitong hinawakan ang pisngi niya at marahang inangat. Parehas silang nagulat ni Ynette sa ginawa nito. Nasapo ni Ynette ang kanyang bibig samantalang si Crystal naman ay nanlaki ang mga mata.

"T-Teka Bryan," bahagya siyang umatras ngunit hindi siya nito binitawan.

"But it's okay. Maganda ka pa rin." Ngumiti ito sa kanya at kumindat. Sakto namang bumukas na ang elevator at nauna itong lumabas doon. Naiwang nakamaang si Ynette at Crystal. Natauhan lang silang dalawa nang magsasara na ulit ang elevator kaya dali-dali silang lumabas dito.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report