The Job
Chapter 1

"Nay! Aalis na po ako." Nagmamadaling lumabas ng bahay nila si Crystal habang nagsusuklay pa ng buhok. Alas-kwatro pa lang naman ng umaga ngunit kailangan na niyang makaalis ng maaga. Bukod sa Cavite pa siya magmumula ay sobrang traffic ang aabutin niya kapag tanghali na siya bumyahe papunta Maynila, sa kanyang trabaho. Araw-araw na ata 'tong kalbaryo ng mga taga-Caviteng papunta sa Maynila.

"Teka lang Crystal!" Napalingon si Crystal sa kanyang likuran. Nakita niya ang kaniyang ina na humahangos palabas ng bahay nila. "Nakalimutan mo ang ID mo," ani nito.

Napaikot na lamang ng mata si Crystal nang makita niyang walang ID na nakapaskil sa kanyang dibdib. 'Sa dinami-daming makakalimutan, bakit ID na lang palagi ha Jimenez?' pagalit niyang sabi sa kanyang isipan at naglakad pabalik sa kanila.

"Oh, ayan." Nakangiting isinabit ni Rosa ang ID ni Crystal sa leeg nito.

"Thank you 'Nay." Niyakap niya ito ng mahigpit at kumalas rin agad. "Okay po ba 'nay?" tanong ni Crystal sa kanyang ina.

Bahagyang sinipat ni Crystal ang suot niyang uniporme. Litaw na litaw ang hubog ng katawang niya sa long sleeves na whiteblouse. Naka-tuck-in ito sa hapit na itim na palda na hanggang itaas ng kanyang tuhod. Meron itong maliit na slit sa gilid ng hita niya. Binagayan niya ito ng sandalyas na kulay itim at merong taas na tatlong pulgada. Sa kanang balikat niya ay nakasukbit ang itim na shoulder bag na nabili siya sa ukay. Hawak niya sa kanyang kamay ang maliit na kulay pulang bag kung saan nakalagay ang tanghalian niya. Sa kanang kamay naman niya ay nakasabi ng itim na jacket na kasama sa uniporme niya. Ito ang araw-araw na suot niya sa tuwing papasok siya sa kanyang trabaho.

Pinasadahan si Crystal ng tingin ng kanyang ina at tumango-tango. Hindi makakaila ang angking kagandahan ng kanyang anak kahit napaka simple lang ng ayos nito. Wala manlang kolorete sa kanyang mukha maliban sa mumurahing lipstick na gamit nito at pulbos. Ngumiti na lamang si Rosa kahit nakakaramdam ng awa sa kanyang anak.

"Napaka ganda talaga ng bunso ko," nakangiting sabi nito. Gumanti ng ngiti si Crystal.

"Thank you 'Nay! Aalis na po ako kasi malilate na ako. Ingat kayo dito ha?"

"Sige na anak. Ikaw ang magingat." Muling nginitian ni Crystal ang kanyang ina saka nagumpisa nang lumakad na palayo rito.

Muli ay nakaramdam ng habag si Rosa para sa kanyang anak. Mula kasi ng mamatay ang kanyang asawa ay si Crystal na ang bumuhay sa kanilang pamilya kahit na siya ang bunso. Nag-aaral pa lamang ito ay nagtatrabaho na rin. Sa kanyang tatlong anak ay si Crystal lamang ang hindi nila ginastusan ang pag-aaral dahil meron siyang pangtustos para sa kanyang pag-aaral. Pigilan man nila ito ay ayaw nitong tumigil. Ang dahilan lang dalaga ay kaya niyanaman at hindi na niya kailangang umasa sa kanyang magulang. Higit sa lahat ay nakakatulong daw sa kanila ang pagta-trabaho niya.

Napa buntong-hininga si Rosa.

"Pagpalain ka nawa ng Diyos anak."

"Crystal!" kinikilig-kilig pang tawag sa kanya ng kanyang kaibigang si Marinette. Napailing na lamang si Crystal at sinalubong ito. "May chika ako sa 'yo!"

"Hay naku Marinette! Ano na naman?" Kunyari ay tinarayan niya ito. Nawala ang ngiti ni Marinette at inirapan siya.

"Marinette ka diyan!" Halos lumuwa ang mga mata nito sa pandidilat sa kanya. Napatawa na lang si Crystal. Ayaw kasi nitong tinatawag siya sa buo niyang pangalan.

"Oo 'na Ynette!" Pinandilatan niya rin ito ng mata. "Tara na nga! Lumakad na tayo habang ikinukwento mo yang chika mo!" Hinila na niya ang kanyang kaibigan papasok sa building na kanilang pinagtatrabahuan. Sinukbit ni 'Ynette ang kamay niya sa braso ni Crystal at paimpit na tumili.

"Alam mo ba Crystal- yieeee!" Marahang hinampas-hampas ni Ynette ang braso ni Crystal na ikinangiwi niya. Napailing na lang si Crystal habang nakangiti, mukhang alam na niya ang ikukwento ng kaibigan. "Daks yung customer ko kagabi!" pabulong na sabi nito.

Inirapan ni Crystal ang kaibigan at marahang tinapik ang ulo. "Ewan nga sa 'yo! Akala ko naman ay importante 'yang sinasabihin mo," ani niya na kunyari ay wala ideya sa sasabihin nito.

"Ahh! Ano ka ba?" Tinikwas nito ang kanyang mga kamay habang pinipindot ang open button ng elevator. "Importante kaya 'yon! Kagabi ko lang natikman 'yon at sana maulit," nakangising sabi nito na medyo natulala pa. Halos makita mo nang maghugis bituin ang itim ng mata nito.

"Hay ewan sa 'yo Ynette! Pasok na nga!" Bago pa tumulo ang laway ni Ynette ay hinila na ito ni Crystal papasok ng elevator. Siya na rin ang pumindot sa 8th floor button.

Magkatrabaho si Crystal at Ynette bilang isang call center agent sa isang sikat na kompanya sa Maynila. Ngunit tuwing gabi, si Ynette naman ay suma-sideline bilang isang 'Prostitute.' Madalas magkwento ang kanyang kaibigan tungkol sa trabaho niya at sa araw-araw na magkasama sila ay hindi pa man ito nagsasalita ay alam na niya ang sasabihin nito. Hindi ayos sa kanya ang ganoong trabaho ngunit hindi hinuhusgahan ni Crystal ang kaibigan niya. Single Mother kasi si Ynette at meron nang dalawang anak na maliliit pa. Kahit anong kayod nita para sa kanila ay hindi pa rin ito sumasapat kaya kahit labag man sa loob ni Ynette ay pikit mata niyang pinasok ang ganoong trabaho. Ipinagbubuntis pa lang kasi ni Ynette ang kanyang bunso noong iniwan sila ng kinakasama nito para sumama sa ibang babae. Mula noon ay wala na silang naging balita rito at hindi na rin kasi ito nagsusustento sa mga anak ni Ynette. Minsan ay naiisip na rin ni Crystal na pasukin ang trabahon iyon dahil sa hirap ng buhay ngunit mahina ang kanyang loob. Iniisip niya agad ang sakit na pwede niyang makuha sa ganoon trabaho. At isa pa, bente-nwebe anyos na siya ngunit isa pa rin siyang birhen.

"Yehey! Payday time!" tili ni Ynette at lumapit sa table ni Crystal. "Ano na friend? Gimik tayo?" excited na yaya sa kanya ni Ynette at marahang sumayaw-sayaw pa na akala mo ay merong tugtog na naririnig. Umiling si Crystal. "Alam mo namang hindi ako pwede," ani ni Crystal at nag-unat ng mga kamay. Masakit na ang kanyang likod dahil sa maghapong nakaupo. Ramdam niya rin ang pangangalumata at sunod-sunod na rin ang paghikab niya. Tumingin siya sa kanyang relo, alas-sais na ng gabi. Oras na pala ng uwian kaya nangungulit na sa kanya si Ynette. Akinse rin kasi ngayong araw at sweldo nila. Napangiti si Crystal dahil naisip niya ang kanyang ipon. Gustuhin man niyang gumimik ay mas pinipili na lang si Crystal na ilaan sa gastusin sa kanilang bahay ang sweldo niya. Kailangan niya rin kasi ng pambili ng bagong cellphone. Sira na ang gamit niya ngayon na lumang cellphone na de- keypad pa. Matagal niya itong inipon at alam niyang kaunti na lang ang idadagdag niya sa kanyang ipon para makabili ng bago.

"KJ naman neto!" Irap nito sa kanya habang nakapakrus ang mga braso nito sa may dibdib niya. Alam naman ni Ynette na hindi mahilig gumimik ang kanyang kaibigan. Ngunit paminsan-minsan ay niyaya niya itong lumabas dahil kahit papano ay naawa siya rito. Puros trabaho na lang kasi ang inatupag nito.

Umismid si Crystal. "Marami ka lang pera ka ngayon eh. Bakit kaya di mo na lang ako ilibre 'no? Maganda pa?" Ngumiwi si Ynette sa sinabi ng kabigan. Napagtanto ni Ynette na matagal na silang hindi nakakalabas na magkaibigan. Bukod kasi sa nabusy sa kanyang trabaho at mga anak ay nawalan talaga ng oras si Ynette.

"Fine! Sige na nga!" malambing na sabi ni Ynette.

"Oy Sali ako diyan!" Parehas silang napatingin nang biglang sumulpot ang isa nilang katrabaho- si Bryan. Awtomatikong namula ang mga pisngi ni Crystal kaya agad siyang nagbaba ng tingin. Matagal na kasi niya itong hinahangaan kaya hindi magkamayaw ang pagtibok ng kanyang puso.

Ngumiti naman ng makahulugan si Ynette nang makita niya ang itsura ng kaibigan.

"Sige ba? Basta libre mo?" pabirong sabi ni Ynette at muling sinulyapan ang kaibigan. Nakagat na lamang niya ang likod ng kanyang labi nang makitang nagulat ito at pinanlalakihan siya ng mga mata.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Call!" agad na sagot ni Bryan.

"Yes!" Sigaw ni Ynette "Sabi mo 'yan ha? Wala nang bawian!"

"A-Ano ka ba Ynette! Nakakahiya naman kay Bryan!" protesta ni Crystal at nahihiyang tiningnan si Bryan. Lumabi lamang si Ynette at inakbayan ang kaibigan.

"Anong nakakahiya? Ayaw mo 'non ililibre tayo ni Bryan?" makahulugang sabi ni Ynette na binigyan diin pa ang salitang libre. Kinurot naman ni Crystal sa bewang ang kaibigan na ikinaigtad nito. "Aray!"

"Okay lang Crystal. Sige na maghanda na tayo pauwe. Ililibre ko kayo." nakangiting sabi ni Bryan habang nakatitig kay Crystal. Umiwas naman agad ng tingin ang huli. 'Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?' impit na sigaw ni Crystal sa kanyang isipan.

Pinanood niya si Bryan habang pabalik ito sa Table niya sa kabilang dulo ng kwarto. Kung tutuusin ay hindi ito kagwapuhan, hindi rin naman ito panget. Matangos ang ilong nito at katamtamang laki lang din ang mata. Maypagka pinkish din ang labi nito, halatang walang bisyo. Kahit na ganon ay malakas ang dating ng binata. Siguro ay dahil ito sa pagiging maskulado nito at sa tangkad nito.

'Hay... ilan kaya ang abs neto?' wala sa sariling tanong ni Crystal sa kanyang sarili. Nasa ganon siyang pag-iisip nang isinahod ni Ynette ang mga palad niya sa may bibig ni Crystal.

"Madam yung laway mo natulo na!" Para namang natauhan si Crystal at tinabig ang kamay ni Ynette at nahihiyang inayos ang mga gamit niya. "Yiee! Ikaw ha? Bakit kasi ayaw mo pang umamin kay Bryan?" "Ako? Ano ka ba? Bakit ako aamin sa kanya?"

"Bakit nga ba?"

Pinaikot lang ni Crystal ang kanyang mga mata. Wala pa sa bokabolaryo niya ang pakikipag relasyon kahit na anong gusto niya sa isang lalaki. Mas gugustuhin niyang gugulin ang oras niya para sa makakain nila. "Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay ano ka ba?" paliwanag ni Crystal.

"Ano? Kailan ka kaya magiging handa sa ganong bagay? Tingnan mo nga malapit ka na mawala sa kalendaryo." Nanlalaki pa ang mata ni Ynette habang nagpapaliwanag sa kaibigan. "Ah basta! Hindi pa ako ready diyan!"

Mas gugustuhin pa niyang maayos muna ang bahay nila bago magkaroon ng kasintahan.

Matapos mag-meryenda nina Crystal, Ynette at Bryan isang fast food chain na malapit sa kanilang pinagtrabahuan ay agad na ring umuwe si Crystal. Inayaya pa sana siyang gumala nila Ynette ngunit hindi na nagpadala pa si Crystal. Gusto na kasi niyang makauwe agad dahil sa layo ng byahe niya. Mabuti na lang ay himalang walang traffic ngayon kaya maaga siyang nakauwe sa kanila. Dumaan muna si Crystal sa isang fast food chain para bumili ng pasalubong sa kanyang mga pamangkin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Nilapag niya sa lamesa nila ang kanyang dalang pagkain na agad namang pinagka guluhan ng kanyang mga pamangkin. "Uy dahan-dahan lang kayo," saway niya sa mga kanila at umupo muna sa sala.

"Wow Tita! Jollibee!" masayang sigaw ni Marian. Anim na taong gulang na ito at napaka gilis na bata. Anak ito ng kanyang panganay na kapatid. Napangiti na lang si Crystal habang tinitingnan ang mga pamangkin niya.

"Umalis nga muna kayo diyan!" pagalit na sabi ni Sasha sa mga anak at pamangkin. Ito ang asawa ng kanyang panganay ng kapatid. May dalawa pa itong anak na lalaki. Sina Joshua na walong taong gulang at si Carlo na sampung taong gulang naman.

"Jordan!" Napasigaw naman si Jessa nang biglang kumuha ang bunso niyang anak na si Jordan. Matanda lamang ito ng isang taon kay Marian. Agad naman itong kinuha ang panganay niyang anak na si Mickaela na trese anyos na. Mukha na itong hindi trese sa kanyang itsura dahil dalagang dalaga na itong tingnan. Ito naman ang pamilya ng ikalawang kapatid ni Crystal.

Sila ang mga nagbibigay ng lakas kay Crystal para magtrabaho ng mabuti. Kung iisipin ay hindi naman niya obligasyon ang magtrabaho para sa kanila ngunit hindi kaya ni Crystal na makitang nahihirapan ang kanyang mga pamangkin. Kaya kahit gustong bumukod ng kuya Roy niya, ikalawa niyang kapatid ay pinakiusapan niya itong sa kanila na lang tumira. Isa pa walang makakasama ang kanilang ina sa tuwing magtatrabaho siya.

"Kumusta ang trabaho mo anak?" bati ni Rosa sa kanyang anak na babae at umupo sa tabi nito. Hinayaan niya ang kanyang mga manugang ang maghanda ng hapag-kaininan.

Sumanding naman agad si Crystal sa balikat ng Ina at pumikit. Higit sa lahat ay ito ang pinagkukuhaan ni Crystal ng lakas. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niya munang pumasok sa isang relasyon. Ayaw niya itong iwanan. "Okay naman po," pagod na sagot ni Crystal. Naramdaman niya ang mainit na palad ng kanyang ina na humahaplos sa kanyang pisngi. Lalong nakaramdam ng kapanatagan si Crystal.

Hindi maiwasang makaramdaman ng lungkot ni Rosa para sa anak. Mababakas kasi sa mukha nito ang pagkahapo. Bata pa ito pero nakapataw na sa kanya ang obligasyong hindi naman dapat. Napabuntong hininga siya at binigyan ng marahang halik sa noo ang anak.

"Papa!" Masayang hiyaw ni Jordan nang sumulpot ang ama na galing sa trabaho sa may pintuan. Nagtatrabaho ito biglang factory worker sa isang kompanya rito sa Cavite. Ngumiti si Roy sa anak at niyakap ito.

"Hmmm! Sarap naman ng yakap ng anak ko! Nakakatanggal ng pagod!" masayang sabi ni Roy at kinarga ang anak. Pagkatapos ay umupo sa katapat na sofa na inuupan nila Crystal.

Sunod naman na dumating si Johan, panganay na kapatid ni Crystal. Hindi kagaya nila ay nakasimangot ito at mukhang aburido. Hindi nga sila pinansin nito at dumeretso sa banyo. Hindi nito pinansin kahit ang anak niyang bunso kaya napasimangot tuloy ito.

"Anong nangyari don?" nagtatakang tanong ni Crystal. Nagkatinginan silang tatlo. Nagkibit lang ng balikat si Rosa sa dalawang anak. "Hay naku! Magbihis na nga muna ako!" Tumayo na si Crystal at umakyat na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay saka pumasok sa kwarto niya.

Napakunot ang noo niya nang mapansin bukas ang pinto ng kwarto niya. Sa pagkakaalala niya inilock niya iyon bago siya umalis. Palagi kasing pinapakialaman ng mga pamangkin niya ang mga gamit niya kaya pinalagyan niya ito ng lock. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kanyang silid. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Dali-dali niyang nilapitan ang kanyang cabinet. Napamaang na lamang siya nang makitang bukas na ang latang pinaglalagyan niya ng kanyang ipon.

"Hindi pwede..."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report