The Crazy Rich Madame
Chapter 43; True Color

"Aray!" Napa-iwas ng kaunti si Vladimyr ng mapa-diin ang bulak na may konting alcohol, sa sugat niya sa noo. Di naman malala ang sugat na natamo niya kanina nang tumalon siya paalis sa kotse bago ito mapitpit ng truck. "Sabi ng doctor kailangan kong linisin yang mga sugat mo. At wag ka muna gagalaw dahil may mga na -dislocate na joints mo."

Tiningnan niya ng matalim ang lalaking ito sa harap niya na hawak ang cotton ball habang maingat na maingat na dinadampi sa gilid ng sugat niya.

"Tsk!" He hissed as if he was trying to scold her that way.

"You have the guts to jump off the speeding car without a doubt. Without thinking how much it may hurt you, but now complaining from the stinging alcohol?"

Natigilan si Vlad dahil sa mga sinabi ng lalaking ito.

"Lakas ng loob manermon? Sawa na yata mabuhay tong orangutan na 'to eh!"

Her inner self sneered.

Hanggang ngayon di pa rin siya maka-move on sa ginawa niya kanina. Hindi inaasahan ni Vlad na gagawin iyon ni Luvien sa kanya.

5 hours earlier;

Pagkatapos niyang tumalon palabas ng kotse niya bago pa salpukin ng truck ang kotse ni Lucien at nagpagulong-gulong sa kalye, pinilit niyang tumayo kahit nangangatog at nahihilo siya dahil sa malakas na paghampas ng katawan niya sa semento. Di rin niya nagawang iwasan ang di inaasahang paghampas ng ulo niya doon kaya may sugat siya sa noo at mga galos sa braso.

Pagtayo ni Vladimyr, pinilit nyang lumakad papunta sa kotse ng orangutan at sumandal doon para maka-tayo ng maayos. Nagsindi siya ng sigarilyo para kalmahin sa isip niya.

"Vladimyr, where are you?"

Tiningnan ni Vlad si Lucien sa malayo at napa-iling. Paglingon nito sa kanya, kaagad humangos si Lucien papunta sa kanya na may nanlilisik na mga mata.

"What the f*ck you are doing?" Singhal nito sa kaniya paglapit.

"I'm smoking, can't you see?"

"Y-you!" Asik muli nito at bigla na lang nitong tinapon ang sigarilyo niya sabay hila at ikinulong sa maskulado niyong mga braso. Mahigpit. Ramdam na ramdam ni Vladimyr ang malakas na kabog ng dibdib ni Lucien mang maglapat ang kanilang katawan. Warm, and-safe.

Matagal hindi umimik si Lucien habang yakap-yakap si Vladimyr. Kahit naisin niyang kumawala sa yakap nito, Masyadong malakas ang mga braso nito at di niya matinag kahit konti. Kaya hinayaan na lang niya ito. Makailang minuto akala niya ay pakakawalan siya nito pero napa-singhap siya nang bigla na lang nitong angkinin ang labi niya sa mapusok na paraan. Hindi alintana ang dugong umaagos mula sa sugat niya sa labi.

His lips are soft and warm. Dominating. She felt the urge for another time to respond but her mind was still shocked.

Nang bitawan siya nito ay agad umigkas ang kamay niya at dumapo iyon sa pisngi ng lalaki.

"How dare you-hmp!"

Bigla na naman siya nitong hinalikan. Mas matagal. Halos maubusan siya ng hininga nang bitawan nito ang labi niya pero ang nag-aalab na galit ay naroon pa rin sa mukha nito. Inirapan niya ito. Para na kasing mababaliw sa sobrang galit.

'Kala mo nag-aalala talaga kung maka-asta! Siya naman ang may balak na patayin ako.'

"You're crazy! Why did you do that huh?" Singhal muli nito.

"Matagal na! Ngayon mo lang nalaman?" Ngisi niya. "Simple lang, gusto kitang patayin." Malay ko bang ikaw yon? Sayang!

"W-what? The hell are you talking about?" His brows met in confusion.

"Yeah...but I change my mind." Casual niyang sagot saka humithit muli ng sigarilyo at bumuga ng usok sa gilid.

"I change my mind, cause it's not fun if I kill you this easily." She glanced at him. Seeing the amusement in his eyes. His lips parted while looking at her with disbelief. "I wanna see you suffer to death..."

Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Lucien sabay buntong hininga bago muling tumingin sa kaniya na may malambot na mukha. At puno ng pag-aalala sa mga mata. "Whatever the reason is...please...d-don't do that again will you?" Pigil hininga na pakiusap nito kay Vladimyr.

Natawa siya ng mapakla. Saka sinubukang lumakad paalis pero masyadong nanghihina ang tuhod niya na parang may na-dislocate na buto sa balakang niya kaya hirap maglakad ng normal. "Where are you going?"

"Saan pa, eh di uuwi!"

"Tsk!"

Nagulat si Vladimyr ng bigla siyang buhatin ni Lucien in bridal style.

"Let me drive you home" he softly said.

"Ibaba mo ko kung hindi-"

"What? Punch me again? Flip me and throw me away again?" He taunts her.

"Try it and I will think that you want a kiss from me...and believe me, you'll end up in my bed."

Natigilan si Vladimyr. Parang naubusan siya ng sasabihin dahil kay Lucien. Tumahimik na lang siya at hinayaan ang lalaki na dalhin siya sa kotse nito. Maingat siyang iniupo sa passenger seat.

...

Inside his wide room.

Vladimyr is sitting on his long black velvet couch. While Lucien sat close to her to tend her wounds.

"Bakit mo ba ako dito dinala?" Inis na tanong ni Vladimyr sa lalaking nilalagyan ng ointment ang mga sugat niya.

"To make sure you won't go anywhere."

She was startled.

'Or you are planning on killing me in your house so you can dispatch me without anyone's notice.'

In her mind.

"At saan naman ako pupunta?"

"I don't know."

The guy shrugged. He placed the first aid kit on its box. Locked it and stood.

"Wait here, I'll tell the maid to prepare us dinner." He said.

"You can take a shower." He pointed to a big pair of white curved doors. "That's my walk in closet, you can find a shirt there that fits you." He added.

Tiningnan lang ito ni Vladimyr habang nagsasalita. Pag alis nito ay tumayo siya at nag ikot-ikot malaking kuwarto.

Maganda ang interior design ng kuwarto ni Lucien. Very masculine ang theme in a grey, black and olive green matching color of walls, ceiling and floor. Dark red curtains, sleek floating glass shelves.

Black velvet set of sofa in leather.  Beige square center table with stem of cherry blossom on a white curve-base.

May mini bar with several luxury drinks and wine. An ambient lighting in tranquil white. A modern night stand.

Halos lahat ng sulok ng kuwartong yon ay sumisigaw ng masculine personality ng may-ari.

Pumikit si Vladimyr para sana mag relax. But the soft face of Lucien flashed through her mind. His kisses, his soft lips, the way he moves his lips against hers is too passionate and needy. And good!

Her heart suddenly raced again by the images of him. It was fantastic, actually! And she wants more.

There's an urge deep inside wanted to claim his lips as well. Kabaliwan yon dahil alam niya na pinasasakay lang siya ng lalaking 'to para madali siyang ma-silo at mapatay!

Napa Buntong hininga si Vladimyr. Marahas siyang tumayo at lumabas ng kuwartong iyon para umalis.

Hindi sa takot siya. Kundi pakiramdam niya nasasakal siya sa atmosphere ng bahay na ito. And she misses her children.

Paglabas niya ng kwarto kita niya agad ang first level which is filled with glass walls kaya kita din ang magagandang tanawin sa labas kahit gabi. There is a wide stair case with red carpet cascaded down the steps. The theme of the house is light tan and black.

Pagbaba niya nakita niya ang daan papunta sa kusina. Kung di siya nagkakamali, iyon pa rin ang kusina nila. Ten years ago, nakapasok na siya dito several times noong sila pa ni Luvien. Kahit paano, natatandaan niya pa ito. Pagpasok niya sa dining roon, naroon ang mga katulong, abala sa pagluluto.

"Hi!" Bati niya sa mga ito.

"Good evening ma'am"

"Ahm.... can I have a glass of cold water?"

Tumango ang isa sa katulong at agad siyang ikinuha ng tubig sa two door fridge.

"Pagkatapos mong uminom diyan umalis ka na sa bahay na to, ngayon din. Di ka bagay dito."

Nagsalubong ang kilay ni Vladimyr sabay lingon sa babaeng nagsalita.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report