The Crazy Rich Madame
Chapter 31; Aurelius.

Nag angat ng tingin si Leona pero ang tagusan naman ang tingin ng mga mata nito na para bang may malalim na iniisip. "Okay ka lang?" Taka niyang tanong. Tumango si Leona at tinuro ang modern contemporary house design.

Malapad ito na may Stunning castle style architecture at glass din ang halos lahat ng wall nito. Nakakadagdag ng elegance and luxury ambiance pag tiningnan. Mapapa-nganga ka talaga sa ganda, but then, wala pa 'to sa kalahati ng villa ni Vlad. Sa tantiya niya ay nasa 2 hectares ang kabuuang sukat ng lot area.

"Mhmm...maganda pala ang bahay niyo ng asawa mo?" Tinabi ni Vladimyr ang lamborghini malapit sa bahay at sinamahan si Leona sa mismong gate.

After several push of doorbell, lumabas ang todo posturang babae. Maputi at matangkad din ito. Artistahin ang level ng ganda.

"Leona!" Kaagad nitong bati na may pag aalala sa mukha. Sabay yakap kay Leona.

"Kagabi ka pa namin hinihintay, paano mo nagawang umalis ng walang pasabi?" Malambing at puno ng pag aalala na sabi ng babae. Halata naman na ka-plastikan lang at pakitang tao ang arte nito.

Napansin ni Vladimyr ang kakaibang kilos ni Leona at ng babae. Ramdam niyang may kung ano sa pagitan ng dalawang ito. At malinaw sa paningin niyang di iyon maganda.

"Cecilia.... by the way, this is Madame' Vladimyr-" mahinang sabi ni Leona.

"Kaibigan niya ako" sabad ni Vlad dahil ramdam niya ang pag aalangan ni Leona kung ano ang sasabihin. Kaya inunahan na niya ito.

"Oh, cecilia...nice meeting you" aniya na may matipid na ngiti.

"Madame, ito ang half sister kong si Cecilia"

"Nice meeting you too, Vladimyr!" Malapad na ngiti ng babae.

Mayamaya ay bumaling ito kay Leona na may simpatyang tingin.

"Pasensya ka na sa kapatid ko ah, Vladimyr, ganyan kasi talaga yan eh kapag umalis ng walang paalam, lahat ng kaibigan niya pinupurwisyo, yan tuloy.... nilayuan na siya...." Napanganga si Vladimyr sa sinabi ng Cecilia.

At paano niya nasabing namurwisyo si Leona sakin?

Lihim niyang sinulyapan si Leona at naghihintay na sumagot. pero naka tingin lang ito sa baba. Hindi man lang sumagot at sabihin ang totoo o ipagtanggol ang sarili mula sa maling sinabi ng kapatid niya. Ibang klase...

"Actually hindi naman-"

"Okay lang yan, Vladimyr, sanay na kami diyan kay Leona. Ganyan na talaga ang ugali niya kaya di na ako magtataka kung lalayuan mo rin siya dahil sa ugali niya" dagdag pa ng Cecilia.

Lihim na tumaas ang kilay ni Vladimyr then folded her arms over her bulging bust from her black spaghetti strapped top.

"Close your mouth" awat niya sa kapatid ni Leona. Napatingin ang dalawa sa kay Vladimyr. Naguguluhan. Hindi niya itinago ang inis na nararamdaman.

"What did you say?" Cecilia.

"I said close your mouth" ulit niya.

"Ha? Why?"

"Your mouth stinks...." Vlad.

Naguluhan lalo ang dalawa.

Sigurado naman ang kapatid ni Leona na walang amoy ang bibig niya. For she always visits the dentist for the cleaning and check up.

"I don't have a bad breath!" Inis na sabi ng babae.

"You do." Vlad.

Hindi malaman ni Leona ang sinasabi ni Vladimyr kaya naguluhan din siyang napatingin kay Vlad. Lihim na inamoy ng babae ang bibig niya sa pag aakalang mabaho mga ito ngunit ang naamoy niya lang ay ang mint orange scent ng mouthwash na ginagamit niya.

"How dare you! Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng mabaho ang bibig? You and my sister are both garbage!" Asik ng babae.

"And you are an idiot who has a very bad mouth and a two faced trying hard devil!" Kaswal na sagot ni Vladimyr dahilan para mamula sa galit ang babae.

"See? Lumabas ang tunay mong kulay cause you can't keep the plasticity you are showing to me, that's why, I easily noticed your real personality, and that is a pitiful one" Vlad chuckled.

"You think you can fool dumb people with you're 'highfaluting' attitude?, but sorry I'm not a dumb like them who believes in all your slanderings" Vlad, then smirked.

"So better not speak when I'm around cause you're polluting the air i breathe around me" dagdag pa niya.

Lalong umusok ang ilong ng babae sa sobrang galit dahil sa sinabi ni Vladimyr. Nahuli niya ang pigil na tawa ni Leona. Kaya napa iling siya.

'So this 'halfsister' of hers is bullying her...' she uttered.

Gigil na tinitignan ng babae si Vladimyr ng matalim na para bang gusto na nitong tadtarin sa pamamagitan ng tingin.

Pero para kay Vladimyr, isa yong bagay na ginagawa ng mga 'weak'. Natatawa siyang tumingin kay Leona. Wala na ang ngiti nito at naka tingin sa loob.

Sinundan ni Vlad ang direksyon ng tingin ni Leona at doon natihilan siya pagka kita sa lalaking paparating.

Matangkad ito at guwapo. May matangos na ilong, may matalim at mabalasik na mga mata.

'Aurelius?'

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report