My Stranger Legal Wife
CHAPTER 8: Date And Argument

Zeke's Point of View Napakunot-noo ako nang lumabas siya mula sa malaking pintuan ng bahay. She's wearing a black shirt paired with rugged pants and a white rubber shoes.

Nagbago na nga talaga siya. The old kind of wife I had won't wear T-shirt. She always wear a semi-formal dress, mapa-bahay o mapa-labas man. She never wear pants. Kahit nga sa loob ng bahay naka-make up siya. But look at her today, she's not even wearing any make up or even just a lipstick.

"Ang ganda niyo talaga, ma'am." Nakangiti ang driver naming si Mang Kanor. Nasa edad singkwenta na ito. Makikita iyon mula sa mangilan-ngalang hibla ng puti niyang buhok. Nagsimula na ring mangulubot ang balat nito. "Thanks, Mang Kanor." Kumislap ang mata ng asawa ko kasabay ng pagngiti ng labi niya.

Totoo ang sinabi ni Mang Kanor, maganda siya kahit simple lang ang suot niya. At lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Well, kahit naman nakasimangot siya, maganda pa rin siya.

Pinagbuksan mo siya nang walang kaimik-imik. Kahit noong nasa biyahe kami, walang umimik. Gusto ko siyang kibuin pero nakatutok naman ang atensiyon niya sa cellphone niya.

"Pwede bang ako muna, wife?" Agad naman siyang napatingin sa'kin. Makahulugan akong sumulyap sa hawak niyang cellphone. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin. Ngali-ngali niya itong nilagay sa loob ng pouch niya. "Anong gagawin natin dito?" Iginala niya ang paningin niya.

"My treat for taking care of me when I was sick."

"Pwede namang sa bahay nalang kumain eh. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay naglakad lang ako papasok. Naramdaman ko namang sumunod siya.

Elegante ang paligid. Nangingibabaw ang kulay gold na tema sa loob ng restaurant.

"Sea food ang specialty nila dito. But they also have other cuisine." Ipinaghila ko siya ng upuan.

"Hmm.. Seafood? Parang gusto ko ng chili crab." Matamis ang ngiti nito. Tumingin pa siya sa mata bago ito umupo.

Umupo naman ako sa katapat niyang upuan at tsaka sumenyas sa waiter.

"Really? Hindi ka na concern sa diet mo?" Dati puro salad lang siya. She never ate food with high fats. Masisira daw ang diet niya.

"Why? Is it important if I'm sexy or fat?"

New mindset, huh? She really changed so much. Dahil ba iyon sa babe niya?

"Just like what I've said, you're still beautiful even you get fat."

"Whatever!" Nagkibit-balikat siya bago nag-iwas ng tingin. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang pamumula ng pisngi niya.

Nang lumapit ang waiter ay hinayaan niya akong mag-order. Nakaiwas parin ang tingin niya. Kung saan-saan napadpad ang mata nito. Pinagsawa ko naman ang mata ko sa kanya.

"Ken!" Napatayo ito at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Awtomatiko naman akong napatingin sa direksyon ng paningin niya.

Lumingon naman ang isang lalaking nakatalikod na kasuot ng black polo at jeans. Medyo may kaputian siya, bilugan ang kanyang mga mata, may katangusan din ang ilong, makipot din ang kanyang labi. Hindi maitatangging may hitsura ang lalaki kahit kung tutuusin ay napaka-ordinaryo ng dating niya.

Ano kayang nagustuhan ni Lei sa lalaking 'to? Malayong mas gwapo ako sa kanya.

"Alora?" Halatang nagulat siya. Sunod na napunta ang tingin niya sa'kin.

"What are you doing here? And.... and who's this man?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin niya sa'min.

Nakita kong natigilan si Alora. Kaya tumayo ako at naglahad ng kamay.

"I'm Zeke Xavier Fuentares, Alora's husband." Sumulyap lang siya sa nakalahad kong kamay. Agad ko iyong binawi nang mapunta kay Alora ang tingin niya.

"Is it true? Totoo bang----" Naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Alora.

"Nakauwi kana. I thought you're out of the country."

"I just got home." Kalmante ang sagot nito pero matalim ang tingin nito sa asawa ko.

"Then why you didn't tell me? Kahit sa text man lang sana. You're not even calling me." Ramdam ko ang hinanakit sa boses nito.

"Don't change the topic, Alora! Is it true that he is your husband?" Matigas ang boses nito. Bigla namang lumambot ang ekspresiyon ng mukha ni Alora.

"L-let me explain." Tinangka niyang hawakan ang lalaking ito na tinawag niyang Ken. Sino ba 'tong lalaking 'to?

"So it's true? God! Niloko mo ako!" Nakita ko ang pag-igting ng panga niya bago nagmartsa palabas ng restaurant.

Agad naman siyang sinundan ni Alora.

"Ken, magpapaliwanag ako," rinig ko pang turan niya habang sinusundan niya ito.

Nabuntong-hininga na lang ako at saka nailing. Gets ko na. Siya ang babe niya.

Sinundan ko sila. At nakita ko kung paano hawakan ni Alora ang kamay niya na para bang nagmamakaawa. Kaso iniwan siya ng lalaki at sumakay ito sa kotse. Pumara naman si Alora ng taxi at sinundan siya. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Nakalimutan na niyang may kasama siya. She just forgot that I exist. Damn it!

"Mang Kanor, bumalik ka sa loob, paki-take out ang order namin. I will use the car. Susundan ko sila. Mag-taxi ka nalang po pauwi." Inabutan ko siya ng lilibuhing pera.

Sinubukan ko silang sundan kaso hindi ako nagtagumpay kaya naman napagdesisyonan ko na lang umuwi. Kung wala lang traffic sa Pilipinas paniguradong nasundan ko sana sila.

Around eight in the evening when she went home. Medyo magulo ang buhok niya at mapula ang mga mata niya. Obviously, she just cried. Nagtama ang mga mata namin kaso 'di niya ako pinansin, dumeretso lamang ito sa pag-akyat. Sinundan ko naman siya.

"Alora," tawag ko sa kanya.

"Stay away. Ayokong makita ka!" Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Nang buksan niya ang guestroom na tinutuluyan niya, agad akong pumasok bago pa niya ito maisara. Ako na rin ang nagsara ng pintuan at saka ako sumandal doon.

Tinignan niya ako ng masama.

"Stay away from me, Mr. Fuentares!"

"Why should I, Mrs. Fuentares?" I answered her back.

Sa halip na sagutin niya ako, naglakad siya patungo sa kama niya. Kinuha niya ang unan ibinato sa'kin.

"This is all your fault!" Tumulo ang luha niya. Kita ko at ramdam ko parin ang galit niya.

Pinagbabato niya lahat ng unan niya sa'kin. Nagsisigaw ito. Hinayaan ko siya. At mukhang hindi pa siya nakuntento, pati ang kumot ay ibinato niya sa'kin. Tumama lahat sa'kin pero hindi ko naman iyon ininda. Nang wala ng laman ang kama niya, umupo ito sa kama at sinapo ng dalawang palad niya ang mukha niya. Patuloy parin siyang umiiyak kita ko iyon sa pagyugyog ng balikat niya. Hinayaan ko lang siya. "Why did you do that?" Namamaos ang boses nito. Nakita ko ang pag-agos ng luha niya nang mag-angat siya ng tingin.

"Bakit mo sinabi na asawa mo ako?"

"I only told him the truth. Bakit mo ba ako dine-deny?" Hindi ko rin itinago ang galit.

"In our situation, I should be the one feeling the anger! Ikaw ang nanloko. Ikaw ang nang-iwan pero kung harapin mo ako parang wala kang kasalanan." Sige! Labasan na kami ng sama ng loob.

"Hindi ba dapat humingi ka ng tawad? Matapos kang manlalake at magpabuntis, iniwan mo ako sa ere na wala man lang pasabi!"

"Ah! Kaya mo ginawa iyon dahil gumaganti ka!" Galit parin siya at mukhang hindi man lang tinablan sa sinabi ko.

"You should have told me that he is your boyfriend. Edi sana nakapagtago ako. Nakakahiya naman kasi legal husband mo lang naman ako!" Tinignan lang niya ako ng matalim.

"Note this, YOU. JUST DESTROYED. MY HAPPY LIFE!!" pinagdiinan niya talaga.

"And you should also note this, I. JUST REALIZED. THAT I DON'T DESERVE A WOMAN LIKE YOU"

"Thanks God! You finally realized it. Siguro naman pagbibigyan mo na ako ngayon sa divorce!"

"Why should I do that? I want you to suffer. Kung mahal mo siya gawin mo siyang kabit. Sorry na lang, hindi ko hahayaang maging legal kayo!"

"Nakakainis ka talagang lalaki ka!" Sumugod siya sa'kin kaso nasangga ko ang kamay niya.

"Naiinis din ako sa sarili ko. You hurt me so much but when I saw you again I felt I am still in love you. Ang gago 'di ba? It's true, I don't deserve you but I can't still let you go. So damn of me!" Pabalya kong binitawan ang kamay niya bago ko siya iniwan.

Isipin na niyang patay na patay ako sa kanya pero sobrang gaan sa pakiramdam na nabitawan ko ang lahat ng gusto kong sabihin.

Third Person's Point of View

"Huwag mo kaming iwan, Leo. Please. Isipin mo ang anak natin." Humawak ito sa kamay ng kanyang mahal. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Walang pag-aalinlangan nitong ipinakita sa kanyang mukha ang kanyang pagsusumamo. Hindi na mahalaga kung magmukha siyang kahabag-habag, ang mahalaga maipakita niya ang totoong damdamin sa kanyang mahal.

"I'm sorry. Mahal ko siya." Tinanggal nito ang kamay na nakahawak sa kanya. Kita ang pagkahabag sa kanyang mukha nito subalit nangingibabaw ang kagustuhang magawa ang desisyong napili.

"At pa'no naman kami ng anak mo? Pa'no kami, huh?"

"Hindi ko tatalikuran ang responsibidad sa inyo. Magbibigay pa rin ako ng sustento."

"Hindi pera ang kailangan namin Leo kundi ikaw!" Nagsisipatinginan na rin ang ibang nagdaraan dahil sa malakas na boses at paghikbi nito.

"Sorry, Cerie. Hindi na ako masaya na kasama ka. Siya ang totoong mahal ko kaya hayaan mo na ako. Hayaan mo na akong umalis." Tumalikod ito pero agad siyang nahabol at nahawakan ni Cerie. Agaran niyang itong itinulak at mabilis ang hakbang patungo sa sasakyan nitong nakaparada. Agad naman siyang hinabol ng kanyang maybahay.

"Leo, please! Huwag! Ayusin natin ito." Ngunit hindi na nagpapigil ang ginoo. Nagpatuloy ito sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Nang humarurot ang sasakyan paalis ay sinubukan pa itong habulin ng babae hanggang sa sumuko na ang kanyang mga paa at napaluhod na lamang ito.

Lalo namang napahikbi ang limang taong gulang sa nasaksihang tagpo ng kanyang magulang. Lumapit siya sa kanyang inang nakaluhod at humahagulhol. Yumakap naman ito sa kanya nang makita siya nito.

Napakasakit lang isipin na may amang kayang iwan ang mag-ina para sa bagong pag-ibig. Ngunit sadya nga yatang lahat ng sugat ay naghihilom dahil makalipas ang mahigit dalawang taon ay natagpuan ng kanyang ina ang bago nitong pag-ibig. Nagpakasal ang mga ito at umabot pa iyon sa puntong pagpapalit niya ng apelyido. Tanggap siya nito bilang anak na isa sa dahilan upang mahumaling ang ina ng bata sa bagong kabiyak. Tuluyang na ngang nabaon sa limot ang kanyang papa Leo. Tuluyan na itong napalitan ng kanyang amahin, ang kanyang daddy Arnaldo. Higit pa sa pag-ibig ng isang tunay na ama ang ipinalasap sa kanya ni Arnaldo. Binusog siya nito ng yaman at mga materyal na bagay. "Daddy, huwag po. Masakit po." Sumiksik siya sa gilid ng pader. Nanginginig siya habang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang pisngi.

Paulit-ulit at paulit-ulit pa siyang dumaing sa mga sumunod pang araw, buwan at mga taon. Walang nakarinig ng kanyang mga hikbi habang walang habag siya nitong nilalapastangan sa mura niyang edad. Matindi ang kanyang kagustuhang magsumbong sa ina subalit paano niya iyon gagawin kung sa bawat araw na magdaan ay nasasaksihan nito ang labis ng pag-ibig ng ginang sa kanyang amain.

Hindi niya makakayanang makita ang muling pagluha ng kanyang ina. Nagawa niyang lunukin ang maruming gawain ng kanyang amain hanggang sa nakasanayan na niya. Unti-unti'y hinahanap na ng kanyang katawan ang makamundong pagnanasa. Naging katulad lamang ng pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng lalaki sa buhay niya. Kapag gusto, uulitin at kapag ayaw na, itatapon na.

Ang karanasan niya sa buhay ang naging dahilan ng pag-usbong ng tapang sa kanyang kaibuturan. Walang makakatibag sa kanya. Walang makakatalo sa kanya sa bawat larong kanyang pinasok. Ngunit pagsapit ng tahimik na gabi ay saka lamang siya makararamdam ng habag para sa sarili.

"Sana kung hindi kami iniwan ni papa, hindi mangyayari ang lahat ng ito." Sa sulok ng madilim niyang kwarto ay ibinuhos niya ang kanyang luha na nakakubli sa matapang at mapaglaro niyang personalidad.

"Kasalan ito ng taong iyon. Sinira niya ang buhay namin. Inagaw niya sa'min si papa."

Sumidhi ang matinding galit sa kaibuturan niya. At sa paglipas ng panahon, kailanman ay hindi nakalimutan ng puso niya ang kalupitang nalasap na animo'y kahapon lang nagyari.

Napatitig siya sa litrato ni Zeke Fuentares at ni Alora Andrada. Magkatabi ang dalawa habang nakasalampak sa damuhan. Kita ang kislap ng kanilang mga mata. Sunod na dumako ang tingin niya larawan ng dalawa sa isang restaurant. Magkaharap habang nag-uusap. Ang sumunod ay larawan sa pareho paring lugar ngunit may kasama na silang isa pang lalaki. Pare-parehong nakatayo ang tatlo.

Napangisi siya.

Everything is going according to plan.

Nalalapit na ang kanyang paghihiganti. Bibigyan niya ang kinasusuklaman ng buhay na kailan ay 'di nito makakalimutan. Magsisisi siyang iniluwal siya ng kanyang makasalanang ina sa mundo.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report