My Stranger Legal Wife
CHAPTER 5: Finally Home

Zeke's Point of View

"Good evening Ma'am, Sir." Sabay-sabay na yumukod sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min.

"Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin." Iniabot ko ang susi ng kotse kay Manang Linda upang makuha nila ang mga gamit ng asawa.

"Teka! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," mabilis niyang asik sa'kin.

Mahina na lamang akong napabuntong-hininga. Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa. "Why not? We're husband and wife." At saka para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.

Pinandilatan niya ako.

"Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.

Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.

I sighed.

"Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya.

"You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad paakyat. Sumunod naman sa kanya ang mga katulong na nagdala ng gamit niya. Naiiling nalang ako habang tanaw ko siyang papalayo. Siya na naman ang nasunod. Lagi naman ganito, siya ang laging superior.

"Good evening, sir." Agad akong napalingon sa nagsalita. It was Artheo Pueblo, my most trusted man.

"Art!" Ginawaran ko siya ng munting ngiti.

Hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa pagsundo niya sa asawa ko. Kahit sinasahuran ko siya, hindi matatawaran ng pera ang serbisyo at katapatan niya sa'kin. "May qualified na po sa position ng CEO's secretary, sir."

Napatango ako. Mahigit three weeks na rin akong walang secretary matapos mag-resign ang dati kong secretary.

"Go signal niyo na lang po ang kailangan, sir. The HR will immediately hire her upon your approval."

"Let's discuss about her in the library. Follow me."

Alora's Point of View

Maaga akong nagising. Nakakahiya naman kung feeling prinsesa ako dito samantalang hindi naman talaga ako ang asawa niya.

"Tulungan ko na po kayo sa pagluluto, manang," saad kong nakangiti.

"Naku, huwag na po, ma'am." Halatang nahihiya siya, bigla rin siyang naging conscious sa mga kilos niya.

"Sige na po, manang. Sanay naman po ako sa gawaing bahay," saad ko. Hindi ko siya lulubayan hanggang sa hindi siya pumayag.

"Kaya lang po ma'am, baka po magalit si sir kapag-----"

"Kapag 'di niyo po ako pinayagan manang, magtatampo po ako," saad ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

Parang nataranta naman siya kaya sinamantala ko iyon para kunin ang apron na nakasabit sa gilid ng refrigerator. Hindi na rin siya umimik nang magsimula na akong kumilos. Kinuha ko na ang bacon at ako na ang nagprito.

I was busy cooking when an arms encircled my waist. Sa gulat ko muntik ko ng ipalo sa kanya ang sandok na hawak ko buti nalang nagawa niyang pigilan ang kamay ko. "Good morning, wife." He is hugging from my back. Ipinatong rin niya ang baba niya sa balikat ko.

"Alam mo bang na-miss kita ng sobra? I'm really happy you're back home," malambing niyang saad.

I sighed.

"Pwede ba, stop hugging me. Alis!" sungit ko sa kanya.

Ayoko lang sa ideyang niyayakap niya ako dahil akala niya ako si Leina.

Kumalas naman siya sa pagyakap sa'kin. Agad ko siyang hinarap matapos kong patayin ang stove.

"Ba't hindi ka pa bihis? Wala ka bang work ngayon?" I asked. Nakasuot Ing kasi siya ng sando at short. "I'm on leave."

Hay naku! Ano ba yan! Umaasa pa naman ako na mamayang gabi ko na ulit siya makikita.

"Pero aalis din ako mamaya. I have to meet someone."

Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita.

"Then after my short meeting, let's go out for a date."

Akmang magsasalita ako nang biglang unog ang cellphone ko. Agad kong kinapa iyon sa bulsa ko. At nang makita ko kung sino ang tumatawag, hindi ko mapigilan ang mapangiti. The man of my life.

"Babe!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako kasi naalala niya akong tawagan ng ganito kaaga.

Sa sobrang saya ko ay nawala sa isip ko na kaharap ko pala si Zeke. Nagbalik lang ako sa reyalidad nang makita kong nakatingin siya sakin. Bahagyang nakakunot-noo niya at bahagyang nakaarko ang isa ng kilay. Bahagya ring nakaawang ang labi niya.

Eh paki ko kung narinig niya. Mabuti nga yo'n para pagbigyan na niya agad sa divorce.

Bago siya makaimik ay tila balewala akong lumakad ako palabas para makausap si Kenneth.

Kaagad akong naligo at nagbihis pagkatapos naming kumain. I am wearing a hanging t-shirt paired with high waist pants. I also use a rubber shoes. Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa'kin si Zeke na bihis na bihis. Nakasuot pa ito ng blue three piece suit.

Parang gusto tuloy ang humagalpak sa tawa.

"Ano ba naman yan? Wala na bang mas pormal diyan?"

Sumimangot siya kaya naman pinigilan ko na sarili ko sa pagtawa. Baka kasi mamaya ay lalong siyang maasar.

"Halika nga, ako pipili ng susuotin mo," turan kong hinila siya papunta sa kwarto niya.

Nang makapasok kami, hinayaan ko siyang magpatiuna papunta sa walk in closet niya.

"Ito ang gamitin mo para 'di ka magmukhang ewan sa puountahan natin." Biro ko kasabay ng pag-abot sa kanya ng napili kong damit. I chose a dark blue polo and a denim plants for him. I also blue picked slip on shoes for him. Kaagad naman niyang tinanggap iyon.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang maghubad sa harap ko.

"Gosh! Magsabi ka naman kung maghuhubad ka para mabigyan kita ng privacy." Mabilis kong tili.

"What? Privacy? We use to get naked in bed. So what's new if magbihis ako sa harap mo?"

Aba! Ang bulgar naman nito. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya para pagtakpan yun sinipa ko siya sa paa tapos walang sabi-sabing iniwan siya.

"Shit!" Nakangiwing bulalas niya matapos ko siyang sipain pero di'ko na sinubukang lingunin pa.

Zeke's Point of View

Where is she?" Agad kong bungad kay Sam pagkalabas ko ng elevator.

"Nasa loob na po, sir."

Walang-imik akong naglakad papasok ng opisina. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa aking babaeng medyo may katangkaran. Kasuot ito ng white three-fourth sleeves na tinernuhan niya ng skirt. Kaagad siyang napatayo nang makita niya

ako.

Agad ring nanlaki ang mata niya nang makilala niya ako.

'Hello, miss sungit. We met again.' Ugong ng aking isipan.

"Miss Richelle Ravina, I would like you to meet your new boss. He is Zeke Zavier Fuentares." Formal ang pagpapakilala sa amin ni Artheo.

Agad naman akong umupo sa aking upuan.

"Please sit down, Miss Ravina." Wala akong kangiti-ngiti.

Gumuhit ang hiya at pagkabalisa sa mukha niya. Dahan-dahan siyang umupo, nakayuko pa siya ng bahagya.

"I know Mister Pueblo already discussed the details of your job and so with your salary and benefits."

"Yes sir, he already discussed every detail." Mahinang turan niya.

"Alright! Did he mentioned that I will be on leave?"

"Yes, sir. He already told me what to do sir."

Marahan akong napatango.

"Okay. That's good." Tumango-tango ako bago ako tumayo sa pagkakaupo.

"Alright, that's allNice meeting you. Mister Pueblo will tour you around."

Bumaling ako ng tingin kay Art.

"Art, ikaw na ang bahala sa kanya."

Agad naman itong tumango.

"Yes, sir."

Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Richelle Ravina nang tunguhin ko ang pinto. Mabilis kong tinalunton ang pasilyo pagkálabas ko ng aking opisina. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa waiting area kung saan siya nagpaiwan kanina.

"I'm sorry for making you wait, wife." Agad namang siyang tumayo sa sofa nang makita niya ako.

"Nah. Maliit na bagay." Gumuhit ang munting ngiti sa labi nito.

"Tara na." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Itinaas naman niya ang kamay niya ngunit natigil iyon sa ere.

Nang titigan ko siya, nakita kong nakabaling sa bandang likuran ko ang mata niya. Agad ding napunta roon ang atensiyon ko.

Nakatutok ang mata niya kina Art at ang bago kong secretary.

"What's the matter?"

Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo.

Agad naman siyang napatingin sa'kin.

"Wala naman. Iyong babae kasi, parang kilala ko siya."

"She's Richelle Ravina, my newly hired secretary."

Muling bumalik ang tingin niya sa aking bagong secretary.

"Parang nakita ko na siya somewhere."

"Maybe she's one of your costumer in the restau."

Bumaling siya sa akin

"Ah siguro nga."

"So let's go!"

"Sige, tara na." Muli pa niyang nilingon si Richelle Ravina nang magsimula kaming lumabas ng building.

Nawala lang atensyon siya sa bago kong secretary nang tumunog ang cellphone niya. It's a notification alert. Mukhang may text message siya.

Walang na kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa sasakyang naghihitay sa'min.

Tumabi ako sa kanya sa back seat. I just instructed the family driver where to go.

"Wife," I called her to get her attention. Kanina pa kasi siya busy sa cellphone niya. Tumingin naman siya sa'kin.

"Don't call me wife."

Tila kinurot ang puso ko. Oo nga pala! May babe na kasi siya.

"Okay. Lei," Ayaw niya ng wife, eh di Lei nalang tutal yo'n naman ang tawag ko noon sa kanya. Iyon siguro ang gusto niya kasi dati naman 'di ko siya tinatawag ng 'wife'. "Call me Alora. That's my name."

Gusto kong matawa, para namang hindi ko alam.

"I know. Alora Leigh, that's your name. I'm aware of that because you're my wife."

"Hayan ka na naman sa linyahan mong ganyan. Sooner or later, hindi mo na ako asawa. So treat me like a stranger," litanya niya at saka isinandal ang ulo niya headrest ng sasakyan.

Pakiramdam ko tuloy para kong pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya at siya naman pilit akong pinagtatabuyan.

"Tell straight to my face. What's wrong with me as husband?"

Tumingin siya sa 'kin.

"Don't ask me that. Alam kong alam mo kung bakit ka ipinagpalit ng asawa mo."

Oo nga pala. Nasabi na pala niya sa'kin dati when I confronted her about her other man.

"Sabi mo sa'kin nagkulang ako ng time sa'yo dahil busy ako sa trabaho. If that's my lacking as husband then I will fix that. Kaya nga ako nag-leave to have time with you. But look at you, you're still cold at me." Kaso sa halip na sagutin niya ako, bumaling siya sa driver.

"Manong, malayo pa ba tayo?"

Napabuntong-hininga na lamang

Paano kami magkakaayos kung ganito siya sa akin?

Alora's Point of View

"Sabi mo sa'kin nagkulang ako ng time sa'yo dahil busy ako sa trabaho. If that's my lacking as a husband then I will fix that. Kaya nga ako nag-leave to have time with you. But look at you, you're still cold at me," saad niya. Nakonsensiya naman ako bigla. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang lahat, kaso hindi naman talaga ako ang asawang nakasama niya dati. I should leave it to Leina. Siya dapat ang magtapat ng katotohanan. Kaya para matigil na ang usapang ito, bumaling ako sa driver at tinanong kung malayo pa ba kami.

Buti nalang at ilang minuto lang ay nakarating na kami. Gosh! I'm saved again. Pero hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan?

Nothing special this day, nag-grocery lang kami, kumain, nanood ng sine, kumain ulit, nagshopping, kumain na naman ulit at namasyal sa parke. Naging mabilis ang oras, namalayan ko na lang na alas-otso na pala ng gabi. Ngunit tila wala pa siyang balak magyaya na umuwi. Gabi na pero nandito pa rin kami sa park. Nakaupo kami sa damuhan.

"Pagod na ako, Zeke," wala sa sariling nasaad ko.

'Sana mapagod ka na ring magpakatanga kay Leina.' Ugong ng aking isipan.

"Zeke? That's new. You call me Zav before."

Kumabog ang dibdib ko pero pinilt kong huwag magpahalata.

"Ah, okay. Zav"

Napangiwi ako.

Kung bakit ba naman kasi hindi man lang ako in-inform ni Leinarie.

Ngumiti siya.

"It's okay if you call me Zeke. Actually, I'm happy because mom also calls me like that."

It reminds him of his mom? Hind ko naiwasan ang panliitan siya ng mata. Iyong tawag ko ba talaga sa kanya o mukha na akong nanay kasi ang haggard ko na ngayon?

"Sana maulit 'to," turan niya kasabay ng pilit na ngiti.

Itinukod ko ang kamay ko sa ulo ko at tumingin sa kanya habang nagsasalita.

"Babawi ako sa mga pagkukulang ko noon, wife."

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Nakatuon ang atensiyon ko sa mukha niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Na-focus roon ang tingin ko at animo'y tumigil ang ikot ng mundo. Parang nilamon ako ng nakakahumaling na kulay berde niyang bilumata.

Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya nang may pumatak na tubig sa pisngi ko.

Wala sa sariling napatingala ako.

"It's starting to rain. Let's go."

Tumayo siya at mabilis na kinuha niya ang kamay ko.

Tila tuod naman ako na nagpahila.

Sabay kaming tumakbo habang magkahawak kamay. At sa sandaling magkahugpong ang aming kamay para nag-slow motion ang lahat.

Ang tanging namalayan ko na lang ay ang malakas ng pagtibok ng aking puso na animo'y isang magandang musika sa aking pandinig.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report