My Stranger Legal Wife
CHAPTER 28: Where's Alora?

Nagpatuloy pa ang pagpapadala ng litrato ni Alora na pawang mga stolen shots. Araw-araw ay may natatanggap si Zeke na litrato nito. Hindi rin nakaligtaang i-message sa kanya kung anong kinain nito sa maghapon. Updated rin siya sa kung anong ginawa nito sa maghapon. Maging ang oras ng pagtulog nito ay hindi nakaligtaang sabihin sa kanya.

Maging ang ultrasounds photo at laboratory results ay ipinapadala rin sa kanya.

Gayunman, wala pa ring kasing lungkot ang mga nagdaan mga buwan. Hindi sapat ang mga 'di mabilang na larawan upang maibsan ng pangungulilang kanyang nadarama.

"Do you have any good news, Art?"

"I'm sorry, sir. Sampung private investigator ang kumikilos pero sadyang wala silang makuhang impormasyon. Nagpamigay na rin po ng mga flyers at meron na ring pong post sa iba't-ibang social media account pero wala pa rin talaga, sir." Nabuntong-hininga na lamang si Zeke.

"Dapat pa ba akong umaasa na makikita ko pa siya?"

Napatitig siya sa litratong huling ipinadala sa kanya.

Malaki na ang umbok ng tiyan ni Alora.

Nakatitig si Zeke sa magandang mukha ng kanyang misis nang makatanggap siya ng mensahe. Galing iyon sa misteryosong message sender.

From: Unknown number

Your wife is now on her labor. Come if you want to see her.

Ang sumunod na mensahe ay ang pangalan ng hospital.

"Let's go, Art." Kaagad siyang tumayo. "Alam ko na kung nasa'n si Alora."

Halos paliparin ba ni Zeke ang kanyang sasakyan. Ilang beses nag-overtake at muntikan rin itong masangkot sa aksidente.

Nang makarating sila sa loob ng hospital ay walang pagsidhan ang kanyang kaba.

Iginala niya ang paningin. May mga tao sa hallway. Nakita rin niya ang tatlong nurse sa nurse station na pawang may mga ginagawa. Humakbang ang kanyang paa para magtanong ngunit natigil siya dahil sa pagtawag. "Mister Fuentares."

Nang lumingon siya ay agad niyang nakita si Franc Belmonte.

Puno ng pagtatakang napatitig sa kanya si Zeke. Maya-maya lang ay lumapit ito sa kanya.

"Do you still remember me?"

"Yes. You are Franc Belmonte."

Iniabot nito ang isang cellphone kay Zeke. Tila wala naman siya sa sariling tinanggap iyon. "That's Alora's phone."

Napakunot-noo naman si Zeke.

"Iyan ang phone na ginagamit ng caregiver para mag-send sa'yo ng update.

"Ibig sabihin -----"

"Sinabi ko naman sa'yo dati, makikilala mo ako sa tamang oras, Mister Fuentares."

Kumuyom ang palad ni Zeke. Mabilis na kumilos ang kamay nito at kinuwelyuhan Franc.

"Of all people, ikaw lang pala ang nagtatago sa asawa ko."

Sinubukang awatin ni Art si Zeke pero parang wala itong narinig.

"I am just protecting your wife."

"Protect to whom?" Lumabas ang litid sa leeg ni Zeke. Pinagtitinginan na rin sila ng mga taong naroon.

"Sa taong galit sa kanya."

"Tell me who."

"Hindi ko pwedeng sabihin, Mister Fuentares. Prinotektahan ko ang asawa at anak mo ng pitong buwan. Pero pasensya ka na hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung sinong nagtangka sa kanya." Nag-igting ang panga ni Zeke.

"Now, do your part. Make sure of her safety."

Nang bumukas ang pinto ng emergency room ay pabalyang binitawan ni Zeke ang kwelyo ni Franc.

"Hindi pa tayo tapos, Franc Belmonte."

Mabilis na humakbang si Zeke palapit sa doctor.

"I am the husband, Doctora."

"Congratulations, sir. Mommy and the babies are healthy."

"Babies?"

"Yes. Aren't you aware that you have twins?"

Hindi nakaimik si Zeke.

"Anyway, ililipat na ang misis mo sa room niya. Ang mga babies niyo naman, dadalhin sa nursery para sa ilang test."

"Okay po, Doctora. Thank you po."

"Pagkalabas nila, agad niyo silang sundan. Hindi lang natin alam, pero maaaring may kalaban na sa paligid," turan ni Franc. Nilingon siya ni Zeke ngunit pinukol lang niya ito ng masamang tingin.

"I know you're mad at me but please listen. Always keep an eye to your wife and to your children."

Nang ilabas si Alora sa emergency room naramdaman ni Zeke ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nang masulyapan niya ang dalawang sanggol ay hindi mapaliwanag ang sayang kanyang nadarama. Hindi niya malaman kung sinong una niyang lalapitan.

"Sundan mo ang mga bata Art. Huwag mong aalisin ang mata mo sa kanila. Susundan ko lang si Alora."

"Sige po, sir."

Nagkaiba na sila ng direksyong tinungo ni Art.

Nang mailipat na si Alora sa isang private room ay kaagad siyang dinaluhan ni Zeke. Humawak ito sa kamay ni Alora. Ginawaran niya ng halik ang likod ng palad nito. Hindi na rin niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang luha. "Zeke."

"Wife."

Kaagad siyang kumilos at mabilis na niyakap ito.

"I miss you. I miss you so much, wife."

"Miss na miss na rin kita." Pumiyok ang boses nito.

"Salamat dahil nandito ka na, Zeke. Araw-araw kong pinagdadasal na sana magkita na tayo ulit."

Humiwalay ng yakap sa kanya si Zeke at pinunas ang luha nito

"Tahan na." Hinalikan niya ito sa noo.

Hinawakan ni Zeke ang pagkabilang pisngi ni Alora. Inilapit nito ang kanyang mukha sa kanya. "I've been dying to do this." Lumapit ang labi ito at masuyong niya itong ginawaran ng halik.

"Hindi ko mapapatawad si Franc sa pagtatago niya sa'yo."

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Alora.

"Si Franc? Anong ibig mong sabihin?"

"Kinidnap ka ni Franc."

"Kahit kailan, hindi ko nakita si Franc. Nang magising ako, nasa isang rest house na ako. May kasama akong nurse at isang katulong sa bahay. Hindi ko sila masyadong nakakausap, parang ilag sila sa'kin. Pero ang sabi sa'kin ng nurse, nasa rest house daw ako dahil nasa panganib ang buhay ko."

"Pero nakita ko si Franc dito. Ibinigay pa mga sa'kin, 'yong cellphone na ginagamit nilang mag-send ng pictures mo."

"Hindi ako alam. Ang nurse ang natatandaan kong nagdala sa'kin dito."

"Nevermind, wife. Ang importante nasa akin kana ngayon."

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig sila ng katok sa pintuan. Maya-maya lang ay bumukas ito, pumasok mula roon ang isang nurse at ang doctor na may tig-isang kargang sanggol. Nakasunod naman sa kanila si Art. Malawak ang ngiti nito.

"Mommy, Daddy, narito na po ang mga babies niyo." Nakangiting turan ng doctor.

Lumukso ang puso ni Zeke.

Para namang hinaplos ang puso ni Alora. Nang lumapit ang nurse kay Alora ay maluha-luha nitong kinarga ang sanggol na nakabalot ng kulay pink.

"Sir?" Nakangiting inilapit ng Doctora kay Zeke ang sanggol na nakabalot ng kulay light blue. Nanginginig naman itong tinanggap ang bata.

At parang naging kanila ang mundo ng mga sandaling iyon. Hindi matutumbasang ligaya ang nadama ng puso nina Alora at Zeke ng sandali iyon.

Nang makaalis na ang nurse at Doctor ay noon na lumapit sa kanila si Art.

"Congratulation po, ma'am, sir."

Nagmulat ng mata ang sanggol na karga ni Zeke. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa nasilayan. Ngunit panandalian lamang iyon dahil muling pumikit ang sanggol, tila nasilaw ito sa liwanag. "Namamalikmata ba ako, Art?"

"Itong baby, pareho kami ng...." Nag-alangan itong sabihin dahil baka namali lamang siya ng nakita.

"Hindi po kayo namamalikmata, sir. Pareho po kayo ng kulay ng mata."

Tumulo ang luha ni Zeke nang magising siya sa reyalisasyon. Maingat niyang hinalikan ang pisngi ng sanggol na hawak.

"I'm sorry. Sorry dahil pinagdudahan kayo ni Daddy."

Lumapit ito kay Alora. Iniyakap niya ang isang kamay nito sa kanya at hinalikan ito sa gilid ng kanyang noo.

"I'm sorry for being such a fool. Masyado akong naniwala sa mga sinabi ni Richelle. I'm sorry kasi hindi ako nagtiwala sa'yo."

"Tapos na 'yon, Zeke. Kalimutan na lang natin. Hindi pa naman huli ang lahat. Magsisimula tayong muli."

"Thank you. Thank you so much, wife."

Sumilay ang pag-asa para sa kanilang pag-iibigan katulad nang kung paano sumilay ang pag-asa ng taong namumuhi kay Alora.

Mula sa hallway ay isang unipormadong nurse ang nakasuot ng facemask. Sa likod nito ay nakasunod ang isang lalaking nakasuot ng pang-itaas at pang-ibabang kulay puti. Nakasuot din ito ng facemask. Kampante silang naglakad sa hallway patungo sa kanilang destinasyon.

Walang iba kundi ang hospital room ni Alora Leigh Andrada.

Matapos kumatok ng tatlong beses ay bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila si Artheo Pueblo.

"Good evening, sir."

"Good evening."

"We are here for Mrs. Alora Fuentares. Dadalhin lang po namin siya for some test."

"Tuloy po kayo." Linuwagan ni Art ang pinto.

Lumapit ang dalawa sa kanila. Ibinigay naman ni Alora ang karga niyang bata kay Art na kasalukuyang dumedede sa feeding bottle. Ang babaeng nurse na rin ang umalalay kay Alora sa paglipat niya sa wheel chair. "Zeke, ikaw na ang bahala sa mga bata."

Sumikdo ang puso ni Zeke sa hindi niya mawaring dahilan.

"Don't worry about them. At saka, sandali lang naman 'yong test. Babalik ka rin naman agad."

"Yes, sir. Wala pa pong thirty minutes iyon."

"Art, pwede bang samahan mo si Alora."

Agad namang umiling-iling si Alora.

"Hindi na. Kawawa ka dito kung ikaw lang mag-isa sa mga bata."

"Okay, if you say so."

Lumapit si Zeke sa kanyang misis at ginawaran ng halik sa pisngi. Agad namang namula ang pisngi ni Alora.

"Babalik din naman ako agad." Pinilit itong itago ang pagkailang.

Nang itulak ang wheelchair palabas ng hospital room ay lumingon pa si Alora at kumaway ito sa kanila.

Naging banayad naman ang pagtulak sa wheelchair. Tinahak nila ang hallway hanggang sa makarating sila sa dulo. Huminto sila sa tapat ng pintong may nakasulat sa itaas na EXIT. "Bakit tayo nan---"

Hindi na naituloy ni Alora ang sasabihin nang tumakip sa bibig niya ang panyong hawak ng lalaking nagtutulak ng wheelchair.

Naramdaman siya ng pagkahilo. Naramdaman pa niya ang pag-angat niya sa ere nang buhatin siya nito. Maging ang pagbukas ng babae sa exit door ay nakita po niya.

Tumindi ang hilo na kanyang nararamdaman hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng kadiliman.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report