My Stranger Legal Wife
CHAPTER 25: Pain

Patakbong lumapit si Art kay Zeke nang makita niyang hila-hila nito ang kanyang maleta at may bitbit na mga paper bags.

"Tulungan ko na po kayo diyan, sir." Kinuha ni Art ang hawak ni Zeke na maleta.

Hinayaan naman siya ni Zeke na tulungan at ihatid siya nito hanggang sa kanyang kotse.

"Thank you. By the way, nagawa mo na ba ang inuutos ko?"

Humakbang si Zeke at sinabayan naman ito ni Art.

"Yes sir. I already cancelled the supposed to be surprise wedding for ma'am Alora. May iuutos ka pa ba, sir?"

"Wala na. I'll be going home today but you can still stay here and enjoy during the weekend if you wish."

"Sasabay na rin po ako mamaya sa mga employees, sir. Hindi ko na kaya ang lamig. Tama na po yung isang linggo po natin dito." Nakatawang turan ni Art.

"Sana n'yo

"Sana pag-uwi nyo po, magkaayos na kayo ni ma'am Alora, sir." Sunod nitong turan.

Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Zeke.

"Parang hindi pa ako handa. I was badly hurt, Art."

Nagpakawala ito ng buntong hininga.

"Pakiramdam ko, mas masakit pa ito kaysa noong una akong maloko. Sobra ko siyang mahal, Art. Kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya, saka naman ganito ang nangyari." "Mahal ka din po ni ma'am, sir."

Sakto namang nakarating sila sa tapat ng kotse nito kaya hinarap siya ni Zeke.

"Mahal? Kung mahal niya ako then bakit ganito?"

"Ang sabi po niya, hindi raw niya alam kung paano siya napunta sa kwarto ni Kenneth Quino, sir."

Napakunot-noo naman si Zeke dahil sa tinuran nito.

"Pinaembistigan ko po ang nangyari, sir. Unfortunately, wala pa palang cctv sa hotel. Katwiran po ng manager nila, dahil raw po bago ang hotel."

Binuksan ni Art ang backseat at ipinasok roon ang maleta ng kanyang amo.

"Nakita ko silang magkausap ni Kenneth, Art. Malinaw na totoo ang sinasabi noon ni Richelle na hindi talaga sila nag-break. Iyon ang totoo, linoko ako ni Alora."

Nang maisara ni Art ang pinto ng backseat ay binuksan na rin ni Zeke ang pinto ng driver's seat.

"Subukan niyo parin siyang pakinggan, sir."

Humugot ng hininga si Zeke.

"I don't know if I can, Art."

Pumasok si Zeke sa loob ng kotse.

"Sige po, sir. Mag-iingat po kayo."

Yumukod pa sa kanya si Art bago isinara ni Zeke ang pinto ng kanyang sasakyan.

Nakakangalay ang ilang oras na biyahe ni Zeke pabalik ng kanyang tahanan. Ngunit lahat ng pagod ay naibsan nang makarating siya ng mansiyon. Sinalubong siya ng matamis na ngiti ng mga katulong. "Welcome home, sir." Sabay-sabay na bungad ng mga ito. Nagpaputok pa ng confetti si Mang Kanor. Ang katulong na si Jessa ay may hawak pang kulay light blue na kartolinang may sulat na welcome home. Ang iba naman ay may hawak pang tig-isang baloon.

"Salamat. Don't worry may pasalubong kayong lahat." Nakangiting saad ni Zeke. Mula yata nang mangyari ang umagang iyon sa Cerie Hotel ay ngayon lamang siya nakangiti.

"Da best ka talaga, sir." Naturan pa ni Mang Kanor. Umusal naman ng pasasalamat ang mga katulong. Matamis ang mga ngiti ng mga ito.

Iginala ni Zeke ang kanyang paningin.

"Nasa kwarto po ninyo 'yong hinahanap niyo, sir." Awtomako siyang napabaling kay Manang Linda dahil sa tinuran nito.

"Hindi ko siya hinahanap, manang."

"Naku, sir. Simula pagkabata mo, alaga na kita. Kabisado na kita, sir."

"Hindi po talaga---"

"Naku, sige na. Akyatin mo na siya roon. Isang linggo na ring namumugto ang mata no'n. Siguradong miss ka na niya." "Manang.."

"Naku, sir. Sige na."

Naiiling na lamang na humakbang si Zeke patungo sa hagdanan.

"Salamat sa pasalubong, sir." Pahabol pang turan ni Jessa.

Nakangiting liningon pa niya ang mga ito bago siya nagpatuloy sa pagpanhik.

Nang dalawang baitan na lamang upang makarating siya sa itaas ay nakita na niya ang taong gusto niyang makita. Aminado naman siyang may bahagi ng puso niyang galit ngunit may bahagi rin ito na hinahanap siya.

Nakatayo si Alora sa gilid ng hagdan. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Mapapansin ang pamumugto ng mata nito.

"Nakauwi kana." Mahinang usal ni Alora.

May bahagi ng utak niyang nagsasabing lapitan ito at marahang haplusin ang mga pisngi nito ngunit nang dumaloy sa isip niya ang tagpong kasama nito sa kama si Kenneth, parang kabuteng umusbong ang galit at sakit na nadarama niya. Inihakbang niya ang kanyang paa. Pinatigas niya ang kanyang loob at linampasan si Alora na para lang isang hangin.

"Zeke." Naramdaman nito ang pagsunod nito sa kanya ngunit 'di niya parin ito tinapunan ng tingin.

"Zeke, please pakinggan mo naman ako." Gumaralgal ang boses nito.

Hindi iyon pinansin ni Zeke. Nagpatuloy pa rin siya sa paghakbang.

"Nakikiusap ako, kahit sandali lang." Narinig nito ang pagpiyok ng boses ni Alora.

"Kahit sandali lang Zeke, hayaan mo akong magsalita." Nagawang mahabol ni Alora ang kanyang hakbang. Humawak ito sa kamay niya.

"Please Zeke."

Liningon niya ito. Nakita niya ang mata nitong may luha pa ngunit pilit siyang nagmatigas. Tinanggal niya ang kamay ni Alora.

"Not now. I'm tired. I'm very tired."

Natulos na lamang si Alora sa kinatatayuan. Nagpapatuloy sa paghakbang palayo si Zeke. Napaluha na lamang si Alora habang tinitigan niya ang likod nito.

Ang sakit na nadama ng kanyang puso lalong nadagdagan.

Ang sakit na nararamdaman niya ay tila naglaho nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang sikmura. Tumindi iyon ng tumindi. Napaigik at nasapo na lamang siya ng kanyang tiyan dahil sa labis na sakit. "Diyos ko po! Ma'am may dugo. Dinudugo po kayo ma'am."

Agad napalingon si Zeke sa kanila.

Bumungad sa kanya si Alora na sapo-sapo nito ang kanyang tiyan. Ang tingin nito ay nasa kanyang mga binti. Doon ay umaagos ang pulang likido.

Tumambol ang dibdib ni Zeke sa nakita.

Mabilis na binagtas ni Zeke ang kanilang distansiya at dinaluhan si Alora.

"D-dugo" Gumuhit ang pamumutla sa mukha ni Alora. Ilang sandali lang ay nawala na ang malay tao nito. Nagawa itong saluhin ni Zeke bago tuluyang bumagsak sa sahig ang katawan nito.

"Sabihin mo kay Mang Kanor na ihanda ang sasakyan, Manang. Dadalhin ko po si Alora sa hospital."

Agad niya itong kinarga at patakbong inilabas ng bahay.

Paroon at parito ang lakad ni Zeke habang hinihintay niya ang paglabas ng doctor na sumusuri kay Alora.

Natigil siya sa paghakbang nang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang doctor.

"How's my wife, doc?"

"She's already fine. Mabuti nadala niyo agad siya dahil kung hindi baka hindi natin nailigtas ang bata."

Napakurap si Zeke sa narinig.

"Bata?"

"Your wife is pregnant, Mister Fuentares."

"Pregnant?"

"She is six weeks pregnant."

Bagama't nagulat si Zeke sa balita, nakaramdam siya ng haplos sa dibdib.

"Congratulations." Nakangiting tinapik siya ng doctor sa balikat.

Nang magpaalam ang doctor ay sinundan pa siya ng tingin ni Zeke ngunit sa paglingon niyang iyon ay bumungad sa kanya si Richelle Ravina na nakatayo malapit sa kanya. "Buntis si ma'am Alora?" Namutla ang mukha nito. "Magkakaanak na sila ni Kenneth?" Tumulo ang luha nito. "Hindi." Umiling-iling pa ito. "Hindi totoo 'to!" "The child is mine, Miss Ravina."

Tumitig sa kanya si Richelle. Tumapang ang mata nito.

"Paano ka nakakasiguro, sir? Kahit kailan hindi natapos ang relasyon nilang dalawa. Matagal na silang palihim na nagkikita."

"Nararamdaman kong akin ang bata, Miss Ravina."

"Gusto ko rin makasiguro, sir. Gusto ko ring masiguro na sa'yo nga iyon at hindi kay Kenneth."

Nangunot naman ang noo ng lalaki.

"Ipa-DNA test mo ang bata, sir." Sunod na turan nito sa nanghahamong tingin.

"Iyon lang ba? Sure. Mabuti na nga rin sigurong magkaalaman para hindi na kami guluhin pa ni Kenneth Quino."

Hindi na hinintay ni Zeke na magsalita si Richelle. Tinalikuran niya ito at tuluyan na siyang pumasok sa hospital room na okupado ni Alora.

Ilang sandali ring nakaupo sa tabi ni Zeke si Alora. Pinagsawa niya ang kanyang mata sa kanyang misis. Natigil lamang siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Art. Agad namang tinanggap ni Zeke ang tawag. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumayo ng ilang hakbang mula sa kama. "Art."

["Hello, sir. Nabalitaan ko po ang nangyari, sir. Kumusta po si ma'am, Alora?"]

"She's already okay."

"Nabalitaan ko po kay Mang kanor ang nangyari, sir. Kaya po napatawag ako agad sa inyo."]

"Thanks for your concern, Art."

["Kailangan ko na bang umuwi, sir? Kailangan niyo ba ako diyan?"]

"Actually I need you do something for me. I want you to find me a doctor who can perform a DNA test to an unborn child."

["You mean the noninvasive prenatal paternity, sir?"]

"Yes."

["Sino pong ite-test, sir?"]

"Ang ipinagbubuntis ni Alora."

["Sir, sinasabi niyo po bang---"]

"Gusto ko lang makasiguro na akin talaga ang bata."

"Buntis?" Kaagad na napalingon si Zeke sa kama dahil sa namamaos na pamilyar na tinig

"Buntis ako?"

"I'll call you later, Art." Tinapos ni Zeke ang tawag itinuon ang tingin kay Alora.

"Ano 'yong narinig ko, Zeke? Buntis ako?

Tumango si Zeke.

"Yes. You are six weeks pregnant."

Bumaba ang kamay ni Alora sa kanyang tiyan at masuyong dinama iyon. Maya-maya lamang ay gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. "Tama rin ba 'yong narinig ko kanina? Gusto mong ipa-DNA test ang bata?"

Napalunok si Zeke sa tanong nito.

"Gano'n pala kababa ang tingin ko sa'kin." Tumulo ang luha nito habang mataman nakatingin sa mga mata niya.

Tumagilid ng higa si Alora patalikod sa kanya.

"Iwanan muna ako. Gusto kong mapag-isa."

Hindi kumilos si Zeke.

"Please lang, iwan mo muna ako."

"Please, don't stress yourself, Alora."

Muli siyang nilingon ni Alora at saka ibinangon ang sarili.

"Napakasakit pala kapag 'yong taong inaasahan mong magtitiwala sa'yo ay pagdududahan ka."

Pinunas nito ang kanyang luha at gumuhit sa mga mata nito ang tapang.

"Alam ko naman na galit ka. Pero 'yong pagdudahan mo ako na iba ang ama ng batang 'to, sobra na."

"That's not what I want to imply." Pinilit kalmahin ni Zeke ang sarili upang maiwasan ang gulo.

"Iyon ang intindi ko, Zeke. Iyon ang intindi ko. Katulad lang iyon kung paano mo inintindi ang nakita mo noon sa hotel room ni Ken."

"So, ginagantihan mo ako, gano'n ba?"

"Gusto kong lawakan ang pang-unawa ko sa narinig ko sa'yo. Pero ikaw ba linawakan mo ba pang-una mo, sa'kin? Hindi, dahil nag-stick ka lang sa nakita mo." Napailing naman si Zeke.

"So, that's it. Hindi mo lang ako ginagantihan. Sinusumbatan mo rin ako."

"Kung 'yan ang intindi mo, then iyan ang paniwalaan mo. Tutal sarado naman ang isip at tenga mo."

Napabuntong-hininga na lamang si Zeke. Pinilit niyang timpihin ang sarili.

"Gusto mo ng DNA test. Go! Mabuti na rin siguro para mapatunayan mong hindi ako katulad ng iniisip mo." Tumulo ang luha nitong kanina pa niya pilit pinipigilan. "Ngayon iwan mo muna ako. Iwanan mo ako. Ayokong makita ka."

Bumalik siya sa pagkakahiga ngunit tumagilid siya at tinalikuran ito.

Napabuntong-hininga na lamang si Zeke bago humakbang palabas. Nilingon pa nito si Alora bago tuluyang pihitin ang doorknob.

Nang marinig ni Alora ang pagbukas at sara ng pinto ay saka niya pinakawala ang sakit sa dibdib. Hinayaan niyang lumabas ang kanyang hikbi.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report