Melancholic Wife
k a b a n a t a 40

Jenissa's POV

Lumunok na lamang ako habang tinitigan ko ang keychain na nasa palad ng isang pulis.

Nagsidatingan ang iba pang mga pulis at agad na binuhat palabas ang bangkay ng kambal ni Farris.

Ang dami ng mga nangyari sa gabing ito. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.

Lumalabas na mali ang ginagawa kong paghihiganti kay Farris dahil unang-una ay hindi pala niya kagustuhan ang pag-aalipusta niya sa akin noon. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng kambal niyang si Jarris. "Dalhin niyo na iyan," utos ng kataas-taasang pulis.

"Stop!"

Tumingin ako kay Carli na kumaripas sa pagtakbo. Malakas niyang tinulak ang mga pulis upang malayo sila sa akin.

"Carli," tawag ko sa kaniya.

She opened her arms to protect me from the men.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Alam ko na kung ano ang binabalak niya. "Carl-"

"Ako ang pumatay kay Henry Bennett. Ang keychain na iyan ay pag-mamay-ari ko. Ang tunay kong pangalan ay Aena Carlisse Antacio. AA ang ginagamit ko kapag may mga souvenir akong nagugustuhan." "Dalhin na iyan sa prisinto," sabi ng pulis.

Hinawakan ko ang kamay ni Carli. Naluha ako sa ginawa niya. Inangkin niya ang kasalanan na hindi naman niya ginawa para lang iligtas niya ako.

"Pinatay ko siya dahil sa personal na rason. Nag-apply ako at natanggap bilang secretary niya noon pero panandalian lang ito dahil binastos niya ako. Tulad ng ginawa niya kay Jenissa, pinagsamantalahan niya ako." Nakatingin lang sa gawi namin si Farris. He is in a total mess. Magulo ang buhok niya at ang puting kasuotan niya ay puno ng dugo.

Luhaan akong nakatitig sa magkabilang pulsuhan ni Carli habang pinosasan ng pulis ang mga ito.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagkakahiwalay ng mga kamay namin nang hinila na siya ng mga pulis paalis.

"Carli." Tanging pag-banggit lamang sa kaniyang pangalan ang nagawa ko mula pa kanina.

Tumango lang siya bago niya ako tuluyang tinalikuran. Halos bumaksak ang katawan ko pero nakaalalay sa akin sina Maitha at Shiva kaya ay nanatili akong nakatayo sa gitna nila.

Inalalayan nila ako hanggang sa makababa kami mula sa entablado. Pakiramdam ko ay lumulutang lang ako sa hangin. Dumaan kami sa tapat ni Farris kaya ay saglit ko siyang tinitigan pa. I see pain in his eyes. I see him suffering. Masyado akong nasobrahan sa galit ko at hindi ko inalam ang mga bagay na nakakubli sa ibabaw ng katotohanang nakikita ng mga mata ko. Nadala ako ng aking paglalayong mag-higanti.

"Hindi pala si Farris ang kaaway ko, Maitha," iyak ko nang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Si Jackielou at ang kambal ni Farris ang may kasalanan, Jen. Hayaan mo na at malalagay ka na sa panatag. Nahuli na si Jackie at tuluyan na ngang nawala ang kambal ni Farris. Malaya ka na," sabi ni Maitha habang inaalis ang mga luha kong gumugulong sa aking pisngi.

Umiling ako. Pinaharap ako ni Shiva sa kaniyang gawi. Niyakap ako ni Shiva at pilit niya akong pinatatahan.

"Shiva, hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay. Parang gusto ko na lang mawala at maging isa sa mga bagay na kumikinang sa langit. Gusto ko nang makasama si Mommy ko, Shiva," iyak ko.

"May plano ang Diyos kaya nangyari ang mga bagay na nangyari na, Jenissa. Marami pa kaming mga kaibigan mo. Sasamahan ka namin. Kailangan ka pa ni Abuela mo, Daddy mo, si Rev at lalong lalo na si Carli. Huwag mong hahayaan na mapunta sa wala ang sakripisyo ni Carli, Jen."

Tumango ako. Tama si Shiva. Hindi ko puwedeng pabayaan ang mga taong handang tumulong at handang magsakripisyo para sa akin.

Carli made me feel I am loved. Ang madilim kong buhay ay naging maliwanag simula noong nakilala ko sila ni Abuela. Abuela and Carli made me realize that life is precious. Hindi ko sasayangin ang buhay ko.

Kailangan ko ring maging matatag para kay Daddy. Maraming pagkakataon sa mga buhay namin ang lumipas at hindi namin naiparamdam sa isa't isa na mahal namin ang isa't isa.

Marami kaming mga pangarap ni Rev. Hindi ko alam kung kailan siya kukunin ng sakit niya sa akin. Mamahalin ko siya habang nabubuhay kami.

Maitha and Shiva also planted hope in my heart. I learned my lessons from them. Isa na ang pagpapatawad sa mga bagay na natutuhan ko sa kanila.

Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi nila at sabay naming tatahakin ang buhay. Sabay naming lalakbayin ang magulong buhay.

Ilang araw na rin ang lumipas. Hindi ko kayang magpanggap na madali ang lahat dahil hindi naman talaga. Lalo na ngayong lumala na ang sakit ni Rev.

"Jen," bulong ni Rev sa aking tainga sabay yakap sa akin.

Kakagising ko lang. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko paano lumuwa ng maraming dugo si Rev.

"R-Rev?"

Tinali ko ang buhok ko at agad kong kinapa ang smartphone ko na nakalapag sa desk malapit sa kama namin.

"S-Sandali, hihingi ako ng tulong."

"Jen, don't bother."

Si Rev ang naging dahilan kung paano napukaw ang puso kong nabulag mula sa maling pag-ibig. Natakot akong magmahal pero dumating siya. Puno ako ng pangamba pero kapag nasa gitna ako ng mga yakap niya ay nawawala ang mga pangamba ko.

Umahon siya kaya ay inalalayan ko siya.

"Dadalhin kita sa hospital."

Umiling siya at hinawakan niya ang aking kamay.

"Samahan mo ako sa banyo. Paliguan mo ako at hayaan mo akong matulog sa mga bisig mo, Jen."

Huminga ako nang malalim. Inalalayan ko si Rev at agad ko siyang dinala sa banyo. Pinaliguan ko siya at binihisan.

Pinaupo ko siya sa sahig at agad akong kumuha ng mga panibagong bedsheets.

Nang matapos kong ayusin ang kama ay bumukas ako ng isang air freshener.

Tumalima ako papunta kay Rev na namumutla at halatang pagod na pagod. Ngayon ay pinasandal ko siya sa malambot na unan.

"Tabihan mo ako, Jen. Huwag mo akong iwanan," sabi niya.

Tumango ako at nagkunwaring hindi ako nadadala sa mga nangyari. Ngumiti ako pero ang puso ko ay puno na naman ng lungkot.

"Jen, mahal na mahal kita. Huwag mong kalilimutan na sa kabila ng mga mapapait na nangyari sa buhay mo ay may isang Rev na nagmamahal sa iyo nang totoo."

Tumango ako. Inangat niya ang kaniyang katawan kaya ay sinuksok ko sa pagitan ng unan at ng likod niya ang aking bisig.

Ito na yata ang huling paalam namin. Masakit man pero wala akong magawa kun'di palayain siya.

"Sorry, Rev, kung hindi kita kayang isalba. Patawarin mo sana ako," sabi ko.

Medyo tumagilid siya at yumakap na siya sa akin.

"Jen, wala kang kasalanan. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa iyo dahil hindi na kita mababantayan pa. Sana maging masaya ka at hindi mo isasara ang puso mo. Alam ko na may inihanda ang Diyos para sa iyo, Jen." Gusto kong takpan ang mga tainga ko upang hindi na marinig pa ang mga salita ni Rev.

"Jen, kapag dumating na ako sa langit ay alam ko na si Shon ang sasalubong sa akin. Alam ko na magiging masaya siya kapag sinabi ko sa kaniya na naging Mommy ka n-niya."

Sa pagtakbo ng oras ay hindi mo talaga namamalayan na lumilipas na ang masasayang araw ng buhay.

Sa pag-agos ng ilog ay hindi mo nababantayan na unti-unti na rin palang inaanod nito ang magagandang bagay na nangyari.

Hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko kaya ay hinayaan ko na lang sila na malayang dumaloy sa aking pisngi.

"Rev, sabihan mo lang ako kapag gusto mo na talagang magpahinga. Hahayaan na kita. Papalayain kita kahit na hindi pa ako handa. If letting you go will minimize the pain you are feeling right now, then, I am willing to let you g-go. Maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko. You rescued me. You mean half of my life, Rev."

Gumapang ang kamay niya patungo sa aking pisngi. He is caressing my face gently.

"Kahit na hindi ako tumagal sa mundong ito ay alam ko na magiging masaya akong umalis, Jen. Ang ganda ng buhay. Ang ganda ng panandaliang buhay ko dahil sa iyo, dahil nakilala kita. Mahal kita. I am sleepy, Jen," sabi niya. Pinigil ko ang sarili ko na gumawa ng ingay.

Umasa pa naman ako na magsasama kami nang matagal. Bakit kung sino ang siyang nagmamahal nang totoo at tunay ay siyang madalas na binibigyang pagsubok ng tadhana?

"Sleep well, Rev. Sleep well, My Sweety."

He let go his last breath as my heart let him go.

Mahigpit ko na lang siyang niyakap.

Ang mga mata ko ay pagod na kakaiyak pero kung si Rev ang pag-uusapan ay handa akong iyakan siya hanggang kailan hihilom ang sugat sa puso ko.

Weeks passed and Rev was burried. Ngayon ay nandito ako sa hospital at hinintay na magising si Abuela.

"Abuela, gumising ka na po. Gusto kitang maka-usap, Abuela," sabi ko sa kaniya.

Hinihimas-himas ko ang kamay niya. Bumukas ang pinto at agad na pumasok si Daddy.

Tumabi si Daddy sa akin.

"Kung puwede ko lang kunin ang mga pasanin mo ay ginawa ko na, Jen. Nahihirapan na akong makita ka na balisa at puno ng mga problema. Sana ay puwede mo ring ipasa sa akin ang sakit na nararamdaman mo ngayon, Anak." Ngumiti akong tumingin kay Daddy.

"Noong bata ako ay naranasan ko na ang matiwasay at masayang buhay, Daddy. Siguro ay malas ko lang dahil sa huling banda ng buhay ko dumating ang mga pasakit na dala ng buhay."

"Anak, kahit na ano ang mangyari ay huwag kang mawawalan ng pag-asa. May rason ang bawat ngiti na ginuguhit ng ating mga labi. Ganoon din ang mga iyak na mula sa ating mga puso. Ang buhay kasi, Anak ay para parang gulong lang iyan. Lahat ng saya at pighati ay mararanasan natin, nakadepende ito sa kung saan tayo. Hindi puwedeng palagi na lang tayong masaya at hindi rin puwedeng palagi tayong magiging malungkot. Life is fair and so the feelings are myriad." Bumuntong-hininga ako patingin kay Daddy. Ngumiti siya bago niya ginulo ang buhok ko. Niyakap niya ako and I feel how calmed I am.

Nagpaalam ako kay Daddy at agad akong pumunta sa kulungan.

Malayo pa lang ako ay agad kong nakita ang malapad na ngiti ni Carli. Kahit papaano ay unti-unti ko nang natatanggap ang ginawa niyang ito.

Sinalubong ko siya at agad ko na siyang niyakap. Gumanti siya nang yakap at triple pa ang higpit nito kumpara sa yakap ko.

"Kumusta ka na? Si Abuela, kumusta na siya? Nagising na ba ang matandang malditang iyon?"

Umiling ako. Ngayon ay magkaharap na kami ni Carli na naka-upo habang napapagitnaan ng isang maliit na lamesa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Hindi ba dapat ako ang dapat mangumusta sa iyo?" Huminga ako nang malalim. Para akong nabubulunan, senyales na naiiyak ako. "Bakit mo kasi ginawa ang bagay na ito?"

Ngumiti siya at inabot niya ang pisngi ko upang alisin ang mga luha ko.

"Saving you is never a regret, My Lady. Mahal kita kasi mahal mo rin ako," sabi niya.

Radikal kung magmahal si Carli. Kaya siguro ay tini-take for granted lang siya ng asawa niya ay dahil sa uri ng puso na mayroon siya. Her heart is kind and quite fond of making sacrifices for the people she loves.

"Carli, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na tumagal pa rito."

"Huwag mo akong intindihin, My Lady. Alam mo naman na kaya ko hindi ba? At kahit na hindi mo sabihin ang bagay na iyan ay alam ko na gagawin mo iyon at gagawin iyon ni Abuela. Mahal kaya ako no'ng matandang iyon kahit na palagi niya akong pinatatapon sa France!" Seryuso siyang tumingin sa akin. "Ano pala ang plano mo?" tanong niya.

Ngumiti ako. Napakatatag ni Carli. Sana ay tumulad ako sa kaniya na kahit na ano ang unos na dumating sa buhay ay sasabayan niya ito at mananatiling matatag. She is admirable.

"Nakapagdesisyon na ako, Carli. Aalis kami ni Abuela kapag nagising na siya. Pupunta kami sa France at mananatili roon. Ang mga kompanya rito ay aalagaan naman ni Daddy. Magiging kaagapay ni Daddy si Maitha at Shiva. Kapag lumaya ka na ay ikaw ang magiging CEO ng BGC. Bahala ka na kung ano ang pangalan na ibibigay mo."

"I object, My Lady," pagtanggi niya. "Gusto ko na munang mag-rest sa stressful life sa city. Babalik na ako sa Tierra de Antacio kapag nakalaya na ako. Miss ko na rin ang pamilya ko roon."

Mayaman pala si Carli. At saka ko lang nalaman ang tungkol sa angkan nila noong hinuli siya ng mga pulis. I did a background checking and I found out who she is.

Nakipagtanan siya kaya siya umalis sa lugar nila. Sinuway niya ang mga magulang niya para lang sa pag-ibig na akala niya ay magiging tahanan niya. Sumama siya sa lalaking pinaasa lang siya sa wala. "Nirerespeto ko ang desisyon mo, Carli."

"Ano ang balita kay Farris?"

Kung hindi niya binanggit ang pangalang iyon ay muntik ko na talagang nakalimutan si Farris.

Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?

"Wala akong balita tungkol sa kaniya. She withdrawn his candidacy and after that he left without a trace."

Nagkuwentuhan pa kami ni Carli nang ilang sandali.

Sa bandang huli ay nagpaalam na ako sa kaniya.

Umuwi ako sa mansion upang magpahinga.

Bumalik ako sa ospital nang nagising si Abuela. Masaya akong tumawag kay Carli at binalita ko sa kaniya na tuluyan na ngang gumaling si Abuela mula sa sakit niya.

Isang bagay na gusto kong ipagpasalamat sa Diyos ay ang pag-bigay niya pa sa akin ng pagkakataon na makasama pa si Abuela.

Ilang araw pang nagpahinga si Abulea bago kami nakauwi sa mansion. Dinahan-dahan kong kinuwento sa kaniya ang mga nangyari at nakuha niya namang lunukin ang mga kuwentong sinalaysay ko. Malamig ang simoy ng hangin. Nakatanaw ako sa buwan na maliwanag.

Tumikhim si Abuela kaya ay lumingon ako.

"Ang ganda ng buwan, Mihija."

"Nagkakaroon rin kaya ng probleman ang buwan, Abuela?"

"The moon shines all through out the dark nights, Mihija. Maraming problema ang buwan dahil may mga gabi na hindi siya hinahayaang magbigay ilaw sa lupa but she waits and never lose hope until she is able to perform her duty again. She is settled because she goes with the flow of her destiny."

"Am I settled?" tanong ko kay Abuela.

Lumapit siya sa akin sabay haplos sa pisngi ko.

"The moon forgive people when they rant about her not coming out to light the night. The moon chooses to forgive herself for being imperfect, Mihija."

Kahit hindi direkta ang mga sinabi ni Abuela ay alam ko kung ano ang punto niya.

"Abuela, paano ko ba patatawarin ang mga taong nagkasala sa akin?"

"Forgiveness is a gift that is not needed to be asked from the giver, Mihija. Choice mo iyon kung patatawarin mo sila o mananatili ka na lang tumanim ng galit sa puso mo."

"What do you mean, Abuela?"

Hinawakan ni Abuela ang kamay ko at pumunta kami sa dulo ng pool. Nakuha ko ang gusto niyang mangyari kaya ay sabay kaming umupo at binabad namin ang aming mga binti sa tubig.

"Clean your heart, Mihija. Patawarin mo ang sarili mo. Magiging mahirap para sa iyo na patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo kung pati mismo ang sarili mo ay hindi mo kayang patawarin. Simulan mong patawarin ang sarili mo. Yakapin mo ang mga pagkakamaling nagawa mo," sabi niya.

"M-Mali po ba talaga ang maglayon ng hustisya, Abuela?"

"Ang hustisya ay binibigay sa mabubuti ang loob. Alam mo, gusto kong sabihin sa iyo na wala kang kaibahan sa mga taong kinaiinisan mo. You hate the liars but you lied many times. You hate the killers but you did end someone's life." Paisa-isang gumulong ang mga luha mula sa aking mga mata. She is right. Wala na akong pinagkaiba sa kanila.

"Abuela, may gusto akong tanungin sa iyo," sabi ko.

"Go ahead, Mihija. Let us talk about life. Sasagutin ko ang mga katanungan mo," sabi niya.

"Noong nakita mo ako, ikaw lang ba ang taong nandoon?"

Bumuntong-hininga si Abuela.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Hindi naman talaga ako ang unang nakakita sa iyo, Mihija. Your husband saved you. Siya ang naging dahilan para makita kita at madala kita sa mansion," tugon niya.

Mali ang pagkakilala ko kay Farris. Hinusgahan ko siya dahil akala ko ay hindi totoo ang mga sinabi niya sa akin.

Muli na naman akong nalungkot dahil sa mga mabibigat na salita at hindi mabuting gawa na nagawa ko sa lalaking iyon.

After all, siya pala ang dahilan bakit buhay pa ako hanggang ngayon.

"Hindi ko sinabi sa iyo ang bagay na iyon, Mihija dahil alam ko na galit ka sa kaniya at hindi mo rin ako paniniwalaan kapag sinabi ko iyon sa iyo."

"Abuela, pinatay ko ang tatay niya. Sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagpapakamatay ni Jarris. Patatawarin pa ba ako ni Farris?"

Umusad padikit sa akin si Abuela. Inakbayan niya ako at nilalaro niya ang aking buhok.

"Before I slept a long time, I did instruct my personal agent to find the person who helped me and brought me to the hospital. That person is Farris. His heart is kind and he is a good person. Patatawarin ka niya."

Nakikinig lang ako kay Abuela habang kinukuwento niya ang mga bagay na alam niya tungkol kay Farris.

"Naging interesado ako kay Farris noong tinulungan niya ako. I discovered that he has an illness. Ito ay ang Dissociative Identity Disorder."

"Kaya pala madalas ay hindi ko na siya nakikilala. Kaya pala kapag nagagalit siya ay parang hindi na siya si Farris."

"Sana, Mihija ay makuha mong patawarin ang sarili mo para madali na lang sa iba ang patawarin ka."

Patuloy lang kami sa pag-uusap ni Abuela hanggang sa pareho na kaming dinalaw ng antok.

Muli na namang lumipas ang mga araw sa aking buhay. Mahirap ang mag-simula muli. Maraming nadamay at marami na ang nawala dahil sa aming dalawa ni Farris.

Tiniyak ko muna na okay na talaga si Abuela bago ko inayos ang mga papeles at passports namin.

Nagmamaneho ako ngayon patungo sa bahay ni Farris.

Matapos kaming nag-usap ni Abuela ay natutuhan kong patawarin ang sarili ko. Tinanggap ko ang buhay na nakatadhana sa akin. Umaasa ako na sana ay mapapatawad ako ni Farris.

Kinabahan ako dahil wala na akong balita tungkol sa kaniya. Nagbabakasakali nga lang ako ngayon na baka ay nasa bahay siya.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba. Bukas ang gate kaya ay pumasok na ako.

Hindi maganda ang naging buhay ko sa bahay na ito noon. Nasaktan ako at hindi ko alam kung saan matatapos ang mga pasakit na iyon.

Hindi ko maintindihan bakit nangyari sa akin ang masakit na karanasan ko pero nagising na lang ako na masaya na at natanggap ang mga nangyaring hindi maganda. Wala na ang sakit at napatawad ko na ang sarili ko at si Farris. Naiintindihan ko na kasi kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon.

Marahan kong tinulak ang pinto papasok hanggang sa tuluyan na itong bumukas. Naka-hinga ako nang maayos nang makita ko siyang nakatayo sa gitna ng sala habang hawak-hawak niya ang mga maleta. Aalis na rin siguro siya at hahanapin ang sarili. "Farris," tawag ko sa kaniya.

Tumingin lang siya sa akin. Hindi ko siya masisisi kung hindi niya ako kayang ngitian.

"Farris," tawag ko pa ulit sa kaniya.

Inabot ko ang kamay niya at pinaupo ko siya. Hindi naman siya nagmatigas at umupo na rin siya sa aking tabi.

"Patawarin mo ako, Farris," sabi ko.

"I deserve this all. Hindi ako naging mabuti sa iyo, hindi ba? Kahit na hindi ko kagustuhan iyon ay hindi rin naman ako gumawa ng paraan para iwasan na lang na gawin iyon. Nawala na sa akin ang lahat, Jen. Wala na si Daddy, wala na si Jarris

at pati pala ang anak natin ay nawala rin. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa iyo. You suffered with the melancholy that I am the cause."

Pumatak ang mga luha ko. Kinapa ko ang isang bagay na gusto kong ibigay sa kaniya.

Inabot ko ang kamay niya at binuksan ko ang palad niya. Tumingin siya sa akin. Lumuluha na rin siya.

"Binabalik ko ang sing-sing na ito sa iyo, Farris."

"Maging malaya ka, Jen. Maging masaya at mamuhay ka nang payapa kasama ang mga mahal mo sa buhay."

Kinuha ko na rin mula sa bag ko ang annulment papers at binigay ko ito sa kaniya.

"Pinirmahan ko na iyan, Farris. Pirma mo na lang ang kulang," sabi ko.

Dito na siguro magtatapos ang kuwento ng pagiging mag-asawa namin ni Farris. May mga bagay na hindi puwedeng ipagpatuloy lalo na kung hindi ito nakatadhana.

"Jen, hindi sapat na hihingi lang ako ng tawad. Hayaan mo akong yakapin ka."

Hinila niya ako patayo. Kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. Mahigpit ang mga yakap ni Farris sa akin kaya ay napayakap ako sa kaniya pabalik.

Huminga ako nang malalim. Napangiti ako nang bahagya.

Ang sarap magpatawad. Ang sarap sa pakiramdam kung alam mong pinatawad mo ang mga taong nagkasala sa iyo at pinatawad ka rin ng mga taong nagawan mo ng kasalanan.

"Never naging maganda ang pagsasama natin, Farris. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na marami akong natutuhan. I am letting you go, Farris. Be healed from all the heartaches of the past."

"Kahit na lumipas pa ang ilang taon ay hindi ko kalilimutan na minahal mo ako, Jen. Salamat. Malaya ka na," sabi niya.

Humiwalay kami sa isa't isa ni Farris na dala ko ang ngiti na dulot ng aming pagpapatawaran.

Haharapin ko ang mga bukas kasama ang mga kaibigan at pamilya ko. Tinatapos ko na ang malungkot na kuwento ng buhay ko bilang isang Melancholic Wife.

Sapat na ang pinatawad ako ni Farris at pinatawad ko rin siya. Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko at alagaan ito dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay obligasyon ng ibang tao na mahalin ako. Tayo mismo ang unang magmamahal sa mga sarili natin upang matutuhan tayong tanggapin at mahalin ng mga taong nasa paligid natin.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report