Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 29

Isla's POV

"Isla, nandito ka na naman," sabi sa akin ni Neneng nang makita ako. Napailing pa ito sa akin kay nginitian ko siya.

"Hi!" sabi ko at kumaway pa sa kanya.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya sa akin.

"Saan naman?" tanong ko ng natatawa.

"Diyan sa ginagawa mo," sabi niya na naailing pa.

"Bakit naman ako mapapagod? Para naman sa trabaho, "csabi ko na lang at ngumiti.

"Lokohin mo lelang mo. Para nga ba talaga sa trabaho 'yan?" tanong niya na inilingan pa ako.

"Ang nega niyo talaga! Aalis na ako. Magluluto pa ako. Galing akong palengke, eh," sabi ko at tinaas pa 'tong hawak ko. Napailing naman siya sa akin. Natawa lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa bahay ni Alon. Kumatok naman ako roon, hindi pa naman siya nakakaayos pero mukhang hindi na rin naman siya bagong gising. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Ipagluluto kita!" sabi ko ng nakangiti at pumasok pa sa loob. Napailing na lang siya. Nakita ko namang may tinatrabaho ito sa kanyang laptop kaya hindi ko na lang pinansin.

"May pera ka naman pero bakit ba nandito ka pa rin sa iskwater?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya dahil ngayon lang naman siya mukhang good mood. Hindi niya ako sinagot. Snobber.

Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto ng pagkain nito. Napatikhim pa ako nang makitang seryoso siya ngayon sa ginagawa. Busy'ng-busy ang lolo mo.

Nakangiti lang naman ako habang nagluluto. Nakakamiss din pa lang ipagluto siya sa umaga.

"Kain na," nakangiti kong sambit at nilapitan pa siya. Seryosong-seryoso ito sa kanyang ginagawa.

"Kain na po," pag-uulit ko. Nilingon niya naman ako ngunit binalik din ang tingin sa laptop niya. Agad naman ako napanguso dahil dito.

"Masamang paghintayin ang pagkain," sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumayo para lumapit.

Napangisi naman ako roon. Siya kasi ang madalas magsabi sa akin noon kapag busy'ng-busy ako sa mga school works ko. Kahit na busy ako hindi pa rin pwedeng magpalipas ng gutom kapag kasama siya.

"Magtatampo." Tuloy niya pa at ngumiti nang tipid. Halos hindi naman ako makagalaw dahil doon. Ngayon lang ulit ito ngumiti sa akin dahil madalas ay sinisimangutan ako nito o hindi naman kaya'y laging nakakunot ang noo. Si Choco nga lang nginingitian niya!

"Come on, let's eat," sabi niya sa akin. Tinitigan ko naman siya habang seryosong kumakain sa tabi. Napataas naman ang kilay niya sa akin nang tignan niya ako, napansin ang pagkakatitig ko sa kanya. "Kumain ka na." Pagsusungit na naman nito sa akin.

"Opo," sabi ko at ngumiti sa kanya nang malapad. Napailing na lang siyang tinitigan ako samantalang nakangiti lang ako sa kanya.

"About the interview..." Magsisimula pa lang sana ako ng bagong topic dahil hindi sanay sa katahimikan naming dalawa nang makita ko ang pagsimangot nito.

"Bakit? Hindi ba masarap?" tanong ko sa kanya dahil napatigil siya sa pagkain. Tinikman ko naman ang niluto ko.

"Masarap naman, ha?" hindi ko maiwasang itanong at napangusp pa.

"Did I even say it's not?" masungit na tanong niya. Napanguso naman ako.

"Do you really love your job that much?" tanong niya sa akin na pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Oo naman," sabi ko at nginitian siya. Bukod sa gustong-gusto ko ito, sa trabahong 'to, nakakalimutan kita kahit paano.

Nang matapos kaming kumain ay diniligan ko lang sandali ang mga halaman sa labas at nagpaalam na rin sa kanya dahil may trabaho pa ako maliban sa kaniya. Sinisingit ko lang naman talaga ang paglandi. "Babalik ako ng dinner!" sabi ko sa kanya at kumaway pa paalis.

Pagdating ko sa trabaho, hindi pa naman ako late kaya nakatingin sila sa akin.

"Hi," bati ko kay Alice at ngumiti pa sa kanya. Agad naman ako nitong pinanliitan ng mga mata.

"Anong meron?" tanong niya sa akin.

"Anong meron? Wala naman," sabi ko at nagkibit ng balikat. Ang alam ko lang masaya kong sinimulan ang araw ko.

"Seven!" malakas kong sigaw nang makita si Seven na papasok sa loob ng station.

"I mean Boss?" natatawa kong sambit.

"Hey, What's up, Isla?" bati niya sa akin nang nakangiti.

"Grabe, ang pogi naman ng reporter na 'to," natatawa kong saad dahil isa si Seven do'n sa mga taong maswerte at pinalad. "Bolera," sabi niya ng natatawa.

"Mamaya na lang, dinner tayo. Pinapatawag ako ni Chief," sabi niya sa akin kaya kumaway na lang ako sa kanya.

Ni hindi na ako nagtungo sa table ko at dumeretso na kay Brix.

"Brix!" tawag ko kay Brix dahil pupunta kami ngayon sa lugar kung saan may naganap daw na food poisoning sa school. "Po?" tanong ng camera man namin na si Brix.

"Tara na sa school," sabi ko sa kanya at tumango. Sumakay naman na ako sa van.

"Mukhang good mood ka, Isla," sabi sa akin ni Brix.

"Oo," sabi ko at ngumiti pa sa kanya.

"Anong meron?" tanong niya sa akin. Naka-lunch ko lang naman ang ex ko, Bhie.

"Hmm, secret," natatawa kong sambit at nilabas na ang lapis ko at papel.

Naging busy din naman ako halos buong maghapon. Ni hindi ko na nga namalayan ang oras kaya hindi na nakapaglunch pa.

Pagkabalik namin sa station, wala na halos ang mga kaopisina ko. Nakauwi na siguro o 'di naman kaya may mga tinatrabaho rin ngayon. Masaya naman akong kinuha ang bag at mga gamit ko dahil babalik ako ngayon kay Alon para ipagluto 'to ng dinner.

"Hey." Napatingin naman ako kay Seven nang makita ko ito.

"Uyy," bati ko sa kanya at nginitian siya.

"Dinner? Libre ko," sabi niya na nginitian pa ako. Magkaibigan na lang naman kami nito kaya ayos lang din.

"Sige ba, kasama ba natin ang love of your life?" Halos masuka pa ako sa tanong but Seven look so inlove na hindi niya na pinansin pa 'yon. "Yeah," sabi niya at ngumiti pa.

"Aba't baby time naman na pala, bakit niyaya mo pa ako?" sabi ko sa kanya.

"She wants to meet you. Siya nga itong may gustong makipag-dinner sa 'yo," natatawa niyang saad.

"Siguro kinukwento mo ako. Sinabi mo bang ako 'yong first love mo," natatawa kong biro.

"Gagi, pero alam niya naman,"csabi niya sa akin. Nakikita ko naman na rin ang nobya nito. Hindi nga lang kami nagkakabatian. Ngitian lang siguro.

Sinundo niya muna ang girlfriend niya at nagtungo na kami sa mamahaling resto. Matatameme na naman ako panigurado nito. Naupo na lang ako ng tahimik. As usual ang bait-bait talaga ng girlfriend nito.

Hindi naman ako gaanong kumain ng marami dahil nga magdidinner pa ako ulit sa bahay ni Alon saka ang konti lang ng sineserve nilang pagkain dito pero ang mamahal.

Hinihatid din nila ako ni Seven sa bahay ni Alon nang matapos kaming kumain.

"Alon is back, right?" tanong ni Seven sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Nag-usap na ba kayo?" tanong niya sa akin.

"Medyo?" natatawa kong tanong.

Nang makarating naman kami sa tapat ng eskinita, agad akong nagulat nang makita si Alon na naglalakad sa labas.

"Is that Alon? Should I say hi to him?" nakangisi nitong tanong. Bago pa ako makasagot ay lumabas na agad ito.

"Gago talaga. Sobrang mapang-asar niyang kaibigan mo," natatawang saad ni Gabi, ang girlfriend ni Seven. When they start hanging out, lumabas talaga ang pagkapilyo ng isang 'yon. "Thank you, ah?" nakangiti kong sambit kay Gabi bago ako binuksan ang pinto.

"Hey, what's up, Dude?" bati niya kay Alon.

"Seven? Pre," nakangising bumati rin si Alon sa kanya at nakipagkamay pa kay Seven.

Bumaba na rin naman ako sa sasakyan ni Seven. Agad naman na nagbago ang nakangising ekspresiyon ni Alon, mukhang hindi ata natutuwa na nandito na naman ako at guguluhin nanaman siya. Mabilis na ang paghinga nito at seryosong-seryoso na ang mukha habang si Seven naman ay nakangisi lang sa isang tabi.

"Are you two an item again?" tanong ni Seven nang nakangisi.

"Huh? Hindi, 'no!" Mabilis kong sambit dahil baka magalit si Alon. Kitang-kita ko naman ang pagkapikon nang mukha nito kaya naman mabuti na rin na nagsabi ako ng totoo.

"Ah. Hindi ba?" natatawang saad ni Seven na sa hindi ko malamang dahilan para bang nang-aasar.

"Sige na, Pre. Aalis na ako," sabi ni Seven na hindi pa rin nawawala ang ngisi. Tinapik niya ang braso ni Alon na wala na ang ngiti ngayon.

"Isla, dinner ulit tayo next time," sabi niya sa akin na nilakasan pa ang pagkakasabi.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Napailing na lang ako sa kanya at kinawayan na lang ito. Nang makaalis si Seven ay agad akong napatingin sa seryosong seryoso ang mukha. Inirapan niya ako bago tumalikod at nagmartiya papasok sa loob ng eskinita. "LQ ba kayo?" natatawang tanong ng mga nadadaanan namin. Dire-diretso naman sa paglalakad si Alon kaya kinakailangan ko pang triplehin ang mga hakbang para lang maabutan ito.

"Ipagluluto kita ng dinner," sabi ko sa kanya at ngumiti pa ako. Tinignan niya naman ako. Seryoso ang mukha nito at tila ba may galit sa mga mata.

"Bakit hindi mo na lang ipinagluto 'yong ex crush mo o baka naman boyfriend mo na?" masungit niyang saad at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa loob ng bahay niya.

"Ex crush?" nagtataka kong tanong.

"Ah. Hindi pa," sabi ko nang natatawa.

"Hindi pa," pag-uulit niya at sarkastikong natawa. Halos hindi na nga ako nito papasukin sa bahay niya. Mabuti na lang ay nakapasok ako.

"Hindi pa naman ulit tayo. Saka ipagluluto ko na," sabi ko sa kanya nang nakamgiti bago dumeretso sa kusina. Naestatwa naman siya sa kinatatayuan at tila pinoproseso pa lang ang sinabi ko. Napatingin naman ako nang matahimik na talaga siya ng tuluyan. Kaya naman pala tahimik na dahil busy na sa laptop niya. Napakibit na lang ako ng balikat at masayang tinapos ang pagluluto ko. "Let's eat na," sabi ko sa kanya at nilingon pa ito. Busy'ng-busy siya sa trabaho kaya naman nilapitan ko na naman ulit ito.

"Kain na ho," sabi ko sa kanya. Tinignan niya naman ako at hindi pinansin. Napanguso naman ako sa kanya.

"Kain na, Mister," pag-uulit ko. Inirapan niya naman ako bago tumayo.

Dalawang plato ang nakalagay sa lamesa kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

"I thought you already eat your dinner with your ex crush?" tanong niya sa akin.

"Grabe ka naman! Halos 5 years na 'yon," hindi ko mapigilng smbitin at napailing sa kanya. Parang hindi ito nakakalimot. Sana ganoon din siya sa nararamdaman niya para sa akin. "Kung busog ka na, huwag mo ng pilitin pang kumain," masungit niyang saad.

"Ahh. Hindi pa, 'no! Konti lang 'yong nakain ko sa resto, konti at ang mamaha--" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin dahil nakatitig lang siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

"I mean sinabi ko sa 'yong dito ako magdi-dinner at sabay rin tayo," sabi ko na lang at nginitian siya.

Nang matapos kaming kumain ay siya na ang naghugas ng pinagkainan. Hinayaan ko naman na at naupo sa sahig. Nilabas ko na rin ang laptop ko dahil wala pa akong balak umuwi, magdadahilan na lang na may tatapusin pa ako. Nilingon niya naman ako nang makabalik siya, naupo lang ako sa kabilang bahagi nang lamesa. Nakita ko na pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Wala la bang balak umuwi?" masungit na tanong niya..

"Hmm, may tatapusin pa ako. Mayamaya na," sabi ko at ngumiti sa kanya. Wala naman talaga akong tatapusin balak ko lang siyang titigan buong gabi.

Kunwari'y may kinakalikot ako sa laptop ko ngunit nang makita kong busy na siya at hindi na ako nililingon ay tinitigan ko na siya.

"What?" tanong niya nang mapansin na ang pagkatitig ko.

"I just want to ask if you want some coffee? Magtitimpla ako," sabi ko at nginitian siya.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at nagtimpla na ako ng kape para sa kanya.

"Here," sabi ko at nginitian siyang iniabot 'yon. Bumalik naman ako sa pwesto ko at tumitig lang sa kanya.

"I miss you, Mister," bulong ko bago kinain na ng antok.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report