Flaws and All -
Chapter 5- Fall
"Good Morning Ma'am Xochitl, tawag po kayo ni Chairman sa office niya" tumango lang ako kay Kuya Guard saka tinahak ang daan papunta sa office ni Chairman.
"Hoy taba!" Napalingon ako at nakita si Celine, Bea at Alex na nakapamewang. Pareho ang shade ng kanilang lipstick pati na rin ang style ng kanilang buhok. The mean girls are back, ilang araw ko rin silang hindi nakita. "Uy, welcome back. Teka lang ha? Tawag ako ni Chairman. Bye!" Paalis na ako pero hinawakan ni Alex at Bea ang magkabila kong braso at hinarap ako ni Celine.
"Mga bes, iba ako bumigwas" I said, trying to scare them. Nanlaki ang mga mata nila saka sila bumigaw at tumabi kay Celine.
"I will make your life miserable" banta ni Alex, nahawak ako sa bibig ko at naghunwaring gulat at takot. "Kung malungkot kabataan nyo, wag kayo mandamay." Umirap ako at dumaan sa gitna nila, but Bea grabbed me by the arm. Tinapik ko ang kamay nya at agad nya iyong inalis.
"Ano ba? Tawag nga ako ni Chairman." Tinaasan nya lang ako ng kilay saka ako sinampal.
Napatigil ako at napahawak sa aking pisngi, hindi pa ako nakakarekober ng sampalin din ako ni Celine sa isa ko pang pisngi.
Sinalag ko ang sampal na mula kay Alex, at ang isa pa mula kay Celine. Hanggang sa nakahawak na ako sa magkabila kong pisngi at napaupo na.
Naginit ang pareha kong pisngi mula sa mga sampal at sa mga luhang mula sa aking mga mata.
I don't deserve any of this.
No one deserves to be treated like this. Hindi ko alam kung bakit at paano ba ako napunta sa sitwasyon na to. Ang alam ko lang hindi ko to dapat nararanasan. No one should be bullied just because we are flawed. Alam ko na napabayaan ko ang sarili ko pero hindi ko alam na kasalanan palang maging mataba.
Napaupo lang ako doon habang prinoprotektahan ang sarili ko, ilang beses ko ring naramdaman ang paghila nila sa aking buhok hanggang sa tumigil.
Napaangat ako ng tingin at nakita si Chairman na nakalahad ang kamay sa akin. I just sat there, feeling hopeless. Humagulgol lang ako habang nakahawak sa aking ulo na para bang may nagaganap na earthquake drill. Naramdaman kong may tumabi sakin, tumahimik ang paligid. Hanggang sa parang pagod na akong umiyak. Wala ng luha na lumalandas sa aking pisngi.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakalagay sa aking ulo na nagsisilbing proteksyon.
"It's okay I'm here" hawak hawak nya ang kamay ko habang binubulong sa akin iyon. I felt safe and somehow scared at the same time.
Ang isang kamay nya na nasa kamay ko kanina ay dumausdos pababa ng aking bewang at ang isang kamay nya ay humawak sa aking braso. "Come on, Madox. Let's go❞
Nagpahila nalang ako sakanya, my mind is not in it's best condition. Parang wala pang naproproseso ang utak ko.
Ang alam ko lang, hindi ko to dapat nararanasan.
I remained silent kahit andito na kami sa kubo, sya nakaupo sa harap ko at naghihintay kung anong gusto kong mangyari. Siguro, ganon. "Madox" he called for my name, napatingin lang ako sakanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.
He kneeled in front of me and slowly touched my cheek, napaigtad ako ng maramdaman ang haplos nya sa pisngi ko.
Para akong napapaso.
"Chairman, tumayo ka please? Why are you kneeling?" Hindi ko makilala ang boses ko sa sobrang garalgal.
Hindi sya dapat lumuluhod sa harap ko. Chairman siya ng paaralang ito. It's making me uncomfortable.
"Okay, just please stop crying." Tumango ako, sinalag nya ang kamay ko ng tangkain kong pagpagin ang pants nya.
"Ako na. Fix yourself instead" ginawa ko naman ang sinabi nya, kinuha ko ang aking salamin at suklay para ayusin ang aking buhok.
I took a deep breath saka ko pinunasan ang mata ko.
"Use this your hands are dirty" abot nya ng kanyang panyo
"H-hindi na. T-thank you. Ang dami mo ng tulong" pero hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko.
He didn't used his hanky, he wiped away my tears using his thumbs. Bakit ganon? Parang hinahaplos ang puso ko.
"Bakit mo hinayaan? Bakit hindi ka lumaban?" tanong nya ng nakakalma na ako at nakapagayos, ayon sakanya ay nai-excuse nya na kami sa aming klase.
"Nabigla ako eh, masaya akong pumasok. I have so much energy today, akala ko kasi magiging maganda ang araw na ito."
"Ilang beses kong sinubukang umiwas, I tried but I failed. Siguro ganon ako kahina" Suminghot ako at humigpit ang yakap sa puting unan nya.
"Hindi ka mahina, you're just too afraid to fight for yourself. Akala mo mahina ka."
"Ang hirap baka pag lumaban ako, ako pa yung mapasama. My body is twice bigger than them, ang dali magfabricate ng kwento, na ako yung nanakit at nauna."
"But then, I will believe you." Napalingon ako at napatitig sakanya, sinalubong nya ang titig ko at nilasing ako gamit ng kanyang mga mata.
"I know what kind of a person you are, I know you will always do the same. Mas pipiliin mong masaktan, that's why you're enduring all the hateful comments about you." "Pero wag mo sanayin Madox, fight when you could. I got you, always" hinawakan nya ang ulo ko at sinandal sa kanyang braso.
I've never felt this before, yung parang okay ang lahat, like I have nothing to worry about. May handang prumotekta sa akin. Pero hindi parin tapos ang walang katapusang "bakit?". Bakit nga ba?
Sa isang buwan nakadalawang kilo akong bawas, achievement na iyon para sa akin. From seventy five ay seventy three na lamang.
Si Chairman parin ang aking gym buddy, mas naging close na kami ngayon. Kahit pa laging nakakatanggap ng death glares ay okay lang.
"Beshy! May paabot pala si Daevon, nakasalubong ko sya sa canteen kanina" napalingon ako agad at inabot ang paperbag na may lamang tupperware na may graham cake.
"Yung favorite ko!" Lumawak agad ang ngiti ko saka ko binuksan ang hawak kong lalagyan. It's my favorite! Tamang tama katatapos ko lang maglunch.
Hinagilap ko ang cellphone ko at tinext si Daevon para magpasalamat.
From: Daevon Welcome. Enjoy eating :))
Papasubo palang ako ng matanaw ko si Chairman na papasok sa classrom, ginugulo nya ang kanyang buhok.
Kumaway ako sakanya at agad naman syang lumapit at pabagsak na umupo.
"Kamusta ang office? Yung meeting?" nakangiti kong tanong sakanya, sumandal lang sya sa sandalan ng upuan at hinawakan ang tungki ng kanyang ilong.
Tinagilid ko ang aking ulo at sinilip sya.
"Zarette. Uy. Napagod ka ba sa meeting?" Tumango lang sya bago sumandal ng tuluyan at tumingin sa akin, hanggang sa bumaba ang tingin nya sa Tupperware na nasa aking table.
"Uhh bigay ni Daevon, favorite ko. Graham cake!" umirap lang sya at yumuko sa kanyang desk. Ibinalik ko nalang muna sa paper bag ang pagkain ko at tumungo sa may mini ref sa gilid saka doon ko inilagay. Bumalik ako sa upuan ko at hinagilap ang neck pillow ko sa aking bag.
"Zarette, unan oh"niyugyog ko sya para pansinin nya ako, nagangat sya ng ulo saka kinuha unan at nilagay sa kanyang leeg.
Inayos nya ang upuan nya at tinabi sa akin.
"I'll sleep" tumango naman ako sakanya, yuyuko na rin sana ako para matulog... Pero umakbay sya sa akin saka sumandal sa aking balikat.
Alam ng Diyos kung gaano ako katensyonado, pigil hininga ako habang nilalapat ang aking likod sa back rest ng upuan ko.
Kami lang dalawa ang nasa classroom, lumabas lahat ng mga kaklase ko dahil lunch break. Si Prim naman ay lumabas pagkatapos nyang iabot ang pinapaabot ni Daevon.
Kaming dalawa lamang sa kwarto, sobrang tahimik. Bakit ang lamig?
"Why are you tensed?" I even heard him chuckled, tumuwid sya ng upo sabay yuko sa kanyang upuan.
"If I'm Daevon, would you let me sleep on your shoulders?" Sasagot sana ako pero inayos nya ang upuan nya at iniharap sa pader at saka yumuko para makatulog. Halla sya, nagtampo? Oo naman kahit gawin mo pang unan yung bilbil ko.
"Chairman!" Pero hindi sya lumilingon, free cut kasi namin dahil wala ang professor namin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Chairmaaaan!" Pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Lumiko sya papunta sa may kubo.
"Zacchaeus Everette!" Tawag ko sa pangalan nya, lumingon sya sa akin at kinunotan ako ng noo.
Lumapit ako at tinuro ang noo nya.
"Nakakunot noo ka na naman, hindi ba pwedeng smile naman? Hindi pwede? Mahal ba ngiti mo? Magkano?" Biro ko sakanya, mas kumunot lang ang noo nya at dumiretso na sa kubo. Kita mo to!
"Zarette, huy!" Nakanguso akong umupo sa kabilang dulo na katapat ng kinauupuan nya. Inaantok yata sya at ayaw nya ng mangungulit ngayon.
Isa pa, mukhang nastress sya sa meeting ng Council para sa coming school event.
"Sige, baka ayaw mo pa-istorbo." Eexit na sana sko ng may humila sa kamay ko. Biglang kumalabog ang puso ko ng pag lingon ko ay napahawak ako sa kanyang braso. "Stay." My heartbeat went wilder, plus the fact that he's looking at my eyes intently.
Parang binabasa ang pagkatao ko sa aking mga mata.
Para ring tinutunaw ang lakas ko gamit ang kanyang titig. Damn it, I'm damned. Parang gusto ko rin syang tunawin sa titig ko.
But I am sure that I will never melt him and his stone heart kahit pa titigan ko sya buong linggo.
Only the one he loves can melt his heart.
"O-okay" yun lang ang nasabi ko, inabutan nya ako ng unan bago sya kumuha ng pang kanya.
"Nakalimutan mo yatang kunin yung bigay ng crush mo" matabang nyang sabi, ngumuso ako at naalala pero nasa ref naman iyon. Babalikan ko nalang.
"Nasa ref naman. Di yun masisira." Ngumiwi sya bago tumango. What's with him?
"Gusto mo ba? Share tayo?" Tumaas ang kilay nya bago nagiwas ng tingin. "You know that I don't eat foods made by strangers, unless it is cooked by our chef or by my mom"
Oo nga pala, umuwi na kaya sya para mag lunch? I know umuuwi sya para kumain.
"Mm, okay. Nag lunch ka na ba? Mukhang hindi pa kasi busy ka sa meeting. Kain ka na."
Niyakap nya lang ang unan saka pumikit.
"I'm okay. I'm just tired" walang gana nyang sabi. Pero dapat syang kumain, pagod sya at baka manghina.
Ganito ba sya lagi? Kapag stressed sa school obligations nya ay hindi na kakain? Hindi tama.
"Pero dapat kakain ka, sige na."
"I'm okay, Madox" napakagat ako sa pangibabang labi ko ng marinig ang pagtawag nya sa akin sa pangalang iyon.
Patented nya yata ang pangalang iyon para sa akin, he didn't want anyone calling me by that name. Sya lang dapat.
Naiirita sya kahit sa kapatid nya kapag tinatawag akong ganon, kadalasan sinasamaan nya ito ng tingin. Kapag sila Ely naman binabalaan nya.
"Pero kasi diba no skipping of important meals? Halika na, may time pa tayo. Samahan kita" I smiled at him. Pumayag ka na. Pumayag ka please. He sighed in defeat. Itinabi nya ang unan saka tumayo.
"Okay. Let's go" napapalakpak pa ako sa saya. I can't even erase the smile plastered on my face.
"Stop staring, Madox. I'm eating" aniya bago sumubo. Pati pag subo ang sexy.
"Ang gwapo mo kasi, eye candy. Nung nagpaulan ng kapogian sinalo mo ano? May dala kang tangke at doon ka nagswimming."
"O kaya naman ikaw yung nagdodonate ng kapogian na yun, ikaw n--" bakit hindi mo ako crush kung ganon?"
Napangiti ako sakanya "Anong hindi? Simula bata pa ako crush kita no!" I confessed out of the blue, napaubo sya at napainom agad ng tubig.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Pati ako ay napainom na rin. My Ghad! Mapapahamak ako sa sobrang daldal ko! Now he knows that I have a big crush on him!
"Uy Zephryne!" Tawag ko sa kapatid nyang hila hila pa ang trolley bag niya, gusto ko lang makaiwas sa mga posibleng magiging tanong nya.
I know he heard my confession,; dalawa lang kami at sobrang tahimik kaya sigurado akong narinig nya iyon.
Lumapit sa akin si Zephryne at humalik sa aking pisngi. She's eight years old by the way, kamukhang kamukha nya si Prim, at si Zarette naman ang kamukha ni Zades. "Kuya, Zades got into a fight" sumbong ni Zephryne, saktong pagpasok ni Zades na lukot ang damit at nakasimangot.
Hindi lang pala kamukha, kaugali rin. Mini me yata ito ng kanyang kuya.
"Zades. Halika dito" nilingon ko si Zarette na prenteng nakadekwatro, nakapagilid na rin ang plato nyang may laman pang pagkain.
"They started it" sabi agad ni Zades habang hinuhubad ang polo shirt nya. "You know I'm like you, I don't care at all times"
"Pero bakit ka nga napaaway?" dahil nakaupo sya ay halos magkapantay na sila ng nakababatang kapatid.
"They are teasing Zephryne, as her brother it's my job to protect her" humalukipkip ito at nakipagtitigan sa kuya. Parang nakikipagmatigasan. "Okay, go and change." Tumango naman ito at pinulot ang hinubad na polo.
"Kuya don't tell mom and dad, okay?" tango lang rin ang sagot ni Zarette, si Zephryne ay sumunod na ring umakyat sa taas.
Namayani ulit ang katahimikan sa kusina. Nilingon ko sya na umiinom ng tubig. Kinuha nya ang plato at lumapit sa lababo.
"Ready your things, tatapusin ko lang ito" ngumuso ako at pumunta na sa sala para ayusin ang bag ko, umupo muna ako at pumikit habang hinihintay sya. Nakaidlip na ako kakahintay, nagising nalang ako ng gumalaw ang gilid na parte ng couch na kinakahigahan ko.
Nakita ko si Zarette na bagong ligo at bagong bihis, amoy na amoy ko pa ang pabango nyang nakakaagaw pansin.
Yung bango na mapapalingon ka tapos gustong gusto mo nalang sundan para singhutin? Yun yung amoy nya. It's sexy and delicious.
"Sorry, mainit kaya naligo ako" tumango lang ako habang kinukusot ang mata ko baka kasi may dumi ako sa mata dahil sa pagtulog ko. Nakaitim syang shirt at slacks, kinuha nya na rin ang bag nya kaya kinuha ko na rin ang akin at sumunod na sakanya.
Pinagbuksan nya ako ng pinto bago sya sumakay sa driver's seat, kinikilig talaga ako tuwing pinagbubuksan nya ako ng pinto. Nakakahaba ng hair, nakakasexy! Hihi. "There you go, san kayo galing?"
"Good afternoon din Kiko" ngumisi ako sakanya, kinuha nya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. COC na naman ito.
"Alam mo try mo mag mobile legends, maganda daw yun. Better than coc" suhestyon ko sakanya, adik kasi ang friend kong si Eyn doon ni hindi ko na nga makausap ng matino. Minsan naglalakad pa yun habang naglalaro, tss.
"Okay, download ko lang" nakita kong binuksan nya ang apps store at hinanap ang app na mobile legends.
Mamaya o bukas, adik na yan. Hehe
"Anong pinaguusapan nyo ni Kiko?" tanong ni Zarette sakin habang naglalakad papunta sa classroom, hindi ko sigurado kung tapos na ang free cut.
"Sabi ko lang idownload nya yung mobile legends" tumango lang sya saka ipinaharap ang kanyang bag saka ito binuksan para kunin ang itim na payong. Malapit na kasi kami sa mainit na parte ng field, kita mo to napakavain ayaw umitim.
"Wala akong nadalang extra, share nalang tayo sa payong" aniya.
"Hindi na, ikaw nalang. Sanay ako maarawan" tipid akong ngumiti sakanya. Wala nga akong dalang payong kahit tag ulan.
"Pag aawayan ba natin to? Come on,; Madox" aniya habang hinihintay akong sumilong sa payong. Ngumiti nalang ako at tumabi sakanya.
Ang bait at ang gentleman nya na naman ngayon, hays ang hirap na hindi ma-fall. Joke!
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report