Flaws and All -
Chapter 50-Finale
Wakas
Halos hindi kami makatulog kakaplano sa kung anong gagawin namin pagbalik namin ng Pilipinas.
Isa lang ang hinihingi ni Amaryllis, ang makausap si Zarette. Ibibigay namin iyon, pero hindi ako makapapayag na pupunta mag isa si Zarette doon. We'll attach a secret camera on his shirt, may rerespondeng mga pulis isang maling galaw lang ni Amaryllis sa asawa at sa anak ko.
Dumiretso na kami agad ng bahay pagdating namin sa Pilipinas. Diretso sa pool area para pagplanuhan pa ng mabuti ang mga susunod naming hakbang. Seventeen hours flight is horrible, gusto nang bumigay ng mata ko lalo pa't simula nang malaman namin ang sitwasyon ay hindi na kami nakatulog. Hindi ko na namalayan pa ang sumunod na mga ganap, nagising nalang ako na magkatabi kami ni Zarette at mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Sinilip ko ang orasan na nasa bed-side table at nakitang alas onse na ng gabi.
Wala akong matandaan sa mga napag-usapan ng grupo, nakakahiya naman na nakatulog ako agad.
"Hal, matulog ka pa" malat ang boses na sabi ni Zarette, nakapikit ang isang mata nya habang ang isa ay nakasilip sa akin.
Yumakap ako pabalik sa kanya at umunan sa braso nya. Tiningala ko sya at nakitang nakatitig sya sa akin.
"Tulog na tayo" Aya ko sa kanya. He planted a soft kiss on my head and closed his eyes, I did the same and drifted to sleep.
Nasa sala kami ngayong magbabarkada at mag seset-up na. Tawag nalang ni Amaryllis ang hinihintay.
Nakakapit ako sa braso ni Zarette habang sya naglalagay ng spy lapel and camera. Busy kaming lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Zarette. Si Amaryllis!
Humugot ng malalim na hininga si Zarette bago sagutin ang tawag.
"Nasan ang mga bata?" Kalmado pero may diin nyang sabi. Kuyom ang palad nya na para bang gustong manuntok.
"Pupunta ako. Tayong dalawa lang. Sasama ako sa isang kundisyon, kukunin ko muna ang mga bata sa'yo"
Ibinaba nya ang cellphone, akmang ihahagis pero agad kong nahawakan ang kamay nya. Tila nanghina ito at marahang humaplos, pinagsalikop ang mga daliri namin at hinalikan ang kamay ko.
Convoy kami, huminto kami sa tagong parte na malapit sa warehouse kung saan makikipagkita si Amaryllis kay Zarette.
Nakapaligid na ang mga pulis sa warehouse at para silang mga sibilyan lamang.
"Tatapusin ko na 'to ngayon" pinisil niya ang kamay ko bago ito hinalikan. Sumandal ako sa braso nya, naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.
Inalalayan nya ako at hinatid sa sasakyan nila Ryan kung saan may set up na computer kung saan kunektado ang spy cam na nakasuot kay Zarette.
"Ingat ka, I love you Zarette" yumakap sya sa akin nang mahigpit na tila ba kumukuha ng lakas at tapang, I felt that. I want him to know that I am with him throughout this mission.
Tumingkayad ako at humalik sa labi nya bago sya tumalikod. Pinigilan sya ni Prim kaya kunot noo syang hinarap nito.
"Kuya, you are her weakness. Make her bow down to you. Kaya mo syang pasunudin, kaya mo syang utuin. Just ask her and she'll surrender her self to you right away." Humawak sa kamay ni Prim si Zarette at tumango. The twin connection is too evident, matalino sila pareho.
Pumosisyon din kami sa malapit sa warehouse nang makapasok na sa loob si Zarette, tahimik lang ako at nananalangin lamang habang pinapanuod ang nasa computer.
"Oh andito ka na pala" bati ni Amaryllis na may nakapaskil na ngiti abot sa kanyang tenga. Katatapos nya lang i-set up ang isang table na may wine at may bulaklak pa sa gitna. Bumeso sya kay Zarette at kumapit sa braso nito, lumapit sila sa table at sya na rin ang nag hila ng upuan para sa lalaki.
"Nasan ang mga bata?" tanong ni Zarette. She pouted, saka tinuro ang direksyon ng mga natutulog na bata.
"I'm such a good mother, napatulog ko sila. Ayaw nga lang nila yung gatas na pinapainom ko sa kanila" "Can I drive them home?"
"Of course, my love. But no one is leaving this place without me" pilya itong ngumiti saka kinagat ang labi.
"Wala ka bang tiwala sa akin? I'm all yours now Amaryllis, if that is what you want" napatayo ang babae sa kanyang inuupuan at pumunta sa likod ni Zarette para yumakap. "Then tell me you don't love your wife"
"She's not my wife anymore."
"Then get divorced" paglalambing nya. "Marry me after"
"I will, just let me bring the kids home" napapikit sya nang maramdaman ang mainit na halik ng babae sa leeg nya. He silently cursed and clenched his fist.
"Okay baby"
Bago nya pa malapitan ang mga bata ay naramdaman nya ang malakas na paghampas sa kanyang batok, agad na nanghina ang tuhod nya at nandilim ang paningin.
"Bumagsak si Kuya!" Histerikal na sabi ni Prim nang semento ang nakikita nila sa screen mula sa spy cam sa damit ni Zarette. Narinig din nila ang hampas na dahilan sa pagbagsak ng kanyang kapatid. Agad na sinignalan ni Ryan ang mga pulis na paligiran ang buong paligid.
"Wag kang bumaba, Madox." pigil sa kanya ni Kiko nang akmang bababa sya ng sasakyan.
"Kailangan kong pumasok sa loob!"
"It would be better if you'll stay here, Madox. Please, baka magalburoto ang impakta sa loob kapag nakita ka!"
Sabay sabay silang napatingin nang magliwag ang screen at nagpakita ang nakangiting mukha ng impaktang tinutukoy nila.
"Papasok ang mga pulis, kumalma ka lang dyan Madox"
"Teka, paano akong kakalma e nasa loob ng warehouse na yan ang mga anak at asawa ko! Bubugbugin ko kayo e!" Kung wala sila sa seryosong sitwasyon ay malamang nagsitawanan na sila.
"I never knew we'll be in this exciting yet terrifying experience" piningot ni Aveline ang tenga ni Kiko sa sinabi. He just smirked.
Sabay sabay na nagbukas ang pintuan ng sasakyan kung nasaan sila at nagmadali din silang bumaba nang lumabas ang mga pulis na bitbit na si Amaryllis, hawak hawak naman ni Zarette ang mga bata. "Mommy!" Sabay na sigaw ng mga bata, nagunahan pang tumakbo papunta sa kanya. Sinalubong nya ang mga ito at umiiyak na yumakap sa kambal.
"Sorry ngayon lang si mommy ha? Okay lang ba kayo?"
"Opo, mommy I want cake na" little Kiel rubbed his tummy.
"Okay pag uwi natin ha? Go muna kila Tita Prim." Tumakbo naman ang mga bata pagkatapos nyang halikan at yakapin ang mga 'to.
Patakbo syang lumapit sa asawa na iniinda ang sakit sa ulo, agad namang niyakap ni Zarette ang asawa at humalik sa ulo nito. "Okay ka lang?" pangungumusta nya sa asawa.
"I'm okay, Love" he smiled sweetly.
Nakabibinging tunog ng pagputok ng baril ang namayani sa paligid. Nabura ang matamis na ngiti sa labi ng kanyang asawa.
"No. No!" Palahaw nya, sinalo nya ang patumbang katawan ni Zarette.
"Kung hindi ka mapapasakin, mamatay ka na lang! You are mine! You are mine until death!" Isa pang putok ng baril ang namayani sa tahimik na paligid.
Hinang hina sya habang pinapanuod na ang mga medics na dinaluhan ang nakahandusay na katawan ni Zarette, sa kabilang ambulansya naman ang wala ng buhay na si Amaryllis.
"Mommy, san si Daddy?" Tanong ng mga bata nang makarating sa ospital. Bagong ligo na ang mga bata habang sya may bahid pa din ng dugo sa kanyang mga damit.
"Nasa loob lang si Daddy, kausap ang mga doctor." paliwanag nya sa mga bata.
Mabuti na lang at isinakay na ni Prim ang mga bata sa sasakyan kanina, hindi nila nasaksihan ang barilang naganap.
Zarette is in the operating room para tanggalin ang balang tumama sa kanyang tagiliran.
While Amaryllis didn't survived. She died on the spot, dumiretso ang bala nito sa utak na agad nyang ikinamatay.
Too much love could kill you indeed, she became so obsessed with Zarette that she tried to kill him thinking she'll have him in the afterlife.
"Umuwi ka muna Madox, magpalit ka na muna at magpahinga" sabi ni Prim. But she remained silent while trying to hold back her tears. "Kuya will be okay"
"Ayoko umalis, gusto ko ako ang makikita nya kapag nagmulat sya ng mata. Gusto ko ako ang unang kukumusta sa kanya. I miss him. I love him!" she burst into tears, sinandal naman sya agad ni Prim sa balikat nya at pinapatahan sya. "Ayaw ni Kuya na makita kang ganyan, be strong Madox. Sa'yo kukuha ng lakas si Kuya."
"Text nyo ako agad ha? please tell him I love him kapag nagising sya" habilin nya nang ihatid siya ni Bree, Prim at Aveline sa labas ng ospital. Dumating na ang sundo niya para umuwi at magpalit.
The defeaning sound of the gun shot, his smile fading slowly kept playing in her head. Nasa gilid lang sya ng kanyang bath tub habang patuloy ang pagdaloy ng tubig mula sa shower. Their happy moments together flashed in her mind, she smiled and silently prayed that he'll be fine.
Hindi sya pwedeng manghina ngayon dahil sabi nga ni Prim ay sa kanya kukuha ng lakas si Zarette para lumaban pa sa kanyang buhay.
Nagmadali syang mag ayos ng sarili at magbihis. Nagdala na din sya ng mga pantulog at mga pagpapalitan nila habang nage-stay sila sa ospital.
Napatigil sya nang may mapansin sa drawer nila, hindi nya napigilan ang pag ngiti sa naisip. Nagbanyo syang muli bago nagmamadaling nagtungo papuntang ospital.
"Anong nangyari? Tapos na ba operasyon?" Tanong nya sa mga kaibigan. Nakayuko lamang sila at tila ba iniiwasan sya.
Napawi ang ngiti nya at agad na kinabahan. Nilapitan nya si Prim at niyugyog ang kaibigan.
"Prim, anong nangyari? May problema ba? Sagutin mo ako" Umiling lang ito at nag iwas ng tingin.
"Hoy ano ba?! Sagutin nyo naman ako!" bulyaw nya, nagsimula nang mag-init ang sulok ng kanyang mata at namigat na ang kanyang dibdib.
Pinagbuksan sya ni Kiko ng pinto papasok ng Operating room, katulad ni Prim ay iniwasan sya nito ng tingin.
Nanlamig sya pagkatapak pa lang nya sa loob ng operating room. It was cold, silent and eerie.
"Doc? Nurse?" she called but got no response.
Natabig nya ang cart na naglalaman ng mga medical tools nang makita ang nakatakip na katawan sa gitna ng kwarto, the monitor beside it shows a flatline.
"No. Hindi pwede!" Sigaw nya sa kanyang isip. Dahan dahan nyang inaalis ang telang nakatakip sa katawan na nasa hospital bed.
"Za..." Garalgal ang boses nyang tawag, humawak sya kamay nito at humalik. Hindi na nya napigilan pa ang pag hikbi.
She can't lose him. Her life depends on him.
"Zarette, please don't do this to me" she begged, pinanawan na sya ng boses at tuluyan ng nanghina.
Sumampa sya sa hospital bed at yumakap sa malamig na katawan ng asawa, wala na syang pake kung dugo dugo na ang kanyang damit.
"Hindi mo pwedeng gawin 'to sa akin, mahal." Bulong nya habang pinagsasalikop ang mga daliri nya, naiyak sya lalo na nang makita ang pamumuti ng kamay nitong wala ng buhay. "Sabi mo sa akin no one can stop you, even death. Panindigan mo naman yun oh, please wag mo akong iwan."
"Magiging daddy ka na ulit, mahal." She whispered with tears falling in her cheeks.
Papikit na sya nang maramdaman na may humahaplos sa kanyang tyan.
"You're pregnant?" Rinig nyang nagmula sa mahinang boses, tumingala sya at sinalubong ang seryosong tingin ni Zarette na dahilan ng kanyang pagluluksa.
"B.. buhay ka?"
"Buntis ka ulit?" Nakangising tanong nito na tila ba walang nangyaring masama sa kanya, na tila ba hindi ito "namatay" kanina.
Kinusot nya ang kanyang mata para masiguradong totoo ang nakikita nya, nakangiting Zarette ang nasa harap nya ngayon at hawak hawak ang tyan nya. "Buhay ka??" Humalakhak ito na ikinainis nya.
"Joke ba 'to? Is this supposed to be funny? You effin' scared me Zacchaeus Everette!" Bulyaw nya sa kaharap nyang nagpipigil ng tawa.
Napa "Ama namin" ang kanyang asawa ng walang sabi sabing tumalon ito paalis ng hospital bed.
"Madox!" Gulat nyang tawag dito.
"Gago ka!" Ganti ng babae bago lumabas ng operating room.
"Gago kayong lahat di ko kayo kukuning ninong at ninang!" Sigaw nya sa mga kaibigan nang salubungin sya ng mga ito na may ngisi pa sa bawat mukha.
"Sabi ko sa inyo eh, she'll hate us to death!" nakangiwing sabi ni Bree habang pinapanuod si Madox na naglalakad palayo.
Nagulat sila nang lumabas mula sa operating room si Zarette na tulak tulak ang dextrose holder nya, nakapaa at dumudugo ang tagiliran dahil bumukas ang tahi nito. "Kuya!" nag-aalalang tawag ni Prim sa kambal. "Kuya yung sugat mo! Lord, bakit ho may ganito akong kambal!?"
"Hindi ako pwedeng iwan ni Madox! Buntis sya!" Buong loob nitong sambit kahit pa nanginginig na ang kanyang tuhod at nanghihina na ang kanyang katawan. "Gago ka talaga O'brien!" mura ni Madox na bumalik mula sa pagwawalk out nito. "Sabi ko na nga bang gagawin mo 'to e, kaya ako bumalik!"
Sinalo nya ito at inalalayang bumalik sa operating room, nagmadali namang tawagin nila Prim ang mga doktor at nurse.
"Isa't kalahati kang tarantado, Zarette! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na makita ka dyan na parang walang buhay tapos ngingitian mo ako na parang wala lang! Hindi ako natuwa" sermon nya dito habang inaalalayang humiga ang
asawa.
"Paano pag nag mental breakdown ako kanina? Paano kung sa sobrang sakit ng naramdaman ko nalaglag 'tong pinagbubuntis ko? Matutuwa ka ba ha? Kung wala ka lang sa sitwasyon mong yan binalian kita ng buto, ng mga buto!" "Oh tama na misis, makakasama sa baby" nakangising sabi ni Zarette kahit pa bakas na sa mukha nito ang sakit gawa ng bumukang tahi ng sugat nya.
Umirap lang sya at umupo sa upuan sa gilid para bigyan ng espasyo ang mga nurse na aayos ng tahi nito.
"Nurse, yung asawa ko buntis. Pacheck din, sumama loob sa akin e" narinig nyang sabi ni Zarette. Kailangan nya ring magpa-check up para makumpirma kung buntis nga ba talaga sya. Minsan kasi ay nagkakamali din ang pregnancy test kits. "Miss kuhanan kita ng dugo mamaya. Saka si patient po wag po nating hahayaang ma-stress. Ililipat na namin kayo sa vip room mamaya" Ngumuso lang sya at umirap sa nurse pagkatalikod nito. "Ako ba di na-stress? Aba!" Bulong nya sa sarili.
Nang humupa na ang inis nya ay nilapit nya ang upuan nya sa tabi ng kama ni Zarette. Nakalipat na sila sa VIP room at nakabihis na sya ng bagong damit.
Humawak sya sa pisngi nito at humalik sa noo. Dahil na rin siguro sa itinurok na sedative at anesthesia ay nakatulog si Zarette. Tahimik syang lumabas ng kwarto para magpunta sa laboratory. "Beshy sorry na" pangungulit nila Prim na sumusunod sa kanya papunta sa laboratory.
"Okay lang" half hearted nyang sagot.
"Si Kuya kasi, nagising kanina tapos sabi nya gusto ka daw nya i-surprise" napanguso pa si Prim na nakasunod pa din sa kanya.
"Nasurprise ako, gusto ko nga kayong pagsasapakin dahil tuwang tuwa ako sa surprise nyo" sarkastiko nyang sabi bago tuluyang pumasok sa laboratory para magpa blood test. "Congratulations misis, you are five weeks pregnant" napawi lahat ng lungkot na naramdaman ko ngayong araw, napalitan iyon ng saya lalo na at magiging mommy na naman ako. God is truly amazing. Kapalit ng lungkot ay saya, kaya naman habang pabalik ako sa hospital room ni Zarette ay may ngiti sa aking labi.
Tulog pa din sya nang makabalik ako, dahan dahan akong humiga sa tabi nya para hindi ko sya maistorbo. Nabasa ko na din ang note nila Prim na umuwi sila para makakuha ng gamit. Binasa ko muli ang resulta bago inilagay sa bedside table. Namigat ang mata ko dahil sa antok.
Naalimpungatan ako dahil may humahaplos sa tiyan ko, naramdaman ko rin ang mga halik nya sa noo ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya, tumango naman sya bilang sagot.
"Daddy na ba ako ulit?" Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang nakangiti, tila may humaplos sa puso ko dahil sa sayang nakikita ko sa mga mata nya. "Five weeks." Sagot ko sa kanya.
Humalik syang muli sa noo ko at ngumiti pagkatapos, pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata nya at yumakap sa kanya.
"Ganito pala feeling kapag nalaman mong buntis ang asawa mo at magiging daddy ka, its euphoric."
"Thank you mommy, this time makakasama mo ako sa pagbubuntis mo, hindi ka na mag iisa"
Nine months later...
"Push pa mommy! Unti nalang!" Ako ang pinagpapawisan habang pinapanuod si Madox na umiire para ilabas ang baby boy namin. Tama, baby boy.
Kinukuhanan ko ng video ang buong panganganak ni Madox para paglaki ng anak namin ay mapanuod nya.
Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ang pag iyak ng isang bata. Nilingon ko ang aking asawa at nakitang nakatulog ito dahil sa pagod, kinapa ko ang panyo ko para punasan ang kanyang pawisang mukha. "Congratulations Mommy and Daddy, andito na si Baby boy O'brien"
Napawi lahat ng hirap at puyat na naranasan ko habang nagbubuntis si Madox. Hirap dahil sa hindi maselang pagbubuntis ng asawa ko, pati na rin sa hirap ng paghahanap ng mga pinaglilihian nya. Isang gabi ay napanaginipan nyang kumakain sya ng Tteokboki sa Korea, kaya kinabukasan nun ay kinulit nya akong pumunta kami ng Korea para lang kumain ng street food ng bansang iyon. Nariyang naghanap din sya ng durian na sarap na sarap nyang kinain habang kami ay naka face mask dahil sa amoy ng prutas na iyon.
Fries na sinasawsaw nya sa pinaghalong toyo at ketchup, inaway nya pa ako dahil gusto nya ng tuna pie na peach mango pie daw ang laman at marami pang weirdong pinaglihian nya.
I suppressed my tears from falling when the nurse showed me my son. Ang saya pala sa pakiramdam na kasama ka sa buong journey ng asawa mo, saka itong feeling na ikaw ang unang kakarga sa anak mo. "Thank you, hal" bulong ko kay Madox saka humalik sa noo nya, nakalipat na kami sa hospital room at dalawang oras na syang tulog sa pagod.
Hindi ko alam na pwede ko pa pala syang mas mahalin, dahil siguro hanga ako dahil sa tiniis nyang hirap para dalhin ang anak namin sa mundong ito.
Magkasama kaming lumaki, halos buong buhay naming dalawa ay magkasama kami. I saw her grow, I saw her bloom.
Hindi ko inaakala na ang batang pinagtanggol namin ng kapatid ko noom ay ang magiging asawa at ina ng mga anak ko.
Nagmahalan kami, sinubok ng tadhana, hanggang sa eto na nauwi sa kasalan at pag buo ng sariling pamilya.
Love is not just about the happy moments, but also the bad ones. Tinanggap namin ng buong buo ang isa't isa, pati ang mga pagkakamaling nagawa namin namalayan man namin o hindi.
We loved each other, flaws and all. And I couldn't be more thankful that I have someone who loved who I am, who loved my flaws, who loved me as a whole.
Siguro iyon natutunan ko sa buong relasyon namin ni Madox, na kapag mahal mo ipaglalaban mo at tatanggapin mo sya ng buong buo kahit pa may mga pagkukulang sya.
"Dito na po si Baby Zebadiah Maxwell" nagkagulo kaming lahat nang pumasok ang nurse na hinehele ang anak namin, nakadamit na ito at mahimbing pang natutulog. Inihiga ito sa tabi ni Madox na agad namang napaluha nang masilayan ang anak namin, maging ako ay nagpipigil na din ng luha dahil sa tuwa. "Daddy tingin" kinarga ko si Kiel para makita nya ang kanyang kapatid, si Kiko naman ang kumarga kay Nyx.
"Gusto ko sya gisingin" sabi ni Prim saka nya pinisil ang pisngi ni Kiel, sinipat ko ang kamay nya para balaan syang wag gawin ang balak nya.
"Tito na ulit ako" nakangising sabi ni Zades, kinukuhanan naman ng litrato ni Zephryne pamangkin nya na siguradong ipopost nya sa kanyang instagram account. Nataranta kaming lahat nabg umiyak ang baby na agad namang pinapatahan ni Madox.
"Ang ingay nyo kasi" sita nya sa amin. Napangiti ako lalo na nang tumahimik ang anak ko nang hawakan ng aking misis ang kanyang maliit na pisngi.
"Tulog na baby na mabait... Tulog na baby kong mahal" mahinang awit ni Madox sa aming Baby Zax, iyon ang napagkasunduan naming palayaw ng aming baby boy.
Marami pa kaming pagdadaanan ni Madox at ng buong pamilya namin, pero sigurado akong hindi ko kailangan mangamba dahil magkakasama kaming haharap sa ano mang hamon ng buhay.
It doesn't matter what's in front of me as long as I have Madox, my kids and my family beside me.
Bitter and horrible trials are blessings in disguise, sinubok man kami ng panahon ni Madox sobra sobrang biyaya naman ang kapalit.
"I love you our little one" halik ko kay Baby Zax, sunod naman kay Kiel at kay Nyx.
"Don't cry love" saway sa akin ni Madox, she pinched my cheek and kiss my lips.
"Oh PDA sa harap ng mga bata ano ba yan?" namayani ang halakhakan dahil sa pagsuway sa amin ni Zephryne.
"Iloveyou." bulong ko sa aking misis.
"Iloveyou way more" she answered, tinanguan ako nila Kiko saka nila tinakpan ang mata ng mga bata, napangisi nalang ako bago humalik sa aking asawa.
Damn, I love her so much. Flaws and all.
Zarette and Madox are now signing off
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report