Flaws and All
Chapter 40-Happy Father’s Day

Namasyal kami ng mga bata sa mall, kailangan rin kasing bilhan ng nga gamit ang mga bata dahil naiwan sa Vegas ang kama, stroller at ilan pang damit nila. "Wag na tayong bumili ng kama, katabi nalang natin sila matulog" ani Zarette habang tumitingin ako ng baby beds. Tumango naman ako at lumipat sa stroller. "Bilhan nalang natin, hindi na kita makakatabi kapag nasa gitna na natin sila" he said grinning. Kinurot ko ang tagiliran nya habang natatawa.

"Ikaw, marinig ka ng mga bata" saway ko sa kanya.

"Hindi nila maiintindihan yan mahal, sige na sige na"

"Ayoko. Tigil mo nga"

He pouted and massaged his temples.

"Gusto ko pa naman ng quadruplets. The more the merrier"

I glared at him and sealed his lips with my index finger.

"Yung mga bata!"

"Mommy, I want" sabay turo sa kulay Blue na stroller. Paboritong kulay ni Kiel ang blue habang si Nyx naman ay beige o Pink. Bumaling ako sakanya at marahang siniko si Zarette. He just encircled his arms around my waist at ininspeksyon ang tinuturo ni Kiel.

"Kinuha naman iyon ni Zarette at sinakay si Kiel doon. Ako kasi ang nagbubuhat kay Nyx at sya naman kay Kiel.

"Ikaw Nyx ano gusto ng baby girl namin? Tell daddy" tinuro naman nito ang pink na katabi ng stroller ni Kiel.

Tumawag ng staff si Zarette at sinabi ang gusto ng mga bata, diretsong bayad na at pinagamit na rin namin sa kanila para madami pa kaming mabili.

"Mommy dito muna kami sa baby bottles" sabi ni Zarette at humalik sa ulo ko, si Kiel ang kasama nya at ako si Nyx. Sa clothing area ako at tumitingin ng mga sandos at iba pang damit nila lalo na ang pang tulog.

Ilang beses akong luminga dahil feeling ko may sumusunod sa amin but I shrugged it off dahil baka staff lang iyon. Ganun naman sa malls sunod ng sunod ang mga staffs.

Nakailang lagay na ako sa basket habang tulak tulak ang stroller ni Nyx. Iba talaga ang pakiramdam ko, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Lilingunin ko sana nang gulatin ako ni Zarette at ni Kiel. "Mommy!" sabay nilang sabi, napapitlag ako sa gulat pero agad ding nakabawi at nakahinga ng maluwag. "Kayo talaga, sabi ko na eh may sumusunod sa amin" nakitawa nalang rin ako.

Zarette reached for my basket at sya na ang nag buhat, enjoy na enjoy nya ang pagsho-shopping. Muntik ko nang pitikin dahil sampong milk bottles ang hawak hawak. Naka sale daw kaya nya kinuha. "Ang hirap kasing magtimpla ng gatas pag nagutom tong baby boy ko" sabay halik kay Kiel.

"Bilhin mo na kaya lahat yan mommy" natatawa nyang sabi habang pumipili ako. Umupo na sya sa swivel upuan malapit sa akin at hinihintay akong namimili ng damit. Nasa harap nya ang nakastroller na magkapatid. "Alam mo ba feel ko talaga may sumusunod sa amin kanina" I confessed. Iba talaga kasi yung feeling ko kanina.

"Baka lalaki na gusto kang lapitan, ang ganda ganda kasi ng misis ko akala siguro available ka" pambobola nya sa akin. Binato ko sya ng isang sando na agad nya din namang nasalo.

He chuckled before reaching for my hand.

"Wala lang yun hal, shake it off" aniya so I calmed my self. Wala lang yun. Baka guni guni lang. Or I'm just being too paranoid.

Umuwi rin kami ng bahay ng maaaga dahil nga yung surprise para kay Zarette. Nagtext na si Prim na okay na ang lahat.

Excited na ako agad, gusto ko maging espesyal ang araw na to kay Zarette at sa mga anak namin.

Patay ang ilaw sa bahay pagkadating namin. Alas siyete ng gabi na at dito na mag uumpisa ang surpresa.

"Bakit patay yung ilaw? Brownout ba?" luminga linga sya sa paligid at pinagbuksan ako ng pinto. "May ilaw naman sa mga kapitbahay"

"Daddy, dark inside" sabi ni Nyx habang tinuturo ang bahay at nakanguso pa. "Its okay honey we'll find ways to light up the house"

"May generator naman diba hal? Saka hindi naman brownout, imposibleng maputulan kayo" aniya, i frowned at kumunot ang noo nya.

"I forgot to pay our electric bill! Gosh!" ngumiwi ako kunwari at napanguso, hinalikan nya lang ang ulo ko at ngumiti "Don't worry we'll settle things later." kalmado nyang sabi. Hawak hawak nya ang kamay ko habang buhat namin ang mga bata. Sya ang kay Kiel sa akin si Nyx.

Pag bukas nya ng pinto ay agad nagliwanag ang bahay at sumabog ang mga confetti.

"Happy Father's day!" sigaw nilang lahat. Shock was written all over his face. Isa isang lumapit sila Kiko at nakipag high five sa kanya.

Isa isang lumapit at bumati sa kanya. Natatawa nalang sya at nagpapasalamat sa mga kaibigan naming bumati.

Mom and Dad was there. Tinawag ko rin sila Tita Penelope at Tito Zero pero susunod daw sila maya maya. Hindi pa nila alam na may anak kami, na may apo na sila sa amin ni Zarette. Napag-usapan na namin iyon kanina at ipapaalam namin bukas, pero kasali sa plano ko na ipakilala na ang bata sa kanila ngayon.

Bumaling si Zarette sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Thank you, Madox. Thank you mahal ko"

"Always. Para sayo, para sa daddy" hinalikan nya ulit ako pagkatapos ay ang mga bata. Nagpababa ang dalawa dahil gusto daw nila ng balloons na nagkalat sa sahig. Nagsimula na kaming kumain, sinakay na ulit namin ang dalawang makulit na babies namin sa stroller para mapakain. Paborito nila ang spaghetti na luto ni Mommy. Kung si Nyx ay seryoso sa pagkain, ang mag ama ko naman ay naglalaro ng airplane airplane bago sumubo. Natatawa nalang ako sa cuteness nilang mag ama. Napatigil ako nang mag bukas ang gate at pumasok ang sasakyan nila Zarette

"Sila mommy" sabi ni Prim, ngumiti ako at tumango.

Napatayo si Zarette nang makita ang kanyang ama na papasok ng bahay. Sinalubong sila nila Mommy at daddy at binati.

"Oh my God, Zero" napahawak sa dibdib nya si Tita Penelope habang ang isang kamay ay nakakapit kay Tito.

"Glama!" tawag ni Kiel at pumalakpak. Binuhat ni Zarette si Kiel at ako naman kay Nyx at lumapit kila Tito.

Agad na inabot ni Tita Penelope ang kamay ni Kiel habang si Tito Zero naman ay hinaplos ang mukha ni Nyx.

"Mommy, Daddy. Mga anak namin" Tita Penelope teared up upong hearing the revelation. "Glama" tawag ni Kiel sa kanya bago nagpakarga.

"Ezekiel Lynx and Meredith Nyx po." pagpapakilala ko sa kambal. Tumango si Tito Zero at kinarga si Nyx.

"Nice to meet you big boy" baby talk ni Tita Penelope, binalingan nya si Nyx at kinurot ang pisngi "You too big girl"

"But glama i'm still small" and she chuckled.

"Oo nga naman, she's still small" sabi ni mommy. Ang tila nahintong mundo namin ay bumalik, nagpatuloy ang party habang nilalaro namin ang kambal.

Buo na ang pamilya ko, Zarette and I are getting married soon. Wala na akong mahihiling pa.

Isang buwan na simula nang mag stay kami sa bahay ni Zarette, ilang bahay lang naman ang layo namin sa bahay namin nila mommy.

Tulog na tulog pa rin si Zarette habang katabi ang kambal, sumilip ako sa orasan at nakitang alas siyete na ng umaga.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Zarette and I decided to take a break from work, gusto nyang matutukan ang mga bata at para na rin maayos ang kasal naming dalawa.

I want everything to be simple yet classy, ganun kasi ang estilo ni Zarette.

Pababa na ako ng hagdan nang makita si Manang na papasok ng bahay, may dala dala syang tupperware na tingin ko'y luto nya o ni mommy.

"Magandang umaga manang, ang aga naman po nyan" nagmano ako sa kanya at kinuha ang dala nya.

"Nagluto kami ng spaghetti, paborito ng kambal yan hindi ba?"

"Sobra manang, nako ikatataba na naman ni Kiel ito. Salamat po, pakisabi kay mommy salamat. Bibisita naman po kami dun mamaya"

"O sya, mauuna na ako at mag aayos ng bahay para kapag dumating kayo mamaya ay maayos at malinis doon. Ang mga anak mo pa naman mahilig gumulong sa sahig"

Hinatid ko si manang sa labas at kumaway pa sa kanya. Napatigil ako nang makitang may box sa gilid ng gate.

Pinulot ko iyon at hinanapan ng note o kung ano man.

"Ano kaya to?" bulong ko sa sarili, sinarado ko ang gate at pumasok ng bahay.

Pababa na si Zarette kaya pinatong ko muna sa table ang box. I gave him a peck on his lips and a warm hug.

"Good morning, misis" nakangiti nyang sabi, dinampian nya ng halik ang labi ko at ang noo ko bago humawak sa kamay ko.

"Yung mga bata?"

"Nasa taas pa, tulog. Bakit ka nasa labas?" tanong nya bago uminom ng tubig mula sa ref.

"Hinatid ko si manang, nagdala sya ng spaghetti. Someone left a box sa gate, may ineexpect ka bang package mahal?" tanong ko sa kanya, umiling sya at habang umiinom pa rin ng pangalawang baso nya ng tubig. Kinuha ko ang box at inalis ang ribbon. Napatigil ako nang biglang may tumusok at sumugat sa daliri ko, ginapangan ako ng kaba bigla at napatingin kay Zarette.

Dinaluhan nya ako at hinawakan ang daliri kong dunudugo. Dinala nya ako sa lababo at hinugasan ang daliri ko.

My heart is pounding for an unknown reason, bigla nalang akong kinabahan. Nang malinis ang sugat ay binalikan ko ang box para tignan ang laman.

Bumagsak ang luha ko nang makita ang laman ng box, tila tumigil ang mundo ko sa pag ikot. Kumirot ang puso ko, napahawak ako sa aking dibdib habang nakatitig sa kahon. Laman nito ang mga litrato. Si Baby Zeve.

Litrato ni Zacchaeus Everette Jr.

Anxiety took over, she felt that familiar feeling of pain that she felt three years ago. Naalala nya ang lahat. Galak, hirap, sakit, takot, panghihiyanayang.

Nabuntis sya, si Zarette ang ama. She have to go through all the process alone, mula sa paglilihi, check ups at pati sa panganganak.

She gave birth not only with Nyx and Kiel, she gave birth to three beautiful babies.

But one didn't survive.

Wala ng pulso nang maipanganak ko si Zarette Jr. Si Kiel ang nauna, sumunod si Nyx at bunso si Zarette Jr.

I did everything to stay healthy, to make sure that they are safe. Kung pwede lang hindi ako gumalaw ay ginawa ko na para masiguradong nasa maayos silang kalagayan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang at nagkamali, nangyari nalang na lumabas syang walang buhay at hindi na pumipintig ang puso.

Ilang buwan ko ding hindi nahawakan sila Nyx at Kiel dahil sa pagluluksa ko sa pagkawala ng aking bunso, hanggang sa narealize ko na baka sa dalawang anak ko naman ako mag kulang, na baka mawala rin sila sa akin dahil sa kapabayaan ko. Umuwi ako sa Pilipinas para dito ihimlay ang bunso ko, pero bumalik rin ako sa Vegas para tutukan ang dalawa ko pang anak.

Kilala ni Daevon ang mga anak ko dahil minsang nag grocery ako ay nagkasalubong kami. He helped me pero walang namagitan sa aming dalawa.

Zarette knew everything, mula sa simula hanggang dulo. Araw araw ay dinadalaw namin ang bunso namin, walang mintis.

Hindi ko lang maintindihan bakit ganito? Sinong nagpadala nito? Para saan?

Dinaluhan ako ni Zarette at pinaupo sa kandungan nya.

Inilayo nya sa akin ang box at pinalis ang luha ko.

"Zarette, I'm sorry"

"You don't have to say sorry, baby. Calm down" he rubbed my back and kissed my forehead.

"Kung mas nag-ingat pa ako baka nabuhay yung junior natin. Baka...

"You've done enough mahal, mas mabuti na rin siguro na kinuha sya sa atin kaysa pahirapan sya ng sakit. All is well mahal, tago na natin to"

Maghapon akong nagisip at nakaupo lang, mommy sent a house help to do the chores dahil wala akong gana kumilos.

All of our friends are here, Ryan are reviewing the cctv footage para makita kung sino ang nag iwan ng box.

"Kuya, sino pa bang gagawa nyan? Wala ng iba pa." Napahalukipkip si Prim pagkatapos nyang isantabi ang box na nakuha ko kanina sa labas ng bahay.

"I agree with Prim. Come on guys, sino pa ba? Sino pa ba ang desperadang gagawa nyan?" pag sang ayon ni Aveline. She glanced at the monitor after consuming her wine.

"I think the girls are right. Babae to eh, kamay babae" sabay turo ni Ryan sa kamay ng nakahoodie na nag lagay ng box sa harap ng gate namin. After leaving the box ay inayos nito ang hoodie at nag lakad papalayo.

"Kindly zoom in right there" turo ni Zarette sa screen. "A. C" turo nya ulit sa initials na printed sa likod ng hoodie nito. Tumayo ako at nakiusisa. My heart began to pulsate while looking directly to those letters imprinted to her jacket. I swear, I saw her wearing that same jacket years ago.

"See? A. C, Amaryllis Contreras" sabi ni Prim. Nanikip ang dibdib ko sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Tila umakyat sa ulo ko ang inis, ang galit at binalot ng sakit ang puso ko.

Is this how she wanna play this game? Screw her!

She wants to attack me emotionally, what for? Is she thinking that I will leave Zarette again when I'm emotionally unstable? Tingin nya siguro ay uulitin ko ang mga desisyong nagawa ko noon, ang iwan si Zarette.

But I will never do it again, I will stand firm at gagawa ako ng paraan para matigil na ang lahat ng ito. I want to give my kids a peaceful life, gusto ko na ring matapos ang kalokohan ni Amaryllis para na rin sa kapakanan ng anak nya. "Hal" rinig kong tawag ni Zarette sa akin, hindi ko na namalayang nasa tabi ko na sya at naka-akbay sa akin. Nag space out ako hakbang iniintindi ang naging hakbang ni Amaryllis. She will never let us live in peace, she will try to get Zarette for herself. By hook or by crook.

"Should we file a restraining order?" umiling ako kay Kiko. "Hindi kailangan. Amaryllis have connections, trust me she can make the order nullified" sabi ko. Humalukipkip ako at bumuntong hininga, Zarette was watching me intently. "Then I can hire us escorts to guard the house, papadagdagan din natin ang cctv." tumango ako at kinagat ang daliri ko. "Alam nya bang ikakasal tayo?" hindi siguradong napa-iling sya. Sabi ko nga kanina she has connections. May mata sya sa paligid para magmasid sa amin, sa pamilya namin. Malamang ay alam nyang ikakasal kami kaya biglaan ang kilos nya. And I want to curse her for being so desperate.

Hindi ko hahayaang sirain nya ang pamilyang to. I will bring her down. Kakayanin ko. Para sa pamilya ko.

Lumingon ako kay Zarette at nginitian sya. Lalaban para sayo.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report