Flaws and All
Chapter 21-Hate me

Pagod na pagod na ako kahit dalawang oras palang ang tinagal ko dito sa school, sobrang init at sobrang dami ng nilalakad.

Kelangan ko pang magpapirma sa library kahit naman di ako humihiram ng libro doon.

Sinilip ko ang clearance ko para i-check ang pirma, agad na nag init ang ulo ko ng makitang ni tuldok ay walang nakalagay doon.

"Kainis!" nagdabog akong naglakad patungo kila Aveline na ngayon ay nakapila na. Pinakita ko sakanila ang blankong clearance ko

"Hindi nya pinirmahan!" sumimangot ako at patakbong bumaba ng hagdan, I almost fell kung hindi lang ako nahawakan ng isang lalaki sa bewang ko. Tinignan ko ang lalaki at narealize na si Zarette pala. Oo si Zarette! The hell?!

"Bitawan mo nga ako!" his jaw clenched bago nya ako binitawan.

Napalinga ako at madaming nakakita sa eksena naming dalawa.

Well, okay na siguro iyon kesa naman sa makita nila akong madapa diba?

Half thankful, sige na nga.

"Come with me" aniya, saka ako hinila. Talaga! I'll come with you! Yung clearance ko!

Kanina pa ako reklamo ng reklamo, paano ay kung saan saan nya na ako kinakaladkad!

He intertwined our fingers together, kahit anong hila ko ay di nya ito binibitawan.

"Teka, san ba tayo pupunta? Naiinitan ako, hello?" pagsusungit ko.

"Wala, iniikot lang kita"

Marahas kong hinila ang kamay ko at tinalikuran sya, pinaglalaruan nya ako. Pinaglalaruan nya na naman ako!

"Madox" he said huskily, I closed my eyes trying to calm my self. Affected ako, tinawag nya lang ako pero bakit tila natunaw yung galit ko? "Stop playing games with me" I walked away, never minding the fact that I need him to sign my clearance.

"Tapos na ba kayo? Gusto ko na umuwi" wala na akong gana pa, drain na drain na ako.

Nagkatinginan silang tao bago tumango.

Ramdam kong gusto nilang magtanong, wala namang nangyari, inikot ikot lang naman ako sa school na to na parang kelangan ko ng tour. Nakakainis talaga!

"Ano bang nangyari? Napirmahan na clearance mo?" tanong ni Prim, nasa passanger seat sya at nasa back seat naman sila Aveline at Breana. "Hindi. Bukas nalang, pagod na ako"

Tahimik ang bahay pagkadating namin, tinanong kami agad ni Manang kung anong gusto naming pagkain sa gabihan.

"Ako po manang gusto ko ng inihaw na tilapia." sagot ko. Lahat naman ay iyon rin ang gusto, plus barbecue!

"Bihis lang ako" paalam ko, umakyat na rin sila para magbihis.

Ilang beses kong pinihit ang door knob ng kwarto ko pero ayaw bumukas, kinalkal ko ang susi at saka ko lang iyon nabuksan.

"Ano to?" dinampot ko ang nagkalat na black pants at itim na shirt. Inamoy ko ang shirt at nakumpirmang kay Zarette iyon dahil sa bango nito. What the hell!?

Napapitlag ako nang lumabas sya sa banyo. Nakaputi syang t-shirt at itim na board shorts.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakikihugas ng kamay." aniya, kinuha nya sa akin ang mga damit nya at nilagay iyun sa laundry box ko.

Humiga sya sa kama ko at niyakap ang unan ko.

"Sinong nagpapasok sayo dito?" lumapit ako sa closet ko at kumuha ng puting shirt, pag open ko ng isang drawer ay nandon ang mga shirts nya. "Si Manang" maikli nyang sagot.

"Sinong may sabing pwede kang pumunta dito?" sinara ko ang drawer at binuksan ang isa pa. Andoon naman yung ibang polo nya. Ano to? Lipat bahay?

"Your parents. Nakalimutan mo ba? Sa akin ka hinabilin ni dad" ngumiti sya sa akin bago pumikit.

Napasapak ako sa noo bago pumasok sa banyo ko. Aish, nakalimutan ko. He can come anytime, dahil may permiso ng magulang ko.

Ibig sabihin... Hanggang wala ang parents ko dito sya titira?

Natapos na akong maligo at magpalit, tulog na sya ng lumabas ako. Nilakasan ko ang aircon bago lumabas, bumalik ako sa loob ulit para kumutan sya.

Paalis na ako nang hawakan nya ang kamay ko, antok na ang mata nya at halata sa mukha nya ang pagod.

He didn't say a word, inayos ko ang kumot nya at hinaplos ang buhok nya. He kissed the back of ny hand and pulled me closer.

Nataranta ang puso ko lalo na ng maramdaman ko ang init ng labi nya sa kamay ko.

Marahan kong binawi ang kamay ko at tumalikod paalis.

"Grabe girl, tagal maligo." salubong sa akin ni Bree, ngumiti lang ako sakanya at sabay na kaming bumaba para mag ihaw.

"Hindi pa talaga nya pinirmahan?" tanong sa akin ni Prim. Umiling ako.

I can ask him to sign it later.

Naalala ko na naman yung halik nya sa kamay ko kanina. Saka bakit ba sobrang caring ko sakanya? May atraso pa nga sya sa akin ngayon, sobrang daming atraso!

"Wag ka na kasi magtransfer beshy, alam ko naman na gusto mo lang umiwas kay Kuya"

Nanatili lang ang tingin ko sa mga iniihaw namin. Tama naman sya, gusto ko talagang umiwas sa Kuya nya.

But I will always find myself coming back to him.

Parang kahit anong takbo ko, kahit ilang liko, babalik at babalik sa kung saan nandoon sya.

"Naisip ko rin na wag na, ang hirap umulit ng isang taon, sayang naman yung mga pagpupuyat ko dito.

Sumandal sya sa braso ko at niyakap ako.

"Alam mo naman na bata palang magkasama na tayo, yung two months pa nga lang na hindi tayo magkasama parang ang lungkot na ng buhay ko" I ruffled her hair and hugged her tightly, she's my better half. Naghanda na kami para sa hapunan, ang dami naming inihaw na isda na alam kong sobra pa para sa amin. Ipapauwi ko nalang kay Manong para sa mga anak nya.

Masaya ang naging hapunan, sa sobrang saya hindi na namin namalayan kung nakailang plato kami ng kanin. Kapag talaga kasama ang mga kaibigan sa kainan parang wala ng bukas.

Nag offer ako ng tulong kay Manang para mag ayos, isusuot ko na ang gloves nang pigilan nya ako.

"Si Zarette, hija, di mo ba papakainin? Nako kawawa yang bata na yan simula nung dumating ka. Saka lang papasok yan kapag patay na ang ilaw sa kwarto nyo, naghihintay yan sa labas"

"Mga ala una yan papanhik, hindi na nga yata nag gagabihan yang batang yan. Saka babangon yan ng alas sais para umalis ng maaga. Bakit ba? Hindi ba sya pwedeng makita ng mga kaibigan mo? Andito ang kambal nya ah? Nag away ba kayo?"

Napabuntong hininga lang ako sa sinabi ni Manang, inalis ko ang gloves ko at naghanda ng makakain nya.

Nasa kwarto na ang girls dahil nagaaya sila mag laro ng ps4. Kumatok muna ako bago pumasok.

He's watching basketball, napansin kong puyat ang mga mata nya at gusto pa nitong matulog. "Kumain ka na ba? Ako nagihaw nyan, pero kung ayaw mo pwede naman akong magpadeliver" Naalala ko, hindi nga pala sya kumakain ng hindi luto sa bahay nila o ng chef nila.

"Okay na yan, luto mo naman" inusog ko ang table at doon pinatong ang tray. Hinila nya ang swivel chair ko at sinenyas na doon ako umupo.

"You changed your number?" umiling ako, hindi pa kasi ako nakakabili ng pamalit sa dati kong number. Naalala ko hindi ko pa pala naibabalik ang sim ko doon, yung sim sa u. s kasi ang nakalagay.

Pinanuod ko lang syang kumain, minsan ay sumusulyap sa pinapanuod nyang basketball game.

Lord, hulog na hulog po talaga ako. Pero hindi ko po alam kung sasaluhin nya ba ako sa huli.

Nag vibrate ang phone nyang nakapatong sa table nang sulyapan ko ay picture ko ang kanyang lockscreen, bago lang itong picture ko. Ito yung pinost ko kanina lamang suot ang polo nya. "Ganda nung lockscreen ko no? Girlfriend ko sana tanga ko lang" ngumiti sya ng mapait bago binuksan ang text galing kay Kiko.

Tumunog ang cellphone nya at nag flash sa screen ang mukha ni Kiko.

"Ano? Andito nga si Aveline. Hanap ka ng hanap, hindi mo ba sya pwedeng i-text?" napakunot ang noo ko.

Bakit hinahanap ni Kiko si Aveline? May hindi ba ako alam?

"Oo nga, di nila ako pwedeng makita sa ngayon. Si Madox ang tanungin mo" binaba nya ang tawag at bumaling sa pagkain nya.

"Anong meron kila Aveline at Kiko?" usisa ko sakanya. Uminom lang sya ng tubig bago sumagot.

"Di ko rin alam, lagi naman silang nagkikita" he answered.

Oh my God! Inunahan pa ako ni Aveline? Sila na ba ni Kiko? I need answers! Uusisain ko si Prim mamaya!

"Kumain ka na ba?" basag nya sa katahimikan, um-oo ako at sumandal sa upuan.

Nang matapos ay umakbay sya bigla sa akin at pinatong ang baba nya sa aking balikat.

"I can stand you hating me just don't leave me like that again" nilayo ko ang sarili ko sakanya, pumikit sya at minasahe ang kanyang sentido bago tumayo at dumiretso sa aking kama.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Niyakap nyang muli ang unan ko at tuluyan ng pumikit.

"Ako na bahala dyan bukas. You can leave now" aniya, sininop ko muna lahat at dahan dahang umalis sa kwarto. "Namiss mo siguro ang kwarto mo ano? Okay lang, you can sleep there" sabi ni Prim pagkapasok ko ng guest room. "Naglinis lang ako doon" palusot ko, kinuha nila ang kumot ko at ibinalot sa akin.

"Sige na, okay lang kami dito. You can sleep there" sabay tulak sa akin palabas.

"Ganyan kayo sakin ha, ayaw nyo na ba ako makasama?" pagdadrama ko. Humagikgik lang sila at pinisil ang pisngi ko.

"Magkasama na tayo ng ilang araw, saka syempre you don't have to sleep here all the time. Bisita kami at may sarili kang kwarto. Bukas ka nalang ulit tabi samin, alam naman naming namimiss mo ang kwarto mo" "Aray!" tumama pa ang noo ko sa pinto sa lakas ng pagkakasara nila. Hinimas himas ko ang noo ko habang papunta sa kwarto ko.

"Dito muna ako ah, I got kicked out by the girls. Akala yata nila namiss ko na ang kwartong to when I am just checking on you" he scooted away, giving me more space.

Naglagay ako ng unan sa pagitan naming dalawa, para siyang sira ulo na natatawa. Umirap lang ako at tumalikod sa kanya.

"Yung clearance ko di mo pa pinipirmahan!" pagsusungit ko sa kanya habang nakatalikod.

"So I'll get to see you in my office, of course you'll bug the hell out of me just so I'll sign those papers" humalakhak pa siya na tila ba inaasar talaga ako.

Humarap ako sakanya at hinampas ang hotdog pillow ko, tumawa lang sya habang sinasalag ang hampas.

"I won't let you transfer, Madox. I won't let go of you this time, I won't let you run away just like that. Never again" aniya. Nilakasan ko ang hampas ko sa kanya saka umirap.

"Lakas mong gumanyan, ikaw naman yung gumagawa ng dahilan kung bakit ako umaalis at tumatakbo palayo."

"Wala pa akong isang buwan, magkasama na talaga kayo"

"Of course she's my secretary" sabi nya.

Sinapak ko sya ng malakas, ngumisi lang sya at hinuli ang kamay ko. Hinawakan nya ito ng mahigpit at nilagay sa dibdib nya.

"Pag secretary ba dapat kahalikan mo rin? Secretary my ass, O'brien."

Binawi ko ang kamay ko sakanya at tumalikod.

"Siguro hindi pa ito yung tamang oras para sabihin ko yung totoo, but Madox, I love you and that's the most important truth."

"I love you mo mukha mo, O'brien."

"Okay, I love you more my Madox" he chuckled, I felt him move and I heard him sigh.

"Kasalanan ko lahat to, so I have to face the repercusssion of my actions. But atleast, hear my side too. Walang sapat na rason para mangyari iyon, alam ko. Pero sana pakinggan mo rin ako kapag handa ka na" We both sighed, humigpit ang yakap ko sa aking unan at pumikit. Marahan kong tinapik ang aking dibdib at huminga ng malalim.

Bumuntong hinga siya at inalis ang unan na namamagitan sa kanilang dalawa. He tried to restrained his hand from reaching her back. Okay na yung inalis nya ang unan na namamagitan sakanila.

So near yet so far. Kaya nyang abutin ang dalaga pero masyado ng malayo ang loob nito sa kanya.

"I'd do everything to have you back again, Hal. I'm half crazy, knowing that you're near me but I can't even touch your hand" bumuga ito ng hangin at umayos ng higa.

Alas dose na pero hindi parin sya tulog, inayos nya ang kumot ng dalaga at tinignan kung mahuhulog na ba ito dahil sa sobrang pagpapagilid ng dalaga.

He can't sleep.

"God, this is driving me insane!" grabeng pag pipigil ang ginagawa nya, gusto nya itong hapitin sa bewang at ikulong sa bisig nya.

And as if the God Almighty heard his prayers, she shifted from left to right.

Kumapit ito sa bewang nya at tila hinahanap ang unan na kanina pa nalaglag sa sahig.

He chuckled silently when she pulled the hem of his shirt, sya na ang nagkusang lumapit, inayos nito ang pagkakaunan ng dalaga sa braso nya at hinalikan ang noo nito. "Hmmm" she groaned, humigpit ang yakap nito sa binata. Maging ang paa nya ay niyakap nya rin sa binata.

He can now sleep in peace. He found his peace in her warm hug. Humalik syang muli sa noo nito at sinubukang pumikit.

"I love you, Madox. It has always been you"

"I love you, hmm" she sleep talked, ngumiti lang sya sa sarili at hinigpitan ang yakap sa dalaga.

Thank Heavens for this answered prayer, after all the sleepless nights eto na at makakatulog na sya ng mahimbing.

"Holy!?" napabalikwas ako ng bangon. Nagising ako dahil naramdaman ko ang mahigpit na yakap at init ng hininga nya sa pisngi ko.

He groaned and reached for my hand. He squinted an eye before opening the other one.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bakit? Bakit kami magkayakap? Asan na yung unan?

Pinulot ko ang unan sa side nya at nilagay iyon sa pagitan namin.

Alas kwatro na ng umaga, halata sa mga mata nya ang puyat.

"I-inalis mo yung unan ano? Pervert ka talaga!" bulyaw ko, nagkamot sya ng batok at niyakap ang unan na pinagitna ko sa aming dalawa.

"Nahulog" he said huskily.

"Nahulog? E di sana nasa paanan natin diba?"

"Ilang oras palang tulog ko, Madox. Aalis ako ng alas singko para di ako makita ng friends mo, ng kapatid ko. So please, stop nagging. Its too early"

"Eh bakit ka kasi nangyayakap?" hininaan ko na ang boses ko, at inagaw sakanya ang unan.

"Ikaw ang nangyakap, pero alam kong di ka maniniwala kasi tulog ka habang ako pinagmamasdan kang matulog kahit nakatalikod ka sakin."

"You would probably tell that I am lying, but you were the one who hugged me. Iniisip mo sigurong ako yung unan na nahulog dahil sa kalikutan mong matulog" Umirap lang ako at pabagsak ng humiga. Ang sakit ng ulo ko sa maagang pag gising. Lalo na at agad agad pa akong bumangon, nasira pa ang mood ko agad. Bumangon na sya at umupo saglit sa gilid ng aking kama, hinilamos nya ang kamay nya sa kanyang mukha.

He grabbed his towel and entered the bathroom.

Nabadtrip yata.

Hindi na ako nakatulog pa kahit anong gawin ko, isang oras bago sya lumabas ng banyo. Tinakpan ko ang mata ko dahil akala ko ay nakatopless syang lumabas. "Im wearing a bathrobe. Matulog ka pa, its too early"

"Its too early naman pala, saka san ka pupunta nyan? Uuwi ka? Di ka ba tatanungin nila Tita?"

Ilang minuto bago sya sumagot, lumabas syang nakapolo na itim at khaki shorts.

"Sa school ang punta ko"

"Ang aga ah? May paperworks ka parin?" tanong ko.

"No. So you can sleep, di ka makakatulog hangga't andito ako. Isa pa, I can sleep there too, sa extension room" inayos nya ang kwelyo nya at sinuot ang kanyang relo. Binalingan nya ang kanyang pinagkainan kagabi at binitbit iyon bago sinukbit sa balikat nya ang kanyang bag.

"Matulog ka na, maaga pa" aniya, he smiled at me weakly before walking out of my room.

"Ano ba yan, nabadtrip yata talaga. Paano naman kasi, Madox, ang aga aga nagising mo yung tao tapos sinigawan mo agad!"

Pati sarili ko ay pinapagalitan ko na. Inexplain nya naman kung bakit kami nagkayakap, and he look so sincere while explaining. Isa pa, bagong gising iyon, why would he lie?

Well, wala namang pinipiling sitwasyon ang mga sinungaling.

Pero kahit na!!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa mga katok sa labas ng kwarto.

"Bukas yan" sigaw ko saka ko sinubsob ang mukha ko sa unan.

"Girl, come on let's eat. We have a lot of school stuffs to deal with!" si Bree.

"Aga aga naman nageenglish eh!" humagikgik lamang ito. Nag inat at nag hikab muna bago bumangon.

Ginawa ko muna ang aking morning routine bago bumababa sa kusina.

Andun na sila at amoy ko na ang bango ng bagong timplang kape.

"Manang, Iced coffee po ang akin" paalala ko. I am not a fan of hot coffee, nakakapaso kasi ng dila!

We ate in silence, syempre joke lang iyon. Laging may kwento ang tatlong to.

"Anong drama nyo kagabi at pinagsarahan nyo ako ng pinto?" kunwari ay may himig ng pagtatampo ang boses ko.

"Nahihiya kami, saka isa pa alam naman naming di ka sanay sa puyatan" siniko ko si Prim.

"Bakit kayo mahihiya? Mga kaibigan ko kayo. Saka ang saya nga na ganun e, kesa sa kwarto mag isa ako" nagkatinginan silang tatlo saka sila nagngisian. Problema ng mga to?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report