Flaws and All
Chapter 15- Game

Two days bago ang inter college sports fest, nagiisip na ako kung anong gagawin ko sa buhay ko. Kidding, inaasahan kasi ni Zarette na manunuod ako.

Well, I won't miss it for the world. Nagiisip kasi ako kung paano ko ipapakita ang suporta ko sakanya.

"Why not make a banner? Parang si Athena ng SDTG, saka ka mag cheer ng 'go sexy! Go sexy! Go sexy, sexy love!" saka nya winagayway ang kamay nya habang nagchi-cheer. "Tama! Banner! Pero ayoko mag sayaw ng ganun, di naman bagay sakin yun" nakangiwi kong sabi. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw.

"Aigoo! Okay na yun, basta may banner ka" si Aveline ang kasama ko ngayon, free cut dahil busy ang marami para sa sports fest.

Sports is not for me and Aveline, pero gusto ko ang volleyball at badminton. Kaya nga lang hindi ako gusto ng sports na iyon.

Andito kami sa National BookStore na nasa loob ng campus namin mismo. Bumibili ng mga materyales para sa banner, I just hope Aveline is artistic because I'm not.

"So... Artistic ka ba? Kasi ako wala akong talent sa pagda-drawing or lettering man lang" I confessed, she scratched her nape and rolled her eyes.

"Bahala na! Ang importante... wala tayong ebola!" walang konek nyang sagot, napakamot nalang rin ako sa batok at kumuha ng mga markers.

"Get that ball, shoot that ball!" yan, yan ang isusulat natin. Ngumuso lang ako habang pinapanuod syang nagsusulat sa binili naming kartolina. Bahala na talaga si Batman.

"Busy ka today?" tanong ko bago niloudspeaker ang tawag. Bukas na ang game at hindi pa kami nagkikita magmula kahapon. Inayos ko sa gilid ang mga ginawa naming banner ni Aveline, pinakita ko na rin ito kay Prim at aprubado nya ang nga ito.

Hindi masyadong artistic, I know its plain but atleast we exerted effort making these banners.

"Hindi naman. Do you want me to come over?" tanong nya sa kabilang linya. Katatapos lang yata nila mag lunch at katatapos rin ang last game nila.

"Ikaw bahala. Do you think you can make it? I mean, dalawa ang sports mo ngayong sports fest." he sighed deeply. Pinagiisipan nya kasing ilaglag ang volleyball team dahil hindi nya alam kung kaya nyang makahabol. With basketball, hindi nya alam kung ilang beses ang game nila lalo pag nakapasok sila ng championship. Which is automatic, hindi naman nalalaglag ang team namin sa inter college.

"I can't. Kaya na ng team mates ko iyon, I'll leave it to them" nakarinig nalang ako ng pamilyar na alarm mula sa linya nya at pagtunog ng engine.

"I'm coming over. I missed you today" napangiti ako, naalarma dahil kailangan kong itago ang mga banners.

"Okay, tawag ka nalang kapag andyan ka na sa baba. Ingat ka ha? Yung pag da-drive"

He chuckled on the other line "Yes maam" he answered before I dropped the call.

Nirolyo ko ang mga banner at inilagay sa aking closet. Mga sampong minuto ang nakaraan bago sya tumawag.

Nag suklay, polbo at naglagay ng kaunting lip tint bago bumaba. Tinukso pa ako ni Manang pagkakita sa akin at sa bisita.

He's wearing black muscle tee, jersey shorts and his favorite basketball shoes from Stephen Curry. Basa pa ang buhok nito at magulo.

Nilabas ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang noo nya.

"Hindi ako nag aircon, magagalit ka eh" aniya, I let out a sigh while wiping away his sweat.

"Hindi mo rin binuksan ang bintana mo, tama ba?" he scratched the back of his head before nodding for his answer.

"Buang ka!" I chuckled, before placing my head on his chest.

"I missed you too, I am glad you're here" humalik sya sa ulo ko at hinila na ako papasok ng bahay.

Bahay nya ba to? Hehe

"Aish! Really? May daya ka na eh!" reklamo ko, paano kasi ay hindi ko sya matalo sa guitar hero! Tumawa lang sya bago nya ginulo ang buhok ko.

"Trust me, iyan din ang sinasabi ni Daddy kay Mommy" ngumuso ako at hinarap sya.

"So player rin si Tita?" tanong ko, tumango sya at itinabi ang controller nya.

"Yup, I learned from the best!" nakangiti nyang sabi.

Penelope Rae, his mom. Kahit na anong gawin mo, kahit pa ikaw ang pumili ng kanta ay hindi ito matalo talo sa larong guitar hero. And yes, he inherited his skills from his mother. Something that his father and his sister hated about him. Maging si Zades ay natututo na rin at natatalo na ang kanilang daddy at ate.

Si Zephryne ay walang hilig, mas nanaisin nalang nitong maglaro ng dance central o audition sa kanilang computer. O kaya naman DOTA kasama ang kanyang kuya.

"Ang perfect ng mommy at daddy mo ano?" umiling sya. He scooted beside me and extended his arm on my back.

"Nope they are not, they are flawed. Ilang beses ko na ba silang nakitang nagbabangayan? But before the day ends, they will make up with each other."

"You see perfect couples only exists in books, movies and imagination, but in reality there's no such thing as that." sumandal ako sa braso nya at nakinig sa mga sinasabi nya.

"but perfect love does exist, that saved all the humanity" aniya, ngumiti ako sakanya at humalik sa pisngi nya. May nalalaman syang ganon ha, ang galing.

"Kaya ba ayaw mo ng perfect girl para sayo?"

"Yep, but I know when someone is the one for me."tinitigan ko sya bago umirap.

"Talaga? Paano naman?" usisa kong muli.

He cupped my face and kissed me after, I reciprocated his kiss with the same intensity. I brushed my finger to his hair and gently pulled him closer, closing the distance between us. "I know because I feel it" he said in between our kisses, I just responded to him through my kiss.

You know it when you feel it.

"Maganda ba to? Bagay ba?" tanong ko, nilagay ko sa harap ko ang ternong jersey shirt at pants. Gusto ko kasi ay may maisuot naman ako sa laro nya bukas.

"That black one" turo nya sa itim ba jersey na may tatak ng Golden States Warriors. Kinuha ko iyon ay inilagay ulit sa harap ko habang nagsasalamin sa full size mirror. "But I don't like the short, its too short" nakakagat labi nyang sabi umirap ako at ngumuso.

"May short bang mahaba? Kaya nga shorts diba? E di sana longs ang tawag dito" sarkastiko kong sabi, sinamaan nya lang ako ng tingin at binato ng jersey. Heh! I hate you! Di man lang tinawanan yung joke ko. Kaasar!

"Ate eto na po" sabay lapag ko ng bibilhing terno na jersey, humugot ako ng pambayad sa wallet ko at naghanap ng coins.

"Thank you sir" rinig kong sabi ni Ate, napalinga ako dahil akala ko ay may sumingit. Sakto namang nilalagay ni Zarette sa wallet nya ang kanyang card.

"Binayaran mo?" tinagilid ko ang ulo ko at sinilip ang mata nyang natatakpan ng kanyang sunglasses. Tumango lang sya at kinuha ang paperbag na naglalaman ng pinamili ko. Kanina pa ako naiirita sa mga tumitingin sa katabi ko, may ilan ding pasimpleng kumukuha ng litrato. May ilan na napapatanong kung sino ako na nasa tabi nya. Kanina pa tuloy ako nakasimangot habang tumitingin ng mga stalls. Ano bang problema nila?

Maganda naman ako... Slight. Sexy naman ako... Very slight rin.

Hindi ba acceptable na katabi ko ang katabi ko? Hindi naman ako panget.

Sumesexy naman na ako ah!

"Tanggalin mo nga yang shades mo" sabi ko sakanya.

"Wala namang araw nakasalamin sa loob ng mall!" pagsusungit ko. Isa pa, kinadagdag pa ng pagkagwapo nya ang suot nyang sunglasses.

"Bakit ba? Pogi points to. Isa pa, ayaw mo yun? Walang ibang nakakakita ng mata ko kundi ikaw?" pag dadahilan nya. Umismid lang ako at tinuloy ang pagtingin ko ng damit.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Dahilan nito! Baka kasi tumitingin ka sa ibang babae habang nakasalamin ka?" ngumiwi ako at pinakita sakanyang isang dress. "Bagay ba?" tanong ko, umiling lang sya, umirap ako. Kainis sya ha! "Bagay naman. Mas bagay nga lang ako sayo" naubo ako sa narinig, ngumisi lang sya at humalukipkip.

Bakit ganun kapag sya ang bumanat hindi tunog jejemon? Huhu.

"Wala man lang ba akong kiss bago game?" nasa kotse nya kami ngayon, thirty minutes before the game.

Kahapon ay ibinigay ko ang banner kay Aveline pagkatapos ng simpleng date namin ni Zarette kaya naman wala akong bitbit ngayon. Gusto ko kasi ay surpresa ang simpleng banner na ginawa namin. Yes we had our date yesterday, pagkatapos ng pagma-mall namin ay dinala nya ako sa restaurant ng paborito nyang chef.

Binigyan nya rin ako ng bulaklak na iniwan nya sa restaurant bago sya pumunta sa bahay. Tinukso tuloy ako ni Manang at mommy pagkadating ko sa bahay.

"Kiss ka dyan? Kahapon naka-kiss ka na!" pakipot kong sabi, syempre kailangan ay dalagang pilipina ako.

But his lips are inviting me to taste them.

Nagiwas ako ng tingin, delikado ang tumitig sa mga mata nya. It was like luring you to do anything that he'll ask you to do.

"Kikiss kita pag nanalo kayo" I said, gusto ko kasing manalo sila ngayon kahit alam kong malaki ang tyansa nila.

Saka para naman pinaghirapan nya yung kiss ko sakanya, hindi yung kiss sya ng kiss!

Ngumisi sya at hinalikan ang noo ko.

"Easy. No sweat, my Madox" aniya. Nagbukas na sya ng pinto saka nya binuksan ang akin.

Kabado ako ngayon, katabi ko si Prim at Aveline na kasama ang kanyang kapatid na si Adeline. Tinago ko sa likod ko ang banner ng makitang palapit si Zarette sa akin. Two minutes na lamang bago ang laro, inaayos na lang ang score board.

Inabutan ko sya ng tubig, uminom sya doon habang nakapatong ang kamay sa ulo ko.

"Magugulo buhok ko, sisipain kita! Hirap akong nag ayos nyan!" sita ko, tumawa lang sya at binalik sa akin ang pinaginuman nya.

"Yung kiss ko mamaya" aniya, he winked after pouting his lips. Marami ang tumili sa likod ko, hindi ko alam kung nagtataka ba sila kung bakit ganun si Zarette sa akin. Tinusok ni Aveline ang tagiliran ko nang tumakbo na sa loob ng court si Zarette, umamba akong papaluin sya ng banner bago ko pinitik ang braso nya.

"Beshy, punta na ako doon ah? May presentation kasi kami. Babalik ako" tumango ako sakanya at yumakap.

Ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko! Mana sakin! Hihi.

Pagkatapos ng presentation ng bawat cheering squad ay nagsimula na ang prayer, pagkanta ng Lupang Hinirang at ang opening ceremonies.

Humikab ako at pasimpleng sumilip sa prenteng nakaupo na si Zarette, tahimik lang ito at minsan ay nakikipagusap sa barkada nya.

Dumoble ang kaba ko lalo na nang pumito ang referee, pumwesto si Zarette ang isang player ng kabilang school sa gilid ng referee, pagkaitsa nito ng bola ay syang palo ni Zarette. Napapalakpak ako at nakisali sa tilian ng mga schoolmates ko.

Kung hindi tili ay sigaw, kung hindi sigaw ay palakpak, kung nakakashoot si Zarette at intense ang pangyayare ay napapatalon. Naubos ko na ang dala kong tubig, mabuti nalang ay may nagbibigay mula sa school.

Half game na, lamang ang school namin ng sampong puntos. Lumapit si Zarette sa akin at humawak sa ulo ko habang umiinom ng tubig, hindi ko na sinuway dahil pagod na pagod sya.

"Go Zarette!" sigaw ko nang hawak nya ang bola, pang apat na quarter na at mas intense ang laban.

Napatayo ako nang bumagsak sya sa court, napahiga sya at dumura ng dugo. Napalunok ako at pagkatapos ay ilang beses na tinawag ang kanyang pangalan.

Napasinghap ako nang magtama ang tingin naming dalawa sa isa't isa. He gave me a weak smile at sinikap na tumayo.

Pinalabas muna sya sa court, hindi ako mapakali lalo na nang tumabi sya sa akin marami ang nakiusyoso pero nawalan ako ng pake sa sasabihin nila.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

I kneeled infront of him and placed the ice bag that the medics gave me, inabutan ko rin sya ng puke bag para doon nya ilabas ang dugo na nasa bibig nya.

"Okay ka lang?" tumango sya bago uminom sa inabot ni Prim na water bottle.

"I should go back in the court. Ako dapat magpanalo" sabi nya. Umiling ako sakanya at pinunasan ang mukha nyang duguan gamit ang aking panyo.

"Good job at being my cheerleader" aniya, ngumuso lang ako at pinagpatuloy ang paglilinis sa mukha nya.

"Mag ingat ka kapag naglalaro, nakakakaba eh!" sabi ko sakanya. "Okay lang ako, malayo to sa bitu-aray!" sinuntok ko ang tyan nya, agad ko rin itong hinaplos at agad na humingi ng dispensa. "Chairman, are you okay?" rinig kong sabi ng babae sa likod ko, alam kong si Amaryllis iyon dahil tumingin agad si Zarette sa akin. Tumango lang sya sa babae at binaba ang tingin sa akin. "Excuse me, pero medics ka ba? Ako na bahala kay Chairman" sabi nya, kinuha nya mula sa kamay ko ang ice bag at dinampi iyon sa labi ni Zarette.

Gumapang na naman sa pagkatao ko ang selos. Tumabi lang ako at lumapit kay Prim, lalapit sana ito sa kapatid pero pinigilan ko.

Parang bumaliktad ang sikmura ko lalo na dahil hindi man lang pumalag si Zarette, mas lalo akong nainis nang hawakan nito ang kamay ng babae at kinuha ang ice bag. Pwede naman kunin iyon ng hindi hinahawakan ang kamay diba? Asar!

Nabitawan ko ang hawak kong nakarolyo na poster at nagpaalam kila Prim na mag babanyo lang.

Ilang beses akong huminga ng malalim habang nasa harap ng salamin, ilang beses kong pinuno ng hangin ang aking bibig saka ito binuga. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita si Zarette sa labas ng banyo.

"Tapos ka na ba gamutin ng medic mo?" walang gana kong sabi. Napaatras ako nang itulak nya ako at mabilis na sinara ang pinto ng banyo.

He held my face and closed the distance between our faces, and suddenly I felt his lips on mine. I tried push him but he won't budge. Hanggang sa nanlambot ang tuhod ko at napakapit nalang ako sa jersey nya at ang isang kamay ko ay nasa bewang nya.

I can even taste his blood from his lips.

"Wag ka nang magselos" sabi nya pagkatapos ng halik nya sa akin, parehas kaming naghahabol ng hininga at parehas na namumula. Hinampas ko ang dibdib nya at dahan dahang sumilip sa labas. Nang makitang naglalabasan ang mga tao ay tinignan ko sya.

"We won. I made the winning shot" he smirked after. Umiwas ulit ako ng tingin saka sumilip sa labas. He suddenly wrapped his arms on my waist and planted a soft kiss on my neck. "Sorry for making you jealous" he said in a low tone, bahagya ko syang nilingon at nakita ang pag aalala sa kanyang mata.

"Hindi mo man lang pinigilan, hinawakan mo pa yung kamay! Iba ka!" pagsusungit ko sakanya, inalis ko ang pagkakahawak nya sa bewang ko nang kumonti na ang mga tao at saka lumabas ng banyo. Binilisan nya ang paglalakad at umakbay sa akin, natanaw ko sa canteen sila Prim kaya inalis ko ang pagkakaakbay ng nakakaasar na nilalang sa tabi ko at patakbong tinungo ang aming mga kaibigan. "Ano ba yan? Mas magaling pa akong maglaro sayo" rinig kong sabi ni Aveline kay Kiko, napakamot nalang ng batok si Kiko bago nilabas ang kanyang cellphone.

"Pwede mo naman ipasa kay Chairman, o kaya kay Ely! Ayan tuloy nakuha pa ng iba! Pag nag one on one game tayo talo ka!"

"Tss" yun lang ang reaksyon ni Kiko saka nya sinalpak ang headset sa kanyang tenga. Bakit parang may iba sa dalawang ito? "Tama na nga, nanalo nga sila diba?" suway ko sakanya, nirolyo nya lang ang banner na hawak nya bago ibinigay sa akin.

"Chairman, anong balak mo? Lagi mong pagseselosin tong kaibigan ko? Gusto mong makatikim ng Korean style na sapak?" nakahalukipkip na pagtataray ni Aveline kay Zarette na nasa likod ko na ngayon. Pinandilatan ko sya ng mata pero hindi ito nagpatinag.

"Kuya, can't you just tell her to stay in her lane? Nakita nyang andun si Xochitl, nasa harap mo mismo yung pangyayari." dagdag naman ni Prim.

"Just leave it to me" matabang nyang sabi. Nanuyo ang lalamunan ko nang itulak sya ni Prim.

"I warned you, you hurt her and I'll keep her away from you" sabay hila nya sa akin. Ano ba naman tong kambal na to, ang intense!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report