Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 8: Silip

"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.

Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan.

"Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito. Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani.

"Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.

Ano bang nangyari sa tatay niya? Sobrang sakit ba ng sanhi ng pagkamatay nito o maramdamin siyang tao?

"Mas mabuti sigurong mauna na ko. Abel. Good luck. Di na ko makakadalo sa graduation mo sa susunod na linggo", sabi ni Lecio na kumaway sa amin pati kay Letty na kagagaling sa loob ng bahay.

"Pre, hindi ko naman sinasadya na ungkatin yung nakaraan", para bang maamong tupa si Abel paghingi ng tawad nito sa kanyang kaibigan.

"Kuya! Tawag ka ni Inay!", para bang walang narinig si Cade sa sinabi ng kanyang kaibigan dahil sa sigaw ng lalaking nakatayo sa labas ng kahoy na gate nila Abel.

May suot itong kagaya ng sa kanya naka long sleeves at kupas na pantalon. Kahit malayo siya sa amin nasulyapan kong hawig siya ni Cade ngunit mas pinabata at mas maamong bersyon ng mukha nito. "Ibabalik ko na lang sa inyo mamaya yung pinggan", pahabol na sinabi ni Letty bago tuluyang makalayo si Cade.

Pinagmasdan ko siyang naglalakad palayo habang nakasunod sa lalaking kinaon siya. Bakas ang ngiti sa mukha nitong marungis habang nag kwe-kwento kay Cade, na seryosong nakatuon ang atensyon sa nilalakaran. Magtatanong sana ako kay Letty kung sino ang batang iyon ngunit nauhanan niya naman ako.

"Si Cazue, ang pangalawang kapatid niya. Yung kanina si Dero, yung kasama niyang magsaka", hindi ko alam na may nakababata siyang kapatid. Noon kasi ay malimit ko lamang siyang makita kasama ang kanyang ama sa pagsasaka. Matagal na kaming magkakilala. Mas nauna ko pa siyang makilala kaysa kay Abel. I know that Cade's hitting on me. Kahit bata palang kami noon. But I'm so maarte back then. Kaya di niya ko malapitan.

Naalala ko rin noong bumalik ako dito upang maglayas ay binigyan niya ko ng bouquet ng palay. Akala naman ni Abel ay bago palang kaming magkakilala noon. Hindi niya alam since Junior High ay crush na ako nitong si Cade. Hindi man niya aminin pero nararamdaman ko iyon kapag napaparito ako upang magbakasyon.

"Kuya? Ayos ka lang ba?", tinapik ni Letty sa braso ang kapatid nito na nakahalukipkip lamang sa isang tabi. Akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa ang isang ito.

Hindi umimik ang lalaki sa tanong nito. Siguro naisip niyang nasaktan niya ang sariling kaibigan dahil sa walang prenong bibig nito. Pinagmasdan namin siyang lambot ang lakad papasok sa loob.

Nag mwestra akong umupo siya sa tabi ko. Naintindihan niya naman iyon kaya niya ginawa.

"What happened?", kunot-noo ang ginawad ni Letty sa tanong ko.

"I mean... What happened in the past?", muli kong tanong.

"Hindi ko pwedeng i-kwento ng buo ang istorya. Lalo pa't hindi ko naman alam ang buong nangyari", madalas ganyan si Letty kapag may gusto akong malaman.

Hindi siya nag kwe-kwento ng istorya na hindi niya naman lubos maintindihan at lalo na kung hindi niya kung totoong nangyari iyon o hindi.

Pero dahil makulit ako ay gusto ko pa rin malaman.

I'm just fucking curious.

"Tell me. Just a little bit. Please?", I pouted while looking at her.

"Hindi pwede. Kung gusto mo ay sumama ka sa akin mamaya. Matulog na muna tayo dahil mamayang dapit hapon pa naman iyon", umuna siyang pumasok sa loob habang ako naman ay naiwan lamang doon. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Aakma na sana akong papasok ng makita si Cade kasama ang nakababata nitong kapatid.

Kahit malayo ng bahagya pagitan ng bahay sa distansya kung nasaan ako. Kita ko pa rin kung paanong naghubad si Cade at sinabit sa sampayan ang damit nitong pang itaas.

Napalunok ako sa aking nakita. I'm just tracing his effin' body.

His muscles are flexing while he's moving.

Lanjad! Ang init!

I used my hands para paypayan ang aking sarili. Para bang mapuputol ang aking paghinga.

Naputol ang pagpapantasya ko ng kumaway sa akin ang bata saka ngumiti at nagbelat sa akin.

Hindi niya yata ako nakilala. This crazy kid! Sa palagay ko'y siya si Dero.

Kinulbit niya ang kanyang Kuya saka may sinabi na talaga namang kinawindang ko.

"Kuya! Kuya! Sinisilipan ka nung babae o!", nagmadali naman akong magtago sa ilalim ng upuang kawayan pero bigo ako.

"Kita kita", he said in a sexy voice.

Napakagat labi naman ako ng nauntog ako dahil sa pagbalak kong pagtayo.

Nang makatayo na ako ay ginawad ko ang pamatay kong tingin sa kanya.

Ang gwapo nga!

Parang mas gwapo siya ng walang...

"Don't be over to yourself! Akala mo naman talaga you're my type!", nakuha niya pang tumawa sa sinabi ko.

Binasa niya ang sariling labi gamit ng kanyang dila. Napalunok naman ako sa kanyang ginawa.

"Kalma. Wala akong sinabing type mo ko. Nahuli ka sa sarili mong bibig", tumawa siya sa sarili nitong sinabi. Kitang-kita ang perpekto nitong ngiti.

"Look! You're brother is so annoying! Dumila ba naman sa akin!", I crossed my arms.

Madali pa naman akong mainis kapag bata ang gumaganito sa akin.

"Mas hindi katanggap-tanggap kapag ako dumila sayo", matagal kaming nagkatitigan bago niya nakuha ang sarili niyang sinabi.

Nag init ang pisngi ko. He's getting into my nerves. Hindi porket puberty hits him hard ay ginaganito niya ko. Pero kung sabagay, ideal type na nga siya eh. Kumbaga sa album full package na.

Naputol lamang ang aming paninitig sa isa't-isa ng magsalita ang kapatid nito.

"Oo nga naman, Ate! Hindi naman isip-bata si Kuya para siya ang dumila sayo!"

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Kung sabagay ay tama siya. Pero iba kasi ang iniisip ko.

Tumalikod na lamang ako ng hindi tumitingin sa kanilang dalawa lalo na kay Cade.

Muntik pa kong mapatalon sa gulat ng makitang nakatayo si Letty sa harap ko.

"What?!", I shouted at her. Imbis na magtaka siya ay tumawa ito.

Umuna akong maglakad sa kanya papuntang kwarto at binuksan ang electric fan saka humiga ng padabog.

"Nakukuha ko na, Piper. Nanghinayang ka siguro nung binasted mo siya noon"

Nagtaklob ako ng unan dahil sa sinabi nito.

"Hindi ako nanghihinayang. Ano naman kung mabait siyang tao? Saka baka sa una lang yan", tumalikod ako sa kanya at humarap sa pader ng tumabi siya sa akin.

Nararamdaman ko ang hunab ng araw mula sa bubong. Oh my! It's so hot in here. Kung hindi lamang nangyari kanina yung awkward moment na yun ay pipiliin ko na lamang maidlip sa labas. "Ayoko na lang magsalita ng tungkol kay Cade. Labas na ko kung mahalin mo siya. Basta Piper tandaan mo hindi kayo pwede"

Umayos ako ng higa ng dahil sa sinabi niya. Bakit parang nakaramdam ako ng pagsikip sa dibdib ko?

Bakit parang nanghihinayang ako?

"Attracted lang ako sa kanya. Isa lang akong childhood sweetheart niya"

Humarap naman siya sa akin at ako rin sa kanya.

"Ano yan? Totoo ba? O script ng isang artista?", pinikit ko na lamang ang aking mga mata imbis na sagutin siya.

It's better to sleep than to answer her damn question.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report