Someone's POV

Sa wakas...

Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.

Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.

Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.

Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora.

"Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" mabilis na inagaw ni Letty ang gunting pagkababa niya ng tray sa side table nito.

"Gusto ko lang naman na makita akong maganda ni Cade. Saka sabi niya bagay sa akin ang maikling buhok. Tignan mo natatawa siya! Pati rin sina Mama at Papa!" wala namang tao sa tinitignan ni Piper kung hindi ang tatlong manika na nasa tabi niya.

Hindi alam ni Letty kung paanong tulong ang gagawin niya sa kaibigan. Hindi pa siya nasanay sa ilang buwan na pagiging ganito ni Piper. Sunod-sunod ang trahedya sa buhay ni Piper. Niyakap niya ang kaibigan ng hindi niya napigilan ang sariling luha. Hinalikan niya ng mariin ang noo nito.

Bumitiw siya sa yakap. "Magiging ayos din ang lahat, Piper. Magtiwala ka. Babalik ang lahat sa dati", tinignan niya ng diretso sa mga mata ang kaibigan nitong tila may maskara ang mukha.

"Ano ka ba, Letty!? Bakit ka umiiyak!? Sandali na lang makakasama ko na sila! Tignan mo nga yan! Nakangiti sila sa akin!" nilaro ni Piper ang mga manika. Sinasayaw niya iyon habang nakanta kumakanta ng mahina.

"Piper, ano ba! Bitiwan mo sila. Hindi ka sasama sa kanila, Piper. Kung nandito si Cade hindi niya hahayaan na malungkot ka at sa tingin mo gusto ng Mama Prescilla pati na rin ng Papa Rafaelo mo na ganyan ka?"

Hinigpitan niya ang hawak sa magkabilang braso nito ng hindi niya napigilan ang emosyon. Nasasaktan siya sa nangyayari. Sa ilang beses na bumalik sila sa doctor sinabi naman na matino ito dahil nakikilala niya ang kanyang sarili. Pero parang ayaw tulungan ni Piper ang sarili niya.

Yumuko ito. Wala pang ilang minuto ay pumatak ang luha niya sa unan. Niyakap siya ni Letty at umiyak din siya habang inaalo ang kaibigan nito.

Sa kabilang kwarto naman ay nandoon si Donya Leonora. Ilang beses siyang tinatawagan ng may kinalaman sa career ng kanyang hilaw na anak.

"Ano kamo!? Hindi baliw ang anak ko! Nagpapagaling lang siya!" singhal niya sa isa sa mga dating kumuha kay Piper bilang modelo ng isang clothing brand.

Mabilis kasing kumalat ang balita sa kung anong nangyari sa anak niya. Ilang beses pang na blind item ito at tila ginawa pang katatawanan ang nangyari.

Paanong hindi iyon malalaman ng lahat dahil kinansela ni Piper ang patapos niyang pelikula at ang iba pa niyang proyekto dahil sa nawalan siya ng sigla sa mga bagay. "Babalik pa ang anak ko!" aniya saka binaba ang tawag.

"Pasensy ka na, Engr. Vitale. Masyadong akong pressured ngayon. Nasaan na nga ba tayo?"

Kahit namatay si Don Emilio talagang matalino pa rin itong si Donya Leonora. Agad niyang ginamitan ng pera at kapangyarihan ang nangyari sa kanyang asawa. Na frame up niya si Apong kaya habang buhay na sistensya ang pagkukulong dito.

Ilang buwan na lang ay malapit na ang halalan kaya heto siya at nakikipag usap sa ilang Engineers kasama si Vitale na ama ni Arrow. Balak niyang magpatayo nghealth center sa kanilanh bayan. Ang luma kasi nito ay tinamaan ng malakas na bagyo at maliit pa ang espasyo.

Galak pa rin ang nararamdaman ng Donya na para bang walang nangyari.

"Sabi ko sa'yo mahal kong asawa. Makakaya ko ito! Sa susunod na halalan ako naman ang magiging gobernador" nakangisi siya habang nagsasalin ng alak sa wine glass nito.

Nakaitim pa rin siyang blusa kahit na ilang buwan na ang nakalipas ng namatay ang kanyang asawa. Madalas kasing interview-hin siya ng media kaya may pag iyak-iyak pa ang Donya sa harap ng mga iyon para makuha ang simpatya ng tao. "Donya Leonora, kung sakaling may gusto kayong ipabago sa disenyo ay tawagan niyo lang ako" aniya Engineer Vitale bago umalis.

Lumabas siya ng opisina saka pumunta sa kusina. Nadatnan niyang naglilinis doon si Manang Evy.

"Kumain na ba ang anak ko?"

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ah. Opo, Donya Leonora"

"Kung sakaling may pupunta dito sabihin mong sa kinabukasan na lang siya bumalik"

"Opo"

Pumunta siya sa kanyang kwarto at doon na mahimbing na tumulog. Pagod kasi ito dahil sa meeting nito sa Baguio. Magtatayo na rin sila doon ng panibagong condo building.

Sa labas naman ay kadarating lang ni Aria na may dalang basket ng prutas.

"O, Aria. Papasukin na kita pero wag kang masyadong maingay dahil tulog ang Donya" aniya Manang Evy ng pinatuloy ang dalaga.

Si Letty naman ay saktong katatapos lang na pakainin si Piper. Hinugusan niya ang pinagkainan nito para naman siya ang makakain.

"Tulog ba si Piper?" kahit na malayo si Aria ay hindi niya kinalimutan ang kaibigan. Isa rin siya sa mga lubos nag alala kay Piper. Lito siya sa nangyari pero ayaw niyang magtanong ng mas malalim pa. "Hindi. Katatapos lang niya kumain" aniya Letty sa pagod na tono.

"Sakto. May dala rin akong pang patanggal umay. Leche flan paborito niya"

Pasayaw-sayaw pa si Aria habang naglalakad sa hagdanan. Pero ng nasa harap na siya sa kwarto ng kaibigan ay kusang tumigil ang mga paa niya.

Parang bumigat ang nararamdaman niya. Makikita niya na naman kung gaano ka-misirable ang kaibigan na alam niyang pinaka matatag na taong nakilala niya.

Huminga muna siyang malalim at nagbilang ng tatlong beses bago kumatok.

"Piper?" ilang beses niyang tawag habang na kumakatok pero walang sumasagot.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Nang hinawakan niya ang seradura ay hindi niya mapihit iyon upang mabuksan ang pinto.

"SPARE KEY! PAHINGING SPARE KEY! LOCK ANG PINTO NI PIPER!"

Wala siyang pakialam kung dumugo pa ang kamay nito habang kinakatok ang kaibigan. Binangga niya pa gamit ang sariling katawan ang pinto pero hindi sapat ang lakas niya para mawasak iyon. Nang nahanap iyon ni Letty sa may taas ng refrigerator ay agad siyang tumakbo. Kinakabahan siya at wala siyang pakialam kung ilang beses pa siyang madapa habang umaakyat sa hagdanan. Si Donya Leonora naman ay naalimpungatan sa sigaw ni Aria. Nagsuot siya ng roba at tsinelas saka lumabas.

Abot-abot ang kaba ni Letty habang iniisa-isa ang spare key. Nanginginig ang mga kamay niya habang namamawis. Niisa sa kanila ay para bang hindi humihinga ng sandaling iyon. "Piper!!!" tila nag echo ang sigaw ni Aria sa loob ng kwarto. Nabitiwan niya ang dala.

Ganon na lamang ang gulat nila ng makita si Piper na nakalutang dahil sa lubid na tumali sa kanyang leeg papunta sa kisame.

Sa higaan nito nakita ni Donya Leonora ang maikling sulat ng kanyang anak.

Lungkot ang kapalit ng lahat, Mama. Hindi ko na ito kaya. Sana ay masaya ka sa kung anong natatamasa mo ngayon.

Sa wakas, magkasama na kami ng totoo kong mga magulang at mayayakap ko na rin si Cade kapag nagkita kami.

-Piper

Author's Note: Ang mga kantang ginamit dito ay hindi sa akin kaya credits. Simpleng Tao by Gloc9 and Scared To Death by Kz Tandingan. No copy right infringement intended. For entertainment purpose only. All rights reserve to the owner of the music.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report