Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 69: Mamaalam

Don Emilio's POV

"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita. Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.

Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga.

"Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"

Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa. Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!" Nanginginig ang mga mata niya.

"D... don... E... milio... G... ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa ginawa ko.

"Gusto mo bang magaya sa iba mong kasamahan!? O, baka naman ginagago mo ako!"

Hindi ko napigilan ang intesidad ng boses ko. Sa oras na mapatunayan lahat ng binabato sa akin ay tapos na ang pinaghirapan ko. Ang kapangyarihan at kayamanan. Kung hindi lang ako nagdalawang isip at na konsensya sa aking ginawa na hawakan ko sana ng tama kung paano ko maitatago iyon.

Maraming naniniwala sa akin na isa akong may magandang prinsipyo at magandang hangarin sa bayan na ito kaya hindi ko basta-basta hahayaan na mawala iyon na parang bula.

Malakas ang loob ng batang iyon!

"Hindi po, Don Emilio! Kaya agad akong tumungo dito! Bali-balita na nahanap niya na sina Flora at Karlos!"

Hinawakan kong mariin ang aking sentido.

"Mahal kong asawa!!!" aniya ni Leonora ng pumasok siya sa aking opisina.

May hawak itong panyo habang umiiyak.

"Si Piper! Alam niya na ang nangyari kila Rafaelo at Prescilla! Alam niya na ang nangyari! Ang anak natin! Galit siya sa atin! Si Cade ang may pakana nito! Si Cade ang dapat sisihin! Ang hampaslupang yon!" Hinawakan ko ang magkabila niyang braso. "Huminahon ka! Kung hindi mo pinabayaan si Piper kina Evy ay hindi ito mangyayari!" Pumiglas siya sa hawak ko.

"Leonora! Kung hindi mo pinatay si Prescilla ay hindi magiging ganito ang sitwasyon! Wag mo kong sisihin!" nagtagis ang mga mata ko habang siya ay tumahimik. Tila nag iisip. Pabalik-balik na naglalakad.

Bumaling ako kay Mang Garber na nanginginig sa tabi."Tawagin mo ang ibang tauhan! Sabihin mo Gracio na galugadin ang bahay nga mga Paez! Wala o meron man makita ay sunugin nila iyon!" "O... opo! D... don E... Emilio!"

Ang batang iyon sumusobra na!

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Masyado siyang desidido na makamit ang gusto niya. Magkatulad talaga sila ng kanyang Ama. Walang ginawa kung hindi manggulo. Hindi malayong sasapitin din niya ang sinapit ng kanyang Itay. "Anong balak mo, Emilio!? Sa tingin mo ay madadaan mo sa simpleng plano yan!"

Nag init ang tenga ko.

"Nag iisip ako Leonora! Puro ka dada! Ikaw naman ang mag isip! Puro ka balak!" Dali-dali siyang lumabas pagkapasok niyang muli ay madala siyang baso ng tubig.

"Umupo ka muna ng mahimasmasan ka", inalalayan niya ko sa pag upo habang hinahagod ang likod ko.

Ang intensidad na naramdaman ko sa aking puso ay unti-unti nawala.

"Nabigla lang ako. Pasensya ka na mahal kong asawa." Sabi nito sa malambing na tono.

Tinukod ko ang aking magkabilang siko sa mesa. Hinihimas ang sentido ko habang nag iisip.

Mautak talaga ang batang iyon. Pero hindi ko siya papalampasin. Isang maling kilos niya lang malalalaman niya kung saan siya nababagay.

"Gobernador!" unipormeng lalaki ang siyang sumunod na bumungad sa may pintuan.

Gulo ang buhok nito at tila ngalos ang katawan.

"Maiwan ko muna kayo" aniya Leonora. Hinalikan ako sa pisngi bago siya umalis.

"Don Emilio! Hindi ko alam ang gagawin ko! Tanging si Arrow lang ay maalam sa ginawa ko noon!"

Tumayo ako bago pinagkrus ang aking mga braso. "Anong ibig mong sabihin Engineer Vitale!?"

Para siyang batang umiiyak at lumuhod sa harap ko."Patayin niyo na lang ako kaysa maghimas ako ng rehas!" sigaw nito sa gitna ng kanyang pag hikbi.

Inabot niya ang paa ko. Namahinga doon ang kanyang mukha habang nanaghoy.

Sinipa ko iyon ng mahina. "Tanga ka ba!? Kung ginagamit mo ang pera mo para tulungan akong hanapin ang batang Paez. Eh, 'di sana mapapadali ito. Naalala mo ba ang sinabi ko sayo?! Sa oras na pumatay ka ng tao. Tuloy-tuloy na iyon!" Imbis na tumayo ay nanatili pa rin siya sa kanyang pwesto. Umiiling siya sa mga sinabi ko.

"Lumabas ka na dito! Hindi ko kailangan ang duwag na katulad mo"

Tinawagan ko ang body guards na nasa labas. Hinatak nila ito hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Bumalik ka dito pag hindi na magulo ang isip mo! Matalino kang tao! Pero bobo pag dating sa paghawak ng emosyon!"

Tila yata tumaas ang dugo ko.

Lahat ng appointments ko maghapon ay kinansela ko. Hindi rin ako nakakain ng ayos at para bang walang lasa ang pagkain.

Nabuhayan lang ako ng dugo ng makita si Mang Garber muli sa harap ko. Nanginginig ang kamay ng matanda.

"Nakasalubong ko si Cade. Nalaman kong makikipagkita siya kay Piper ngayong gabi sa may sakayan ng bus"

Niyakap ko siya at tinapik ng sunod-sunod ang balikat nito.

"Magaling ka talagang magpanggap! Malaki ang gantimpala mo sa akin, Mang Garber!"

Agad naman akong kumuha ng baril sa cabinet.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Leonora habang nagbabasa ng libro. Naka dekwatro siyang upo sa may sofa.

"Kailangan ko ng tapusin ang dapat tapusin!"

Malakas talaga ang tama ng batang iyon sa anak ko. Hindi na mahalaga kung nalaman ba ni Piper ang ginawa ko kay Cade. Malinaw na magsisilbi siyang pain sa gusto kong gawin.

Mabilis na nagmaneho ang isa sa mga driver ko. Nakumpirma kong tama ang sinabi ni Mang Garber ng makita si Mang Ben. Pinasok niya ang dalang plastik sa sasakyan.

Nang matanaw ako nito ay sumabay sa pagkaway pati ang kanyang anino.

"Anong ginagawa mo dito?"

Kumamot siya sa ulo. "Binabantayan ko po si Piper. Biglaan pong umuwi eh"

Wala yatang alam ang isang ito sa nangyayari.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Nasaan siya?"

"Doon po nagpunta eh" tinuro niya ang malayong waiting shed.

Umuna akong naglakad sa kanya.

"Samahan ko na po kayo"

Maya-maya ay may narinig kaming ingay. Nakatayo si Piper doon kasama ang lalaking hinahanap ko.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Ilang beses kong sinabihan si Piper na lumayo sa kanya pero sadyang matigas ang ulo nito.

Nang umayaw siya sa pagsama sa akin ay mahigpit ko siyang hinigit.

"Pa, sumuko ka na lang! Umamin ka na lang!"

Nababaliw na yata siya. Hindi niya mapagtanto na lahat ng ito ay mamanahin niya.

"Ben! Umalis na kayo dito!"

Muli akong sumigaw ng hindi malaman ni Mang Ben ang gagawin niya.

"Ben! Umalis na kayo kung ayaw mong madamay ka!"

Sa tagiliran ng aking mga mata ay higit-higit ni Mang Ben si Piper.

Ngayon ang atensyon ko ay bumaling sa lalaking nasa harap ko. Huling sandali mo na lang ito. Ngumisi ako.

"Puro ka pagtatago!" matapang kong sinabi.

"Hindi ako nagtatago! Ikaw ang nagtatago Don Emilio. Sa amin ang lupang inangkin ninyo! Ang dapat sa inyo habang buhay sa kulungan!" talagang desidido ang batang ito sa kanyang gustong gawin. Pero mas desidido ako sa kagustuhan ko kaya...

"Dapat ka ng patahimikin bago ka kumanta!"

Ilang beses na pumutok ang baril na hawak ko. Lubos ang galit ko kaya ilang beses ko iyon na pinutok. Pero laking gulat ko ng may lalaking sumulpot mula sa waiting shed.

"Don Emilio, dapat ka na rin sigurong ma-maalam"

Tumawa ako sa sinabi niya. "Isa kang hangal. Ikaw ang mamaalam ngayon. Samahan mo ang batang iyan!"

Tinututok ko ang baril sa kanya.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report