Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 48: Traydor
"Ang ganda naman ng dilag na ito!", sabi sa akin ng isang lalaki. Mataba ang kanyang tiyan at hindi katangkaran.
"Sayang ang kutis nito Apong!", dagdag niya habang pinagmamasdan ako saka humalakhak.
"Ano ka ba Rego. Wag mo ng pag diskitahan ang isang yan. Wala sa paniniwala natin na gumalaw ng babae", kahit naman pala papaano ay matatagong kabaitan ang Apong na ito. "Ito naman si Apong! Hindi mabiro!", sabi nito saka nagsindi ng sigarilyo na galing sa kanyang bulsa.
"Ipapakita natin sa mga Roshan kung anong nangyayari sa anak nila", isang babae ang lumapit sa akin matapos sabihin iyon ni Apong.
Kinaladkad niya ko at nanghihina akong nagpatianod sa kanya. Nilabas niya ko doon saka binitawan ng marahas sa harap ni Apong.
"Kunan mo ito", sabi ni Apong sa babae. Kumuha siya ng cellphone at minabuting kunan ako. Ang cellphone ko! Nasa kanya pala!
"Ibalik mo yan! Akin yan!", sabi ko sa babae na tantya ko ay kasing edad ko lang. Ngumisi lang siya sa akin.
"Ayoko nga! Ibabalik ko lang ito sayo kapag patay ka na!", matigas niyang sambit saka sinadyang tapakan ang mga daliri kong nakatuon sa lupa.
"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Akala ko bulate", aniya sabay ngisi.
Si Apong naman nasa harap ko ay diin sa aking braso ang upos ng sigarilyong may kaunting sindi. Napaigtad ako dahil sa sakit. Sa lakas ng sigaw ko ay nag alisan ang mga ibon sa punong pinagpapahingahan nila. Lumandas ang luha ko dahil sa sakit ng ginawa niya.
"Patayin mo na lang ako! Patayin niyo na ko! Wag niyo na kong pahirapan!", halos maputol ang litid ng leeg ko dahil sa pagmamakaawa.
Mariin na hinawakan ni Apong ang baba ko. "Ano nga ulit ang sabi mo?"
"Patayin niyo na ko! Wag niyo na kong pahirapan!"
Isang sampal ang natikman ko mula sa kanya.
"Ganyan ang ginawa ni Emilio sa mga kasamahan naming magsasaka! Walanghiya ang Ama mo!", sinampal niya kong muli sa isa pang pagkakataon. Mas ramdam ko ang sakit nito kumpara sa nauna. Para bang nag iwan iyon ng marka sa aking pisngi.
"Ipasok mo na ulit yan", sabi niya sa babae. Nakuha niya pang kumuha ng picture gamit iyon. Sa isip ko ay inirapan ko na siya.
"Lumapit kayo kahit yung mga bagong recruit", aniya Apong na sinunod nila agad. Nag grupo sila at nag kanya-kanyang umalis. Sa pagkakarinig ko ay manghihingi ng pagkain ang karamihan sa kanila sa bayan. Habang ang iba naman ay mangunguha ng panggatong at inumin.
Ako naman ay unti-unting nawawalan ng pag asa habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
May isang bantay na naiwan sa akin. Nililibang ko ang aking sarili sa pagkausap sa kanya pero parang wala naman siyang naririnig.
"Why do I have to suffer? Bakit hindi niyo na lang ako patayin!", sabi ko habang inaalog ang pintuan.
Umiyak ako ng umiyak habang nakatingin sa labas. Nasaan na ba siya? Sabi niya ay pupunta siya.
Uupo na sana ako sa sahig ng makarinig ako ng yabag ng paa.
"Ako munang magbabantay kanina ka pa kasing nandyan", hindi naman nagdalawang isip ang lalaki sa sinabi ni Loel. Tinapik niya iyon sa balikat bago umalis.
"Kukuha lang akong damit", sabi niya ng masiguradong nakalayo na ang kasama nito.
Mabilis ang pagkilos niya ng pumasok siya sa loob. Tumalikod siya ng nagpalit ako.
"Salamat Loel. Ayos na", humarap siya sa akin saka binuhat ako. Sa pagkakabuhat niyang iyon saka ko lang napansin ang paa ko. Kahit paa lang ang tignan sa akin ay mukha akong kawawa. Naglandas ang luha ko.
"Shhh. Tahan na. Magiging ayos din ang lahat. Tatagpuin tayo ni Cade sa may batis", tumango ako. Para bang lumuwag ang dibdib ko ng bahagya ng marinig iyon.
Hinigpitan ko ang hawak sa kanya habang buhat niya ko. Sanay na sanay siya sa matirik na kabundukan. Bawat pagtapak niya sa mga bato ay tama. Hindi niya alintana ang makakating ligaw na damo.
"Paano kung may makakita sa atin?", nag aalinlangan kong taon. Ang ahon at pagsulong ng kanyang dibdib ay ramdam ng aking katawan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sisiguraduhin kong ligtas ka. Walang makakakita sa atin", sambit niya sa gitna ng kanyang paghinga.
Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa pagod. Ilang minuto ng paglalakad ay naramdaman ko ang pagtigil niya. Nakarinig ako ng umaagos na tubig.
"Nandito na tayo, Piper. Nagtatago si Cade. Alam kong kita niya tayo"
"Ibaba mo na ko. Pagod ka na", may pagdadalawang isip sa mga mata niya. Pero sa huli ay sinunod niya ang gusto ko.
Umuna akong tumawid habang siya ay nasa likod kong nakaagapay sa akin.
Nagulat ako ng biglaan ang pagsulpot ni Cade sa manggahan. Niyakap niya ko saka hinalikan ng ilang beses ang aking noo.
Sabik ko siyang niyakap at tumulo ang luha ko.
"Liyag, tahan na. Nandito na ko ligtas ka na", maamo ang boses niya habang hinahagod ang likod ko.
Bumitiw ako sa yakap naming dalawa.
"Salamat Loel", aniya Cade saka nakipagkamay dito.
"Ingatan mo siya kung ayaw mong ako ang mag ingat sa kanya", nakangiting sabi nito. Pero si Cade naman ay kumunot ang noo.
"Biro lang yon, Pre. Nga pala, kailangan niyo ng umalis. Delikado"
Kakatalikod pa lamang ni Cade ay agad ko siyang pinigilan.
Niyakap ko naman sa huling pagkakataon si Loel.
"Maraming salamat, Loel", ginawaran ko ng ngiti.
"Apong!!!", sigaw ng isang babae. Nagpalinga-linga kami sa paligid. Nakatayo siya malapit sa isang puno kasama ang kaninang nagbabantay sa akin. Nangangalit ang mga mata nilang pabalik-balik ang tingin sa aming tatlo. "Tumakbo na kayo", pabulong niyang sinabi ngunit may diin.
Ako na nag aalangan na tumakbo ay agad na hinigit ni Cade. Tumatakbo akong kasama siya ngunit nakatingin ako kung saan namin naiwan nakatayo si Loel.
"Cade! Si Loel!", sa napaos kong boses.
Gusto ko sanang balikan siya ngunit mahigpit ang hawak ni Cade sa kamay ko.
"Traydor ka!!!", kung hindi ako nagkakamali ay si Apong iyon! Sigaw niya iyon! Ang baritonong boses na naging takot ng aking isipan.
"Please, Cade! Please!", kumpara sa luha kong sanhi ng sugat ay wala ito sa ngayon. Ang isiping mapamahak si Loel ng dahil sa akin ay mas masakit kumpara sa mga sugat na natamo ko. "Cade!!!", pero parang wala siyang naririnig.
Hanggang sa nakarinig ako ng takbuhan. Gumuho ang mundo ko sa nakakabinging tunog ng baril.
"Apong! Huwag!!!", boses iyon ng tatay ni Loel. Sa huling pagkakataon kong tumingin ay nakahandusay na siya habang pinagmamasdan ng kanyang amang lumuluha. "Cade!", nanlambot ang buong katawan ko kaya't hindi ako makatakbo.
Pinangko niya ko sa kanyang likuran.
"Habulin niyo sila!", aniya ng babae.
Minabuti ni Cade na bilisan pa ang takbo habang ako ay nakayakap ng mahigpit sa kanya. Halos mabasa ko ang kanyang likod dahil sa luhang hindi ko napigilan. "Hindi kita malilimutan, Loel. Hinding-hindi", sabi ko sa aking sarili sa gitna ng aking hikbi.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report