Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 46: Mga magnanakaw

"Pagod ka na?", tanong ni Cade habang pinagmamasdan ko ang flying siesta na sinakyan namin kanina. Tumango ako sa tanong niya.

Ilang beses na kong nakasakay sa mga rides at sa mamahaling amusement parks pa ang mga iyon pero iba ang naging pakiramdam ko. Naintindihan ko na ang mga taong gustong makipagdate sa ganitong lugar. Iba pala ang saya kapag taong mahal mo yung kasama mo. Parang ayoko ng matapos ang lahat ng ito. Gusto kong sulitin ang natitira kong panahon para makasama siya. Babalik din naman ako dito pero mukhang matatagalan pa.

Madami akong pinost pone na projects na kailangan kong ipagpatuloy. Ang mga fans ko ay naghihintay sa akin kaya hindi ko sila pwedeng biguin. Wala pa kong tapang na ipakilala sa media kung sinong lalaking nagpapatibok ng puso ko. Kagaya ngayon, naglabas ng blind item ang isang istasyon tungkol sa akin. May mga chismis sa comments na ako yon at ang iba naman ay nagtuturo ng iba pang artista. Ang nasabing blind item ay ukol sa artista umanong nagbakasyon at nakatagpo ng kanyang minamahal. Para bang rags to riches ang tema. Dagdag pa nito na may upcoming movie na gagawin ang artistang iyon sa pagbabalik niya.

"Dito ka lang. Bibili akong inumin saka pagkain", iniwan niya kong nakaupo sa bench sa may lilim ng puno.

Ilang segundo ay tatawag si Pixie dahil sa nakitang ito sigurado akong kukumpirhamin niya kung ako nga ito. Saka ko na lang aaminin sa kanya dahil hindi pa ito ang panahon. Marami pang pwedeng mangyari. Alam kong tutulan niya ko dahil umaasa ang karamihan na magiging kami ni Latrelle.

Nag browse ako ng aking gallery upang titigan ang mga kuha namin ni Cade. Nakakatuwang isipin na may takot siya sa heights samantalang ako ay kalmado lang na nakasakay sa ferris wheel. May stolen shot din akong picture niya. Ito yung nagbabayad siya ng ticket sa pila. Kahit pawisan ay ang gwapo pa rin niya. Simpleng white sleeves at slacks pati tsinelas lang ay pinagtitinginan pa rin siya. Ganon nga talaga kalakas ang dati niya. Mas higit pa siyang gwapo kaysa sa mga artistang nakasalamuha ko o sadyang puring-puri ko siya dahil siya lang ang nakikita ko.

Pixie calling...

Buntong-hininga kong sinagot ang tawag niya.

"Ikaw ba ang nasa blind item?! Kaloka ka ha! Sinabi ko sayong magbait ka", ang pag ahon at lusong ng paghinga niya ay rinig sa tawag.

"Hindi mo manlang ba ko kukumustahin?", natatawa kong sambit.

"Aber! Matapos mong iblock ang number ko ng ilang buwan ha! Ginagalit mo talaga ako!", malamang ay sinabutan niya na ang kanyang sarili dahil sa pagkainis. Ginawa ko lang naman iyon para hindi ako maistorbo saka isa pa alam ko naman na hindi siya matagal magalit. Konting lambing lang ay ayos na sa kanya.

Marupok kasi yon si Pixie walang pagkakaiba kay Aria.

"You even blocked me in your social media accounts", dagdag pa nito.

"Pixie, I'll explain everything until I get back there. Huminahon ka lang. Saka hindi ako ang nasa blind item", kinagat ko ang sariling labi dahil sa pagsisinungaling sa kanya. Ramdam ko naman ang pagkagutom ng aking tiyan. Nasaan na ba si Cade bakit ang tagal niya?

"Sinasabi ko na sayo Piper! Biggest project mo ang movie'ng iyon kaya wag ka munang magpapatali sa iba. Malakas ang hatak ng chemistry niyo ni Latrelle wag mong i-dismaya ang mga fans niyo"

Ano pa nga bang magagawa ko? Syempre ang isipin ang sasabihin at magiging reaksyon ng tagahanga naming dalawa bago ang sarili naming kagustuhan.

"I always understand that", yun na lamang ang naisagot ko para hindi na makipagtalo. Ayokong makipagtalo ngayon lalo na't maganda ang takbo ng relasyon namin ni Cade. Everything went well and almost perfect. Mas higit pa ito sa panaginip kaya naniniwala akong reality is better than dreams.

"Anyways, where are you? Bakit ang ingay dyan?

Natuyo ang lalamunan ko ng wala akong mahinuhang salita kung anong dapat kong isagot.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Uhm... I'm with my friends hanging out. Oo nga pala. They're here na. Bye", walang anu-ano'y binaba ko na ang tawag. Kung mas marami pa siyang tanong ay hindi ko na alam ang dapat kong isagot.

Nilagay ko sa sarili kong bulsa ang aking cellphone. Dinuduyan ang sarili kong mga paa habang naghihintay kay Cade. Saan na ba siya napadpad? Baka natabunan na siya ng pagkain at palamig.

May humarang na anino sa aking pwesto. Malaki ang pangangatawan ng tatlong lalaking nasa harap ko. Parang pamilyar ang mga ito lalo na ang lalaking may bandana sa kanyang noo.

"Ikaw ba si Piper?", tanong ng may balbas sa kanila. Baritono ang boses nito na nagdulot ng kaba sa aking sistema.

"Hindi po ako yon. Baka nagkakamali lang kayo", ani ko. Nagbulungan sila at tinanggal ang suot kong mask. Huhuma palang ako sa pagtakbo ay nahigit na ko ng isa sa kanila. Tinakluban ng panyo ang aking bibig sakop hanggang ilong. Namalayan ko na lang na nawalan ako ng malay matapos ang pagtakbuhan ng mga tao sa aking paligid pati ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

"Akalain mo nga naman", nagising ako sa maingay nilang pagkwe-kwentuhan. Nakatali ang parehas kong kamay sa upuang kahoy.

Masaya silang nag iinuman at amoy ko ang upos ng sigarilyo na kung saan lang nila tinapon.

"Sino kayo?", tanong ko at nagtawanan sila. Pamilyar ang lalaking tumindig upang lumapit sa akin.

"Kaibigan kami ng mga magulang mo. Pero hindi na ngayon. Ayaw kasi namin sa mga magnanakaw!", aniya saka dumura bago ulit tumagay.

"Hindi sila magnanakaw!", sigaw ko sa napapaos kong boses.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Anong tawag mo sa kanila? Mandarambong? Alam mo bang matindi ang mga Roshan?", hinakawan niya ang baba ko ang diniin ang madumi niyang kuko doon. Kung malambot lamang iyon ay baka basag na ang parteng iyon. "Mamatay tao sila! Ang gusto lang namin ay ibalik ang lupang sa amin pero iba ang sinukli nila sa pangakong mababalik iyon!", sabi nito sa matapang niyang boses. Ang mga mata niya'y nag aalab na nakatingin sa akin. "Hindi totoo yan! Nagsisinungaling kayo! Mga namumulitika kayong tao!", sambit ko sa gitna ng aking kaba.

"Kayo ang mamatay tao!", dagdag ko kaya't sinampal niya ko. Ang hapdi ng kanyang sampal ay ramdam ko pero iba ang dinulot nito sa isip ko. Parang bumalik muli ang pagdududa ko. Ano nga bang pinag usapan ng mga magulang ko na hindi ko dapat malaman?

"Pinatay ng mga magulang mo ang ibang kaanak namin. Kasama na don ang kaibigan ko at ang Ama ng mahal mo Piper", natulala akong sandali sa sinabi niya. Ngunit pinili kong hindi maniwala kaya't nagpumiglas ako. Tinawanan nila ko habang pinagmamasdan.

"Masakit hindi ba? Ang pumatay kay Presigo ay si Don Emilio na Ama mo!", diniinan niya ang kanyang sinabi na tumago sa puso ko. Ninais kong pigilan ang luhang nagbabadya dahil sa lungkot at galit na nararamdaman ko. Ayaw kong maniwala pero bakit ang sinasabi ng isip ko ay iba. May kung anong punyal na unti-unting tumusok sa puso ko.

"Ipaparamdam namin sa Ama mo kung pano mawalan ng mahal sa buhay", pagkasabi niya ay sinampal niya kong muli sa isa pang pagkakataon.

"Pero unti-unti ka muna naming papatayin para tablado na. Wala na ngang siyang anak makukulong pa siya", halakhak niya na umaalingaw-lingaw sa buong paligid. Pati ang uwak sa kabundukan ito ay sumabay sa kanyang saya. "Walang kasalanan ang tatay ko. Hindi siya makukulong", pagmamatigas ko kaya't muli niya kong sinaktan gamit ang baril niyang hinampas sa akin.

"Konting panahon na lang Piper. Mananaig ang katotohanan", sabi niya bago kumuha ng kupita sa mesa.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report