Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 39 Sakit sa Ulo

May kung anong tawanan sa labas ang narinig namin ni Abel. Nagkatinginan kaming dalawa. Bumukas ang pinto ang niluwa non si Letty kasunod si Piper.

Imbis na yakapin ko ay hampas ang agad kong natikman galing sa kanya. Buti na lang at hita ko ang hinampas nito.

"Dero, tara na", sabi ni Abel sa kapatid kong bunso. Nag thumbs pa ito sa akin bago lumabas. Si Letty naman ay sumenyas na lalabas din siya kaya't tumango ako. Sinarado niya ng dahan-dahan ang pinto.

"Sa tingin mo sinong hindi matutuwa sa lagay mo!", inabot ko ang braso niya saka inalapit siya sa akin.

Hinaplos ko iyon ng dahan-dahan.

"Hindi ko naman sinabing matuwa ka sa nangyari", hinampas niya ang braso ko kaya napapikit ako sa sakit.

"Pilosopo! Kung hindi pa ko tumawag ay hindi ko malalaman ang lagay mo!"

Konting pagsusungit niya pa ay hahalikan ko na siya.

"Hindi naman malala ang nangyari sa akin", maamo kong sinabi. Inusod kong palapit siya sa akin saka pinatong ang baba ko sa kanyang balikat.

Ang paghinga ko ay siguradong ramdam niya sa kanyang tenga. Pinulupot ko ang aking bisig sa kanyang bewang.

"Nandito ka na kaya ayos na ang lagay ko", kahit hindi ko kita ay alam kong lihim siyang napangiti dahil sa paggalaw ng kanyang pisngi.

Humarap siya sa akin kaya't malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Pinagmasdan niyang mabuti ang pasa at sugat sa aking mukha. Ang haplos niya sa aking mukha ay para bang hinihilom ng unti-unti ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi lang paghaplos sa aking mukha ang ginawa niya. Napasinghap ako ng magawi ang maliliit niyang daliri sa aking tiyan kung saan ay nandoon ang malaking pasa na dulot ng halinhinang pagsuntok.

"Pwede mo kong sampalin Liyag kapag hindi mo nagustuhan ang ginawa ko"

Hinawakan ko ang baba niya saka dahan-dahan ang paghalik na ginawa ko sa malambot niyang labi. Ilang segundo bago siya gumanti at ginaya ang ginawa ko. Halos mabaliw ako at mawala sa sarili niya dahil sa halik niyang pabalik sa akin. Siya lang ang kayang ganituhin ako. Walang iba. Wala na kong ibang mamahalin. Siya lang ang babaeng papangarapin ko sa araw-araw.

Natigil ang ginagawa namin ng bumukas ang pinto.

"Ah? Pasensya na!", hagikhik ni Abel. Istorbo talaga ang isang iyon.

"Wag masyadong agresibo! Hindi ka pa man din maalam gumamit ng condom!", halakhak niya bago muling isara ang pinto.

Mariin akong napapikit.

"Maalam ako kahit withdrawal! Gago!", singhal ko. Hindi naman ako maririnig ni Inay dahil ngayon ay namimili siya ng pang ulam kila Mang Pedring.

Malayo-layo iyon kasama niya rin si Dero dahil may kalaro ang batang iyon sa mga taga doon.

"Pasensya ka na kung nahalikan kita. Nawala ako sa...", mabilis na dumampi ang labi niya.

Natutulala akong sandali sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala! Hinalikan niya ko!

Akala ko ay kaya niya ko hinalikan pabalik kanina ay para hindi ako mapahiya. Cade! Nanalo ka na nga! Daig mo pang nanalo sa Lotto! Panalo ka sa puso ni Piper! Ang dapat ko namang ipanalo ay ang hustisya para kay Itay.

"Mahal kita, Liyag", namula ang mukha niya matapos sabihin iyon.

Sandaling hindi na proseso ng utak ko ang sinabi niya kaya't hindi ako kaagaad nakasagot. Nakatingin lamang ako sa kanyang tila nahihiya at hindi rin alam ang dapat na maging reaksyon. "Mahal din kita, Liyag. Ang ibig ba nitong sabihin?", tumango-tango siya sa sinabi ko.

Kinulong ko siya sa aking bisig saka hinalikan ang noo nito pababa ng kanyang ilong hanggang sa bumaba sa kanyang labi. Sandaling halik na hindi ko makakalimutan.

"I'm gonna marry you", natawa ko sa sinabi niya.

"Gusto mo agad akong pakasalan? Wala pang isang oras na naging tayo ay kasal agad ang inisip mo?", natatawa kong sabi. Sinamaan niya ko ng tingin at tila bata siyang nagmaktol.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Hinuli ko ang kanyang braso saka hinawakan. Hinila ko siya payakap sa akin.

"Darating din tayo don pero hindi pa sa ngayon", bulong ko. Hinalikan ko ang noo niya. Inayos ang iilang buhok nito na nakaharang sa maganda niyang mukha. "Hindi mo ko iiwan?", pinitik ko ang ilong niya.

"Anong klaseng tanong yan? Pag iwan ang nasa isip. Hindi kita iiwan. Dapat hindi mo rin ako iwan. Alam ko naman na di hamak na mas gwapo ako kay Arrow" Ngumiti siya ng maganda.

"Alam ko naman na mas maganda, mas mabait at mas ako sa lahat ng bagay kaysa kay Mara. Kaya alam kong hindi mo ko ipagpapalit sa kanya"

Hindi rin gaanong nagtagal sila Piper dito dahil hindi sandali lang ang pag alis ng mga magulang niya sa mansyon. Pinagtakpan lang siya ni Manang Evy kung sakaling dumating ang mga ito. Tumawag din naman siya sa akin kaagad ng nakauwi siya.

Mabuti nga't sakto ang dating niya kundi ay mapapagalitan siya ng mga ito.

"May bisita ka", sabi ni Abel.

Nakatalikod ako sa kanya habang pinagmamasdan mga ibon sa labas na kanya-kanya ang pagdapo sa manggahan. Ang araw naman sa kalangitan ay nagpapaalam sa unti-unti nitong paglisan. "Sir Cade!", si Siege na may dalang bulaklak kasama sina Ravoir at Luxos.

Binaba nila iyon sa lamesita kasama ang prutas na dala ng dalawa.

Matagal ng alam ni Siege kung saan ako nakatira dahil sa kapatid niyang si Lois. Minsan ng napadalaw si Lois kasama siya.

Ang pinagtataka ko ngayon ay kung paanong nakasama niya ang dalawang ito. Hindi malapit sa akin ang mga ito kumpara sa kanya.

"Sir balita ko nabugbog kayo ni Kuya", sabi ni Siege at nagtawanan silang tatlo. Kung pwede lang sumuntok ng estudyante ay nagawa ko na.

"Chismis yon. Hindi balita", minsan ay mas matalas ang tenga niya kaysa sa utak nito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Wag kayong mag aalala, Sir. Malay mo karmahin si Kuya", kung alam lang ni Arrow na taksil ang kapatid niya ay baka pati ito ay nabugbog niya na.

"Diretsuhin niyo na kong tatlo. Alam ko ay may iba pa kayong dahilan kung bakit kayo nandito", nag mwestra akong umupo sila sa aking kama. Habang ako naman ay sinisiyasat ang mga dala nila. Inamoy ko ang dalang bulaklak ni Siege. Sampaguita iyon.

Ano ako patay?

Kalokohan talaga ng batang ito.

"Sir, hindi sinasadyang nakita namin nung isang araw yung grades namin...", panimula ni Luxos.

"O, tapos?", sinimulan kong kanin ang ubas dahil mukua namang malinis iyon.

"We're not demanding, Sir... But...", dugtong ni Ravoir.

Tinitigan ko silang tatlo.

"Pero ano?", hinagis ko ang isang ubas saka sinambot iyon gamit ang aking bibig.

"Sir, pa adjust ng grades. Kahit ipaglinis ka namin wag lang ng comfort room ay gagawin namin", pagmamaakaawa ni Siege.

Nakakrus ang kanilang mga kamay habang isa-isang lumuhod.

"Sumakit yata ang ulo ko sa gusto niyo", humiga ako saka tinawag ang kaibigan kong abalang nanonood ng TV.

"Abel! Pakilabas nga mga to'. Salamat sa pagdalaw!", ngumiti ako ng nakakaloko sa kanila.

Pinagmasdan silang hilahin sila ni Abel palabas habang nag mamakaawa.

Sakit talaga sa ulo ang mga Vitale.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report