Muntik pa kong tanghaliin kaya bumalikwas ako ng bangon. Tinapos ko kasi ang pagrerecord ng grado ng mga estudyante ko.

Paglabas ko ng aking kwarto ay naabutan kong nagluluto si Inay.

"Hindi na kita ginising dahil kung anong oras ka ng natapos kagabi", bungad na sinabi nito.

Madalas ay ganito si Inay kapag alam niyang alas dose na ko nakatapos sa gawain dahil sa trabaho. Hindi niya ko ginigising ng maaga para maging sapat ang tulog ko. Malapit ng magtapos ang klase kaya't makakabawi naman ako ng tulog. Pero kapag natapos iyon ay problema ko pa kung anong pag aabalahan kong trabaho ngayong bakasyon. Ayoko kasing magsaka lang. Masyadong maliit ang kita kumpara noon lalo na't nagkaroon pa ng taripa sa bigas at idagdag pa ang mahal na bayad sa irigasyon. Sa amin iyon binabalik ng mga Roshan kaya masyadong maliit ang aming nagiging kita. Dumiretso na ko ng banyo pagkakuha ko ng tuwalya sa labas. Naabutan ko pang kakatapos lang ni Cazue maligo. "Kuya, moving up ko na bukas. Anong regalo mo sa akin?", sabi niya habang tinutuyo ang buhok gamit ang piece towel.

"Katulad ng pinangako ko, reregaluhan kitang bisikleta", bigla niya kong niyakap sa tuwa. Madalas kasing kulang ang pambaon niya. Kaya't may pagkakataon na naglalakad siya papasok ng eskwelahan at ganon din si Dero. Iniisip ko ngang bilhan din ng bisikleta ang isang iyon. Pero problema ko pa ang hindi halos magkasyang sweldo ko sa gastusin namin.

Kumpara noon ay mataas na ang bayarin namin sa kuryente dahil bumili ako ng refrigerator nung nakaraang dalawang buwan. Idagdag pa ang bitamina ni Dero at ang maintenance na gamot ni Inay. Nagtatabi din ako ng pera para maagapan ko ang nangyari noon. Nung buhay pa si Itay ay halos mabaon kami sa utang dahil nagtagal si Inay sa ospital. Nagkamild stroke kasi ang Inay noon at wala kaming sapat na ipon.

Hanggang ngayon ay dagdag ko pa sa bayarin ko ang mga utang namin noon. Mabuti na nga lang at matipid kami sa tubig dahil kung minsan ay nag iigib na lamang kami sa posong hindi naman gaanong malayo dito. Mga sampung bahay bago makarating doon.

Iniisip ko palang na bibili ako ng kalan ay nasakit na ang ulo ko. Dagdag pa sa bayarin ko ang pambayad sa gasul kada buwan kaya tiyaga muna kami sa kahoy. Saka na ko bibili kapag tumaas na ang sweldo ko. Siguro ay kapag nakapasa ko ng LET at makapagtrabaho sa pampublikong paaralan.

"Salamat talaga Kuya! Sayang lang at wala si Itay. Hindi niya masasaksihan itong moving up ko. Dalawa sana sila ni Inay na aakyat sa entablado bukas", kahit naka ngiti ang aking kapatid masisilayan pa rin ang lungkot na tinatago nito. "Wala yun. Nu' ka ba", tinapik ko ang balikat nito bago ako pumasok sa banyo.

Mga ilang oras ay umalis na rin ako at hindi ko na naabutan sina Cazue at Dero. Si Abel naman ay naabutan kong naghihintay sa sakayan. Nakailang beses siyang pabalik-balik ng tingin sa cellphone nito.

"Tinanghali ka yata", panimula ko. Kumamot siya sa kanyang ulo. Halatang problemado ang isang ito.

"Wala na kayong klase. Ayos lang yan", tinapik ko siya sa balikat pero mukhang hindi nakatulong ang ginawa ko.

Nang may tricycle na dumaan ay agad niya itong pumara. Umuna siyang sumakay sa akin katabi ng driver saka naman ako tumabi sa kanya.

"May pustahan kami sa basketball ngayon. Saka pre wag mong kakalimutan bukas graduation ko na"

Habang tinitigan ang bawat madaanan namin ay hindi ko maalis sa isip ko kung paano silang nagkaroon ng alitan ni Lois. Magtatapos naman siyang may Latin Honor pero iba pa rin kapag Magna Cum Laude. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging kompetisyon nilang dalawa. Humantong ito sa personalan kaya't nakasali si Mara.

"Oo naman. Hindi ko kakalimutan. Si Piper pala sinong kasama?", sa tagiliran ng aking mga mata ay kita ko ang makahulugang pag ngisi nito.

"Nag aalala ka sa Liyag mo? Inis yun sayo", kunot-noo akong nag isip. Bakit naman maiinis sa akin ang isang iyon?

"Ewan ko lang pre kung ang kinainisan non, yung di ka nakapagreply kagabi o nakita niya si Mara na naghihintay sayo kahapon", dugtong pa nito.

Sa pagkakaalala ko ayos na kami dahil pinaliwanag ko naman sa kanya na walang meron sa amin ni Mara. Pero yung kagabi ang huling naalala ko lang ay hindi ko siya na-replyan dahil inantok na ko.

"Yung tanong ko di mo pa nasasagot"

Nag alala ko para sa kanya lalo na't nitong mga nakaraang linggo ay iba't-ibang grupo ng mga rebelde ang pagala-gala sa aming baryo. Kilala pa naman siya bilang anak nila Don Emilio at Donya Leonora. Baka pag disktahan siya ng mga iyon. "Wag kang mag alala ilang oras lang naman si Letty sa esklewahan niya kaya may kasama na rin siya maya-maya lang"

Tinignan ko ang kalendaryo ng cellphone ko. Sa palagay ko ay clearance na lang nila Letty ngayon. Saulo ko na kasi ang kalendaryo ng eskwelahan na pinapasukan niya. Dun rin kasi ako nagtapos ng pag aaral.

"May plano pala ko. Tulungan mo ko. Alam kong marunong kang maggitara at kung pwede sana pre wag ka namang madaldal", tinignan ko siya ng maigi upang makita ang ekspresyon ng mukha nito.

Naalala ko yung unang plano namin noon kay Piper na may date sana kami sa plaza ay naging palpak. Papalabasin sana naming lakad iyon ng barkada pero dahil madaldal si Abel kaya nalaman iyon ni Piper at hindi ako sinipot.

Pero kahit na ganon ay binigay ko pa rin sa kanya ang bouquet ng palay na pinagpuyatan ko. Sasabihin ko sana sa kanya noon na handa akong maghintay sa kanya hanggang sa makatapos kami ng pag aaral. "Alam ko yang pagtulala mo, Pre. Iniisip mo pa rin ba yung ginawa kong kapalpakan noon?", naningkit ang mga mata ko saka unti-unting tumango.

"Hindi ko na yun gagawin pangako", tinaas niya ang kanang kamay niyang parang nanunumpa.

"Wag kang magpapakita sa akin ng ilang buwan kapag pumalpak", humalakhak naman siya saka tumango.

"Ano bang plano?", tanong nito.

Ngumiti ako sa aking naisip alam kong magugustuhan iyon ni Piper. Minsan ko kasing napanood ang interview niya sa TV at yun ang gusto niyang maranasan.

"Ikaw ang maggigitara at ako ang kakanta. Si Cazue naman ay magtatambol", sandaling nanlaki ang mga mata nito at bumalik din sa dati.

"Maaasahan mo kami dyan! Sakto yang plano mo. Dahil pagkatapos ng ilang araw magkikita na ulit si Arrow at si Piper. Kailangan mo ng kumilos", bigla akong nakaramdam ng kung anong masakit sa puso ko.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report