Dominant Passion
Chapter Three: Boyfriend

"What was that, Brelenn?" Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Nasa kotse na niya kami ngayon at nagd-drive siya. Samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya kanina.

"I was going to tell them I'm single. So you wouldn't feel used! I even got you a watch to say sorry! What have you done?" Pagbubunganga ko pa sa kaniya.

He glanced at me. "What? You'll be good. You're the one who asked me to be your boyfriend right?"

"But you should've told me! Fuck, I thought you were mad at me..." Napahawak ako sa ulo ko.

I reached for the paper bag and gave it to him.

"What's that?" He glanced at it. "Thanks. I'm not mad at you. I just need time to think about it." He sighed. "How are you feeling? You just saw your ex after years... Do you still love him?"

I looked at him with disbelief. "How could you say that? I asked you to be my boyfriend and you're asking me if I still love that jerk?" I touched my chest dramatically. "You thought I'd use you?"

Well, he's right though. I just don't want to do everything I told him that day. I know he's hurt.

"Either you're using me or not. I don't care. I just want you to tell the truth."

"You're my boyfriend now," pag-iiba ko ng topic.

"Yes. Your real boyfriend." Pagtatama niya at ngumisi. "You said it yourself."

"You did want to be my boyfriend?" Halos pabulong kong sabi. Nakaramdam tuloy ako nang kung ano sa tiyan ko.

"No, I'm just helping you," he winked at me.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Brelenn na rules niya sa mga babae.

Una, iyong sinabi niya na he won't date women and men generally. Pangalawa, he wouldn't have another night with the girls he already slept with. Pangatlo, he wouldn't see them again. Except of course, if it's unexpected.

We broke that. He broke all the rules he made. Is it because I'm his best friend? Does he like me and I'm just being clueless? Or I just don't want to assume?

Pinapapunta kami nila Carla sa one week party nila bago ang kasal nilang dalawa ni Naythen. Tutal puro couple ang mga nandoon ay kailangang may kasama ako. Laking pasasalamat ko lang kay Brelenn at pumayag siya sa kagagahan ko. "Brelenn," tawag ko sa kanya ngayon. Nasa bintana ako ng eroplano at nakatingin sa ulap. Siya naman ay nasa tabi ko at nakikinig ng music.

"Ano?" Tanong niya sa 'kin at tinanggal ang earphone niya. Nakita ko ang pagharap niya sa akin mula sa peripheral vision ko kaya humarap din ako sa kanya. "Sure ka ba na gagawin natin 'to?" I asked him. Baka napilitan lang siya.

"I don't know. We're here already so we can't back out anymore. We're going to do this together. Don't be nervous if you are. I'm here." Dire diretsong sabi niya.

"Anong pinag-aaralan niyo ngayon sa med school?" Tanong ko na lang sa kanya para hindi kami maboring. Sa Canada kasi kami mags-stay for a week. Matagal ang biyahe.

"Why are you suddenly asking me about that? I really can't figure you out." Umiling iling siya. "Well, about that..." Kinwento niya ang lahat ng pinag-aralan nila.

Parang nagcopy paste lang siya mula sa mga salita ng teacher niya. Bakit kaya hindi na lang 'to nag teacher? Parang tinuro na sa akin lahat, e. Ayos talaga 'to. Hirap talaga kapag matalino 'yung kaibigan mo tapos ikaw bobo. Hindi ka makarelate, hays.

Pagkarating namin sa islang pags-stay-an namin for one week ay kakaunti pa lang ang tao. Nagcheck in kami sa isang hotel doon. Ay, iisang hotel lang pala talaga ang meron doon. Mabuti na lang at libre lahat ng mag asawang Lauder. Napakalaki siguro ng ginastos nila rito.

"Brelenn Timothy Raedwald and Jarell Norine Rosier. What's our room number?"

Tumingin sa amin 'yung babaeng hotel staff. Kulang na lang ay magdugo ang ilong niya sa sobrang pagkamangha sa mukha ni Brelenn. Naku, pati ba naman dito ay nakakakuha siya ng chikas? Ayos talaga 'to, e. "S-Sir..."

"Ma'am," balik ni Brelenn dito. Walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi siya mukhang seryoso at hindi rin siya nakanguso o nakangiti. Hindi mawari ang ekspresyon niya. Wala talaga.

Dali daling tumingin 'yung babae sa papel na hawak niya pero bumalik agad ang tingin niya sa amin. Sa akin.

"Girlfriend niyo, sir?" Tanong noong babae sabay nguso sa akin.

"Yes," simpleng sagot ni Brelenn.

"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay at kumapit sa braso ni Brelenn.

"Sayang naman," bulong noong babae.

"Kahit naman hindi ako girlfriend niyan wala kang pag-asa sa kanya," sabi ko sabay irap. Nanlaki tuloy ang mga mata nilang dalawa.

"Baby..." May halong pagbabanta ang pagsaway sa akin ni Brelenn.

Iyong babae naman na staff ay pasimple akong iniirapan kaya iniirapan ko siya pabalik. Huwag niya akong artehan. Kung girlfriend talaga ako ni Brelenn at "Room 161 sir," malanding sabi nito kay Brelenn.

Lalapit pa sana ako sa kanya para talakan siya pero agad akong hinila ni Brelenn mula sa bewang. Tiningnan niya ako at inilingan para sabihing tumama na ako. "Let's go, baby," nagulat ako nang kuhanin niya bigla ang kamay ko at pinagsiklop 'yon.

"Hindi na natin kailangang magpanggap, wala pa namang taong nakakakita sa atin." I said while we're walking to find the room.

nararamdaman kami sa isa't isa, baka sinampal ko na 'to.

"Who said we're just pretending? I'm your boyfriend for a week now. You also acted like my girlfriend back there." Pilit nitong tinatago ang ngiti niya pero nakikita ko 'yon kaya wala sa sarili akong napangiti. Halos sampalin ko na ang utak ko para kontrolin 'yon dahil hindi ko naman talaga gustong ngumiti. Gosh, kinikilig ba ako? No way! Hinding hindi ako kikiligin sa best friend ko!

Tutal may nangyari na sa amin ay hindi na ako nag-abala pang magreklamo dahil iisa lang ang kwarto. Tahimik lang kami roon.

"Wait a minute, I'll ask for another pillow,"

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa dulo ng kama.

"Hindi ka kumportable kung tatlo lang unan mo. Meron sa paa, kayakap, sa ulo tapos sa bewang." Dire diretsong sabi nito.

Natulala lang ako sa kanya habang papalabas siya ng kuwarto. Huwaw, naalala pa niya 'yon?

Nang makaramdam ako ng pagkaburyong ay hinanap ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko. Kumunot ang nuo ko nang mapansin kong wala 'yon doon. Sinubukan kong hanapin 'yon sa bag ko pero kahit sa bulsa noon ay wala rin. Nanakawan ba ako?

Pinagpatuloy ko 'yong hanapin hanggang sa makarating na ako sa bag ni Brelenn. May nakapa akong isang envelope kaya kinuha ko 'yon. Ano kaya 'to?

"Ticket papuntang France?" Tanong ko sa sarili. Ano naman kaya ang gagawin niya sa France? At bakit wala manlang siyang sinasabi sa akin?

Kahit na may mga tanong pa ako sa isip ay pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Baka naman may plano siya at sasabihin niya rin sa akin soon. Ganoon naman siya lagi, nagsasabi siya agad sa akin. Nang hindi ko pa rin makita ang cellphone ko ay napagdesisyonan kong lumabas na para sundan si Brelenn at itanong kung nakita niya 'yon. Baka naman nasa kanya lang.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay may biglang sumigaw na babae kaya napasigaw rin ako sa gulat. Hala, nabangga siya!

Natumba ang babaeng naka beach hat at naka putting dress. Base sa balat nito ay parang nasa sixty to seventies na siya. Medyo pamilyar din ako sa likod niya.

"What are you waiting for? Help me!" Galit na sigaw nito sa akin kaya nagmamadali kong kinuha ang kamay niyang nakataas para tulungan siyang makatayo. Doon ko lang nakumpirma kung sino ito. "Victorina," bulong ko sa pangalan niya at palihim na napairap. Ang babaeng 'to ang nanay ng ex ko. Ang matapobre, feeling maganda at kala mo kung sinong babaeng nagpapahalik pa sa kanyang paa noon. "What are you doing here?" Binuksan niya ang pamaypay niya at nagpaypay nang nagpaypay kahit na nagkalat naman ang aircon sa hotel. "I never thought I would see that filthy face of yours again, Jarell,"

"Mas pangit ka," bulong ko. Mabuti na lang at hindi niya 'yon narinig. Baka ipasabunot at ipabugbog pa ako nito sa mga bodyguards niyang halos hindi na niya pinapakain kaya pumapayat. "I never thought I'd see you here too, Biktoryang," pabalang kong sabi sa kanya at nginitian siya ng peke.

Kung hindi ba naman ako minamalas. Nakasalubong ko pa ang walang hiya na 'to? Eh kamag anak 'to ni Satanas, e. Kontra bida 'to sa love story namin ni Naythen noon! Buti na lang talaga at wala na kaming relasyon ng anak nung babaeng 'to. Kapag nagpakasal kami noon ay baka masapak ko pa 'to sa inis.

She glared at me. "Who the hell invited you here? I don't want to see your face. Baka sirain mo pa ang kasal ng anak ko. Get the hell out of here!"

"Likewise," sagot ko pero hindi na pabulong. "I don't know who invited me here. Maybe your son or your daughter in law. I also don't want to be here. If only my boyfriend didn't request this shit." Pagsisinungaling ko sa huling sentence na sinabi ko. "Hindi ako pumunta rito para manira ng kasal! Nandito ako para magcelebrate sa kasal nilang dalawa!"

"You are the peace of shit! You're just the ex! You have no right to be here!" Galit na sigaw nito sa akin at tinuro ako. Halos matanggal na ang shades niya dahil sa nanlalaki at naghihimutok niyang mga mata. Parang lalabas na lahat ng putting buhok niya anumang oras. "I bet your boyfriend cheats on you. Walang makakatagal sa ugali mo!"

"Kung wala kang masasabing matino, lumayas ka nga sa harapan ko, tanda. Pasalamat ka at may natitira pa akong respeto sa 'yo dahil inimbita kami rito ng anak mo at may pinagsamahan tayo. Kung hindi, sinabunutan na kita ngayon." Mas lalo ko pang pinalawak ang ngiti ko. Nilagpasan ko na lamang siya roon.

Tumama pa ang mukha ko sa dibdib mismo ni Brelenn. Malayo pa lang kasi ay amoy na ang nakalalasing niyang pabango.

"What's happening here?" He questioned me. He whispered it.

"Nakita ko na naman 'yung matanda," sagot ko sa kanya. Alam kong alam na niya ang meaning ng sinasabi ko dahil nauna pa siya sa relasyon naming dalawa ni Naythen. My eyes widened when he suddenly pulled me closer to his chest. "Hi, ma'am," bati niya rito.

"H-Hello, kaano ano mo 'yang babaeng 'yan?" Rinig kong tanong ng matanda. Hula ko'y halos nagdudugo na rin ang ilong niyan dahil nakakita na naman ng batang lalaki. Si Brelenn ba naman 'yan.

"I'm his boyfriend," he answered. His chest vibrated when he said that. "We already met before." He added.

"Huh? Where and when?"

"Brelenn Timothy Raedwald,"

I heard how the old woman gasped. "You're his boyfriend? Sabi ko na nga ba, you're cheating to my son with this Brelenn guy!" Bumalik ang galit na tono nito.

Napaharap na ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me, 'wag mo akong igaya sa 'yo," inis na sabi ko sa kanya.

Sa inis din nito ay nagmartsa siya paalis. Pigil na pigil ang tawa ko nang makita ko ang paghagis niya sa salamin niya kaya nagkanda lasog lasog ito.

"Anong sinabi niya sa 'yo ngayon?" Tanong ni Brelenn sa akin. Kay Victorina pa rin siya nakatingin. Nang mapansin niya ang titig ko sa kanya ay humarap siya sa akin. "Are you okay?" His face softened.

Tumango ako. "Sanay na ako sa ugali no'n," I chuckled. "Nasaan 'yung unan?" Tanong ko sa kanya nang mapansing wala siyang dala.

"Oh right," nagkamot siya ng tenga. "Wait."

"Lutang!" Malakas akong tumawa kaya sinenyasan niya akong tumahimik. Baka may tao raw kasi sa kabilang kwarto at maistorbo pa namin 'yon.

Bago pa siya umalis ay hinawakan ko na ang bewang niya para pahintuin siya. Ewan ko nga sa sarili ko kung saan ko nakukuha ang confidence ko. "Dito ka na lang. Ikaw na lang 'yung pumalit sa isang unan ko," malambing na sabi ko rito. Nakatalikod pa rin siya kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya roon pero natigilan siya sa ginawa ko.

"Y-Your hand..." He faked coughing. “Okay, let's go." Humarap siya sa akin at inakbayan ako. "Do you want something? Tell me if you want something..."

Nakatingin pa rin ako sa kanya. Pulang pula kasi ang tenga't pisngi niya. Ayaw ko talagang mag-assume pero bakit parang kinikilig siya? Gusto niya ba talaga ako? Hays. Ayaw ko talagang mag-assume, eh.

"Brelenn... Nakita mo ba 'yung cellphone ko?" Tanong ko sa kanya at ngumuso. "Hindi ko kasi mahanap, eh. Nanakawan 'ata ako,"

"Your phone?" His brows furrowed. Maya maya lang ay kinapa kapa na niya ang bulsa niya. Tinanggal niya muna saglit ang isang braso niya para makapa 'yon. Pagkataas niya ng kamay niya ay kasama na roon ang cellphone ko. Binigay niya 'yon sa akin. "Nahulog kasi kanina noong nasa eroplano pa tayo. Tulog ka kanina, eh. Kaya binulsa ko na lang." Inakbayan niya ulit ako.

"Ay hehe, thank you!" I hugged him.

Papasok pa lang kami sa loob ay nakita na namin si Naythen na masama ang tingin sa aming dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi manlang siya lumapit. Noong ako na sana ang lalapit ay siya naman ang lumayo. "Anong trip non?" Tanong ko kay Brelenn.

He shrugged.

Something's wrong...

"Hi, may kaunting tanong lang sana ako sa inyong dalawa,"

I rolled my eyes when I saw how Carla looked at Brelenn.

Bakit ba kasi ganyan ang mukha ng best friend ko? Sana naging pangit na lang siya para walang tumitingin sa kaniya ng ganyan. Ang lalagkit, nakakainis.

Kung minamalas ka nga naman, nandito kami sa isang mahabang table kasama si Carla at Naythen. At ang mas malas, kami ang kauna-unahang dumating dito kaya kami lang ang bisitang kasama nila ngayon sa hapag. "Go ahead," walang emosyong sabi ko. Wala akong balak na makipagplastikan sa kanila. "Congratulations pala ulit."

"Salamat," mas lalong lumawak ang pekeng ngiti ni Carla kaya pinigilan ko ang sarili kong umirap ulit. "So... can I? Ask a question?" She repeated.

"I already said 'go ahead' so you can proceed,"

Naramdaman ko ang kamay ni Brelenn sa ilalim ng lamesa. Hinawakan niya ang kamay ko.

Bakit niya ba ginagawa 'to? I'm confused. Bakit kasi pinanganak akong asyumera? Sa ibang tao hindi naman ako ganito. Bakit pero pag sa kanya na, iba na 'yung pakiramdam?

No, I'm just confused. This is a part of the plan.

He mouthed, "Calm down," to me.

Tumango na lang ako at bumuntong hininga bago ko tiningnan ang dalawa. "What's your question?"

"Just don't answer if you're not comfortable," titig na titig sa akin si Naythen habang sinasabi niya 'yon. Hinahangin ang itim na itim niyang buhok. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi na ako kumportable sa titig niya. "How did you... uh... become a couple?" Naythen asked that first.

I glanced at Brelenn. He's glaring at Naythen.

Kinalabit ko siya kaya nawala agad ang masama niyang tingin.

"We had sex and we fell in love," simpleng sagot ni Brelenn.

Tinampal ko ang balikat niya at nahihiyang tumingin sa mag-asawa. I gave them an apologetic smile and glared at my best friend.

Grabe ang bunganga nito.

Maging ang mag-asawa ay gulat na nakatingin sa amin. Nasa hapag pa naman kami.

"Uhm... I'm sorry about that," I faked my laugh. "Well that's the truth but that's too straight to the point. We're just both drunk and we woke up next to each other. We confronted each other about it and he said he likes me and I said I liked him so..."

Hoo, may silbi naman pala ang pagp-practice namin kanina ni Timothy sa eroplano.

"Oh..." Tumango-tango si Carla. "Can you, maybe, kiss? Here?"

"Babe," Naythen looked at his fiancee. "I think that's too---"

"What? They're a couple!" Ngumiti siya sa akin. Iyong nakapang iinis na ngiti.

I started staring at my best friend. Nakatingin kasi siya sa ilalim ng lamesa at tila malalim ang iniisip. Tumingin din naman siya pabalik sa akin pero saglit lang.

"We're eating, it's kind of disrespectful..." Brelenn smiled.

"Right?" I looked at them. Nangungumbinsi.

"Let's stop that and eat," kinuha ni Naythen ang tinidor para magsimula nang kumain. Kinuha ko na rin ang tinidor ko para magsimula na ring kumain.

Nakamata kaming dalawa ni Carla sa dalawang lalaking kasama namin. Parehas kasi silang nakahinto nang magtama ang kamay nilang dalawa habang kumukuha ng pagkain.

"I lost my appetite."

Nagulat kami nang biglang tumayo si Naythen at dire diretsong umalis palayo.

What the hell just happened?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report