Dominant Passion
Chapter Ten — Promise (Part Two)

Una kaming sumakay sa vikings. Halos tumalsik na ang kaluluwa ko sa sobrang taas ng angat nito, si Brelenn naman ay enjoy na enjoy pa. Sigaw pa ito nang sigaw pag tumataas kami dahil sa saya samantalang ako'y napipikit na lang dahil pakiramdam ko mamamatay na ako bagong oras.

Naisuka ko lahat ng kinain ko pagkababa namin. Hilong hilo ako.

"H-Huwag mo akong hawakan!" Pinahinto ko siya gamit ang senyas ng kamay ko bago ako sumuka ulit. "Punyeta, bakit ganoon kataas 'yon?" Galit kong sigaw.

"Do you want to go home?" Alalang tanong niya.

"No, I want to ride again but not rides like that. Pakiramdam ko matatanggal na ang kaluluwa ko!" Pinunasan ko ng tissue ang aking nguso. Ang tissue na 'yon ay galing pa roon sa pinagbilhan namin ng burger.

"Then let's ride carousel instead." Nagkamot siya ng tenga at inabutan ako ng kamay.

Umiling agad ako sa kanya. "Marumi nga ang kamay ko!"

Hindi niya iyon pinansin. Kinuha niya ang kamay ko para pagsiklupin ulit iyon. Ramdam na ramdam siguro niya ang pawis ng aking kamay dahil pasmado ako!

Halos antukin naman kaming dalawa noong nasa carousel kami. Kahit siya sa sarili niya ay nagpapanggap na nagustuhan niya iyon sa pamamagitan ng pagtawa-tawa niya. Pero kahit ang mga batang nasa likuran namin ay napapabusangot dahil sa kanyang ginagawa.

"Kuya, mukha ka pong tanga," komento noong batang nasa likuran namin kay Brelenn bago walang ekspresyon na bumaba sa kabayo niya.

Sabay naming sinundan ng tingin ni Brelenn iyong bata bago ako humagalpak ng tawa habang hinahampas hampas ko siya. Iyon 'ata ang bumuo sa araw ko.

"Anong nakakatawa roon?" Nagsalubong ang kilay ni Brelenn pero agad din siyang napanguso. "I was just trying to make you smile a bit, even I look 'tanga' but I'm glad it made you laugh."

Hindi pa rin ako makamoveon doon kahit nasa baba na kami. Noong sumakay naman kami sa ferris wheel ay nastuck pa kami ng sampong minuto sa taas.

"Jani," tawag niya sa akin. Naka-tingin lang kasi ako sa bintana para makita ang malawak na tanawin. Punong puno ng mga puno ang kapaligiran. "What?" Tanong ko, hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa labas.

"I'm going to miss you,"

Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "Mami-miss din kita." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Babalik ka naman, hindi ba? Babalikan mo ako? Para naman 'yan sa pangarap mo at para sa papa mo. I understand now..." "It's not just for my dream job to be a doctor. It's also for my dream na pag-uwi ko papakasalan kita and then I can live with you because there I can provide." "Well you can provide now," nagkibit balikat ako.

"Not like that," Bumuntong hininga siya. "Though I can pay for the dates and other expenses, I want to buy a house for you and your parents. That's our dream."

"Huh? Bakit mo naman sila bibilhan ng bahay?" Tanong ko sa kanya. Noon kasi ay ganoon ang pangarap ko, para mapatunayan ko sa kanilang dalawa na magiging successful ako balang araw. Hindi ko maalalang sinabi ko kay Brelenn ang tungkol sa pangarap kong ito noon.

"So I can prove myself to them and you," aniya. "It's our dream."

"That's my dream! Paanong naging pangarap mo rin ito?"

"Your dream is my dream too." Sagot niya. "Everytime before I sleep at night I imagine you as the mother of my children, my wife and my best friend. Even when I wake up every morning the first thing I thought is you." Napanguso ako sa sinabi niya. Bakit parang nagiging emosyonal kami nitong mga nakaraang araw?

"I promise you, Jarell Norine, I will come back. Please have faith in me. It'll be fast..." Lumipat siya sa tabi ko. Kanina'y nasa isa siyang upuan sa harapan ko pero ngayon ay nasa iisang upuan na lamang kami. Doon ko naramdaman ang yakap niya sa akin.

Brelenn Timothy Raedwald. He looks tough in everyone's eyes, a playboy who only likes to fuck girls and leave them after but in my eyes he's the sweetest man, he doesn't mind if it looks cringey because at least it makes me smile, he says the sweetest words to me.

Dominant and submissive? You can take your dominant or submissive men. My Brelenn is both of it and that's what makes me proud.

Pinatakan niya ako muli ng halik sa labi. Kasabay ng pagdikit ng labi naming dalawa ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil ayaw kong isipin niya na masyado niyang nilaladlad ang 'weak side' niya kung tawagin, sa akin.

Nang bumaba na ang ferris wheel ay magkahawak na muli ang kamay naming lumabas.

"Saan tayo sunod sasakay?"

"Doon oh! Iyong airplane! Kaso mukhang pambata."

"Sure ka? Tara," aya niya.

"Ikaw, kung sure ka? Eh baka may magsabi na naman sa 'yo riyan na mukha kang tanga." Natawa muli ako nang maalala ko ang sinabi noong bata kanina samantalang siya ay sinimangutan lamang ako.

"If you want it, I want it too!" Masayang sabi niya at hinila ako papunta roon.

Napapangiti na lang ako sa kanya. Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa? Because the way he acts is cute!

Nang makasakay kami roon ay napapadasal na lang ako nang 'di oras. Triple ang kaba ko rito kesa sa kaba ko roon sa vikings dahil bumabaliktad pala ang eroplanong ito. Ang akala kong pambatang airplane ay halos makuha na ang kaluluwa ko.

Napapakapit na lang ako kay Brelenn lalo na pag umiikot na kami pababa. Napupunta ang direksyon ng ulo namin sa sahig. Pero sa totoo lang, nag-enjoy ako roon kahit parang napunta ako sa bingit ng kamatayan for twenty whole minutes! Mabuti na lang at hindi na ako nasuka pa noong nakababa kami.

"Next ride?" He asked and smiled.

Nakita ko pa ang mga babaeng napapangiti kapag nakikita siya. There's some other girl na nalagpasan namin kanina who shamelessly screamed when he saw Brelenn saying he's the living greek god of the modern world. Hindi ko mapigilang mapangiwi kahit na may katotohanan naman ang sinasabi nito.

Brelenn is my boyfriend! Maghanap kayo ng sa inyo! Nakita niyo namang kasama niya ako. Che! Manigas kayo kakatingin diyan!

Habang bumibili si Brelenn ng ticket para sa susunod naming sasakyan na ride sa carnival ay napatulala ako bigla. Para akong ibinalik ulit sa katotohanan ng mga susunod na mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito.

Naaalala kong nagsusulit nga pala kami ng oras. Aalis din siya ilang linggo na lang.

2 weeks and he's gone for years. I won't see him for years.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report