Here we stand today like we always dreamed, starting out our lives forever. Night is in your eyes, love is in our hearts. I can't believe you're really mine forever...

Halo-halong emosyon ang lumukob kay Christmas habang naglalakad palapit sa altar. Gusto niyang matuwa dahil ang araw na iyon ang katuparan ng matagal na niyang pinapangarap, ang maikasal kay Throne, ang lalaking tanging minahal niya. Pero kahit na katiting na tuwa ay wala siyang makapa sa puso niya nang mga sandaling iyon.

Humigpit ang pagkakahawak ni Christmas sa bouquet nang malinaw na niyang makita ang gwapong mukha ni Throne. Matamis na ngumiti ang binata sa kanya. Muli ay nakaramdam siya nang matinding pangamba. She wanted to smile to show her family and friends that she was fine. But she couldn't do it... because deep inside, she was broken.

"Just say the word, Chris. Nasa labas lang ang kotse ko. You still have time."

Ang mga salitang iyon ng Kuya Jethro niya ang nagpagising kay Christmas. Pinilit niyang ngumiti pagkatapos ay sinulyapan ang nag-aalalang mukha ng kapatid. "Mahal ko siya, Kuya Jet." "Siya ba, mahal ka?"

Natahimik siya. Nang makarating na sila malapit sa altar ay kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ng kanyang Kuya Jethro nang iabot ang kanyang kamay kay Throne. Tinanguan niya ang kapatid at siya na ang kusang kumawala rito.

""'Wag kang magkakamaling saktan ang kapatid ko, Throne Madrigal. You haven't seen me at my worst."

"Do you believe in karma, Jethro?" sa halip ay sinabi ni Throne pagkatapos ang ilang segundong pananahimik. Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ni Christmas sa nakikitang pagtatagisan ng tingin ng dalawang lalaki.

"What in the world are you talking-"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Throne. "Oh, you mean you don't know anything about karma? Then let me tell you something about it. It strikes."

Christmas had anticipated so many scenarios but never in her wildest dreams had she anticipated this. Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha pero hindi niya magawa. Nagsisikip ang dibdib na napapikit na lang siya nang mariin...

Chapter One

"THERE'S just so much a brother can take," nagtatagis ang mga bagang na naibulong ni Throne habang nakatitig pa rin sa tulalang si Cassandra, ang bunso at nag-iisa niyang kapatid. Halos dalawang linggo nang naka-confine si Cassandra sa ospital buhat nang makunan dala ng matinding depression nang iwan ito ng boyfriend.

Kumuyom ang mga kamay ni Throne nang makita ang muling pagtulo ng mga luha ng kapatid at unti-unti ay lumakas ang pag-iyak hanggang sa mag-hysterical ito. Walang nagawang pinindot niya ang buzzer malapit sa kama. Ilang sandali pa ay pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse. Nang tangkang muling tutusukan ng pampakalma si Cassandra ay mabilis na lumabas na siya ng kwarto, umupo sa isa sa mga silya roon pagkatapos ay frustrated na naihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

Mula nang magkamalay si Cassandra noong nagdaang araw pagkatapos ang insidente ay naging ganoon na ang kapatid niya, tulala. Ayon sa doktor ay labis na naging traumatic para sa kanyang kapatid ang nangyari at gusto iyong kalimutan sa pamamagitan ng pagtakas sa realidad.

"He left me, Kuya! He left me when he found out I was pregnant! He left me!" Napahugot si Throne ng malalim na hininga nang maalala ang sinabing iyon ng umiiyak na si Cassandra nang tawagan siya. "Hind ko na alam ang gagawin ko, Kuya Throne. Ang sakit. Ang sakit-sakit."

Nang mga sandaling iyon ay gusto ni Throne na puntahan kaagad si Cassandra pero kasalukuyan siyang nakatali noon sa isang business conference sa China. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng panibagong overseas call mula sa kanilang mayordoma at ipinaalam na itinakbo ang kanyang kapatid sa ospital.

He shut his eyes as mixed emotions flitted across his face. Cassandra was all he had. Ang mga magulang nila ay nasa magkabilang panig ng mundo at may kanya-kanya nang buhay. Bata pa lang sila ay madalas na nilang masaksihan ang pagtatalo ng mga magulang hanggang sa mapagpasyahan ng mga ito na maghiwalay noong disi-sais anyos siya at magwawalong taong gulang naman si Cassandra.

Nang magtrabaho ang mga magulang sa ibang bansa ay naiwan sila sa poder ng kanilang abuelo, sa side ng kanilang ama pero hindi rin sila napalapit sa matanda dahil masyado itong istrikto. Kaya naman laking gulat niya nang bago yumao ang kanyang abuelo noong beinte-cuatro anyos na siya ay sa kanya nito ipinamana ang Madrigal Lending company, na ang abuelo niya mismo ang nagtatag. Kunsabagay, wala namang hilig doon ang kanyang ama na nag-iisang anak nito.

Ang pintor na ama ni Throne ay may sarili nang pamilya sa Amerika habang ang kanyang ina naman ay ilang ulit nang nagpalit ng kinakasama. Greeting cards na lang ang ipinadadala ng mga magulang kung kailan gustuhin ng mga ito.

Throne had lost faith in love. His parents denied him the chance to believe that such an emotion existed. That was why he was so worried when Cassandra told him one day that she was in love. Natali siya sa mga trabaho sa opisina at si Cassandra naman ay sa mundo ng pagmomodelo kaya halos bihira na rin silang magkita. Hindi na niya gaanong nabantayan ang kapatid sa nakalipas na mga buwan.

Dalawang buwan pa lang ang nakararaan nang masaya pang ipakilala sa kanya ni Cassandra si Jethro bilang boyfriend, ang kaklase niya noong kolehiyo sa UP. Nabigla siya nang malaman na kalahating taor na pala ang relasyon ng dalawa. Sumang-ayon siya sa relasyon ng dalawa tutal naman ay masaya ang kapatid niya kay Jethro bukod sa wala namang masamang record ang lalaki. Pero ngayon...

He felt a burning flame in his chest. Ni wala man lang siyang ideya na nabuntis ni Jethro ang kanyang kapatid. Muling dumilim ang kanyang anyo. "Pasensiya ka na, ngayon lang ako nakadalaw."

Napadilat si Throne sa narinig na boses. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng pinsang si Brylle na siya ring pinakamatalik niyang kaibigan. "Kumusta na, bro? You look-"

"Oh, I'm great, buddy. I'm having the time of my life seeing my sister suffer while that bastard ex of her is probably... walking on sunshine somewhere."

Napailing si Brylle pagkatapos ay may inihagis na envelope sa kanya. Mga litrato iyon ni Jethro kasama ang isang napakagandang babae na hindi nalalayo ang itsura sa lalaki. Nahulaan niyang ito si Christmas, ang nag-iisang kapatid ni Jethro na minsan na rin niyang nakita. Kuha iyon sa Brylle's na pag-aari ng pinsan.

Napangisi si Brylle. "The Llaneras siblings are back in the country, Throne. In fact, si Christmas, ang katabi ni Jethro sa picture, ay kakanta na sa Brylle's gabi-gabi kasama ang banda niya simula next week." Mayamaya ay nagseryoso ang pinsan. "So what's the plan? Kung gusto mong gantihan ang Jethro Llaneras na 'yan, just say the word, man... and I'm in."

"Oh, come on. I know the law. That's animal cruelty." Humigpit ang pagkakahawak ni Throne sa mga litrato. "I'm gonna explore new territory, Brylle. Kapatid sa kapatid. I'm gonna crush Jethro's world the same way he crushed my sister's." His jaw clenched. "Ipaparanas ko sa kapatid niya kung ano mismo ang naranasan ni Cassandra."

"THE WORLD doesn't need another twenty-four year-old beautiful single," pagre-recite ni Christmas sa puntod ng mga magulang. Isa iyon sa mga binitiwang linya ng abuela nang tawagan siya nito sa telepono ilang oras pa lang ang nakararaan. "Alam naman ni Abuela na limited edition na lang ang matitinong lalaki sa mundo pero kung makapagsalita siya, parang napakadaling maghanap ng mapapangasawa."

She sighed. Her grandmother had lost hope that her brother Jethro would get married someday. Mas naging workaholic ang Kuya Jethro niya nang maghiwalay ito at ang girlfriend nito na hindi man lang niya nakilala. Ni ayaw ngang pag-usapan ng kapatid ang babae. Mula noon ay siya na ang pinagdiskitahan ng abuela. Dahil sila lang ang apo nito sa nag-iisang anak na siyang ama nila, naging malapit ang abuela sa kanila. Gusto nitong makita ang apo sa tuhod bago man lang daw ito yumao.

Kaga-graduate pa lang ni Christmas sa elementary nang mamatay sa kidney cancer ang kanyang ina. Pagkalipas ng tatlong taon ay sumunod ang kanyang ama na noon ay kahahalal lang bilang gobernador sa kanilang bayan. Pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang kotseng sinasakyan nito. Ang hinala ng kanilang mga kamag-anak ay natalong kalaban sa politika ng kanilang ama ang gumawa niyon pero kapos ang kanilang ebidensya.

Mula noon ay naging overprotective na kay Christmas ang Kuya niya na pitong taon ang tanda sa kanya. Pinasunod siya ng kapatid sa abuela nila sa Spain at doon pinag-aral samantalang nanatili naman sa bansa ang kapatid para pamunuan ang kabilang airline company.

Ngayon ay halos tatlong linggo pa lang na nakababalik si Christmas mula nang sunduin siya roon ng Kuya Jethro niya. Ilang linggo ring nanatili roon ang kuya niya bago sila sabay na umuwi sa Pilipinas. Sa pagbabalik niya ay pagbabanda kaagad kasama ang isang kinakapatid at dalawang pinsang babae ang kanyang inatupag habang kasalukuyan pa lang na ipinatatayo ang Italian restaurant na balak niyang gawing permanenteng negosyo dahil hilig niya ang pagluluto na pumapangalawa na lang sa pagbabanda.

"Nakahanap naman na po sana ako ng matino. Noon pa nga po." A dreamy look crossed her face. "Pero 'di ko pa po siya nakikita mula nang bumalik ako. 'Guess I just have to find him again." Sandali siyang pumikit at inalala ang gwapong mukha ng binata.

First year high school pa lang si Christmas ay mahal na niya si Throne. Kaklase si Throne ng kuya niya sa UP sa kursong Business Management. Nakilala niya ang binata noong nagpunta ito sa bahay nila para gumawa ng thesis.

"I love Throne Vincent Madrigal, Daddy. And I'm gonna marry him," naalala pa ni Christmas na sinabi sa ama na tinawanan lang siya.

"Kapag twenty-one ka na't ganyan pa rin ang nararamdaman mo, saka mo sabihin sa 'kin ang mga salitang 'yan," amused pang sinabi ng kanyang ama. She was twenty-four now and nothing had changed. Marami siyang nagguguwapuhang lalaking nakilala sa ibang bansa pero hindi siya nakaramdam ng malakas na pagtibok ng puso isa man sa mga iyon. Only Throne could make her heart react that way. Because the very first time she saw him walk through their door, she knew she was going to love him. Pero hindi siya pinansin noon ni Throne... magbabago na kaya iyon ngayon?

Muling napabuntong-hininga si Christmas pagkatapos ay napasulyap sa kanyang relo. Alas-kuwatro y medya na ng hapon. Kulang dalawang oras pa ang biyahe niya papunta sa Brylle's para sa gig ng kanilang banda. Tumayo na siya.

"Basta, I'll make him love me, folks. Hindi ako papayag na hindi kami magkatuluyan. Handa na ang wedding vow ko para sa kasal namin," determinadong wika niya pagkatapos ay tumalikod na. Nadaanan pa ni Christmas ang isang nakatalikod na lalaki ilang hakbang ang layo sa puntod ng kanyang mga magulang. Nagkibit-balikat siya pagkatapos ay tinahak na ang daan palabas ng sementeryo para lang mapatili sa nabungarang lalaki na kasalukuyang binabaril ang gulong ng kotseng iniregalo sa kanya ng kuya niya. Basag din ang mga salamin ng sasakyan.

Lumingon ang lalaki kay Christmas. "Hello, babe. Tapos ka na bang makipag-usap sa in-laws ko?"

"Marcus! Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa rehab center ka?" Malikot ang mga matang napatingin siya sa kanyang paligid. Walang katao-tao. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang nakahandusay na guwardiya hindi kalayuan sa kanila.

"Umalis ka kasi agad, eh. 'Di mo tuloy nakitang nakalaya ako." Ngumisi si Marcus. Lalong kinabahan si Christmas. Dati niyang manliligaw sa Spain ang lalaki na mula nang bastedin niya ay hindi na siya pinatahimik. Ang huling balita niya, ipina-rehab na ang lalaki ng mga magulang dahil nalulong ito sa droga.

Nang tangkang lalapitan siya ni Marcus ay takot na napatakbo si Christmas pabalik sa sementeryo. Sa nerbiyos ay hindi na niya napansin ang lalaking papalabas naman. Nabangga siya sa para bang pader na katawan ng lalaki dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Mabuti na lang at maagap siyang nahawakan nito sa kanyang baywang.

Sa sobrang takot ay napaiyak si Christmas. "Help me, please."☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report