Can I be Him? -
EPILOGUE
16 years ago... "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting.
Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang.
Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign!
Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
Meanwhile, the broadcasting room went silent. Tanging ang maingay na pag-ikot lang ng mga electric fan sa dingding ang bumubulahaw sa kapaligiran. Pinagpawisan siya nang maramdaman ang mapanukso at nananantyang mga titig na natatanggap mula sa mga kasama. Marahil inis ang mga ito dahil pinapahaba lang niya ang meeting nila o hindi kaya e naiirita na gusto niyang tanggihan ang oportunidad na ibinigay sa kanya.
But he was not the one to give a fuck right now. He wanted further confirmation that he is doomed, and ask what pushed their adviser to give him such difficult task!
Nakakatakot kaya ang mga kasama ni Zachariel sa basketball team! Ang tatangkad! Although, he is also tall, Gian just could not see himself standing around them. They are all intimidating. His anxious ass probably can't keep up. He might even lose his consciousness while interviewing those people!
Kung bakit ba naman kasi intimidating ang mga athlete!
Nadismaya siya nang makita ang tipid na pagtango ng guro. "Oo Gian, iyon din ang magiging content mo sa Biyernes. Itatanong mo kung ano mga ang opinyon nila bago magsimula ang laban at pagkatapos. Manalo man sila o matalo." Paano iyon?! Mukhang hindi kakayanin ni Gian na kausapin ang ibang miyembro ng basketball team! Bukod kay Zachariel, syempre! Dahil ito lang naman ang kilala niya sa buong team.
Ah, the cons of being a broadcaster. But he knew that he has to do his task. Ito lang din ang assignment niya sa Biyernes. Manood ng liga, i-record ang highlight ng laban at saka interview-in ang grupo ng eskwelahan nila. Sana lang maging mabait sa kanya ang mga ito. Hindi niya gusto ang mapahiya sa harap ng maraming tao.
But looking at all of them right now, enveloped by an intimidating aura, complimented by their heights and their pride, Gian abruptly felt small. It feels as though he does not belong in this room and all of them are throwing him shades. "Z-Zachariel, nakakatakot lahat ng ka-team mo. Sigurado ka bang ayos lang ang magiging resulta ng assignment ko?"
Malawak ang ngising tinapik ni Zachariel ang likod niya. Tumunog ang likod niya! Tumunog! Para siyang nabalian pero hindi naman talaga! Malakas pa itong humalakhak nang inboluntaryo siyang umabante dahil sa lakas ng impact noon. Halos mabitiwan pa nga niya ang ballpen at long pad na baon!
"Zach! Tumunog! Tumunog likod ko! Narinig mo ba?" Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi, "wag mo naman akong hampasin! Lalo lang akong kinakabahan, e!"
"Grabe ka naman kasi mag-isip! 'Di naman kami nangangagat kaya magsimula ka nang mag-interview doon! Kung mayroong magalit sa 'yo, sabihin mo sa 'kin."
Even so! Kahit hindi nananakit ang mga kasama niya, hindi mawawaglit noon ang kabang nararamdaman ni Gian. Para siyang kakainin ng buhay dito.
Napaatras si Gian nang makitang umamba si Zachariel na itutulak ulit siya. Ayaw niya! Bukod sa malakas itong manampas, baka sa pagkakataong ito, matumba na talaga siya!
"I-ito na! Mauuna na 'ko! Back-up-an mo 'ko, a?!" Sigaw niya sa kaibigan, nanghihingi ng kumpirmasyong hindi siya nito aabandonahin.
Zachariel clicked his tongue. "Naks, oo nga! Akong bahala. 'Pag inangasan ka, sabihin mo kaagad. Tuturuan natin ng leksyon 'yan!"
"Pag ako inabandona mo bigla, isusumbong kita kay Zamiel..."
"Ay, 'wag naman ganon. We tight, boy. Oks lang 'yan. Kahit 'di mo na i-summon 'yong kakambal ko. Seryoso naman ako."
Despite hesitating, Gian gulped enough amount of confidence and courage to approach his team members. Bench or main players, he asked them the questions to accumulate the answers he has to have for the club assignment. All thanks to Zachariel. Though, Gian doubted him.
Bukod doon, bagamat nahihiya, napagtanto niyang mababait naman talaga ang mga ito. Iba-iba ang sense of humor at ang wavelength, pero nakakaya niyang makipagsabayan. They all answered his questions politely. Ang iba nga, nakipagbiruan pa sa kanya. Natuwa siya dahil kaagad na namatay ang kaba niya.
Well, that is until he approached the most quiet member of the basketball club. There is no time that Gian would never take a short glance over his direction. Kahit na may kausap siyang iba, hindi magmimintis na hindi niya ito titignan. Naipilig ni Gian ang ulo habang matiim na pinagmamasdan ang binata. Nakaupo ito sa pinakagilid ng kwarto. May nakasukbit na tuwalya sa leeg at nakikipagtitigan sa semento. Ito na ang iinterview-in ni Gian sa pagkakataong ito pero natatakot siyang lumapit dito. That man seemed nice, to be honest. Pero hindi pa rin mapigilan ni Gian ang ma-intimidate.
There is just something about that guy that pushes Gian away even though he has not spoken a word or two. Gian... can just feel that there is this wall that surrounds that individual.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Gian affirmed that there is something wrong about him when he noticed that nobody ever attempted to approach that guy at the corner. Kinabahan tuloy siya.
Hala, baka mamaya, multo pala ito! Siya lang pala ang nakakakita, ganon!
"O, Gian? 'Di ka pa ba tapos?"
Nagulantang si Gian at napapitlag nang marinig ang boses ni Zachariel. Halos mabitiwan niya ang mga hawak. Mabuti nalang ay hindi. Paglingon niya, nakaangat ang mga kilay nitong pinagmamasdan siya. "Anong nangyari? Inangasan ka ba ng mga members?" Dagdag tanong nito bago sumimangot.
Nagpameywang si Zachariel at inilibot ang mga mata sa buong kwarton, tila ba hinahanap kung sinong posibleng umaway kay Gian. At bago pa man ito makapagsimulang mag-ikot ikot para magtanong, humigop ng malalim na hininga si Gian para sagutin si Zachariel.
"H-hindi," mahinang aniya bago bumaling sa kinaroroonan noong binatang kanina pa rin niya tinitignan, "um. Itatanong ko lang kung kasama niyo rin ba 'yon?"
Lumapit sa kanya si Zachariel kaya naman itinuro niya ang kinaroroonan noong lalaki na tinutukoy niya. Then he noticed how his friend's mouth went into a small "o".
"Ah, si Villariza na pala ang i-interview-in mo. 'Kala ko naman may nang-away sa 'yo," anito bago tinapik ang balikat niya, "tahimik talaga 'yan. 'Di kumikibo kahit sa t'wing nasa gitna kami ng laban."
Umangat ang mga kilay niya. He also heaved a sigh of relief. Now knowing that the male he had been staring to wasn't a ghost, his fear was somehow washed down.
"Kasama niyo siya? B-bakit walang lumalapit sa kanya?"
"Oo naman! 'Di bench 'yan, uy. Ace namin 'yan. Talagang nitong nakaraan lang, bigla siyang tumahimik."
Humalakhak si Zachariel pero agad ding tinangay ng hangin iyon. Napaatras siya nang lalong lumapit ang kaibigan sa kanya. Noong dumikit ito sa kanya at ilapit ang bibig sa tenga niya. Kailangan pa nga niya na yumuko bahagya dahil mas matangkad siya sa kaibigan.
"Bali-balita lang pre, pero sabi nila may isyu siya sa ibang member dito. Nag-out of the closet daw kasi. E, makikitid utak nitong mga kasama ko... ayun, nananahimik siya riyan kaysa tudyuhin daw ng iba."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Gian's jaw dropped and he did not notice how his fists clenched, gripping tightly to his paper. His breathing also hitched when he felt a pang of pain struck his heart. He feels sad... and sorry for whatever this Lyle-person is experiencing here. Nabigla nalang si Gian nang tapikin ni Zachariel ang likod niya. Bumalik ang ngiti sa mga labi nito pero hindi tulad ng kanina, may bahid ng kalungkutan doon.
"Mabait naman si Lyle, Gian. Kausapin mo na. Importante rin naman ang assignment mo sa broadcasting."
Kahit hindi naman sabihin ni Zachariel o sa assignment niya, talagang kakausapin niya si Lyle! Hindi niya kailangang diktahan doon dahil gusto niyang marinig ang boses nito. Makita na sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Though, he's unsure why.
Noong unang beses siyang naglakas loob na lumapit kay Lyle, napalunok siya. Gian also secretly bit his lower lip upon noticing how beautiful the man is. Makakapal ang kilay nito at mahahaba ang pilik-mata. He can tell because the male is still staring down. He also has a tall nose, but wasn't sure about his lips. Nakatakip kasi iyon sa pagitan ng mga kamay nito.
But before he could even blurt out a word, he automatically halted when Lyle raised his gaze to meet his. Gian hiccuped and his breathing hitched realizing that this man before him is no ordinary-the loneliness glinting from his eyes left him speechless and something from within him rose, the urge to make this person's heart filled with happiness. He desires to see his smile, little things which confused him.
"May maitutulong ba 'ko sa 'yo?" Tanong ni Lyle na siyang dahilan para magbaba ng tingin si Gian, kagatin ang pang-ibabang labi, at nguyain ang loob ng mga pisngi.
"W-wala... wala naman," sagot niya sa maliit na boses bago ito tinalikuran.
Hindi siya makapagsalita! Nagpa-panic siya. Dala rin ng pinaghalong kaba at hiya, mabilis niyang hinanap si Zachariel. Mabuti na lang e nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya at nakikipag-usap lamang sa isa sa mga ka-team nila. Kaya naman mabilis niya itong nalapitan.
He almost scurried his way towards Zachariel before he tapped his friend's shoulder and said, "A-aalis na 'ko, Zach! Kita na lang tayo mamayang uwian, bye!"
"Ano? Sandali lang, tapos ka na ba?!" Pahabol na tanong ni Zachariel habang sinusundan siya nito ng tingin noong lakad-takbo na siyang lumabas ng kwarto.
But he was unable to response because... he really has to get out of that room since Lyle's gaze burns him! His cheeks, to be specific!
The second he arrived at the bathroom, he immediately ran to the sink and daunced his face, feeling his heart hammer against his chest. Geez, what is happening to him?! He is not like this! What is up with Lyle and why did he run away?! AT first, these things confused Gian. But overtime, he finally understood why did he react that way when he first met Lyle.
He fell in love at first sight. As incredulous as it may sound, his heart only beat for Lyle.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report