Can I be Him?
CHAPTER 29.2

OH God, what have they done?

Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang... hindi naman sila!

Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian.

"Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse.

Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila!

Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng maayos ni Gian sa isa't isa. Lalo na noong pumasok pa ang nanay ni Lyle sa kwarto at nagtititili. Akala mo, teenager kung matuwa!

Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang matanto kung gaano talaga nakakahiya ang mga nangyari kanina. They can't even look straight in each other's eyes. Until now! Minsan, hinuhuli pa nila ang mata ng isa't isa o hindi kaya, hindi na talaga magtitinginan. It was more awkward when Lyle had to hold Gian's body to help him with posing.

Oo, kahit paano, nalunok niya ang pride para lang sa mga souvenir.

"Ganyan lang talaga 'yang mga 'yan," dagdag niya pa.

Napangiwi siya nang pagak na tumawa si Gian. Tila ba ipinipilit kahit na nahihiya rin. Nasa harap na sila noon ng driver's seat at binubuksan na rin nito ang pinto. Pero dinala ni Gian ang mga mata sa kanya at sa wakas, nagtama rin ang paningin nila.

"Ayos lang. Nakakagulat lang dahil... ang open nila sa relasyon mo. Marami kasi akong nakilala noon na against sa same sex relationship ang parents nila." "Fortunately, my family's accepting. Too accepting na ang gusto nila, ikaw ang manugang nila."

Napalunok si Lyle nang matulala si Gian sa kanya. Hindi niya sinasadya na sabihin ang walang kwentang detalye na iyon pero hindi niya naiwasan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang lumunok si Gian at nahihiyang tumawa. "G-ganon ba..." Iyon lang ang sinabi nito bago bumulong. Nagulat pa nga si Lyle dahil kahit na mahina ang boses nito, naintindihan niya kung anong sinabi ni Gian! Namilog ang mga mata niya at nawiwindang na napatitig dito. Did he just say, "pwede naman?"

Bago pa man siya makapagtanong, nagpaalam na si Gian na aalis. Awtomatiko tuloy siyang napatango. Pilit na iwinawaglit ang narinig. Baka mamaya, imahinasyon niya lang pala. Madidismaya lang siya. Ngunit bagamat nagpaalam si Gian na aalis na, nagtaka si Lyle nang ilang sandali na ang lumipas pero nanatili pa rin si Gian na nakatayo sa harap niya.

"O, akala ko ba aalis ka na? 'Wag mong buksan ng matagal ang pinto ng kotse mo. Baka maunahan ka riyan bigla ng magnanakaw."

Natatawang umiling si Gian. "H-hindi, may iniisip lang ako. M-may... kanina pa 'ko iniisip na gustong gawin, e. Kaso nahihiya ako."

"Ano 'yon?" Takang tanong niya.

Nag-iwas ng tingin si Gian na tila ba tinitignan ang buong kapaligiran ng kanila Lyle. Hindi naman matao rito dahil hapon na. Wala nang gaanong lumalabas. Ang mga bata rin, hindi naman sa kanila banda naglalaro. "'Di ka ba magagalit?"

Kumunot ang noo ni Lyle. Magagalit ba siya kay Gian?

"Hindi..." mahinang sagot niya bago tumikhim. Ang bilis, nakabigay kaagad ng sagot. "Ibig kong sabihin, depende. Ano ba 'yon?"

"Baka magalit ka," nag-aalalang sagot ni Gian.

"Hindi," bawi niya sa sinabi kanina, "kahit anuman 'yan, 'di ako magagalit. Disente ba?"

"'Di ko alam."

Lyle scoffed. "Ba't 'di mo alam?"

Nag-aalangan itong tumitig sa kanya bago muling pinasadahan ang buong paligid nila ng mabilis na tingin. Nang makuntento, muli nitong itinuon ang mga mata sa kanya.

"Can... can I kiss you again?" Mahinang tanong nito ngunit sapat para marinig ni Lyle. Hindi lang tuloy siya napasinghap, nangatog din ang mga tuhod niya!

"S-sorry! Alam kong weird ang tanong ko!" Nahihiyang dagdag nito bago tinakpan ang namumulang mga pisngi.

But Lyle was just there... standing in front of Gian, breathing, existing, and still dumbfounded. It even took him a while before he can provide Gian the answer that he had been waiting! "Sige," halos habol hininga niyang sagot, "s-sige."

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang binata. Pero masisisi rin ba siya? Gusto niya ring maramdaman ulit ang mga labi nito sa kanya.

Dahan-dahang inalis ni Gian ang pagkakatakip ng mga mata para hanapin ang kanya. Napalunok si Lyle dahil sa kaba pero tinigasan niya ang sarili para magtagal ang eye contact nilang dalawa. Nagkaroon pa sila ni Gian ng sukatan ng titigan. Parehong hinihintay si Gian na gawin o sabihin ang sinasabi nitong gusto niyang gawin.

And after a few moments that passed, Lyle finally felt Gian's lips in his when the male uncovered his face, obliterated the distance that separates them, and claimed him.

Lyle gasped once more when he felt Gian's soft and warm lips on his own. But it was only a short chaste kiss because the male soon broke the kiss and bid his good bye for that day.

At noong wala na ito, saka palang siya napaisip.

Paano niya haharapin ang binata sa Lunes at... ano ba siya para rito?

*

Kinagabihan, hindi nakatulog si Lyle. Ilang beses man niyang pilitin, hindi niya alam kung saan huhugot ng antok. Sa tuwing pipikit kasi, makikita niya ang imahe ng ginawa nila kanina ni Gian sa isipan. Nagre-replay. Tila ba nang-aasar. Maging ang init at "spark" na naramdaman niya sa labi niya, hindi maalis sa isip niya. Nanatili na roon.

Nakakatawa dahil naguguluhan siya. Ang bilis ng pangyayari. Noong minsan, umamin siya kay Ridge at na-reject. Ngayon, hinalikan siya ni Gian. Hindi malinaw sa isip niya kung ano ba ang nararamdaman nito sa kanya. Ayaw niya ring isipin na kuryoso lang ito dahil hindi ganoon ang dating ng halik ni Gian.

May emosyong hindi niya mawari kung ano pero hindi iyon mababaw.

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago tumihaya sa paghiga. Inilagay niya rin ang braso sa noo at tumitig sa kisame. Hanggang sa naalala na i-chat si Ridge tungkol sa usapan nila at pupwede niyang tawagan si Keegan. "YOU say... what now?" Hindi makapaniwalang tanong ni Keegan matapos marinig ang kwento niya. Halos maibuga pa nga nito ang iniinom na macha milktea sa sobrang gulat at pagkamangha!

"Hinalikan ka ni Gian ng walang dahilan?" Dagdag nito.

Linggo ng tanghali. Isang araw lang ang lumipas mula nang halikan siya ni Gian. Hindi siya nakatulog at mukhang nadama ni Keegan na "urgent" ang kailangan niya rito. Kaya kaagad nitong pinaunlakan ang pag-anyaya niyang lumabas ngayon.

Ikinuwento ang nangyari sa kanya noong Miyerkules at kahapon. Mula kay Ridge hanggang kay Gian. Sa pag-amin niya kay Ridge at sa paghalik sa kanya ni Gian. Buong-buo. Walang labis, walang kulang.

Ngunit wala ang isip ni Keegan sa sinabi niya na nakuha na niya ang closure na nais niya. Naroon sa paghalik ni Gian sa kanya nitong Sabado. Noong pagkatapos niyang tuyuin ang buhok nito at bago ito umuwi.

"Di ko alam kung wala ba talagang dahilan. Ayaw kong isipin na wala, Kee. Imposible dahil umulit pa kami bago siya umuwi."

"Ba't 'di mo pinigilan umalis nang matanong mo kung ba't ka hinalikan?"

"Wala sa isip ko non na magtanong! Masyado akong natuwa na halikan niya."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Sumandal ang kaibigan sa likod ng kinauupuan at ipinagkrus ang mga braso. Hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanya bago marahang umiling. Mukhang dismayado pero hindi siya masisi kaya nasisiphayo. "Kung sa bagay, biglaan din. Baka nga kung ako 'yon, 'di rin ako makakagalaw kaagad."

"Kee, 'wag mo naman isiping ikaw ako." Kahit naman nagpa-panic siya ngayon, ayaw naman niyang may ibang mag-iisip na iba ang hahalikan nito.

"Sira ulo ka! Inilalagay ko lang sarili ko sa posisyon mo. 'Di ko sinabing magpapahalik ako kay Abellardo!"

Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nahalikan ng taong gusto niya. Oo, nagkaroon siya ng ibang ex. Pero ang dahilan lang din naman ng paglabas niya kasama ang mga ito, e para makalimutan noon si Ridge. Umasa na baka maka-move on siya kung gagamit siya ng ibang tao.

Masamang teolohiya pero... ganoon ang buhay. Pero marami nang nagbago sa kanya.

At ngayong iba na ang gusto niya, naranasan niya ang unang halik galing dito. Para siyang dinala pabalik sa mga "first time" niya. Parang ni minsan, hindi siya nahalikan ninuman. Ang puso't isip niya, paulit-ulit sa pagsabi na si Gian lang ang una niya.

"Kailan huling nag-text si Gian sa 'yo?" Tanong ni Keegan saka hinablot ang macha milktea na nasa lamesa. "Nag-sorry ba na hinalikan ka?"

"Noon ding Sabado bago siya pumunta sa bahay. At hindi, 'di siya nag-sorry." Bumuntong hininga siya bago naghalumbaba. "Magagalit ako kung sakaling nag-sorry siya kaya... maganda ring 'di na."

"Huh, pwes ako, mayroon akong hinala. Ang tagal ko nang sinasabi sa 'yo, pinapabulaanan mo lang."

Kunot noo niyang pinagmasdan ang kaibigan na bruskong sumimsim sa milktea. Akala mo, kung sinong siga sa kanto e. Imbes na patulan ang paggaganyan nito, nag-iwas siya ng tingin at ibinaba ang mga mata sa coffee latte niya na nasa tabi.

Hindi niya iyon maubos dahil mas gusto niya ang latte niya kung si Gian mismo ang naghahanda. O kahit basta galing nalang doon sa café ng binata. Favoritism man 'to o bias. Bahala na.

"Ewan ko, Kee. Gusto kong isipin na baka sa 'kin nga siya may gusto pero ayaw kong umasa. Madismaya pa 'ko."

Keegan scoffed. "Ba't ka mag-iisip?"

"Kasi nga hinalikan ako ni Gian. Malay ko ba kung anong intensyon niya noong ginawa niya 'yon."

"Kaya nga. Ba't ka mag-iisip?" Iwinasiwas ng binata ang kamay saka may itinurong direksyon. "Di mo personal na tanungin si Gian samantalang siya ang may alam ng sagot kung ba't ka niya hinalikan?" Matiim niyang pinagmasdan ang kaibigan bago umawang ang mga labi. Halos malimutan niya ang paglunok ng laway kung hindi lang iyon itinuro ni Keegan. Alright. Point taken.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report