Can I be Him?
CHAPTER 27.2

GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa...

"Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod nitong sasabihin. "Ano, single ka pa rin?" Ulit nito.

Ha. Gian heaved a sigh. Ayaw nga niyang sagutin kaso mukhang hindi naman siya titigilan kung hindi niya ito papansinin.

In the end, he slowly shook his head. "W-wala pa kasi 'kong oras para maghanap ng... um."

How should he say it? Boyfriend? Girlfriend? Partner? Nalilito siya! Alam niyang babae ang gusto niya originally pero sobrang attracted niya kay Lyle nitong minsan at kailan lang niya natantong mahal na niya ang isa! So, how should he put things? He is not even too sure about his sexuality anymore.

Natahimik si Gian noong hindi niya malaman kung ano bang termino ang gagamitin niya, ngunit imbes na makuntento na lamang sa sagot niya, mukhang mas lalo lamang uminit ang mga mata ni Kenneth sa kanya.

Huh. They weren't interested in him before so he does not get why are they asking him right now.

"Wala ka pa ring oras para maghanap ng girlfriend? Sus, sa yaman mong 'yan, marami nang papatol sa 'yo! Kahit pumulot ka na lang yata ng kung sinu-sino e," anito.

Imbes na sagutin ang binata, kunot noo niya na lamang na pinagmasdan si Kenneth. Clearly, he did not like how he put things on. Kakaunti lang naman ang sinabi nito ngunit mali sa lahat ng aspeto.

Pero mukhang siya lang ang ganoon ang naiisip dahil nagtawanan lang ang mga kasama nila. Some of them also pointed out that Kenneth is right. Gwapo naman daw si Gian at may pera. May-ari nga ng café na nitong nakaraan, unti-unting nagbu-boom e. Tapos wala pa rin daw girlfriend?

"Baka naman hung up ka pa rin kay Princess?" Tudyo ni Lester nang peke lamang siyang tumawa, pinipilit na makiayon sa usapan nila.

Noong marinig ang paratang, napaupo ng tuwid si Gian. Namilog din ang mga mata niya at hindi niya malaman kung paanong ika-counter ang sinabi nito!

"Uy, gusto mo pa rin si Cess?! Tagal na niyan, Gian!" Sabad ng iilan nilang mga kaklase.

Natataranta tuloy na umiling si Gian. "Mali kayo ng iniisip! May iba na... may iba na 'kong gusto!"

"E ba't ka nauutal?" Puna ni Kenneth bago ito bumuntong hininga, napagod na sa katatawa.

Did they forget that he has... speech impediment? Kahit paano e naayos iyon dahil natuto si Gian na asikasuhin ang pananalita but from time to time, he thinks that it still shows. There should be traces.

Kunot noo niyang pinagmasdan sandali si Kenneth bago siya nag-iwas ng tingin dito at iginala na lamang ang mga mata sa buong restaurant. Gusto na niyang hanapin ang sariling mga kabarkada. Ayaw niyang ma-stuck sa mga kaklase niya hanggang mamaya! At saka... at saka bakit magkakaiba sila ng strands noon?!

Habang hinahanap niya ang mga kaibigan, natigilan na lang si Gian noong maramdaman ang pag-akbay sa kanya ng mga dating kaklase. Man, how this makes him feel nervous and uncomfortable. Hanggang kailan niya kailangang tiisin ang ganitong sitwasyon?

"Sabi nila, 'di pa rin daw nag-aasawa si Cess? Baka mamaya, magkabalikan kayo," said Lester.

Gian shivered at the thought and if he could only see himself, he is sure as hell that his face paled.

"T-talaga ba?" Kabado siyang tumawa bago nag-iwas ng tingin at napalunok. "Um, 'di na 'ko interesado kay Cess."

"Weh?!" Gulat na sabi ng mga ito.

Nabigla si Gian noong pabiro siyang itulak ng mga umakbay sa kanya. Napaabante siya at muntik na bumangga sa iilan pang mga kaklase na nakapalibot sa kanila ngunit mabuti na lang at nag-improve na ang reflexes niya sa ganito. "Hoy, seryoso?! Sabi ni Cess, magkasama raw kayo no'ng minsan! Bumisita raw sa café mo," this is what one of their classmates pointed out which only confused Gian.

They are talking about that day when Princess bought her mother a cake, isn't it? He pressed his lips together and tried to search for Princess, but once he discerned where she is, he immediately looked away before she could notice that he took a glimpse over her direction.

"Bumili siya ng cake para sa mama niya. I-iyon lang naman," paliwanag ni Gian.

But his ex-classmates don't seem convinced. "Hinatid mo rin daw sa sakayan si Cess!"

"Oo? N-nasa labas lang naman ng café ko ang kalsada 'tsaka medyo mabigat ang cake na binili niya. May problema ba ro'n?"

Most of them stared at Gian incredulously. Iyong tipong parang may mali siyang sinabi at may na-miss na punto sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila ni Princess? But, he can't just see their point because there is Lyle and who is he to bother about Princess? They are exes. End of story!

"Nako, Gian! Kaya 'di ka magka-girlfriend ulit dahil mali ka ng tinitignan!" Reklamo noong kaibigan dati ni Princess noong shs pa lang sila.

Gian, on the other hand, just chuckled. "Anong mali? Um, may iba na 'kong gusto. 'Di ko makita anong problema ro'n?"

Kung kanina, hindi maipinta ang mga mukha nila dahil hindi sila naniniwala sa kanya, ngayon naman e halos hindi mo masabi kung anong ekspresyon ang ginagawa nila dahil sinabi ulit niyang may iba siyang gusto. "Che! Sigurado kaming kay Princess ka may gusto. In-denial ka lang!"

No, that is not the case. Ipinilig ni Gian ang ulo at gusto sanang magsalita para dipensahan ang sarili ngunit nanatili siyang tahimik. He cannot find the heart to explain things to them. He surmises that they would not understand.

After all, they'll just keep on cheering to a romance that was never serious in the first place.

"Puppy love lang 'yong sa 'min ni Cess," dagdag niya pa but all of them just hollered at him.

May balak ba silang bingiin siya?!

*

Gian:

I don't like it here :( the event's boring :(

Gian sent a sticker.

Gian sent a sticker.

LYLE cannot help it but to cover his mouth the second he read Gian's messages. It's to stop himself from smiling. Tanghaling tapat at nasa kalagitnaan ng pagkain ng tanghalian si Lyle noong ma-receive niya ang text. Inakala niyang tungkol iyon sa business kaya tinignan niya, but here! He is just surprised that Gian really texted him.

Kanina pa niya ito hinihintay pero nag-pay off naman dahil ang cute ng mga stickers na sinend nito sa messenger. It's of a dog with huge puppy eyes and Lyle can imagine Gian making this face.

"Uy kuya, sinong ka-text mo? Ngiting-ngiti, a. Si kuya Gian ba 'yan?" Biglang sabi ng nakababata niyang kapatid.

This prompted him to immediately drop his phone at the side of the table, clear his throat, and act as though the text he received was nothing. He then faced his younger sister and attempted to wear a frown on his face.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Anong ngiting-ngiti? Namalikmata ka lang," dipensa niya.

But he should have known better because his sister would most likely to ask help from their parents. Wala lang, gusto lang talaga nitong dini-disprove iyong dipensa niya. Tipikal na bonding nilang magkapatid. "Ma, Pa! 'Di raw nakangiti si kuya no'ng binabasa 'yong text, o. Nagdi-deny!" Sumbong nito na siyang ikinasimangot ni Lyle.

College student na pero kung umasta, parang bata pa rin. Gusto niya sanang magpaliwanag ulit ngunit humagikhik lang ang ina nila samantalang umismid naman ang ama nila.

"Hayaan mo na kuya mo, minsan lang magka-lovelife 'yan ng matino," pang-aasar ng mama nila.

Now, he is just staring at his family incredulously. "Ma naman, matino naman 'yong mga pinakilala ko sa inyo dati!"

"Pero walang dadaig do'n sa kaibigang pinakilala mo sa 'min nitong nakaraan. Ang layo ni Gian sa mga ex mo," dagdag ng papa nila na mas lalong ikinasimangot niya.

Alright. Hindi siya tatanggi na iba nga si Gian sa mga ex niya pero paanong napunta sa kanila iyong usapan? Ah, siya nga pala iyong nagbukas pero hindi niya inasahang ito ang tatahaking daan ng usapan nila!

"Tsaka, 'di ko naman kaanu-ano si Gian. Magkaibigan lang kami," kalauna'y sabi niya.

He already dropped the conversation about his exes so no one should attack him about them anymore. Also, he already made it clear that he and Gian are just friends, because they are!

But none of his family members seem convinced, especially with how quick Lyle reacted when his phone beeped again due to a message from Gian. Tang ina, magsisinungaling din siya kung hindi niya mabilis na hinablot iyong cellphone niya sa gilid ng lamesa para lang basahin iyong mensaheng sinend ng binata!

Gian:

They keep asking me why am I single, I'm uncomfortable haha

Hindi maiwasan ni Lyle na ikunot ang noo habang paulit-ulit niyang binabasa ang mensahe ni Gian. Bakit naman siya tatanungin ng mga ito kung single siya? Well, uh. Okay. Baka hindi lang din talaga madalas sa mga reunion si Lyle kaya hindi niya rin maintindihan ang motibo ng mga ito sa likod ng pagtatanong?

Me:

Bat naman sila curious kung single ka pa? It doesn't make sense?

Windang. Namangha si Lyle noong mabilis siyang naka-receive ng reply mula kay Gian. Ibaba pa lang sana niya ang cellphone niya pero nakapagtipa na ito ng sagot sa text niya? Gian:

Di ko alam, Ly. :(

Gian sent a sticker.

Stickers... really take Lyle aback. Noong makita niya na asong umiiyak naman ang sinend nito, hindi napigilan ni Lyle ang mahinang matawa. Kung hindi nga lang biglang tumikhim ang ama niya, ipinapahiwatig na limot na niya ang tanghalian niya, hindi pa bibitawan ni Lyle ang cellphone niya.

Mamaya na niya re-reply-an si Gian!

"Anong sabi ng future son-in-law namin?" Tanong ng mama niya noong reply-an niya si Gian, at hindi man lang talaga napansin ni Lyle ang terminong ginamit nito para kay Gian.

Talagang pumasok sa isang tenga ni Lyle ang sinabi ng ina ngunit lumabas din sa kabilang tenga kaya hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin. At dahil nga hindi man lang siya nag-react, nagkatinginan ang nanay at kapatid niya bago parehong napangisi.

Cons of not paying attention, but Lyle still blurted out an answer nonchalantly.

"Nagkukwento lang si Gian tungkol sa reunion nila. Iyon lang," kwento niya, hanggang sa biglang humagikhik ang mga kasama niya sa hapag liban sa papa niya na napainom ng tubig. Nagtataka tuloy niyang tinignan ang mga ito, "anong problema? Ba't kayo humahagikhik?"

"A-ah! Wala lang, kuya! Natuwa lang kami na magka-text kayo ni kuya Gian!" Pagsisinungaling ng kapatid niya.

Tumikhim naman ang mama niya. "Ba't 'di mo na lang imbitahan si Gian dito pagkatapos ng reunion nila nang kahit pa'no, mabawi 'yong sinayang na oras do'n?"

"Huh." Lyle shrugged and resumed to eat. "Tinatanong ko siya kagabi kung pupunta ba siya. Halata namang ayaw niya pero 'di ko alam ba't tumuloy pa rin."

His tone must have sounded too reprimanding that his mother snickered again. Pakiramdam niya, pinagti-trip-an na lang siya nitong mga kapamilya niya kaya binilisan niyang kumain nang makaalis na sa hapagkainan. He also needs to response to Gian and help the male waste time during the reunion while Lyle's also satisfying himself with a few digital interaction with Gian.

Lyle:

Sorry kakatapos ko lang kumain. How are you? Nakakasurvive ka pa ba dyan?

Gian:

Tingin ko maiiyak na ko hehe. Nawawala sina Zamiel ako nalang ata magisa sa reunion :(

Gian sent a gif.

Lyle:

Imposibleng mag isa ka dyan, Gi. Reunion ng batch mo tas solo mo yung restaurant? Hahaha

Gian:

My bad :o pero wala talaga sila Miel!!!

Napahimig si Lyle habang binabasa ang conversation nila ng binata. He is happy with their discussion but is it not weird that Gian is suddenly alone when he came to the reunion with his friends? Hinanap na rin ba ni Gian? Magtitipa na sana ng tanong si Lyle noong bigla na lang mag-send ng panibagong mensahe sa kanya si Gian.

Gian:

Wala sila, tatakas din ako! Pwede bang pumunta sainyo? Magdadala ako ng miryenda!

Oh shit. Halos mabitawan ni Lyle ang cellphone nang magtanong si Gian kung pwede ba itong mag-surprise visit. Mabilis din niyang inilibot ang mga mata sa kwarto para masigurong malinis ang buong kapaligiran.

As he scrutinized his own room, his gaze fell off to his work table and saw a pile of papers scattered across the furniture. Natatarantang napatayo si Lyle mula sa kama at mabilis na in-approach ang lamesa nang sa ganoon e mailigpit. Tapos, bumalik siya sa kama at saka natantong wrinkled ang bed sheets at ang kalat niya kaya iyon naman ang inayos niya. Plano na rin niya na mag-conduct ng panic cleaning ngunit habang ginagawa niya iyon e bigla siyang natigilan. Bakit siya nagpa-panic e hindi naman sila tatambay sa kwarto niya?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report