Can I be Him? -
CHAPTER 26.2
"NAKAKATUWA naman! Good evening, hijo!" Bati ng ginang sa kanya bago siya nito hinawakan sa magkabilang braso para... eksaminahin?
"G-good evening din po," nahihiya niyang bati pabalik dahil ang taas ng enerhiya ng ina ni Gian.
Sigurado ba ang kaibigan niya na ito ang nanay niya? Ang layo ng character nito kay Gian! The doubt that he feels!
Tuwang-tuwa ito nang makita siya at halos kumislap ang mga mata habang pinagmamasdan siya. Napaatras siya nang hilain siya nito papasok sa bahay nila. Sinabi pa na ayos lang kung ipapasok niya ang suot na sapatos sa bahay nila. "M-ma! Iyong halaman!" Pang-aagaw ni Gian sa atensyon ng ina. Napalingon naman ito sa anak at pabirong inirapan ito. "Mama naman, e!"
Nilingon din ni Lyle si Gian at nang makita ang cute nitong pagkakanguso, hindi niya malaman kung gusto ba niyang matawa o picture-an ito. He looks so comical! It is cute! The way how Gian protruded his lips is just so... squishy? Nabawi si Lyle sa pag-iisip nang sumagot ang ina ni Gian. "Ilagay mo nalang muna roon sa labas. Naku naman, Gian! Dali, dali! May bisita tapos tatanungin mo pa 'ko!" "P-pero..." Gian whined.
Natawa siya nang dumaing si Gian na parang bata - wait no, he actually looks like a puppy! Nakanguso pa rin ito pero nang matantong wala na itong ilalaban sa ina e tumalikod na sa kanila para ilabas ang halaman. "Mama naman! Parang ngayon lang nakakita ng tao! Nakakahiya, mukhang nagulat pa si Lyle sa 'yo..." Reklamo pa ni Gian habang lumalabas.
Huminga naman ng malalim ang mama nito. "Tigilan mo 'ko Gian Cyrus, at ngayon lang talaga ulit ako nakakita ng bagong tao!"
Gian Cyrus... Lyle's mouth formed an "o" when he figured out that Gian has a second name. Hindi niya iyon napansin dahil hindi niya rin madalas na tinitignan ang name plate na nasa mesa nito sa opisina. But come to think of it, does Gian even have one?
Noong wala na si Gian, muling bumaling sa kanya ang ina nito kaya pilit din siyang ngumiti. Naipilig ni Lyle ang ulo nang mahinang tumawa ang ginang. Lalo na noong igiya siya nito tungo sa isa sa mga single couch at paupuin doon. Habang ito, umupo naman sa katapat na couch ng kinauupuan niya.
"Pasensya ka na kung nagulat ka sa 'kin, a? Ngayon lang nagdala ng bagong kaibigan ang anak ko. Mula noong bata kasi hanggang ngayong matanda na, sina Ridge lang ang madalas na binibitbit dito," paumanhin ng ginang.
Lihim siyang ngumiwi nang maintindihan ang dilemma nito. Mahiyain nga naman kasi si Gian. Hindi nga niya akalaing ito palang kaharap niya ang ina ng binata samantalang punung-puno ito ng buhay. Kung hindi lang siguro ito nahahawig sa anak, iisipin niyang iyong mga Chastain ang tunay nitong mga supling!
"Oo nga pala, anong pangalan mo?" Anito.
Napaupo naman siya ng tuwid. "Ah, Lyle po. Lyle Villariza."
"Oh, ikaw pala si Lyle!" She enthusiastically replied which somewhat confused Lyle.
Muling tumawa ang ginang. Sakto rin na tumawa ito, siya namang pagpasok ni Gian ulit sa bahay nila kaya agad niya itong binalingan. At nang makita ang itsura ng binata, kinailangan pa niyang kagatin ang pang-ibabang labi nang hindi matawa! Paano ba naman kasi e nakasimangot at mukhang hindi makapaniwala na inagaw nalang siya ng ina nito.
"Ma..." tawag nito sa ina.
Lumingon ang ginang sa binata. "Nandiyan ka na pala? O sige, kumuha ka ng miryenda nitong si Lyle! Kakausapin ko lang sandali bago ako magluto, aba."
"T-tignan mo 'tong si, mama! Wala pa palang naluluto."
"E, 'di ka naman nagsabing magdadala ka ng bisita! Nag-enjoy ako na manood ng mga teledrama riyan sa TV! Gandang-ganda ako sa istorya!"
Naaaliw na pinanood ni Lyle ang mag-ina na magtalo. Ngunit hindi nagtagal, si Gian pa rin ang sumuko. Napahagikhik siya lalo nang magpahabol pa ang ina nito na magsaing daw si Gian. Hindi pa nga makapaniwala ang kaibigan pero um-oo rin naman.
"He's been aloof since he was a kid," biglang panimula ng ginang noong wala na si Gian at nakapanhik na sa kusina nila, "manang-mana siya sa tatay niya kaya 'pag nagdadala ng kaibigan dito, nagugulat ako." Aloof, huh. At sa tatay pala nagmana. Nagbaba siya ng tingin sa mini glass table ng pamilya saka napaisip.
"Kahit po ba iyong mga ex-girlfriend niya, hindi niya pa dinala rito?"
"Naku, wala rin!" Bumuntong hininga ang ginang. "Nagsasabi lang siya 'pag mayroon. Mahihiya pa at magtatago sa kwarto pagkatapos namin malaman. 'Pag sinabi ko namang dalhin dito nang makilala namin, tumatanggi. Sinasabing baka 'di rin naman daw sila magtatagal. He's too pessimistic. Natatakot tuloy ako na baka tumandang binata 'yan."
But he doubts it, though. Magandang lalaki si Gian at talagang napapalingon ang mga kababaihan sa tuwing makikita siya. Hindi lang din talaga siguro ito aware kung gaano kalakas ang "charm" niya dahil sobrang mahiyain.
Well, that is by looking and basing on Gian's physical aspect. Kung ang mindset nito ang gagawing basehan, kailangan niya noong optimistic at kokontrahin ang ideology nito na "baka hindi sila magtagal".
And now, for the real question... is Lyle optimistic? Ah, no. He should not be thinking about that. Hindi naman siya ang gusto, e. Magsasayang lang siya ng brain cell. But still, is he optimistic enough?
"Pero nitong nakaraan po tita, ang alam ko e merong nagugustuhan si Gian?" Tanong niya.
"Mama nalang din itawag mo sa 'kin," sabi ng ginang na siyang dahilan para umawang ang mga labi niya.
Sandali lang, nawiwindang siya.
Nang mapansin ng mama ni Gian ang gulat na nakapinta sa mukha niya, hindi nito napigilan ang mapahagikhik. Mukhang inaasahan din ng ginang ang pagkagulo sa kanya.
Then, she continued, "gano'n ang gusto kong itinatawag sa 'kin ng mga kaibigan ni Gian. Pero oo, balita ko nga rin kay Zachariel noong nakaraan, meron daw. Tinanong ko rin kung sino ba pero ang sabi, lalaki raw ang nagugustuhan." At some point, Lyle got distracted by the explanation he received. It sounds plausible! Mabait talaga ang mama ni Gian at approachable. Ang lambing, parang iyong anak niya. But wait, wait he thinks that he heard something. "Um, sorry po. I wasn't paying attention but you mentioned something about Gian's uh, object of affection?" Tanong niya na ikinagulo naman ng ginang.
"Ano ang object of affection?"
Oh shit. Hindi dapat siya gumamit ng ganoon kakumplikadong salita! "I mean ano po, iyong nagugustuhan ni Gian. May sinabi po kayo kaso 'di ko narinig."
"Ah!" Gian's mother clasped her hands and Lyle can swear that it's the cutest thing he had ever seen next to Gian's pout. "Nabanggit ng kaibigan ni Gian, si Zachariel, na lalaki raw ang nagugustuhan ng anak ko. May alam ka ba, Lyle?" Huh? Imbes na rumesponde sa tanong nito e natulala si Lyle. Lalaki? Lalaki?! Ang alam niya babae?!
Napapantastikuhan niyang pinagmasdan ang ginang. Hindi alam kung saan kakapa ng mga salitang isasagot dito. Hindi siya makapaniwala lalo na at sa bibig pa nito nanggaling! Pero hindi nagtagal, kumalma rin siya dahil kay Zachariel galing ang impormasyon.
Kung galing kay Zachariel, ibig sabihin, hindi gaanong plausible. Iyan ang natutunan ni Lyle kay Gian.
Anyway, his silence must've sent wrong signals to Gian's mother that she cleared his throat to catch his attention.
"Baka iniisip mo, mali na hinahayaan ko iyong anak ko na magkagusto sa kapwa lalaki?" Kalauna'y basag ng ginang sa namutawing katahimikan, "wala talagang problema sa 'min dahil priority namin kasiyahan ni Gian. Saka nabuksan na rin isip namin matapos malaman na si Ridge pala at Zamiel."
Mabilis naman siyang napailing. "A-ah, hindi po. Ako rin naman kasi... um. Nagkakagusto rin po... sa kapwa ko lalaki."
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Lyle nang mabilis na takpan ng ginang ang bibig. Mukhang namangha sa paglabas niya rin ng totoong kulay. Kaya lang mas magandang maging tapat kaysa naman itago ang totoo, hindi ba. Moreover, he's curious about the truth behind the person Gian's in love with.
"Di pa naman kinukumpirma ng anak ko kung sino ba talaga ang nagugustuhan niya. But your name's Lyle, 'di ba? Kanina, iyon ang sinabi mo sa 'kin."
Marahan siyang tumango. Saka palang din ibinaba ng ginang ang kamay na nagtatakip sa bibig nito. Mabilis na kumurba ang ngiti sa labi niya nang maging ang ginang, ngitian din siya.
Wala lang. She just... her smile just... reminds him of Gian's. Kung sa bagay, nanay ng binata ang kaharap niya.
"Palagi kang ikinukwento pala ng anak ko. Mabuti nalang, dinala ka na rin dito sa bahay at nakilala kita! Palagi pa noong sinasabi na designer ka raw? Tuwang-tuwa pa noong may dinala na CD dito na naglalaman daw ng turn mo sa event ba 'yon? 'Di ko alam kung saan. Ipinanood pa sa 'kin dahil siya raw iyong inspirasyon mo sa koleksyon ng mga damit!"
Napaubo si Lyle habang nakikinig sa kwento ng ginang. His hands also clenched into fists and... he does not know how to respond anymore! Siya ang nakakaramdam ng second hand embarrassment para kay Gian!
Although, the thought that Gian was delighted while watching the CD that he brought for him also made him happy. Pero nai-imagine niya kung ano ang magiging reaksyon nito kung malamang isinawalat ng ina lahat ng ginawa. While he was trapped in the middle of these thoughts, Gian's mother decided to cut the threatening silence behind them.
"... and do you want to see Gian's baby pictures?"
"Opo," mabilis pa sa ala singko niyang sagot kahit na hindi pa nakaka-get over sa kwento nito. Baby photos? Hindi niya palalagpasin na makita iyon.
And man, how embarrassed Gian was when he came back with drinks and snacks then he saw Lyle with his mother, looking at his baby photos
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report