Can I be Him?
CHAPTER 23.1

BAGAMAT sinabi niya kay Keegan na hindi niya pupuntahan si Gian, sa huli, dumaan pa rin siya roon. He does not want to be a let down. Nag-bake si Gian ng carrot cake para sa pamilya niya. Bukod sa sayang ang pagkain, ayaw niya ring ibalewala ang effort nito dahil lang sa personal niyang problema.

Okay, mukhang magsusuot nga siya ng clown wig sa harap ni Keegan.

Pero kaagad niyang pinagsisihan ang pagdaan dito dahil pagbaba niya sa motorsiklo, siya ring paglabas ni Gian mula sa sariling café kasama ang isang hindi kilalang babae. Masyado noong abala ang dalawa sa pagkukwentuhan kaya hindi siya napansin. Nagtatawanan pa nga at hindi rin napansin ni Lyle na nanatili ang mata niya sa dalawa. More so, he was unconsciously looking at the woman walking beside Gian. From head to toe.

Matangkad ito pero mas maliit kay Lyle. She has a long and wavy hazel nut hair and porcelain skin. Her eyes are round while her nose is tall, her lips are thin and they look soft and luscious with her red lipstick. Bukod sa ganda nito, magaling din itong magdala ng damit. She was wearing a white tank top along with a navy blue old school jeans, all summed up with white rubber shoes.

Moreover, Gian seemed so happy around her. It radiates with the way he smiles, of how his eyes almost squints, and his nose scrunching while he's near her. He looked extra carefree around the maiden and he was also bringing her orders that all Lyle could do was stare and watch.

And he's not gonna lie, they look great together. Parang mga soulmates na nagkita ulit, at hindi man niya sabihin, parang kinurot ang puso niya.

Kung sa bagay, kung straight din siguro siya, ganyan ang reaksyon niya sa babaeng natitipuhan niya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin noong manatili sa harap ng café ang dalawa. Sa tabi ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan. Nag-uusap pa rin at noong aksidente siyang pasadahan ng tingin ng kasama ni Gian, mabilis siyang nag- iwas ng tingin.

To be honest? None of their interaction made him jealous and drained but he feels heavy because of his own thoughts.

Sa halip na abalahin ang sarili sa panonood sa kanila, inasikaso ni Lyle ang sarili. Nag-iisip din siya kung maghihintay ba siya rito para kay Gian o papasok na sa café. Naisip niyang gawin iyong pangalawa niyang naisip.

And he was supposed to do it quickly until he overheard their conversation.

"Kita nalang tayo sa Linggo, ha?" Malambing nitong sabi kay Gian.

"Si-sige. Iki-clear ko na iyong schedule ko. I-ingat ka!"

Lyle couldn't help it but to snort. Huh. Ano iyon? Magdi-date sila? The thought made him taste something bitter in the back of his throat. Napalunok tuloy siya at tuluyan nang pumasok sa café. Nakasimangot din bago okupahin ang pinaka malapit na pwesto mula sa pinto.

Ganito naman ang gusto niya, a. Si Ridge ang pinili niya at malinaw iyon, pero dala ng pagkakagusto niya rin kay Gian, kung anu-ano ang nararamdaman niya nang makita itong may kasamang iba. Kaso hindi na dapat dahil pumili na siya kung kanino magfo-focus.

Dahil nasa tabi lang siya ng pinto at salamin lang din ang naghihiwalay sa kanya at sa senaryong nasa labas, napasinghap si Lyle nang halikan noong babae sa pisngi si Gian bago ito sumakay sa jeep. Tumuwid pa ang pagkakaupo niya bago siya napaisip, bakit siya nakatingin doon?!

Namamangha niyang pinagmasdan ang mga ito hanggang sa mawala na sa paningin niya ang jeep na sinakyan noong kausap ni Gian. Hindi nagtagal, lumingon na si Gian at napasinghap ulit siya nang magtama ang mga mata nila. Lalo na noong lakad takbo itong bumalik sa café.

Lyle's heart... began to beat erratically. Nanatili rin na nakaawang ang bibig niya habang kinakabahan dahil palapit si Gian sa kanya. What should he do?!

"Lyle, dumaan ka!" Iyon ang ibinungad sa kanya ni Gian nang makapanhik na ito papasok sa loob ng sariling establisyimiyento. And Lyle felt his eyes watery when Gian seemed to haven't moved on yet from his interaction with the woman he was with...

Because Gian never ever greeted him with so much enthusiasm. Madalas, nahihiya ito sa tuwing nasa paligid siya. Nagiging tahimik at hindi alam ang gagawin. "A-ah..." Ilang beses siyang huminga ng malalim bago tumango. "Pasensya ka na, na-late ako. May last minute kasi akong meeting na tinapos."

Nahirapan na lumunok si Lyle nang mapansin ang mga mata ni Gian na mataman siyang tinititigan. Napansin niya rin ang bahagyang pagkunot ng noo nito bago ibinuka ang bibig para magtanong. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong.

Halos masamid naman siya sa sariling laway. Huwag nitong sabihin na napansin niyang hindi siya gaanong masaya na makita ito? Dahil una, itong realisasyon niya. Pangalawa, iyong kasama ni Gian kanina. "Oo naman? Ba't mo naisip na hindi?"

Ipinilig nito ang ulo bago kinagat ang pang-ibabang labi. "N-nothing... you just seem different today."

"Huh?"

Magtatanong sana siya ngunit umiling nalang si Gian bago siya minuwestrahan na sumunod sa kanya. Siguro, ibibigay na ang regalo nito dahil iyon lang naman talaga ang pakay niya rito, 'di ba? Wala nang iba, hindi naman siya nito dadalhin sa opisina at....

Sandali, bakit lumagpas sila sa may counter at kitchen?

"Gian?" Tawag niya sa kaibigan.

Hindi siya nito kaagad na napansin dahil naririnig niya itong bumulong. Tila ba kinakausap ang sarili kaya kailangan niya pang lumapit dito at tumabi nang sa ganoon e mapansin siya. "Gian," aniya ulit.

Nagulat si Gian nang bigla e nasa tabi na siya nito. At bagamat mabigat ang loob, hindi niya pa rin naiwasang maaliw at matawa sa reaksyon nito.

"B-bakit? N-narinig mo ba 'yong binubulong ko?" Hindi nito mapakaling tanong, "a-anong parte iyong narinig mo? Kaya ko naman na magpaliwanag p-pero, hindi ako handa ngayon!"

Namamangha siyang napatitig sa mga mata nito, pero hindi kinaya ni Gian ang eye contact kaya ito nag-iwas ng tingin. Ipinilig nga nito ang ulo at mukhang tumingin sa mga customers niya na para bang sinisigurong hindi sila tinitignan ng mga ito.

Huminga si Lyle ng malalim at naghanda na magsalita. Ang hindi niya inaasahan, maging si Gian pala e makikipagsabayan sa kanya.

"N-nasa opisina iyong carrot cake na ipapabigay ko sana sa inyo."

"Mukhang 'di mo talaga maalis isip mo sa kasama mo kanina."

Both of their lips protruded when they realized that they spoke at the same time. Muling nagtama ang mga mata nila at nakapagtitigan. Umangat ang isang kilay ni Lyle samantalang si Gian, namutla. "Sige, ikaw na maunang magsalita," aniya. Isinusuko ang limelight para kay Gian.

"H-huh..." Namamangha pa rin nitong sambit bago nagpatuloy sa paglalakad tungo sa opisina nito. "Wala... wala akong girlfriend, Lyle?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Kumunot ang noo niya. E bakit patanong ito kung sumagot? Kung wala naman pala. Nevertheless, he still followed Gian to where he is going.

Pagak siyang tumawa. "Anong wala? Magkasama pa nga lang kayo kanina. Hinalikan ka pa nga sa pisngi, 'di ba?"

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya nang mapansin niya ang pamimilog ng mga mata ni Gian. Na para bang may mali at hindi niya dapat binanggit ang nakita kanina.

"N-nakita mo pala 'yon," mahina nitong sabi bago tumigil sa harap ng pinto ng opisina, "wala 'yon. 'Di ko siya girlfriend-"

"Pero gusto mo?" Agap niya.

Mabilis na umiling si Gian. Dumiin din ang pagkakahawak nito hindi lang sa doorknob ng pinto kung hindi maging sa susi.

"Hindi, iba 'yong gusto ko, Lyle. Ka-batch ko pero 'di naman kami pumasok sa parehong senior high, e."

"What?"

Mahinang tumawa si Gian bago binuksan ang pinto ng opisina niya. Tulad ng nakaraan, malawak ang pagkakabukas noon at pinapauna siya ng binata. Kaya ginawa niya ang gusto nito. Nauna siyang pumasok sa opisina ni Gian at kaagad niyang nakita ang kahon ng cake na nasa lamesa nito.

Then he heard the door click which made him flinch. Pero nang lingunin niya si Gian, maging ito e nagtataka sa pagkabigla niya. Nang mapansin ang sariling kalokohan, ipinikit ni Lyle ang mga mata at tumikhim.

"Ano 'yong sinasabi mo kanina?" Aniya, binabalikan iyong mga detalyeng sinabi ni Gian kanina. Those were irrelevant, to be honest. He needn't to know them but Gian gave him such a vague yet detailed answer to describe the person he likes. "Si... ano, Princess," nahihiyang tugon ni Gian bago nag-iwas ng tingin, "ex girlfriend ko noong senior high, p-pero hanggang doon lang 'yon! Wala namang kami ngayon kasi iba na 'yong gusto ko!"

"How about your... date... this Sunday?" Lyle unconsciously replied.

"Ah, para sa reunion namin 'yon noong SHS," paliwanag nito.

Reunion, ulit ng utak niya. Reunion lang pala ang pinag-uusapan ng mga ito kanina at hindi date.

Kung alam lang din ni Lyle ngayon na umaarte siyang parang boyfriend ni Gian, baka mas maaga siyang tumigil sa pagtatanong. Ang pakiramdam kasi ngayon ni Gian, nasa hotseat siya at isang maling sagot lang, aalis si Lyle nang hindi man lang siya kinakausap.

"And the kiss?"

Doon napaatras ang binata. Namula rin ang mga pisngi nito bago mabilis na umiling.

"I... I..." Kinagat ni Gian ang pang-ibabang labi ngunit nanatili ang mga mata nito sa kanya. "She said that it was just a friendly kiss?"

Namutawi ang katahimikan nang hindi sumagot si Lyle. He's feeling 50-50. Alam niyang hindi ugali ni Gian ang maging playboy dahil wala rin sa personalidad nito, but he's having his doubts. Napansin naman iyon ni Gian kung kaya napaatras ito at kabadong natawa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "You don't believe me, do you?" Aniya.

Marahan siyang tumango. "Iniisip ko kasi na baka siya pala 'yong babaeng tinutukoy mong gusto mo. Kaya 'di ko magawa na maniwala. Itinatanggi mo lang siguro."

"Pero totoo iyong sinasabi ko," sagot ni Gian bago lumapit sa kanya. Tumigil ang binata sa harap niya pero napaatras din kalaunan. Hindi niya nakuha kaagad kung bakit pero nang biglang yumukyok si Gian at takpan ang mukha, naintindihan niya kaagad na nahiya na naman ito.

First of all, if he can't handle erasing the distance between them... then he shouldn't really be trying so hard. But then again, wasn't Gian the one who held his hand last, last, Friday and held his waist? Minsan, hindi niya talaga mabasa ang tumatakbo sa isip nito.

"S-sorry, nahihiya akong tumingin sa 'yo." Tumayo ulit si Gian at inipon ang tindig. Tumikhim din ito para ihanda ang sarili na magsalita. "S-seryoso akong hindi siya 'yong gusto ko Lyle. Sabi ko naman sa 'yo, magkakilala kami mula noong senior high. Iyong tinutukoy ko, dito lang din talaga sa café ko nakilala."

Lyle pressed his lips together when Gian spoke in such a gentle yet serious manner. Hindi na rin siya nagsalita o nagkomento pa ukol sa sinabi nitong alibi. Who is he to doubt him? But huh, now that he mentioned that...

Oh, God! Nakakahiya! He should've thought about this earlier instead of interrogating Gian without a proper context! Ni hindi man lang talaga niya naisip at nagselos nalang siya bigla?! Anong klaseng katanghan itong ginagawa niya sa buhay niya?!

Itinago ni Lyle ang pagkapahiya sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin kay Gian, pero hindi hinayaan ng binata na makawala siya mula sa titigan nila dahil ipinihit din nito ang ulo para sundan ang anggulong tinitignan niya. It made Lyle feel uncomfortable but at the same time, fuzzy. Especially in his stomach.

Maling-mali na ganito ang nararamdaman niya kung kailan naman ang lakas ng loob niyang piliin si Ridge nito-nito lang!

"Galit ka pa ba?" Iyong tanong ni Gian na iyon ang biglang nakapagpalingon sa kanya. Gulat niya itong tinitigan at hindi alam ang sasabihin! In fact, he became a stuttering mess like the other male. Lahat ng mga salitang pilit na kumakawala mula sa mga labi niya, tanging incoherent words lang!

"Hindi ako galit! Ba't naman ako magagalit?"

Gian's lips protruded. "Hindi ko alam, pero mukha kasing nagalit ka. Reunion lang talaga iyong pupuntahan ko sa Linggo."

"O-oo, sinabi mo na 'yon," nahihiya niyang sagot bago inilipat ang tingin sa buong opisina ni Gian, hanggang sa matanto niyang naririto siya dahil sa carrot cake, "at hindi ako galit. 'Kala mo lang 'yon. Um... kunin ko na pala iyong carrot cake, maaga sana akong uuwi e."

"A-ah! Oo nga pala!" Doon palang din nito naalala ang ibibigay kung kaya dali-dali itong lumapit sa lamesa at iniabot sa kanya ang kahon ng carrot cake. "Ito, aalis ka na ba niyan?"

Marahan siyang tumango. "Bakit mo naitanong?"

"W-wala lang."

Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka? Baka gusto mong umalis?"

"H-hindi, hindi. Nag-aalala lang ako kung makakapag-drive ka ba dahil... para kang namumutla."

Nanatili ang mga mata ni Lyle kay Gian. Iniisip na kung alam lang nito ang mga bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraang araw, baka nga hindi siya ganito ngayon. Namumutla at parang stressed na stressed.

Nevertheless, he still arrived at home safely. Sinabi ni Gian sa kanya na kung hindi na raw nito kayang mag-drive, sabihin sa kanya. Balak kasi nitong sunduin siya kung sakali saka ihatid sa kanila. Hence, he jokingly took the offer. But in the end, he didn't contact Gian since he can still manage on his own.

Hindi naman kasi siya namumutla dahil magkakasakit siya. Namumutla lang siya noong mga oras na iyon dahil huli na noong matanto niyang kung makapag-usisa siya sa buhay ni Gian, parang may karapatan siya. It stressed him out. Moreover, he appreciates Gian's concern. Those little gestures are something... they meant both good and bad in his stupid little heart. Sana lang, matapos na ito dahil mababaliw na yata siya sa kaiisip. Sapat na na iyong nararamdaman niya para kay Ridge ang umiistorbo sa kanya tuwing gabi. Ang malaman na may gusto siya kay Gian, baka tuluyan na siyang hindi na makatulog ng maayos sa gabi.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report