Can I be Him?
CHAPTER 22.2

BAGAMAT alam na ang nararamdaman pero hindi pa rin matanggap, palagi pa ring pumupunta si Lyle sa café nina Gian para kumain. Ang dahilan e kasi, ayaw niyang isipin nitong wala na siyang oras na makipag-usap sa kanya. Thing is, he doesn't stay in his café for too long unlike before. Sinasabi na lang niya na busy siya at hinahayaan naman siya ng binata.

He can't stay not because he feels suffocated. But because his heart can't keep up with every simple gestures that Gian does to him.

Hindi naman kailangang espesyal. Hindi rin siya kailangang hawakan ni Gian o kausapin ng matagal. Makita niya lang na sinusubukan nitong alagaan siya at i-accommodate kahit hindi sila direkta na magkasama, parang sasabog ang puso niya.

Lalo na sa tuwing mapagtatanto niyang ganito ito dahil magkaibigan sila at customer siya. Tapos, wala siyang karapatang makaramdam ng tuwa dahil hindi ba nga at ipinipilit pa rin niya si Ridge? "Nitong nakaraan, parang distressed ka."

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Lyle nang marinig ang malambing na boses ni Gian. Nang hanapin ng mga mata niya ang binata, natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng lamesang inookupa niya. Nakasuot ito ng apron at may hawak na mop. Wala rin itong suot na salamin.

And at that time, Lyle remembered the first time Gian has spoken to him. Ganito rin iyon pero hindi siya nakikita ng binata. Malamang, naka-contact lens ngayon si Gian dahil nanghihinayang ito sa perang ginastos para bilhin iyon. "Kanina ka pa ba riyan?" Tanong niya bago pilit na ngumiti.

Umiling ang binata. "Kararating ko lang. Nando'n ako kanina sa sulok, nagma-mop, tapos napansin kitang 'di ginagalaw pagkain mo. Ayaw mo ba?"

Napaupo siya ng tuwid at sa hindi malamang dahilan, prinotektahan niya ang pinamiling mga pagkain. Sa totoo lang, wala siyang ganang kumain pero hindi niya gusto ang naiisip ni Gian. Nagulat tuloy ito nang bigla siyang magsimula na sumubo ng makakain.

"Di, 'di ah! May iniisip lang talaga ako ngayon kaya hindi ako makapag-focus," paliwanag niya.

"A... alam ko," hindi pa rin nito makapaniwalang tugon bago tumikhim, "stress ka ba sa trabaho?"

"Oo," maliit ang boses na sagot niya, "tapos ka na ba na maglinis?"

"Hindi pa." Umiling ito at itinuro ang mga sulok na kailangan pang linisan. "Maglilinis pa 'ko roon habang wala pang tao. Dinaanan lang kita sandali kasi gusto ko sanang makasiguro na okay ka lang."

Little gestures. Nilulukob ng init at saya ang puso niya sa tuwing ganito umakto si Gian sa paligid niya. Nag-aalala at sinisigurong wala siyang kahit na anong problema. Lyle pressed his lips together before nodding slowly.

"Okay lang ako. Uubusin ko lang din 'to, tapos aalis na 'ko." Dahil baka masira niya pa ang dapat na schedule ngayon ng binata.

Nagtataka naman itong nagpilig ng ulo. "Ayos lang kung 'di mo maubos ngayon. Pupwede mo naman na i-take out, e. Alam ko kasi 'yong pakiramdam na 'di makakain sa sobrang stress."

"Sige," pagsang-ayon niya, "iti-take out ko nalang 'pag 'di ko talaga kayang ubusin."

Matapos ng maiksing pag-uusap, nagpaalam na si Gian na aalis nang makapaglinis na. Samantalang siya, nagsimula na ring kainin ang mga in-order. Hindi niya rin iyon naubos, tulad ng inaasahan nila. Kung kaya naman ipinabalot niya nang mai-take out. Pero habang hinihintay niya na dumating ang pagkain niya, nagulat siya nang si Gian ang mag-abot noon. May dala pa nga itong kahon... na para sa kanya?

Namamangha niyang pinanood ang binata na ilapag iyon sa island counter na naghihiwalay sa kanya.

"Para saan 'yan?" Tanong niya.

Matamis na ngumiti si Gian. "Para sa 'yo. Um, tiramisu 'yan. Pupwede mo ring ipasalubong kina tita... ingat ka sa trabaho, Lyle!"

Things like this... makes him more confused, and regretful.

The rest of Lyle's week was bland and boring. Without Gian, Lyle had to ask Kaleb to buy him lunch which the latter obliged since he busied himself with a bunch of work. He is also still concerned about his feelings for Ridge and Gian, thus; he texted Keegan that Saturday night.

Keegan:

Tignan mo 'tong isang 'to. Kung kailan ako naglalaro, saka magti-text! Lyle, 'di ka nalilito, pride mo nalang talaga 'yang kapit na kapit kay Ridge dahil 'di mo matanggap na iba na 'yong gusto mo!

Just accept your feelings, pre. Your time's running out. Baka sa Lunes na magkita ulit kayo, iba na nga ang kasama non at hindi pa ikaw! Me:

You're not helping, Kee. Keegan:

Nasa harap mo na ang sagot pero sige! Kung litung-lito ka na, makipagkita ka na kay Ridge at maglakas loob na umamin! Kumprontahin mo na 'yang nakaraan nang tumigil ka na kahihiling na sana nagkaroon ka ng tsansa sa kanya. Iba na 'yong gusto mo, 'di na siya! Ganon ang buhay, kumakapit ka nalang din dahil siya ang puno't dulo kung nasaan ka ngayon.

Werkends. Hindi niya halos mapansin ang oras dahil nalunod siya sa trabaho at kung anu-ano pa. Isa sa mga naging priorities niya ang pagsagot sa bawat mensahe ni Gian. Dumating din sa puntong tinatanong siya nito kung gusto ba niyang makipaglaro ng basketball sa kanila. Ayaw daw kasi ni Zamiel maglaro, pero tumanggi siya.

Pero gusto niyang pumunta!

Ayaw niya lang na ang magiging dahilan ng pagpunta niya, si Gian nalang talaga!

Kaya lang naisip niya rin, ganito rin naman noon! Pumunta siya sa basketball court para makalaro si Gian. Ni hindi niya naisip si Ridge sa sobrang sabik na makalaro ang binata ng basketball. Pero ngayong mas aware na siya sa nararamdaman, aba! Hindi talaga siya mapapaalis dito sa bahay nila!

Ang kaso, hindi pa rin siya nagkaroon ng inner peace sa pananatili sa bahay. Paano ba naman, panay ang hanap ng mga magulang niya kay Gian. Palaging binabanggit at itinatanong kung kailan daw ba ulit ito bibisita sa kanila.

"Sabi ng kaibigan mo, pupunta ulit siya rito, a. Abala ba sa trabaho?" Ganon ang madalas na tanong sa kanya ng ina niya lalo na tuwing hapon, "sayang naman. Gusto ko sanang magpasalamat ulit sa orchid at lutuan iyon ng makakain." Pagak siyang natawa habang tinutulungan niya ang ina na maglipat ng mga halaman. Nakabili kasi sila ng mga bago pang mapaglalagyan at para raw lumuwang ang bakuran nila.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Oo ma, busy 'yon. Nitong nakaraan nga, nag-cater ng desserts sa kasal."

"Kasal?" Ulit ng ina niya, "sinong kinasal, si Gian ba?"

"Hindi!" Mabilis niyang tanggi.

Noong nagtataka siyang pinagmasdan ng ina at para bang hindi ito naniniwala sa kanya, humugot siya ng malalim na hininga saka nagpaliwanag.

"Di ko kilala kung sinong ikinasal, e. Iyong kuya yata ng kaibigan niya."

Kuya ni Ridge to be specific, pero hindi niya mabanggit. Isa pa, nalaman lang din niya dahil ang news feed niya, punung-puno ng tagged photos para kay Ridge at Gian - dahil sila lang naman ang mga kaibigan niya sa facebook. Lyle heaved a deep sigh the moment he was finally able to land a heavy vase in peace. Hindi niya naibagsak tulad noong una niya iyong binuhat nitong nakaraang buwan. Ayos. Hindi siya mapapagalitan.

Bumuntong hininga siya at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo bago nag-inat. Hanggang sa napansin niyang nananatili pala ang mga mata ng nanay niya sa kanya. "Bakit?" Tanong niya.

Umiling ito. "Wala, 'kala ko si Gian ang kinasal. Kasayang naman ng batang 'yon kung ikinasal na."

"Sayang?" Natawa siya. "Di man, ma. Swerte nga ng makakatuluyan non."

"Kung ikaw ang makakatuluyan pati kami, swerte! Aba, bukod sa kegwapong bata ni Gian, bagay pa kayo!"

Nag-init ang mga pisngi niya. Dahil sa pagkabigla, hindi kaagad nakasagot si Lyle. Sa halip, nahulog ang panga niya at hindi makapaniwalang napatitig sa ina.

"Kaso baka babae ang gusto, 'no?" Kalauna'y dagdag ng mama niya, dahilan para halos masamid siya sa sariling laway. Ganoon din ang naiisip niya.

"Sa bagay, maganda rin ang genes ni Gian, sayang kung 'di magkakaanak 'yon sa babae. Pero kung ikaw pa rin ang gustuhin, swerte pa rin sa 'yo at welcome na welcome siya rito sa bahay!"

Dahil hindi alam ang sasabihin, hinayaan niyang magsalita ang ina niya. Ikinuwento pa nito na si Gian lang daw ang nagdala rito ng halaman at makakain na masarap! Akala niya tuloy, manliligaw ni Lyle. Kaya lang, nalinawan daw kaagad sila na kaibigan lang.

"Pero ma, nagdala rin naman 'yong mga ex ko ng pagkain dito noon."

"At anong dinala, pizza na tig-iisang daan?!" Singhal nito bago madramang sinapo ang noo. "Pero iyong bulaklak na naka-bouquet na ibibigay sa 'yo, pinagkagastuhan?! Magkano ang ganon, halos isang libo?! Naku, Lyle! 'Di dapat ganon! Wala kang mapapala sa ganong lalaki!"

At wala naman talaga siyang napala sa mga iyon. Pero teka, hindi niya maiwasang matawa dahil galit na galit ito at kung pagsabihan siya, parang babae rin ng pamilya. Samantalang nilinaw niya na lalaki pa rin dapat ang turing sa kanya. Iba lang ang preference niya sa pag-ibig.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Kung si Gian, naku! Madadagdagan pa ang koleksyon ko ng halaman. Ano pa raw bang wala roon sa nanay niya? May mga fortune plant tayo rito at mga bulaklak, ano kayang gusto non? May gumamela na ba sila?"

Nagpatuloy pa ang pagkukwento nito hanggang sa wakas ay matapos na sila sa paglilinis ng bakuran. Napadali rin dahil kauuwi lang ng ama niya galing sa pakikipagbilyaran. Ngayon lang naman daw kasi dahil weekends at katuwaan lang. Wala naman daw perang involved kaya hinayaan nila ng nanay niya.

Weekends passed by so fast that Lyle was unable to keep up. Dumating ang Lunes at tinawagan siya ni Keegan. Kumain daw sila ngayon sa labas nang dahil hindi na sila gaanong nakakapamasyal. He immediately agreed and unconsciously sent a message to Gian.

"Wow, this is... stupid," mahinang bulong niya sa sarili habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe niya para kay Gian. He just acted like a freaking boyfriend! Ni hindi man lang niya napansin dahil ito ang unang beses na magsabi siya sa binata!

And why did he do it? Because he had hoped that Gian would wait for him. Mula talaga noong aware na siya sa nararamdaman, ang dami ring pagbabago sa kanya! Madalas, hindi pa niya alam na may ginagawa na siyang kalokohan! His heart began to beat erratically when his phone received a text notification. From Gian, of course. Nanlambot pa ang mga tuhod niya at nakaramdam siya ng biglaang pagkahilo. Ayaw niyang buksan iyong text! But in the end, he did.

Gian:

Okay lang! Ingat kayo ni Keegan.

Nakagat niya ang labi at nasapo ang mukha nang basahin ang mensahe nito. Hindi ba naisip ni Gian na ang wirdo ng biglaan niyang pagti-text?

Halos mahulog ang puso niya nang muli siyang makatanggap ng panibagong text mula sa binata. To be honest, he should really be going right now. Pero hindi niya maiwasang matigilan sa tuwing magsasabi ito. Gian:

'Nga pala, kung may oras ka mamaya, punta ka sa café! May ipapabigay ako kina tita.

It took him all his might to think of a reply. Bakit ba ganito? Hindi naman siya nahihirapan kausap si Gian noon. Ang hirap naman magkagusto lalo na sa kaibigan mo. Tapos, alam mo rin sa sarili mong mali dahil hindi ka pa nakaka-move on sa kaibigan din nito.

Me:

Ano 'yan?

Gian:

Carrot cake. Baka gusto nila, hehe. Di ako makabalik sainyo nitong nakaraan e. Marami akong ginagawa.

Alam niya naman. Nag-reply nalang si Lyle na dadaan siya ng ala singko, pagkatapos ng trabaho niya. Tinanong niya si Gian kung nandoon pa ito niyan at kaagad itong nagsabi na oo. Kaya itinabi niya muna ang usapan sa likod ng isipan. Mamaya na niya babalikan kapag natapos na rin siya sa mga gagawin ngayon.

For now though, he must meet Keegan.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report