Can I be Him?
CHAPTER 20.3

"GUSTO mo bang itapon ko na?"

Huh? Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Lyle si Gian. He couldn't understand why he had to ask him something so trivial and something that he can just decide all by himself. Why does he sound like he's seeking for approval? Hindi tuloy maiwasan ni Lyle na ipilig ang ulo sa pagtataka.

Did Gian feel that he's irritated? Or does it show on his face?

Napasinghap siya sa napagtanto. Mabilis niya ring kinapa ang mukha at dinamdam kung anong klase ba ng ekspresyon ang ginagawa niya ngayon. He looks stupid, yes, but he has to double check if he's making a face! Nakakahiya naman na umaasta siyang parang bata samantalang wala namang dahilan para mainis kay Gian!

So what if he won't throw that girl's number, anyway?!

Habang parang tanga niyang kinakapa ang mukha, nagtataka naman siyang pinagmamasdan ni Gian. Hindi nito alam ang gagawin habang iginagala ang mga mata sa kapaligiran. Palibhasa, marami na rin ang nakatingin ngayon kay Lyle at pinanonood ang wirdo nitong reaksyon sa tanong niya.

Wala... wala naman siyang nasabing masama, 'no? Gusto lang naman niyang malaman kung gusto ba ni Lyle na itapon na niya ang papel na hawak dahil hindi naman pala niya gagamitin! Ayaw na niyang mabansagang "playboy type" ni Lyle! That's his last wish!

With those thoughts fogging his mind, Gian squeezed his eyes shut and bit his lower lip, took a deep breath, and cleared his throat.

"I... Itatapon ko na kung 'di mo nagustuhan 'yong sinabi kong mamaya ko na itatapon 'to," ulit niya.

That question seem to take Lyle aback again. Muli itong natigilan sa ginagawa at nang maabutan na nakapikit si Gian maasim ang ekspresyon sa mukha, hindi niya malaman kung tatawa ba siya o mako-concern lalo. Bakit siya ganito?!

Pinigil ni Lyle na matawa at sinagot na lamang si Gian, "anong ibig mong sabihin na 'di ko magugustuhan? 'Yon bang 'di mo pagtatapon sa numero no'ng babaeng nakamasid sa 'yo kanina?"

Tumango ang binata bago nag-iwas ng tingin. "Ano kasi, bigla kang nanahimik tapos... sumimangot ka bigla. Naisip ko baka 'di mo gusto 'yong naisip ko kaya kung gusto mo... itatapon ko na 'tong papel."

Oh. So he really was making a face. Pasimple siyang bumuntong hininga bago mahinang tumawa. It was a guilty chuckle, one that he does with a monotonous voice while he scratches his cheek in a feathery way. Awit, hindi niya alam kung paano sasagutin si Gian.

Hindi niya naman kasi desisyon iyon. Wala naman siyang naiisip na masama dahil wala siya sa posisyong pakialamanan ito. Though yes, it is a let down that Gian won't dispose the letter right away, he did say that he would take care of it later, yeah?

"Ah... 'di naman iyon tungkol sa papel. 'Wag kang mag-alala," ganoon nalang ang nasabi ni Lyle dahil baka mapahaba pa ang usapan at maabala pa niya si Gian, "baka nabo-bored lang talaga ako rito sa pila. Pero ayos lang 'yon, malapit na tayo."

Nakagat ni Lyle ang loob ng mga pisngi nang makitang lumiwanag ang mukha ni Gian. Tila ba naginhawaan ito dahil muli na naman siya nitong pinakitaan ng ngiting nakasisilaw.

"Isa nalang naman ang nasa harap natin kaya 'di ka na mababagot," ngiting-ngiti nitong sabi bago ibinalik ang mga mata sa harap. Tahimik namang pinagmamasdan ni Lyle ang binata, hindi alam kung ano ba ang iisipin, "oo nga pala, gusto mo ba na nakahiwalay ka ng sasakyan?"

Umiling siya. "Di ako marunong mag-drive."

"Huh?" Ipinilig nito ang ulo bago natawa. "Ah, naalala ko usapan natin kanina. Iyong inasar mo sa 'kin."

Napangiwi naman siya. "Di iyon! Marunong naman ako 'pag relasyon. Iyang indianapolis ang tinutukoy ko! Gian, a!"

Humagikhik ang kaibigan. "Sorry, natatawa lang ako 'pag naalala ko."

"Pinasaya kita, 'no?"

Natatawang tumango si Gian bago iniba ang usapan. Ang kaninang paksa tungkol sa numero, tuluyan nang nalunod at nabaon sa limot.

Marahil kinse minuto rin ang lumipas bago sila ni Gian ang sumunod sa indianapolis. At dahil masyadong malaki ang kaibigan, medyo nahirapan ito na mag-drive pero sulit pa rin naman ang experience. Mabilis lang nila iyong pinagsawaan dahil wala naman sila talagang makalaro na dalawa.

So Lyle asked Gian if he would teach him how to drive, which was accepted by the other.

And now... they are at a stall. Iyong mga tipikal na laro sa mga karnibal kung saan binabaril ang prize na gustong makuha. Madalas, hindi interesado si Lyle sa mga stuffed toy at hindi rin naman siya sentimental na tao. Kaya lang, may nakita siyang memento na gusto niyang itago para markahan ang araw na ito.

It's really weird because today's not that special.

Anyway, the memento he found is a stuffed toy. A mocha-colored corgi, and its size is just enough to be huggable. Ang fluffy tignan kaya nagustuhan niya kaagad. Parang ang sarap yakapin habang natutulog. Kanina pa niya iyon gustong makuha pero nakailang round na siya sa pamamaril gamit ang toy gun na ibinigay sa kanya pero hindi pa rin niya matamaan.

Kaunti nalang, yayaman na itong store owner dahil sa kaka-reload niya ng bala, e.

"Naku! Ang lapit na noon, sir!" Anito bago lumapit sa prizes saka iniabot sa kanya iyong tipikal na pambatang notes na may ballpen. Barbie pa ang design, talaga?

Bumuntong hininga naman si Lyle bago inayos ang baril mula sa mga kamay. Nag-aalangan man, kinuha niya iyon at naisip na baka magustuhan ng kapatid niya. Though, sigurado siyang babatukan siya noon. "Nakalimang ganyan na 'ko, 'di ko naman magagamit," komento niya na ikinahalakhak naman ng store owner.

"Ganyan talaga, sir! Pero sayang, kalapit na talaga nong huli kaso 'di mo pa nakuha!"

Ngumiwi siya. Kahit naman tamaan niya iyong tinutukoy nitong spiderman na stuffed toy, hindi rin naman iyon ang gusto niyang makuha e.

Bakit ba kasi ayaw magpakuha noong stuffed toy na gusto niya?

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Um... Lyle?"

Napalingon siya kay Gian nang marinig ang mahina at malambing nitong boses. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Gian sa kanya at sa mga prizes na naka-display sa dingding ng tindahan. "Gu-gusto... mo bang ako na kumuha nong kanina mo pa binabaril?" Suhestiyon nito.

Naipilig niya ang ulo bago sinipat ng tingin ang stuffed toy. Nang makita iyong imprenta pa ring nakapwesto sa pinakaitaas, ibinalik niya ang mga mata kay Gian.

A spark of hope bubbled within his chest, but he would not dare speak about this.

"Sigurado ka ba? Medyo mahirap kasing i-maneuver itong baril ni kuya, e."

Medyo mariin niyang sinabi ang feedback tungkol sa baril na hawak ngunit tinawanan lamang siya ng ginoo bago ito napailing. Sinagot siya nito at nagtanong na walang challenge kung madaling gamitin ang baril, pero nalunod ang boses nito at naging background noise nang magsalita si Gian.

"O-oo naman!"

Medyo malakas ang boses na sagot ni Gian at nang matanto iyon, mabilis nitong tinakpan ang kalahati ng bibig. Huminga muna ito ng malalim bago itinuloy ang sinasabi.

"Susubukan ko lang naman dahil sayang kung 'di mo makukuha 'yong gusto mo. Pauwi na rin naman tayo at wala rin akong bibilhin dito."

Lyle pursed his lips. Tatanggihan niya sana ang alok ng kaibigan ngunit inudyok siya ng may-ari ng tindahan. Makinig daw siya sandali kay Gian dahil susubukan lang naman nito. Kung hindi makukuha, siya na ulit ang bahala. And that's fine, so he let Gian try the thing out. Even though, he was really worried about the money his friend would spend for him. He tried to persuade Gian to just use his money, but the latter refused. Well, okay. At least he tried.

Apparently, the toy gun used in this store is designed to be like a sniper gun. Kaya mahaba ang nguso ng baril at lalong mahirap manipulahin para kay Lyle. Bukod kasi sa medyo mabigat e hindi niya alam kung tama ba ang pagkakaanggulo at hawak niya dahil tila ba laging nadudulas ang kamay niya.

Tahimik siyang tumabi at pinanood si Gian na magbayad bago i-reload ang laruang baril. Medyo seryoso rin ang mukha nito at tila ba walang emosyon, dahilan upang mapahagikhik siya.

He looks like someone preparing for battle, only that the enemy is nothing but a fluffy stuffed toy.

Nang marinig ni Gian ang paghagikhik niya, kaagad siya nitong nilingon. Nagtataka siya nitong pinagmasdan at may bahid ng pagkapahiya sa itsura nito lalo na sa kung paanong naging kalkulado at limited na naman ang pagkilos ni Gian. Now Lyle feels guilty for thinking that he's cute.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"B-bakit? May mali ba sa ginagawa ko?" Tanong nito.

Umiling siya. "Wala, sige. Ituloy mo na 'yan, may napansin lang ako sandali."

"Ma-marumi ba ang... mukha ko?"

"Hindi, sige na." Tinapik-tapik niya ang braso ni Gian kaya ngumuso ang isa. "Good luck. Galingan mo para makuha mo, a."

"Iyong corgi na stuffed toy, 'di ba?" Paniniguro nito.

Tumango siya. Needless to say, Gian immediately positioned himself. Lyle's lips slightly protruded when he noticed how beautiful his posture is. Para bang sanay na sanay itong gumagamit ng mga ganoong baril. He almost thought that Gian probably once held an actual gun. He must have visited a shooting range of some sort?

Lyle was all that, caught in a series of thoughts he cannot rise from. Then, in a blink of an eye, the corgi was hit which instantly pulled him back from his reverie. Ang bilis?!

"Ha? Anong nangyari? Pa'no mo natamaan 'yon?"

Nagpabalik-balik ang mga mata ni Lyle sa binata at sa stuffed toy na corgi ngunit hindi siya nito sinagot. Mukhang nagfo-focus.

Ang sabi, limang beses daw dapat iyon tamaan sa isang round at... limang beses ngang tinamaan ni Gian ang laruan sa iisang round lang.

Namamangha tuloy niyang tinitigan ang kaibigan nang nahihiya nitong iabot ang stuffed toy sa kanya. Hawak nito ang batok habang kabado itong tumatawa. "Nakuha ko na," balita nito sa kanya sa maliit na boses.

Napapatanga niya tuloy na kinuha iyon. "Paano mo nakuha? Ang bilis?! Mahirap din i-maneuver iyong baril, a?"

"T-talaga ba?" Ipinilig nito ang ulo bago kinamot ang kanang pisngi. "Ah. Baka a-ano, nasanay lang ako sa kakalaro ng video games. Isa pa, noong bata pa kami nina Leon... iyong laro sa DVD na mayroong baril-barilan ang nilalaro namin." Kumikibot ang isang kilay niyang tinitigan ang binata. So Gian's not only made for driving but for also shooting... Namula ang mga pisngi niya at hindi na natapos pa ang iniisip. Nang mapansin ang itsura niya, nagtataka siyang pinagmasdan ni Gian. Dali-dali niya tuloy na tinakpan ang mukha.

"Lyle? Ayos ka lang ba?"

Nahihiya siyang tumango. "I'm sorry, Gi."

"Wha- what? Bakit, anong nangyari?"

God, Gian's too pure that it feels like a sin to think about this anymore. Bakit ba kasi ganoon din ang naisip niya? Get rid of those thoughts, Lyle!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report