Can I be Him? -
CHAPTER 16.3
Naiwang nakaawang ang bibig ni Gian. Iyon tuloy tinawid ni Lyle ang distansya sa pagitan nila, inabot ang baba ng binata upang tulungan itong muling itikom ang bibig. Noong una, wala namang extreme na reaksyon ang binata, pero noong mapagtantong mga daliri ni Lyle ang nasa baba nito, halos mapaigtad ito mula sa kinauupuan!
Maging si Lyle, nagulat at natigilan!
"Wag mo 'kong gugulatin, Lyle!" Natataranta nitong sabi bago itago ang sarili sa ilalim ng lamesa. Nakasilip pa rin naman ang kalahati ng mukha ni Gian pero nakatulala si Lyle dahil sa itsura nito. He can also clearly see how pink Gian's cheeks
are.
Napakurap-kurap siya. "Pasensya na, 'di ko naman inasahang tatalon ka nalang bigla sa kinauupuan mo."
"Ah! Na- nagulat kasi ako!" Sa pagkakataong ito, buong mukha na ni Gian noon ang nakalabas mula sa lamesa dahil abala ito sa pag-aalibi.
Katunayan, nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanya, sa telebisyon, at sa pagkain nitong hindi pa nito magalaw dahil sa pagkapahiya. Ilang sandali pa ring tulala si Lyle hanggang sa mapagtanto niya ang nangyari. And then he bursted out laughing.
Halos masapo niya ang tiyan sa sobrang aliw na nararamdaman. Although, at the same time, he felt hurt since it seemed like Gian did not want him to obliterate all distance that separates them, his amusement is overpowering the dismay that attempts to brace his chest. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman noong umigtad ito dahil lang nahawakan niya ang baba nito.
Keegan would never react that way if he does that to him.
"Para akong napapaso," dinig niyang dugtong ni Gian sa sinasabi.
Awtomatiko siyang natigilan sa pagtawa nang marinig ang sinabi nito. "Pasensya na, ano 'yon? Napapaso ka saan?"
"Sa ano, sa..." Nag-isang linya ang mga labi ni Gian bago nag-aalangang naglipat ng tingin sa kamay ni Lyle. "... sa hawak mo."
Nag-angat siya ng mga kilay. "Huh? Bakit ka naman parang napapaso sa hawak ko? Nilalamig ka na ba dahil sa aircon?"
Hindi niya alam kung posible iyon. Hindi naman gaanong malamig sa opisina ni Gian. Mas mababa nga ang temperatura ng aircon nito kumpara sa opisina niya. Mukhang hindi ito malakas sa lamig, e. Bukod doon, posible bang makaramdaman ng parang napapaso kung biglang madikit sa mainit niyang kamay?
Hindi napansin ni Lyle na nakatitig na pala siya sa sarili niyang kamay. Bahagya lang siyang napaigtad din at natigilan nang marinig ang pag-irit ng swivel chair ni Gian. Doon niya lang napansin na bumalik na ito sa pagkakaupo. "Oo, gano'n na nga! Nabigla ako dahil humawak ka sa baba ko. Medyo medyo nilalamig kasi ako."
Ninenerbyos ito habang tumatawa. Hinila rin ang kwelyo ng suot nitong long sleeve, tila ba naiinitan. Naipilig niya tuloy ang ulo dahil kung nilalamig ito, bakit naman nito papaypayin ang leeg gamit ang kwelyo? Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Parehong walang masabi noong dumaan ang senaryong iyon, hanggang sa basagin na ni Gian ang nakabibinging katahimikan.
"Salamat pala."
Naiangat niya ang paningin mula sa leeg nito tungo sa mata upang magtama ang tingin nilang dalawa. Tuluyan na niyang nakalimutan ang pinag-uusapan nila dahil sa nangyari kani-kanina lamang. "Huh, tungkol saan naman?"
"Ah, e." Mahinang tumawa si Gian. "Kasi ako pala inspirasyon ng mga damit na ginawa mo nitong event. Um, nakakatuwa kasi na ano, naging inspirasyon mo 'ko para ron."
IF receiving gratitude feels this delightful, as if God descended an angel to bestow him eternal happiness, he will design clothes for Gian over and over again.
Just what the hell was that for? Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ni Lyle. Ilang minuto na rin yata siyang nakatitig sa berdeng mga mata ni Gian. Hinahayaan ang sarili na malunod doon hanggang sa wala na siyang pag-asang makaahon pa. Marahil, nakaawang din ang bibig niya. Hindi inaasahang ganito pala kahirap maka-get over matapos pasalamatan ng binata.
Sa likod ng isipan ni Lyle, matagal na niyang nakikita bilang anghel si Gian. His actions says it all. The gentle demeanor Gian always show made him think like that. Tila ba mahal ito ni Lord at palagi itong pinapadalhan ng mga anghel na sasamba rin at magpupugay sa likuran ni Gian. May halo pa nga ito sa ulo at palaging nakakasilaw ang dating.
At hindi rin naman sa masama ang ugali ni Lyle. Gian is just too pure that a "thank you" threw him off the window. Mamaya, baka maggala siya sa labas ng opisina ni Gian. Doon sa may tabing kalsada! Hahanapin lang ang kaluluwa niyang nilayasan na yata siya.
"Lyle? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. Inilapit pa nito ang kamay sa kanya saka iyon iwinagayway sa harap niya. Sinusubukan siyang gisingin mula sa kahibangan at pag-iisip ng malalim.
Mabilis naman siyang napasinghap. Hanggang sa nangyari na nga ang hindi inaasahan. Nabulunan siya sa sariling laway! Nagmamadali pa nga siyang abutan ni Gian noon maiinom habang pilit inaabot ang likod niya nang mahagod. "L-Lyle, uy! Anong nangyayari sa 'yo?!"
Nakakahiya! Lalo na nang tuluyan nang umikot si Gian mula sa lamesa nang maabot na nito ang likod niya. Umuubo ubo pa rin siya noon habang marahang iniinom ang in-order na coffee latte. At hindi nagtagal, kumalma rin. Marahan siyang tumango-tango kahit na medyo masakit na ang lalamunan. "A-ayos na. I was just taken aback by you."
"Huh?" Natigilan sandali si Gian ngunit agad din itong itinuloy ang pagtapik sa likod niya. "May nasabi ba 'kong hindi mo nagustuhan?"
Nasabing hindi nagustuhan? Pupwede na siyang magpa-party dahil lang nagpasalamat ito sa kanya!
Mabilis na nag-angat ng ulo si Lyle upang magtama ang paningin nila ng binata. Hindi na siya nagulat nang nakapinta sa maamo nitong mukha ang pag-aalala.
"Wala! Wala! Ano lang..."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin bago napahawak sa likod ng ulo. Nakaramdam din siya ng panlalamig nang alisin ni Gian noon ang kamay sa likod niya. Pero ayos lang naman iyon. Alangan namang magtagal ang kamay nito sa kanya. "Ngayon lang ako nagsabi tungkol sa ganito. Iyong inspirasyon ba. I never told Ridge that he's been my previous works' inspiration." Nag-angat siya ng tingin at nakitang mataman din siyang pinanonood ni Gian. "Kaya medyo nagulat ako noong nagpasalamat ka."
Marahang tumango-tango ang kaibigan. Hindi nagtagal, naglakad na ito pabalik sa sariling upuan. Ayaw na makita ni Lyle na mabilis ding gumuhit ang pagseselos sa mukha niya kaya agaran siyang tumalikod dito bago humugot ng malalim na hininga.
"Palagay ko, matutuwa si Ridge kung sakali mang malaman niya na siya inspirasyon mo, Lyle."
Ngumiti ang binata bago natigilan sa sinabi. Napansin din ni Lyle na mayroong kaunting bahid ng kalungkutan sa boses nito. Mukhang hindi lang siya ang natigilan nang mapagtanto iyon! Ang bilis kasing napaatras ni Gian bago ninenerbyos
na natawa.
"Wala lang! Don't get me wrong!" Ilang beses pa itong nagpakawala ng halakhak bago kumalma. "Ang talented mo kasi pagdating sa designing. Pakiramdam ko 'di lang ganyan ang magiging reaksyon mo kung sakaling pasalamatan ka rin niya?"
Napakurap-kurap siya bago umiling. "Ah, 'di ko alam. Siguro nga, tama ka. Pero kung anuman ang sasabihin ni Ridge, iiwan ko nalang sa imahinasyon ko."
"Bakit? Ayaw mo bang malaman niya?"
"Oo naman. Matagal ko na 'tong napansin kay Ridge pero pakiramdam ko, mabilis 'yong maka-pick up ng sitwasyon. Ayaw ko namang isipin niyang nilalandi ko siya. That's disrespectful and wrong."
"But your intention isn't dirty? You're just trying to show your appreciation to him, right?"
Mabuti nga sana kung ganoon ang dating maging sa kanya pero hindi. May mas malalik kasing dahilan sa pagdidisenyo niya ng mga damit na para kay Ridge. Hindi lang basta-bastang gusto niyang ipakita na naa-appreciate niya ito. Ibinubuhos niya rin kasi ang pagmamahal niya sa binata sa bawat likhang ginagawa.
Ang hirap maging smitten sa taong hindi siya kayang gustuhin.
Napahalakhak siya. "Ayos lang. Isa pa, sapat na sa 'kin na iyong pasasalamat mo ang narinig ko. In fact, your reaction's enough to make my heart skip a beat."
Kumunot ang noo niya bagamat nakakurba pa rin ang ngisi sa mga labi nang makitang mahulog ang panga ni Gian. Halos mahulog din ang salamin nito sa hindi malamang dahilan. Kahit pa na ang tangos tangos naman ng ilong nito. Then a tint of pink rushed through the other male's cheeks. Nagsimula rin itong magsabi ng kung anu-ano na hindi niya maintindihan. Mga salitang iyong unang pantig lang ang mababanggit tapos mauutal na ito. But Lyle was taken aback when Gian "exploded". Bigla itong nahilo at napaubob sa lamesa.
"G-Gian?!"
Umahon siya mula sa kinauupuan ngunit kaagad din namang iniangat ni Gian ang isang kamay upang senyasan siya. Nag-okay sign ito bagamat pulang-pula pa rin ang mukha at nakabaon pa rin ang mukha sa lamesa. "Anong okay lang? Baka mamaya, dumikit na 'yang mukha mo sa lamesa!"
"Imposible naman 'yon!"
Napaahon si Gian at natigilan na naman nang magtama ang mga mata nila at mapagtanto nitong malapit siya rito, roon ito dumulas mula sa swivel chair at itinago ang sarili sa espayo sa ilalim ng lamesa nito. "S-sandali lang! Hihinga lang ako, Lyle! Baka mahimatay ako. Nakakahiya naman kung sa ospital pa 'ko ni Zamiel dalhin! Tatawanan ako non!"
"Bakit ka naman tatawanan non kung bigla kang mahimatay?!"
"Kasi... kasi ikaw 'yong dahilan kaya ako tatawanan no'n!" Napasinghap siya. "Huh?"
"B-basta!"
Nagulat siya nang marinig na maumpog ang ulo ng binata sa lamesa. Hindi siya noon napigilan na ikutin na ang lamesa ni Gian at yumukyok nang makita niya ang sitwasyon ng kaibigan.
Nang makita siya ni Gian, muli nitong isinuksok ang sarili sa kadulu-duluhan ng lamesa. Doon sa loob. And as much as it made Lyle wheeze, he also cannot help it but to feel worried. Tuluyan na nilang nakalimutan na hindi pa tapos ang CD na ipinapanood niya sa binata. Mas naituon nila ang atensyon sa kalokohang ginagawa ngayon.
Nanatili rin silang ganoon hanggang sa magsawa sila sa ginagawa. Ang pagninerbyos ni Gian sa paligid niya at ang pagpapakalma niya rito. Nahiya pa nga si Gian dahil hindi nila napanood ng maayos iyong CD. Kaya ang pinahiram nalang niya muna rito iyon. Kukunin nalang kinabukasan.
"Sigurado ka ba?" Hindi makapaniwala si Gian nang iabot ni Lyle sa kanya iyong kopya ng event. "Baka panonoorin niyo rin ng pamilya mo, e."
He let out a trill. "Ba't naman namin 'yan papanoorin? 'Di naman family movie 'yan. Isa pa, nanghingi talaga ako ng kopya ng turn ko noon sa event para sa 'yo. Gusto ko kasing makita mo lahat ng damit na dinesign ko para sa 'yo." Napansin ni Lyle ang muling pamumula ng mga pisngi ni Gian. Halos bawiin niya rin ang sinabi nang huminga ng malalim ang kaibigan. Apparently, Gian has had enough of his clumsiness. Ayaw na niyang pahiyain pa ang sarili kaya ikinakalma niya ang sarili!
"Ganon ba. Sige. Papanoorin ko kaagad mamaya," anito.
Namamanghang pinagmasdan ni Lyle ang kaibigan. "Pupwede naman kahit kailan, e. Kung busy ka, kahit 'wag muna."
"Hindi! Wala naman akong gagawin liban sa pagbi-binge play ng mga video games na nabili ko noong isang araw."
Hindi niya napigilan ang mahinang humagikhik nang malamang may binili na naman palang video game si Gian. Hindi niya rin naiwasan na takpan ang bibig at magpameywang. Iniiwang clueless si Gian.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report