Can I be Him?
CHAPTER 15.2

"SIR Gian, nailagay na po namin 'yong bagong coffee grinder sa kitchen. Pina-set ko na rin po kay Miguel nang mai-check kung walang problema. May ipapagawa pa po ba kayo?" Pagbabalita sa kanya ni Anne. "Ah, wala na. Pakisabi nalang sa kanila, magtanghalian muna. Balik na lang kayo ng alas dos kasi parating na rin 'yong isa pang machine na in-order ko." "Sige po, sir. Thank you po!"

Nakangiting tinanguan ni Gian si Anne bago siya nito tinalikuran at tuluyang umalis. Noong wala na ito sa paningin niya, saka pa lamang pinakawalan ng binata ang buntong hininga na kanina pa niya pinipigilan. Kanina pa niya gustong bumuntong hininga ngunit hindi rin talaga siya nagkaroon ng pagkakataon. Ayaw niya kasing makita iyon ng crew niya at baka isipin, pagod na siya. Samantalang wala pa naman siyang ginagawa liban sa pag-aasikaso rin ng deliveries at paminsan-minsang pagtulong sa mga ito.

Isa pa, hindi naman iyong panghihinayang sa mga nawalang gamit ang dahilan ng buntong hininga niya.

Though, sure. The theft incident is a hassle and finding new machineries with the best features and reliable reviews is exhausting, nothing can compare with pondering about his feelings for Lyle.

Si Lyle. Si Lyle talaga ang problema niya! Nitong nakaraan lang talaga sumipa iyong 'nararamdaman' niya kuno kay Lyle, e. Hindi pa nga siya sigurado dahil baka dala lang naman ito ng pagka-'miss' at ilang araw na silang hindi nagkikita! Baka mamaya, nalulungkot lang siya na wala siyang kausap at kakwentuhan tuwing tanghalian dahil iyon ang nakasanayan. Kaya ayaw niyang pangunahan ang sarili.

"Sir, magtatanghalian po muna kami!" Paalam ni Fred sa kanya, sabay-sabay pa ngang lumabas mula sa kitchen ang crew niya.

Natigilan siya sa pag-iisip at nginitian ang mga ito. Kinawayan pa niya. "Mag-iingat kayo!"

"Di ka po sasabay, sir?" Tanong naman ni Joshua.

"Um, mamaya na 'ko. May titignan pa kasi ako niyan sa opisina t'saka pupunta ako sa kaibigan ko mamaya."

Hindi siya sigurado kung kanino siya tatakbo, awit. Kay Zamiel ba o roon sa kakambal nito? Pareho silang hindi matino kaya wini-weigh niya kung sino ang mas reliable at may sense na kausap!

Gian waved at his workers while they were on their way to eat somewhere. Nang wala na ang mga ito, dumiretso siya sa kusina nang matignan ang coffee machine. And, well, probably use it to get himself a drink. What a time to break the rules he passed.

"Huh, pero wala naman kasi talaga akong gagawin. Isa pa, gusto ko lang ng pampalamig ng ulo." Tingin niya, ang cravings niya ngayon ay para sa iced coffee. "Tsaka oras din para sa pagmumuni-muni."

Pakiramdam niya kasi, mayroon nga siyang gusto kay Lyle. How should he phrase it, though? Parang 'crush' nga ang tamang termino. And harboring such feelings is troublesome, to be honest!

Kaya nga ang plano niya e tanggapin lang tapos wala na, mag-move on? Maaga pa naman. Itong kanya rin e paghanga pa lang naman kaya malaki ang tsansang makalimot pa. Tipong parang walang nangyari at kahit kaila'y hindi siya nagkagusto kay Lyle.

Sa kalagitnaan ng paggawa ng iced coffee, natigilan si Gian nang marinig ang chime sa pinto ng café niya na tumunog. He thought that it may be one of his crews. Maybe they forgot something, pero ang isa pa sa mga naisip niyang posibilidad e baka customer.

They posted a notice on their facebook page that the café would be close for a while. Nag-post din sila ng note sa labas ngunit hindi lahat, hilig ang pagbabasa. Mayroon at mayroon pa ring papasok dito upang personal na magtanong kung nag-ooperate na ba sila.

Lumapit siya sa pinto ng kitchen at inilabas ang ulo upang silipin kung sinuman ang pumasok, ngunit bago pa man niya makilala kung sino iyon, nagsalita na siya kaagad.

"Pasensya na po, closed pa po kami! Sa susunod na linggo pa po ang pagre-resume namin ng operation!" Aniya.

Babalik na rin sana siya sa kitchen dahil inaasahan niyang aalis din ang naligaw na customer. Ngunit bago pa man siya makatapak papasok sa kusina, narinig niyang sagutin siya nito. "Di naman ako mag-oorder. Pinapatignan ka lang din sa 'kin ni Lyle."

Ang baritonong boses na iyon ang dahilan upang matigilan si Gian. Mas mabilis din siya sa alas kwatrong bumalik sa counter, saka nakita si Keegan na nasa may pinto pa rin.

He immediately felt uneasy. Paano ba naman kasi e malinaw pa rin sa isipan niya ang pinagsasasabi nito noong una silang magkita? Ang hirap pagaanin ng loob niya sa isang ito. "Ah, ikaw pala. May kailangan ka ba sa 'kin?"

Marahan itong tumango. "Sabi ni Lyle, nanakawan daw kayo? Personal ka niyang pinapatignan sa 'kin dahil baka ma-delay daw pag-uwi niya. Pero kung may ginagawa ka, pupwede namang bumalik nalang ako mamaya." Pinapatignan siya ni Lyle? His heart skipped a beat before it went on a rampage. Aatakihin pa yata siya ng puso sa ganito! Lyle's sweet gestures should be illegal.

"Kumukuha lang ako ng maiinom. Upo ka muna riyan, kukuha lang din ako ng para sa iyo."

"Uy, ayos lang kahit 'wag na-"

But a no can't do. Bumalik na siya sa kusina nang makapaghanda ng maiinom nila. It is weird that he is preparing a free drink for Keegan considering what he's said to him the first time they met but... it would not hurt if he would be considerate, right?

Paglipas ng sampung minuto, binalikan niya si Keegan. He prepared two iced coffees for them while slightly feeling bad because he could not provide any drinks but this. Mamaya pa kasi darating iyong isa pang makinarya na ipina-deliver niya.

Nang makalabas sa kusina, naabutan niyang hinihintay siya ni Keegan sa upuang pinaka malapit sa counter. Nakatalikod ito sa kanya. Dumiretso naman siya roon dala-dala ang dalawang baso ng iced coffee. "Anong pinapasabi ni Lyle?" Tanong niya habang naglalakad palapit dito.

Mukhang hindi siya napansin ng binata dahil napapitlag ito nang marinig ang boses niya. Saka lang napansin ni Gian na abala ito sa pagtitipa ng kung ano sa cellphone. Mukhang may kinakausap. "Ah." Nilingon siya nito at sinundan ng tingin nang mapansing halos nagkatapatan na sila. "Tinatanong lang kung kumusta na raw ba takbo ng business mo ngayon."

"G-ganon ba." That is weird. Pupwede naman siyang tanungin ng diretso dahil may contact sila sa isa't isa, pero naisip niya rin na baka out of reach siya sa end nito dahil abala siya sa pag-aasikaso ng café.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Inabot niya ang isang iced coffee kay Keegan na siya namang tinanggap nito. Pinasadahan din siya ng tingin ng binata at tila ba kinakausap siya ng mga mata nito.

"'Di ka na dapat nag-abala. Dumaan lang naman ako at babalik din sa trabaho," paliwanag nito.

Tipid siyang ngumiti bago umiling. "Ayos lang. Um, nakakahiya kasing binisita mo pa 'ko para kay Lyle tapos wala akong ibibigay."

"Huh." Keegan scrunched his nose. "Nami-miss ka kasi non kaya pinilit akong pumunta rito. Ilang araw din akong kinukulit." Napamaang siya. "Ha?"

Medyo padabog na naghalumbaba si Keegan bago pinaglaruan ang baso ng iced coffee na ibinigay niya. Iniikot ikot niya kung kaya naman para bang sumasayaw din sa bawat pag-ikot ang likidong naroon. Hindi nagtagal, bumuntong hininga ang binata.

"Oo nga pala, iyong sinabi ko noong minsan, kalimutan mo na 'yon. Pasensya ka na rin at naabala kita," pag-iiba nito ng usapan.

Umangat ang mga kilay niya dala ng pagkagulat. Well, never in his wildest fantasies that this guy would ever apologize for that day. Hindi rin naman siya nanghihingi noon dahil hindi kailangan. Alam din niya kung anong ipinupunto nito. Maraming nagkakamali ng pagkakaintindi kay Zamiel, at sa relasyon nila ni Ridge.

Madalas.

"Ayos lang. 'Di kita masisising pinagdudahan mo rin si Zamiel. May ugali rin kasi siya."

Keegan exhaled sharply. "Hmp. Wala sa itsura no'n na patay na patay siya kay Ridge. Malay ko bang under pa pala roon sa tamad kong estudyante."

"Estudyante?"

"Gym instructor ako ni Ridge. 'Di rin 'yon madalas bumisita. Nito-nito lang at isinasama rin iyong Zamiel. Madalas pa maglampungan, 'di talaga itinatago relasyon nila e..." Tumigil ito sandali sa pagsasalita at sumimsim sa iced coffee na ibinigay niya. "Pero kung iisipin, wala rin naman silang dapat itago."

Wala siyang masabi. Hindi niya alam kung paano magri-react, kaya iniba na lamang niya ang usapan. Ibinalik sa kung ano ba talaga ang agenda nito sa kanya.

"Um... iyong tungkol sa pangangamusta ni Lyle."

Sandaling natigilan si Keegan bago biglang nag-"ah!" at ang hinuha ni Gian, nakalimutan na nito ang totoo nitong pakay dahil mas itinuon nito ang atensyon ang tungkol kay Ridge at Zamiel.

"Pinapakumusta ka nga pala ni Lyle sa 'kin! Kumusta na raw pala ang damages dito sa café?"

Napangiti siya habang hinahagod ang pawis ng baso. Pinaglalaruan iyon saka pasimpleng sisilip sa lamesa kung basa na ba ang lamesa.

"Medyo matagal pang maaayos iyong ginamit ng mga magnanakaw na butas para pumasok dito. Um, tapos nasa kalagitnaan pa 'ko ng pag-iisip kung paano namin mapapahigpit ang security rito sa café," aniya. Kumunot ang noo ni Keegan. "Di ka mag-hire ng night shift na security guard? Para naman kahit paano e mabantayan pati itong loob ng café."

"N-naisip ko rin 'yan. Nakapag-post na rin kami ng hiring sa page at may nakapaskil na rin sa labas."

Isinandal ni Keegan ang likod sa backrest ng upuan bago ipinagkrus ang mga braso. Nakapikit din ito at tumatango-tangong nakikinig sa suhestiyon niya.

"Maglagay ka rin sa Indeed o LinkedIn saka ron sa Jobs sa facebook. Maraming tumitingin ng trabaho roon sa mga sites na 'yon. 'Wag ka lang aasa sa page ninyo at hindi lahat ng interesado, makikita 'yon."

Naipilig niya ang ulo. Hindi niya alam iyong indeed at linkedin pero titignan niya mamaya. Baka mag-research kaagad siya't magpatulong sa mga kaibigan. Pati ang pag-navigate sa facebook jobs, inaalam pa lamang din niya. "Besides security, 'di mo ba iisipin kung mag-iinstall ka ba ng alarms saka mag-upgrade ng CCTV?"

Tumango siya at saka ipinaliwanag ang mga plano para sa pag-iimprove ng security sa café nila. He and Keegan engaged in a long conversation which is totally unexpected that they both forgot that time flies by quickly. Mag-aalas tres na ng hapon at kanina pa nakabalik ang crew ni Gian ngunit patuloy pa rin sila sa pag-uusap.

From his plans to improve his café to the video games they both play.

He had never once thought that they will get along and enjoy each other's company, but they just did. Sa katunayan, naputol lang din ang pag-uusap nila nang dumating na ang isa sa mga makinarya na inaasahan niyang darating ngayong hapon. Kasabay noon, ang pagpapaalam ni Keegan sa kanya dahil may gagawin pa rin pala raw ang binata.

"Sige mauuna na 'ko, babalitaan ko nalang si Lyle," anito habang inaayos ang sarili.

Nakangiti naman siyang tumango. "Ingat. Dalaw ka ulit 'pag may oras ka."

"Oo naman! Baka mapadalas. Gets ko na si Lyle ba't gustung-gusto kang kausap e. Ayain mo 'ko minsan maglaro!"

"Sa Rogue ba?"

"Kahit saan. Kahit mag-in silence pa tayo o sign of silence basta matibay loob mo, e." Napahalakhak ito. "Sige, sa susunod ulit!"

Lihim siyang napangisi nang banggitin nito ang dalawang laro na magaling lang naman sa jump scares. Patuloy niya pa rin noong kinakawayan si Keegan habang naglalakad ito paalis.

Noong wala na si Keegan, pabagsak na naupo si Gian sa isa sa mga upuan sa harap. Magpapahinga muna siya tapos tutulungan niya na iyong mga trabahador niya na mag-set up nang hindi sila mahirapan gaano.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report