Can I be Him?
CHAPTER 13.3

"BAKA ganyan dahil mas sinsero ka ro'n sa admirer ni Ridge," ani Zachariel na siyang nakapagpatahimik sa kanya.

Not only physically, but also mentally. All he could hear was the stillness that his environment offered him. Nakakabingi, pero ang tanging kayang gawin lang ni Gian noon ay ang tumunganga at kumurap na parang tanga sa harapan ni Zachariel. His mind bluffed. Bumagal ang connection. Bigla na lamang niyang hindi mairehistro sa isip ang sinabi ng kaibigan. Alright, he might have probably short-circuit on that very moment. Probably.

Because he was inept to respond, Zachariel also stared at him for a while. However, the realization dawned upon the other male quickly. A mischievous grin was immediately plastered on his lips and Gian still spaced out. It is taking him a while to understand that he is about to face a fate filled of-

"Ops, natahimik. Mukhang nahuli a," pilyo nitong sabi na siyang humila kay Gian mula sa matagal na pagkatulala, "hayaan mo, Gi, tanggap ka pa rin naman namin!"

The statement took him aback. It turns out that it was the key to pull him back from his reverie. Hindi nagsisinungaling si Gian kung sasabihin niyang may nakita siyang imahe sa isipan niya na parang nag-spark, nag-connect ulit. And at last! He is no longer lost from his pool of thoughts.

"H-hoy!" Gian stammered, "anong sinasabi mong tanggap niyo pa rin ako? Natulala lang naman ako, a!"

"Oo nga, e anong iniisip mo? Si Lyle your labs so swit?"

Pinamulahan ng mga pisngi si Gian sa narinig. Kasabay noon, nasamid siya sa sariling laway. Nang ganito ang reaksyon niya, humagalpak ng tawa si Zachariel. Porket daw halatang-halata na ngang may gusto raw siya kay Lyle tapos pilit pa rin niyang itinatanggi. E, sa wala pa nga! Nalilito lang siguro siya. Paano kung nadadala lamang siya ng sitwasyon?!

"Anong labs so swit?!" Napaatras si Gian sa kinauupuan at kung pupwede lang na mag-isa na sila noong swivel chair niya, baka nangyari na. "Kung anu-anong sinasabi mo, Zach?! Napaisip lang naman ako!"

"Oo nga. Napaisip ka sa sinabi ko, edi si Lyle nga iyong iniisip mo! Alangan namang ibang tao, e siya iyong dahilan kung ba't ko pinaharurot sasakyan ko papunta rito?"

Sinimangutan niya si Zachariel. Hindi na niya alam kung anong sasabihin. Kung sa bagay, ayos lang naman sigurong manahimik na muna siya sandali para pag-isipan ng mabuti ang rebuttal niya? O baka naman hindi, ewan ba niya.

"Iniisip ko lang kasi," Gian trailed off before a hum managed to escape from his lips, "masyado talaga kayong malisyoso, 'no?"

Nang ganyan ang sabihin niya, awtomatiko naman ang pagsimangot ni Zachariel. Alam na nga ni Gian na marami itong gustong sabihin sa oras na buksan nito ang bibig e. Tulad na lang siguro ng:

"Tang ina nito, ikaw gumamit ng code red para ma-summon ako rito sa café mo tapos ako sasabihan mong malisyoso?! Ba't kasi 'di mo na lang tanggaping may pagtingin ka kay Lyle?"

"'Di naman kasi sa gano'n!" Dipensa niya. Oo na, alam niyang magulo siya pero iniisip kasi niya ng mabuti, e. Hindi niya maiwasang maging lohikal. "Nadadala lang ako ng emosyon ko! Pa'no kung natutuwa lang ako na magkaibigan na kami sa wakas? Zach, ang tagal ko kayang hinintay 'tong opportunity na 'to."

"Ukinam. Masaya kang magkaibigan kayo pero 'di ka rin naman magkamayaw 'pag nakikita mo si Lyle? Utut mo, mabaho!"

Nginiwian niya ang kaibigan. "Lahat naman ng utot, mabaho! Kailan ka nakaamoy ng utot na amoy Jovan Musk?"

"Pota ka, Gian. 'Di ka makausap ng matino."

Muling namutawi ang katahimikan. Sa pagkakataong iyon, ang pagtapik naman ng mga daliri ni Zachariel ang tanging nagiging salbasyon nila. Ang ritmong ginagawa nito gamit ang mga daliri e dahilan din para lumipad ang isipan ni Gian. Kung anu-anong mga ideya ang pumapasok sa utak niya. Hindi lang din siya mahihila pabalik sa realidad mula sa kailaliman ng mga isipin niya kung hindi siya biglang inismiran ni Zachariel.

"Pa'no mo ba kasi nasabing baka nadadala ka lang ng momentum, Gi? Do'n ako curious, e. Kasi kung nadala ka lang talaga, 'di ka naman mapapaisip ng ganyan!"

Ibinuka niya ang bibig upang mabilis na sumagot sa tanong ni Zachariel, ngunit ni isang salita, walang lumabas sa bibig niya nang maalala niya kung ano bang isinagot niya rito.

He wonders too. Siguro dahil nagsimula lang naman siyang makaramdam ng ganito noong Sabado? Ngunit naisip din niya na paano kung tama ang mga kaibigan niya at matagal na talaga siyang may "nararamdaman" para kay Lyle? Hindi niya lang alam dahil mas abala siyang isipin kung paano ba kikilos sa harapan nito.

"Di ko alam, naisip ko lang na baka iyon kasi dahilan ba't ako ganito. A-alam mo na? Matagal ko nang gustong maging kaibigan si Lyle! High school pa."

Mataman siyang pinagmasdan ni Zachariel. Para bang libro siyang pilit na binabasa nito ngunit kahit na anong tiklop ng binata sa pahina, pinipilit ni Gian na lumaban nang sa ganoon e wala itong makita. "Ay punyeta, ewan ko sa 'yo! Umiikot na lang tayo sa iisang usapan: gusto mo ba o hindi?"

Naningkit ang mga mata ni Gian at iginilid niya ang ulo. "How... how do you even know that you're into someone? Like, what's the difference of harbouring platonic versus romantic emotions toward someone?"

The way he was apprehensive of asking brought a surge of emotions in Zachariel's eyes. His eyes sparkled, and it was something that Gian cannot delineate. Hindi niya alam kung kulang lang ba ang mga salita upang ipaliwanag ang excitement sa mga mata nitong kaibigan niya, o talagang-ewan. Basta, ang saya tignan ni Zachariel. He was just asking how does it feel to love, and how to differentiate platonic versus romantic love. He only needed to know if this confusion is enough to prove that he might be harbouring a different kind of admiration towards Lyle.

But what is with this reaction?

"There's a thin line between falling in love with someone platonically versus romantically," Zachariel began as a beam curved onto his lips, "you'd know where you fall!"

Sumimangot siya. E, kaya nga niya tinawag itong si Zachariel dito dahil hindi niya alam kung saan siya pupwedeng ma-categoize. Alam niyang wala siyang gusto kay Lyle pero magmula noong Sabado, may kung anong sumampal sa kanya. Siguro, dahil hindi mahirap mahalin si Lyle? Mabuting tao ang binata. Hindi rin tulad niya, malakas ito. Hindi niya iyon kailangang patunayan dahil noong marinig niya ang kwento ng buhay ni Lyle, alam niyang espesyal ito. Kung tutuusin, posible pa iyong maging ideal man ng kung sinu-sino!

"Kaya nga ako nagtatanong dahil ako mismo, 'di ko alam-" Bago pa man niya matapos ang reklamo, inagapan siya ni Zachariel.

The male clicked his tongue and raised his index finger, waving it to the air as if he was telling him to hush down and let him own the limelight. Iyon nga ang ginawa ni Gian nang makita ang ganoon nitong aksyon. Nanahimik siya, hinintay niya kung paano nito dadalhin ang pagpapaliwanag. Zachariel is not as creative as Ridge when it comes to words but this guy sure knows how to knock some sense to someone, he really might help. Might.

"Kwento ko kung pa'no ako na-in love kay Cassy, a? 'Di ko alam kung naaalala mo pa ba, pero first love ko kasi 'yon, and first love never dies!" Buong pagmamalaki nitong sabi.

Nginiwian niya ang kaibigan pero hindi siya nagsalita. The side of his lips tugged, but it was all that. Hinayaan niyang gawin nito ang gusto nang sa ganoon, makita kung may mapupulot ba siyang impormasyon mula sa kaibigan. "Alam mo 'yong feeling na," Zachariel began while he gestured things out with his hands. His eyes squinted as if he was also trying to figure out what words he should use to describe how he fell for an ex-schoolmate they had in elementary and high school, "parang tumigil bigla 'yong oras noong unang beses kayong magkita? Tapos biglang may lumabas na background sa likuran niya-bigla, puro pink, puso, at bulaklak na lang nakita ko. Alam mo 'yon! Totoo 'yong mga visualization sa mga anime 'pag tinatamaan na sila ng pag-ibig, e."

Gian let out a quick breath. Inisip niya kung ano iyang sinasabi ni Zachariel. Masyadong fictional at hindi makatotohanan. How could someone look at another individual and see butterflies and flowers blooming behind them? Parang may bahid ng panggogoyo ang sinasabi ni Zachariel.

"Basta, pre!" Anito kalaunan. Alam mo iyong boses niyang ipit at tila ba nagpipigil ng tili? Impit, iyon ang tamang termino. Grabe si Zachariel. Hindi niya inaasahang maggaganyan iyan, "tang ina wala pa man, kinikilig na 'ko. Ang bading ko naman, 'di mo tuloy maintindihan gusto kong sabihin. Gets mo ba?"

"Hindi," Gian deadpanned.

Hindi ba, kasasabi lang ni Zachariel na hindi niya rin maipaliwanag ng maayos at nauuna ang kilig niya? Ang tatanda na nila pero kung umasta itong si Zachariel, parang maiihi na lang habang inaalala si Cassandra, hindi naman naging sila. Hanggang ngayon, crush niya lang.

"Zach, seryoso kasi!" Aniya bago marahas na bumuntong hininga.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Tinapunan ito ng masamang tingin ng kaibigan. "Seryoso naman ako! 'Di mo lang ma-gets because I am speaking the language of the gods!"

Anong language of the gods? Iatras niya kaya iyong ipinangako niyang lunch kay Zachariel? Niloloko na lang siya, e. Nanghihingi nga siya ng tulong dito at wala siyang alam sa mga ganyan, pakiramdam niya kasi e nalo-lost na talaga siya dahil kay Lyle, tapos wala namang maiambag itong si Zachariel! Dapat ba, ibang kaibigan ang tinawag niya? E kaso, sino naman? Wala namang iba!

"Bakit ba 'di mo gets?" Pagtataka nito.

Halos mapahilamos siya ng mukha. "Pa'no ko kasi mage-gets? 'Di ka pa man nagsisimula, bigka ka na lang sumigaw ng basta?" "Nagpaliwanag ako, oy! Baka natulala ka lang!"

"Di, a! Ba't mo 'ko inaakusahan ng ganyan? Dali na, sabihin mo na kasi kung pa'no madi-differentiate nang makakain na tayo."

Muling natahimik si Zachariel nang mabanggit na ang usapang pagkain. Kung hindi lang narinig ni Gian na nag-rumble ang tiyan nitong kaibigan niya, hindi pa niya maiisip na kaya ito mukhang seryoso e dahil gutom na pala ito. Nevertheless, it seems like something about food really pushed Zachariel to speak how it feels to harbor romantic feelings for someone. May disclaimer pa nga ang binata.

"Basta pre, ito a? Walang pinipiling kasarian ang pag-ibig. Kung tutumpak itong mga sasabihin ko sa nararamdaman mo para kay Lyle, ibig sabihin, welcome to the club!" Masigla nitong sabi, pero ang dating kay Gian e para siyang pinagbabantaan!

Ikinuyom ni Gian ang mga kamao at napalunok. He had been anticipating on receiving a better and sensible response now. Mukhang ibibigay na rin ni Zachariel ang gusto niya nang mamulat na siya mula sa labis na pagkalito.

"Alam mo 'yong pakiramdam na, kumpleto ka basta nandiyan siya? 'Di ka na makatingin sa iba dahil sa mga mata mo, perpekto na 'yong tao. Masaya ka 'pag nandiyan sila, parang sasabog puso mo. 'Di ka rin mapakali, 'di ka makagalaw, ayaw mong mayroon silang makitang mali sa 'yo. Magki-crave ka na magpa-impress at mapansin. There's also that tug in your heart and that warm and fleeting feeling," panimula ni Zachariel bago ito nagkibit balikat. Habang tahimik niyang pinakikinggan ang paliwanag na ibinato ni Zachariel sa kanya, muling nahulog si Gian sa kailaliman ng isipan niya. Inaanalisa ang sarili, inaalam kung mayroon bang tumama sa ibinigay nitong deskripsyon. Ganito ba siya kay Lyle?

"Pre, 'di ko talaga maipaliwanag pero ang bottom line: alam mong sila ang tahanan at mundo dahil sila ang ugat sa likod ng kasiyahan mo."

Wait. Hold up. Did Zachariel just used a line from a famous song?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report