Can I be Him?
CHAPTER 12.2

"BY THE way," Zamiel trailed off before he darted curious gazes towards Gian's direction, "how about you and Lyle? When do you plan on courting him?" "Huh?"

Tila ba nag-short circuit ang utak niya sa pag-iiba ng usapan ni Zamiel. Hindi kaagad rumehistro ang sinabi nito. Para tuloy siyang tangang nakatunganga at napapakurap-kurap habang inaanalisa ang sinabi nito sa isipan. Tila ba naglatag bigla si Zamiel ng puzzle pieces at kailangan niya pang kumpletuhin upang maintindihan ang nais nitong ipahiwatig.

Hanggang sa wakas! Naintindihan din niya ang nais nitong sabihin. It took Gian literal seconds before he finally understood what this guy meant, and it is a shame that it took him that long! Anyway, his cheeks instantly flared the moment the idea sank in, siyang dahilan upang mag-init ang mga pisngi niya at iusog ang swivel chair palayo sa lamesa, pinapangarap na isuksok ang katawan sa kadulu-duluhan ng kinauupuan. Kahit pa naroon na siya.

"Ano na naman ba 'yan?! Ba't 'pag kausap ko kayong apat, lagi ninyong itinutulak sa 'kin si Lyle?!"

Napaismid si Zamiel sa reaksyon niya. Mukha ring hindi makapaniwala sa katangahang taglay niya.

"What? You still haven't realized your huge crush over him? Ang bagal mo naman yata?"

Namamangha siyang napatitig dito. Hoy, sandali, parang may mali? Talagang galing pa kay Zamiel ang pagpunang iyon! E ito nga, ilang taon nang natotorpe kay Ridge, pinakialamanan ba niya? Pero ayun nga kasi, wala naman siyang gusto kay Lyle!

"Wala pa ring mas babagal sa 'yo. 'Di ka pa rin makaamin kay Ridge, e."

Sumimangot ito. "Wag mong ibalik diyan ang usapan, Abellardo. Ikaw ang isyu rito."

"A-ano?!" Holy fuck. Wala siyang masabi!

Nanatiling nakaawang ang bibig niya habang matamang nakikipagtitigan kay Zamiel. Kalaunan, humugot siya ng malalim na hininga ngunit hindi nagtagal, pinakawalan niya rin. Nagbaba siya ng tingin, iniiwas ang mga mata mula rito at napapaisip.

Pasimple niyang naikuyom ang mga kamaong nakapatong sa lamesa nang maalala ang huling usapan nila ng tinutukoy nito noong Sabado. Tuluyan na rin siyang nalunod sa isipan nang maglabas ang utak niya ng mga imahe noong minsan bago umuwi si Lyle. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman doon. O kung dapat ba, mayroon.

Ngunit may napagtanto siya noong gabing iyon kung saan sa kabila ng madilim na kapaligiran, nagniningning ang mga mata ni Lyle at nakakasilaw din pala ang mga ngiti nito, ano? Wala pa siyang nakilala na ganoon. Mas gusto niya iyong mga emosyon at ekspresyon sa mukha ni Lyle ngayon kung ikukumpara sa noong una niya itong makilala.

Teka nga, nadadala naman kaagad siya sa sinabi ni Zamiel, e. Mabalik sa tunay na isyu, wala naman siyang gusto kay Lyle. Kung mayroon man, admirasyon lamang iyon dahil mabuting tao iyong isa. Matagal na rin naman mula noong mapukaw nitonang atensyon niya. Ang tagal niyang gustong maging malapit nitong kaibigan!

Marahan siyang nag-angat ng tingin kay Zamiel na noon ay mahinahong sumisimsim sa inumin. Nakangiwi na siya noon habang mapagpasensya naman itong naghihintay sa kasagutan niya.

"Ano na, Abellardo? Mukhang nakalimutan mo na 'kong sagutin."

Kumunot ang noo niya. Ano naman ang gusto nitong marinig mula sa kanya e wala naman siyang masasabi? Pirme ang isip ni Gian doon sa ideyang wala siyang gusto kay Lyle. Hindi naman kasi siya interesado rito sa romantikong aspeto, e! Mai-issue lang talaga ang mga kaibigan niya. Bad trip sila, e. Dinadamay pa siya sa mga kalandiang taglay nila.

"Um, wala akong dahilan para pormahan siya, Zamiel." In the end, he settled for that answer, "gusto ko si Lyle pero 'di naman 'yon romantically, platonic lang."

Blangko ang mukha siya nitong tinitigan hanggang sa ilang segundo rin ang lumipas at ismiran siya nito. Kalaunan, hindi nito napigilan ang sarkastikong mapahalakhak sa napili niyang tugon. Binitawan din ng binata ang inumin bago ipinagkrus ang mga braso. Inianggulo pa nito ang ulo kung saan tila ba minamaliit siya nito.

"Lol, that's what I said before I became head over heels for Ridge. Are you kidding me?"

Lihim niyang kinagat ang pang-ibabang labi, iniisip kung anong magiging tugon dito. Anong gusto nitong marinig sa kanya?! Wala naman kasi talaga siyang masasabi na makakapagpakuntento rito. Ang kulit lang nila at hindi nila magawang makumbinsi na wala siyang gusto kay Lyle. Alangan din namang magkunwari siyang mayroon nga nang manahimik sila? Ayaw naman niya ng ganoon.

"Seryoso kasi ako, Zam. Ba't ba ayaw mong maniwala? Nahahawa ka na kina Zach, magkaibigan lang talaga kami ni Lyle."

Nanatili ang mga mata ni Zamiel sa kanya at wala na ring bahid ng ngiti sa mga labi nito. Malamig. Mas malamig pa sa natural nitong pakikitungo ang pagtitig ng binata sa kanya.

"O kung sakali mang meron na, 'di ko alam kung paano ko iyon ia-approach! Doon, siguradong lalapit ako sa inyo. Sa kaso ko kasi ngayon, wala talaga."

Kumunot ang noo ni Zamiel. "Wala nga ba talaga o ibinabaon mo lang dahil straight ka?"

Napasinghap siya at mabilis na iniiling ang ulo. Hindi sa ganoon! Oo nga at straight siya pero hindi niya rin kasi kontrolado ang puso niya. Ano bang malay niya kung kanino siya mahuhulog? Iniangat niya ang mga kamay at mabilis iyong iwinagayway upang pabulaanan ang sinabi nito.

"Hoy, wala akong sinabing ganyan! I mean, yes, I'm straight! Pero ikaw din naman, 'di ba? 'Di mo nga inaasahang mai-in love ka rin kay Ridge, 'di ba?" Panimula niya bago siya humigop ng malalim na hininga para bawiin ang tindig na muntik na siyang takasan. "Pero kasi Zam, wala talaga akong gusto kay Lyle! Kayo lang nag-iisip na meron, e. Ang kukulit niyo nga. Babatukan ko na kayo."

Humimig si Zamiel. Napansin niya rin ang pag-angat ng sulok ng mga labi nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"But you're open to the idea of falling in love with him?"

Marahan siyang tumango. "Di mo naman mapipigilan 'yon, 'di ba? Ikaw ba, napigilan mo ba 'yong kay Ridge?"

Zamiel scoffed, ngunit hindi ito nagsalita upang itinanggi ang pagkakagusto sa kaibigan nila. Nanahimik lang ito at sa ganoong paraan ipinahayag ang katotohanan sa pang-aakusa niya. Hindi nagtagal, nagtanong ulit ito pero sa mas mahina na boses.

"Fine, you made a fair point. Pero sa oras na magkagusto ka kay Villariza, pa'nong suporta ang gusto mo? I'm not the best when it comes to advices but I could lend you a hand." Ibinuka niya ang bibig upang mabilis na sumagot sa sinabi ni Zamiel. Ngunit ni isang salita, walang lumabas sa bibig niya nang maalala niya kung ano bang isinagot niya rito. "G-gago ka, Zamiel!" Hindi rin talaga sanay si Gian na magmura kaya nautal siya sa sinabi. "Anong suporta?! 'Di naman ako mai-in love kay Lyle!"

Pinakyuhan siya ni Zamiel. "Be careful, you might take back and swallow those words one day."

Napaatras siya. Biglang nakaramdam ng takot sa banta ni Zamiel.

"No, I won't. Lyle is cute and all but that's all about that. I see him as a friend!"

Imbes na sagutin pa siya ay mahina na lang na tumawa si Zamiel. Hindi niya alam pero kung umasta ito, parang mayroon itong alam sa nangyari noong Sabado? E, nakaalis naman na sina Zachariel at Leon noong gabing iwanan sila ng mga ito ni Lyle. Ang sabi, hihintayin daw siya sa may tindahan pero kumaripas na pala ng takbo pauwi sa kani-kanilang mga bahay! Wala naman silang alam kung paanong tulala siyang umuwi sa kanila nang sabihin noong isa na natutuwa itong nakikilala siya ng lubusan.

With these thoughts disturbing his mind, Gian unconsciously bit his lower lip which seemed to pique Zamiel's interest. Nagsisi kamo siya na ganyan ang reaksyon niya! "A-ano?!"

Nginisian siya ng kaibigan. "What? I wasn't saying anything, just a tad bit curious. What's in your mind?" "Wala!"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Mataman silang nagkatitigan ni Zamiel. Hindi naman nagsusukatan ng tingin kung hindi tila naghahanap lang ng sagot sa mga mata ng isa't isa. Ngunit naputol din iyon nang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ng binata. "Di ka pa ba aalis, Zamiel? Baka mamaya, nasa labas na si Ridge."

"You're kicking me out?" Zamiel asked with eyes that danced in amusement, "mamaya pa 'yon. 'Di pa nga ako tini-text kung tapos na ba sa photoshoot nila."

Kaumay, ibig sabihin e matagal pa silang mag-uusap ni Zamiel. Hanggang mamaya niya pa ito maririnig na magtanong tungkol kay Lyle, ano? Sana naman, hindi. Ang dami nilang ibang pwedeng pag-usapan na dalawa, alangan namang mapadpad pa kay Lyle?

"Hanggang kailan dito si Ridge?" Pag-iiba niya ng usapan.

Napahimig si Zamiel bago ito umahon mula sa kinauupuan. Tahimik niyang pinanood ang kaibigan, akala kasi niya aalis na, iyon pala e itatapon lang iyong pinaglagyan ng milktea sa basurahan. Medyo umasa siyang babalikan na siya ng kapayapaan.

"He'd be staying here until next week," his friend replied after a while of silence.

Ah, kaya naman pala panay lumalabas ang dalawa dahil aalis na naman si Ridge niyan. Madalas kasi, ang photoshoot nito e sa ibang lugar pa dinadaos. Halos magala na nga ni Ridge ang buong Pilipinas, minsan e nagpupunta pa siya ng ibang bansa para sa mga event kung saan siya ang kinukuhang modelo. Sana all.

Napaisip tuloy siya. Si Lyle rin kaya e ganito? Nitong nakaraan, madalas itong busy kaka-prepare sa iba't ibang fashion event. Hindi lang din naman sa Manila madalas idaos ang mga iyon.

"O, bigla kang nanahimik? Iniisip mo na naman si Lyle?" Tanong ni Zamiel.

And he was probably too caught up in thinking about the other male that he nodded his head when Zamiel asked about his thoughts.

Pareho nga silang natigilan, e. Lalo na si Gian noong mapagtanto kung bakit bigla na lamang humalakhak si Zamiel matapos ang ilang segundo nilang pananahimik. Wala na! Aasarin na naman siya nitong si Zamiel!

"Si Ridge ang itatanong mo tapos babalik din utak mo kay Lyle? Aren't you already whipped?" Zamiel teased.

Gian gasped. "No, you're wrong! Naisip ko lang na madalas gumala si Ridge dahil sa trabaho, iniisip ko lang kung ganoon din ba si Lyle!"

"Ba't mo iniisip? Para alam mo na kung pa'no mo ima-manage married life niyo? Gi, you're too damn obvious but oblivious about your own crush."

Ang kulit! "Hindi nga!"

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report