Can I be Him?
CHAPTER 10.3

HINDI maalis ang mga mata ni Gian sa direksyon nina Zachariel, Leon, at Lyle. Paano ba naman kasi, bigla siyang nagsisi na ka-team niya ang maloloko niyang barkada. Dapat nag-shuffle sila, e! Kaso ang nangyari sa pag-a-arrange ng team, siya at si Lyle lang talaga ang nag-switch. Kabado bente tuloy siya at baka may masabing hindi makatotohanan itong mga kaibigan niya. Babatukan niya sila!

'Ano kayang pinag-uusapan nila?' Iyan ang tanong niya sa sarili dahil bigla na lamang humina ang boses ni Zachariel noong oras na lapitan nito si Lyle. Sa mga ganyan siya kinakabahan, e. Para kasing mayroong ibinubulong ang demonyo rito kay Lyle, kampon pa naman ni Satanas iyang si Zachariel. 'Sana naman, walang nasasabi na 'di maganda sina Leon?'

Nakaramdam ng pagkauhaw si Gian nang maisip na baka ang pinag-uusapan nina Zachariel na may gusto siya kay Lyle kahit na wala naman. Kinuha niya ang tumblr niya na nakalapag sa semento at binuksan iyon nang makainom. Nag-aalala pa rin siya at naglilikot ang isipan niya sa mga posibleng sabihin nina Zachariel kay Lyle. Wala pa namang preno ang mga bibig ng mga iyan, wala ring filter.

Nakakailang lagok pa lamang siya ng tubig noong marinig niya ang pagmumura ni Henry.

"Nakakabwisit!" Anito.

Napukaw noon ang atensyon niya ngunit ayaw niyang mahalatang napansin niya ito. Kaya ang ginawa niya, pinasadahan na lamang niya ng mabilis na tingin ang binata. Aksidente pa ngang nagtama ang mga mata nila ni Alexander. Mukha itong stressed na nakikinig sa pagta-tantrums ni Henry dahil sila ang magbarkada.

"Ba't niyo ba inaya 'yang si Villariza? Bakla 'yan, e. 'Di ba kayo takot na ma-harass?!" Nasisiphayong tanong ni Henry roon kay Alexander.

Nasamid si Gian sa iniinom. Tipong para siyang malulunod dahil iyong ibang tubig, umakyat kamo sa ilong niya! Mabuti na lamang ay masyadong abala si Henry sa pagrereklamo kaya hindi napansin ang reaksyon ni Gian.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo kay Lyle? Magkaibigan naman kayo noon," kalmado na sabi ni Alexander dito sa isa.

Sumagitsit ang binata. "Magkaibigan? 'Kala ko magkaibigan kami pero pakiramdam ko e hina-harass niya lang ako noon!"

"Gago, aanhin ka naman ni Lyle? Ikaw ba tipo niyan?"

"May tsismis no'n na may gusto siya sa 'kin!"

"Tsismis lang. Ano namang pruweba mo?"

Natigilan sandali si Henry at natahimik. Sa mabilis na sandali, na-enjoy nila na tikom ang bibig nito ngunit kalaunan, lalong lumukot ang mukha ng binata at masama ang tinging ibinato kay Alexander.

"Ba't niyo ba pinagtatanggol 'yan e bakla nga siya? Kanser sa lipunan! Tang ina rin nitong si Gian dahil biglang lumakas ang loob e kinakaya-kaya lang natin 'yan!"

Nag-isang linya ang mga labi ni Gian nang marinig na nadawit na ang pangalan niya. Nilingon niya ang direksyon nina Henry at nakita ang pagtikhim ni Alexander noong mapansin ang reaksyon niya. Tinapik din ng binata ang balikat nito ngunit hindi pa rin nanahimik si Henry.

"Kanser sa lipunan tapos duwag, gandang combination. Nakakapunyeta. 'Di lang 'yan, ang sakit pa sa mata nina Ridge at Zamiel!" Dagdag nito.

Muling tumikhim si Alexander. "Inaano ka ba ng mga 'yan? Wala namang ginagawa na masama sa 'yo sina Lyle, ba't ka ba galit na galit sa kanila?"

"Sinong 'di magagalit? Kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla! Magsama-sama silang lahat sa impyerno."

Napaismid si Gian noong marinig ang mga pahayag ni Henry. Bakit ganito ang isang ito? Dinadamay pa si Lord samantalang ang pakiramdam ni Gian, wala naman iyong pakialam kung ano ang sekswalidad ng tao. Ang anak niya, mananatiling anak niya. Anong kasalanan sa tatanggapin mo kung ano ka bang talaga?

"Mas masama ngang naghuhugas kamay ka e."

Nabigla na lamang si Gian noong ang bibig niya, kusang bumuka para ihayag ang mga iniisip. Napatikhim siya noong lingunin siya ni Henry ngunit hindi niya inalis ang mga mata sa binata. Kalaunan, ngumiwi ito noong mapansing sumasagot- sagot na siya rito.

"Anong sabi mo?" Iritang tanong nito.

Ipinilig ni Gian ang ulo. "Anong sinabi ko? Wala. Ang sabi ko, ang pangit naman yata kung naghuhugas kamay ka, Henry. Ikaw ba, maganda ang dulot sa lipunan?"

Namilog ang mga mata ng binata noong marinig ang sinabi niya. Ang buong katawan nito, ipinilig niya sa direksyon ni Gian. Mukhang malapit na rin itong lumapit sa kanya ngunit hinila ni Alexander at pinigilan. Sakto ring lumapit na si Zachariel sa kanila at tinatanong kung anong nangyari.

Noong pinapakalma na ang sitwasyon, saka pa lamang nag-sink in kay Gian ang mga nangyari. Napahawak siya sa dibdib at dinama ang malakas na pagkabog ng puso. Gago! Muntik na pala siyang masuntok kung hindi lamang umawat sina Alexander, Zachariel, at Leon! Muntik na siyang umuwi na may pasa sa mukha. Siguradong mag-aalala ang ina niya kung sakali, mabuti na lamang, mabait ang tadhana!

Habang pinapahupa pa ang sitwasyon, humakbang paatras si Gian mula sa senaryo. Ayaw niya munang madawit sa kahit ano. Kaya na nila Zachariel na kausapin si Henry. Mas matalim ang dila ni Leon at kaya rin nitong patahimikin ang isa. Ipagkakatiwala na nila sa kanila ang buong ganap.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Gian, ayos ka lang ba?"

Napatalon siya noong marinig ang boses ni Lyle mula sa gilid niya. Mahina pa nga siyang sumigaw dala ng pagkagulat. Kahit nga si Lyle, bahagyang napatalon noong sumigaw siya, e. Nilingon niya ang binata at nang makita itong nag-aalala siyang pinagmamasdan, ninenerbyos siyang tumawa.

"Kailan ka pa nandiyan?" Gian asked while his tongue seemed to have tied into a knot, "um, ayos lang ako. Ikaw ba?"

Marahang tumango ang binata. "Narinig namin 'yong nangyari. Pasensya ka na, nadamay ka pa sa kakitiran ng utak ni Henry."

Napamaang si Gian noong marinig na ito pa ang humingi ng patawad para roon sa totoong nagkamali. Si Lyle pa talaga na kanina pa nilalait-lait ang iintindi roon kay Henry? Ito pa ang lalapit para humingi ng pasensya dahil ipinagtanggol niya ito mula sa isa? Gusto niyang matawa na ewan. Ang sama ng loob niya bigla.

"Ly, ba't ikaw 'yong nagso-sorry? 'Di mo naman kasalanan."

Ipinagtanggol niya ito at ang mga kaibigan dahil alam niyang iyon ang tama. Totoo rin na mahiyain siya pero kung alam niyang siya ang nasa katwiran, tatayo't tatayo siya, lalabas sa comfort zone at magsasalita.

"Siya nga ang dapat humingi ng pasensya sa 'yo. Mula no'ng junior high school ka pa niya ginaganito."

Pagak at mahinang tumawa si Lyle.

"Ayun nga. Sanay na 'ko."

Napangiwi siya. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon lalo na noong malungkot ang mga ngiting kumurba sa mga labi ng binata.

"Di mo dapat " Naputol ang dapat na sasabihin ni Gian noong bigla na lamang sumigaw si Henry. Nabigla silang pareho at sabay na lumingon sa gawi kung saan nagkumpol-kumpol ang mga kaibigan at kalaro.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Saka nila nakita ang isa na ipinagtuturo silang lahat. Namumula ang mga pisngi nito at lukot na lukot ang mukha, tila ba naaapi dahil napagtulungan.

"Magsama-sama kayong lahat! Pati ikaw, Alex, diyan ka sa kanila! Ayoko kayong kalaro sa basketball. Punyeta, mga kanser kayo sa lipunan! Tumatanggap kayo ng bakla, mga hayop! Magsama-sama kayong lahat sa impyerno't Diyos naman ang huhusga sa inyong lahat!"

Kunot ang noong pinagmasdan ni Gian si Henry noong kunin nito ang mga gamit at mag-walk out. Noong mawala ito, tuluyang namutawi ang katahimikan sa buong kapaligiran. Nagkatinginan din silang lima at iyong magkasintahan, mukhang umalis at baka muntik ding mapikon si Zamiel kay Henry.

"Awit, umalis! Kung umasta, 'kala mo inapi, a!" Puna ni Zachariel kay Henry ngunit sa huli, kinawayan pa ng gago iyong umalis nilang kalaro bago sila nilingon. "Ano na balak? G ba kayo sa three on two?"

"Nasa'n sina Zamiel?" Tanong naman ni Alexander, "agawin niyo na lang 'yon kay Gonzales."

"Waing! Madamot 'yon at kababalik lang sa photoshoot, saka mainit ulo no'n at iniinsulto pala sila patalikod ni Henry!" Paliwanag ni Zachariel.

Ipinagkrus ni Leon ang mga braso. "G na sa three versus two. Yakang-yaka naman na ni Alexander at Gian 'yan."

Nilingon niya si Lyle at nginitian. "Okay lang na maglaro tayo ng three on two?"

Noong marinig ang tanong niya, nilingon siya ng binata. Lyle had his lips protruded slightly before a chuckle escaped from his lips. Halos maningkit pa nga ang mga mata nito dala ng aliw at mas gusto ni Gian na makita ang ganitong klase ng reaksyon mula kay Lyle kaysa sa itsurang nakita niya kanina.

Gian does not like it when he sees Lyle in pain, he does not deserve it. Nalulungkot din siya sa tuwing malungkot ito. It was Lyle who had been receiving the hate, discrimination, and prejudice ever since they were young. He is supposed to just obtain abundance nowadays. He had gotten so far, he does not deserve to be pulled down by Henry anymore.

Natigilan si Gian mula sa pag-iisip noong ibalik ni Lyle ang mga mata sa kanya at marahan itong tumango.

"I'll look forward to facing against you," ani Lyle na siyang ikinangisi niya.

Hindi siya magaling maglaro pero gusto niyang mayroong bagay na nilu-look forward si Lyle. Sa kasong ito, siya iyon. Mas okay na ang ganito.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report