Can I be Him?
CHAPTER 9.3

"Anong sinabi mo kay Gian?" Galit niyang tanong sa binata.

Napangiwi ang kaibigan bago nito tinapik-tapik ng daliri ang lamesa. Umiwas ito ng tingin at ngumuso ngunit nanatiling tikom ang bibig, wala ni isang salita ang lumalabas upang ipaliwanag kung ano ba ang nangyari noong wala siya. "Tinakot mo ba si Gian? Sinabi ko naman sa 'yong mahiyain 'yon."

Lalong humaba ang pagkakanguso ng binata. "Anong tinatakot ang sinasabi mo? Ako ang natakot sa sama ng tingin niya sa 'kin kanina!"

Napaismid si Lyle bago ipinagkrus ang mga braso. Kung talagang ginawa iyon ni Gian kay Keegan, edi maganda. Deserba nitong kabarkada niyang masungitan at iba ang tabas ng dila nito. Baka mamaya, noong wala siya e may nabanggit na hindi kaaya-aya roon kay Gian kaya umalis na nakabusangot at hindi natutuwa.

"Ba't parang ayaw mong maniwala?"

"Ako? Naniniwala akong tinignan ka ng masama," aniya bago inirapan si Keegan at saka siya nagpahalukipkip, "sigurado ako na may sinabi kang 'di maganda ro'n, e."

"Sus!"

Halos ibagsak ng isa ang mga kamay sa lamesa kung hindi lamang nito napansin ang ambience ng lugar. Hindi ito ang lugar kung saan malaya siyang nakakapagwala. Masyadong kalmado ang kapaligiran para tiisin ang enerhiya ni Keegan. Samantala, gumanti ito sa kanya. Ito pa ang malakas ang loob! Parang bata siya nitong inirapan.

"Kasalanan ko bang ang bilis niyang ma-offend e 'di naman tungkol sa kanya 'yong usapan?"

Kunot noong pinagmasdan ni Lyle ang kaibigan. "O, edi ano palang sinabi mo?"

"Tinanong ko lang naman siya tungkol sa relasyon ni Ridge saka ni Zamiel."

Napakurap-kurap siya. Ngayon e hindi na makapaniwalang nakatitig sa kaibigan. Halos lumuwa ang mga mata niya noong marinig ang sinabi nito.

"Ano?"

"Tinanong ko lang! Napansin ko kasing ang brusko no'ng Zamiel kay Ridge, 'kala ko 'di niya mahal 'yong isa. Ayun, nagalit 'yang Gian sa 'kin."

Namamangha niyang tinitigan ang binata. He wanted to scoff or fake a laugh but he cannot do anything. Nakamasid lamang siya kay Keegan. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Ba't pakiramdam ko, sinubukan mong kuntyabahin si Gian diyan sa plano mong walang kwenta?"

"Grabe ka manlait, a. Saka ano naman? Nagbabaka sakali lang akong matulungan ka niya para 'di ka na magmukmok."

Pero hindi ito ang klase ng 'concern' na gusto niyang matanggap sa kaibigan. Kahit hindi maitatangging mahal niya si Ridge, hindi niya rin pinangarap na manira ng relasyon! Ano bang klaseng isip ang mayroon itong si Keegan? "Kee, may boyfriend 'yong tao! Anong gusto mong gawin ko, makikabit?!" Muli niyang nasapo ang noo ngunit ngayo'y hinihilot na niya ang sariling sentido. "Pati ako, Kee, magagalit sa pangingialam mo."

"Ikaw lang naman ang iniisip ko rito, Lyle."

Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle. Hindi na siya makatiis. Nag-angat siya ng tingin kay Keegan at nang makitang napaatras ito, lihim siyang sumagitsit.

"Tama na. 'Wag mo nang ipagtanggol 'yang sarili mo. Mali 'yang ginawa mo. Kahit 'di ako si Gian, nakakagalit ka. Bastusan, 'no?"

Matapos niyang pagalitan ang kaibigan e hinanap ng mga mata ni Lyle ang opisina ni Gian. Lumingon pa siya dahil nakatalikod siya sa direksyon kung saan nakatayo ang pribadong lugar ng binata. Napapaisip siya, ano kaya ang ginagawa noon ngayon? Sigurado si Lyle na baka nagpapalamig ng ulo si Gian dahil sa mga kalokohang lumabas sa bibig ni Keegan.

Ha. Hindi sapat ang paghingi ng pasensya para sa epal niyang kabarkada.

"Mag-sorry ka kay Gian sa susunod," aniya.

Keegan whined. "Lyle naman, e."

Nilingon niya ito at saka niya hinablot niya ang walang lamang tasa na malapit sa kanya at nagbadyang ibato iyon kay Keegan. Ito namang kaibigan niya, mabilis na pinrotektahan ang sarili sa kabila ng hindi niya pagtuloy sa nais na gawin. "Lalaban ka pa e ikaw 'tong mali?"

Hindi na nagprotesta pa si Keegan. Marahil alam na kaunti nalang, mapupuno na rin si Lyle sa kanya. Dahil sa pagbalot ng katahimikan, mabilis niyang ibinalik ang mga mata sa opisina ni Gian. Nag-aalalang tumitig doon. Pupwede kaya siyang tumawag mamaya? Siya na ang magso-sorry para kay Keegan.

Iyon nga ang ginawa ni Lyle noong oras na makauwi siya. Ilang beses niyang sinubukan na mag-text kay Gian. Hindi na kasi niya ito nahintay dahil nang lumabas ito mula sa opisina, nagpaalam itong tutulong sa pagliligpit ng café. Sinubukan niyang tumulong ngunit pinaalala nito ang Primivère.

Kung kaya labag man sa loob, sinunod niya ang sinabi nitong umuwi na siya. Ngayon, alas nuebe na ng gabi nang mag-reply ito sa kanya.

Gian:

Pasensya na, katatapos ko lang maligo.

Iyon ang unang mensahe na pumasok sa inbox niya at nanatili ang mga mata ni Lyle roon. Hindi niya alam kung bakit ngunit damang-dama niya ang unti-unting pag-init ng mga pisngi. Nilukob din ng tuwa ang dibdib niya dahil pinansin siya ng binata! Akala niya, galit din ito sa kanya dahil dinala niya si Keegan sa café nito.

Gian:

Oo naman, pwede kang tumawag.

Lihim niyang kinagat ang loob ng pisngi para pigilan ang pagngiti. Kinailangan pa rin niyang humugot ng malalim na hininga bago makapagtipa ng isasagot. Pero sino ba ang magtitipa pa ng maisasagot kung pupwede namang tumawag na? Binigyan naman na siya ng pahintulot. Iyon nga lang, nakakakaba. Kasalanan ito ni Keegan at ng bibig nitong walang preno.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Nabigla si Lyle noong bago pa man niya mapindot ang call button, mag-display sa screen niya ang isang tawag. Mula iyon kay Gian!

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis iyong sinagot bago pa man iyon tuluyang lumipas. Inilagay niya rin agad ang device sa tenga upang marinig ang boses nito.

"Hello?" Lyle stammered upon greeting Gian and if this was not the most embarrassing thing he had ever done, he does not know anymore. "Sorry, ako 'tong may kailangan pero ikaw pa tumawag." Tumawa ang nasa kabilang linya. "Ah, ayos lang. Nagtataka rin kasi ako ba't 'di ka pa nakatawag. Na-excite siguro ako. Kanina pa tayo 'di nakakapag-usap, e."

Huh? Napalunok si Lyle noong sabihin ni Gian na excited daw itong makausap siya. Ilang beses din siyang huminga ng malalim at ngayon, mas nararamdaman niya ang pamumula ng mga pisngi!

"Wait, uy, sorry! Ah!" Natatarantang bawi ni Gian nang mapansin ang pananahimik niya. "Ang weird yata ng sinabi ko! Ang ibig ko lang sabihin, nasanay akong tayo lang ang nag-uusap sa café ko." Kahit ni-rephrase na, iba pa rin ang dating. Lihim na humagikhik si Lyle.

"Oo nga. Pasensya ka na, nagpumilit kasi si Keegan. Gusto ka raw kausapin, e. 'Di ko naman alam na may masasabi siyang 'di mo magugustuhan."

Siya rin naman, sanay na kausapin si Gian na sila lang dalawa. Nanibago rin siya nang magpumilit si Keegan na sumama, ngunit dahil kabarkada niya ang isa, ang laki ng tiwala niyang hindi nito iistorbohin ang binata. It turns out that he should have listened to his intuition, though. Gian really looked upset before he left their table. Ah, nakokonsensya na naman siya.

"Nga pala, iba 'yong dahilan ba't ako tumawag, Gian," pag-iiba niya ng usapan.

Humimig ang binata. "Tungkol saan naman? Um, kay Ridge pa rin ba?"

"Hindi, hindi."

Nabanggit na naman nito. Gusto niya tuloy si Keegan, e. Baka ngayon, ang iniisip nito e desperado siyang mapansin ni Ridge kahit hindi naman niya nais makiapid. "Kala ko tungkol kay Ridge. Pasensya na."

Siya naman ang humimig. "Naiintindihan ko, may nasabi rin naman kasi na 'di maganda si Keegan."

Nilukob ng pag-aalala ang dibdib ni Lyle nang mamutawi ang katahimikan. Hindi iyon kumportableng katahimikan dahil naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila.

"Gian, kalimutan mo na lang 'yong sinabi ni Kee sa 'yo. Wala akong balak manira ng relasyon."

"Alam ko naman, pero pasensya na rin, a. Nainis kasi ako sa kanya."

Mahina siyang natawa. Naaliw siya nang malamang nagagalit din pala si Gian. Ang akala niya, hindi ito marunong magalit dahil tila ba anghel na mula pa sa langit. Anak ng Diyos na ipinahiram lamang sa kanilang lahat. "Kahit sino naman magagalit sa sinabi ni Keegan. Sorry talaga."

"Ayos lang nga." Mahinang tumawa si Gian ngunit mabilis ding tinangay ng hangin ang halakhak nito, "may kilala naman ako na mas malupit magsalita kaysa sa kanya."

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi niya. Siniguro niyang hindi iyon maririnig ng kausap upang maiwasan ang posible nitong pag-aalala.

"Kumain ka na ba, Gian?" Pag-iiba niya ng usapan.

Humimig si Gian. "Oo naman. Anong oras na rin, ikaw ba?"

"Ah, oo. No'ng nakauwi ako, kumain ako agad dahil nakapagluto ng maaga sina mama. Tinatapos ko na mga sketches ko ngayon."

"Di mo pa rin ba tapos?"

Sa tono ng boses ni Gian, na-imagine ni Lyle na para itong batang ilang beses na kumukurap habang nakamasid sa kanya. Hindi maintindihan ang ginagawa niya, ngunit natutuwang ipinagpapatuloy niya iyon. Ganyang senaryo? Siya naman ang humimig. "Ibang set ng design 'to. May event kasi sa LA at imbitado ang Primivère."

"LA? Los Angeles ba?"

"Oo. Matagal pa naman 'yon. 'Di ko pa ba nababanggit sa 'yong ang nag-imbita sa 'kin e 'yong dating boss ko?"

"Talaga? Ang galing naman!" Bakas ang sinserong pagkatuwa sa boses ng binata, dahilan para mapatawa siya, "si Ridge ba ulit ang kukunin mong modelo?"

"'Di ngayon, pwede bang ikaw na lang?"

Mahina siyang matawa nang marinig niyang mautal si Gian sa kabilang linya. Halos hindi na niya maintindihan kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig nito pero natutuwa siyang makinig.

"Ako? 'Di naman ako modelo," nauutal-utal pa rin nitong sabi.

Nagtataka niyang ipinilig ang ulo. "Ayun nga lang. Sayang Gian, ang gwapo mo pa naman."

"Huh!" Natawa si Lyle noong bigla na lang sumigaw si Gian. "Ako? 'Di naman ako gwapo. Katamtaman lang. Ikumpara mo kay Ridge na talagang papakyawin ng mga kliyente, walang-wala ako sa kanya!" Halos ngumuso si Lyle sa narinig. "Anong pinagsasasabi mo? Gwapo ka, Gian. 'Di mo kailangan magkaroon ng inferiority complex kay Ridge. Magkaiba lang kayo ng charm."

Naalala na naman ni Lyle ang unang beses na makita niya si Gian. Kahit pa na malabong imahe na iyon na produkto lang ng alaala niya, hindi mabura sa isip ni Lyle ang unang naging reaksyon nang makita ito. Malabo na ang senaryo sa isip niya pero ang linaw ng ideyang sumuntok sa isip niya noon-ang gwapo ni Gian, ang bait tignan. Kung mas nauna niya siguro itong nakilala kay Ridge, baka rito pa siya nagkagusto.

Napahawak siya sa sariling dibdib, tahimik na dinarama ang mabilis na pagpintig ng puso dahil isang imahe lang iyon. Kung hindi lang niya narinig ang paghalakhak ni Gian mula sa kabilang linya, hindi pa nga siya makababalik sa huwisyo! "Imposible. Wala akong laban kay Ridge."

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report