Can I be Him?
CHAPTER 7.2

KINABUKASAN, noong mag-lunch break siya ay bumalik siya sa café nina Gian. Hati ang agenda niya noong araw na iyon. Bukod kasi sa gusto niyang makapagtrabaho rito, gusto niya rin sanang makipagkwentuhan. Kaya lang, noong dumating na siya sa café, imbes na si Gian ang sumalubong sa kanya ay ibang tao ang bumungad sa kanya!

Parehong namilog ang mga mata nila at sabay silang natigilan. Tila ba nirerehistro sa isipan ang mga kaganapan. Ito iyong parehong lalaki na nangutang kay Gian noong araw na unang beses silang personal na nakapag-usap ng isa! Ngayon lang din! Ngayon lang din rumehistro kay Lyle na hindi basta-bastang estranghero lamang ang nagmamasid sa kanila noong araw na iyon kung hindi si Zachariel Chastain!

Ang kakambal ni Zamiel Chastain at ang naging bagong captain ng basketball team bago siya grumaduate ng junior high school! Naabutan niya ito dahil hindi siya kaagad nakapag-resign sa team noong siya ang naging bagong ace. So far, ito rin ang naging pinakamabait sa kanya noon sa team nila!

"Captain Zach," Lyle trailed off, feeling embarrassed that he was unable to recognize the male the first time they met each other again.

Tila ba nasamid sa sariling laway ang isa noong marinig na tawagin niya ang pangalan nito. Hindi rin naman nagtagal na tila ba nalunok nito ang dila dahil umubo ito ng ilang beses. Tapos, tumikhim at saka nagpameywang bago mayabang na tumawa. Nakuha pa nga nitong ipagkrus ang mga braso kung kaya naman nagtataka niya itong tinitigan.

"Wala! Wala si Gian ngayon. Nagpuyat kakalaro ng video games, gising pa hanggang ala siyete ng umaga! Naulyanin, nakalimutang Martes pa lang ngayon at may trabaho siya!"

Umangat ang mga kilay ni Lyle sa narinig at bagamat bumagsak ang mga balikat niya dahil nadidismayang hindi niya makikita si Gian ngayon, hindi niya pa rin maiwasang maingayan kay Zachariel. Ang lakas kasi ng boses, kailangan bang ipagsigawan at i-announce na wala iyong may-ari ng café ngayon?

Pero syempre, hindi niya ipinahalatang hinahanap niya ang binata. Baka lalong lumakas ang boses, e.

Imbes na pansinin ang patuloy na pananalita ni Zachariel ukol sa kalagayan ni Gian, hinanap ng mga mata niya ang counter. Doon niya napansin na naroon din pala si Zamiel na matamang nakatitig sa binatang sumalubong sa kanya. Napalunok siya sandali at nakaramdam ng panliliit sa kung paano silang pagmasdan ng binata mula sa malayong distansya. Nagdadalawang isip na rin siya kung lalapit ba siya roon ngunit nang maramdaman ang pagkulo ng tiyan, nilunok ni Lyle ang takot.

Lumapit siya rito, hindi dahil gusto niya kung hindi dahil nakatayo kasi ito malapit sa counter. Saka niya narinig ang pagbubulong-bulong nito tungkol sa kakambal.

"I seriously want to disown that guy. Why are we even brothers? For fuck's sake."

Napalingon siya kay Zamiel na noon ay nakatalikod sa kanya. Nakasandal lang ito sa pader sa tabi ng counter at pinanonood ang kakambal nito. Dumako tuloy muli ang paningin niya kay Zachariel na parang tanga na noong umaakto sa may harap ng café. Now that he thinks about it, these two really act different from each other.

One is too hyper, another is too snobbish.

"N-nasaan na?!" Natataranta nitong sigaw habang sinusuyod ang lugar kung saan nakatayo kanina si Lyle.

Bumuntong hininga si Zamiel. "Bobo ka talaga. Ipinapahiya mo pa 'ko. Tara na, Zach! Ihahatid ko pa 'tong frappe kay Ridge!"

"Ano ba 'yan, Zamiel! Mang-aasar pa sana ako, e. Nakaw kasiyahan ka, 'no?!"

Lumingon sa gawi nila ang binata. Nakita siya nito ngunit bago pa man ito nakapag-react noong oras na makita siya, nakalapit na si Zamiel dito at hinila ang kwelyo nito upang sumunod sa kanya.

"Dalian mo! Baka matapos nalang photoshoot ng ugok na 'yon, 'di ko pa makikita ang suot!"

Dahil sa anunsyo nito, tuluyang napukaw ni Zamiel ang buong atensyon ng kakambal.

"Ba't ka ba takot na takot diyan e 'di naman siguro nila paghuhubarin si Ridge, ano?!"

"You can never be too sure, now let's go! Nginang 'yan, lalasunin ko sila kung pinaghubad nila 'yon! Ang pangit ng katawan tapos pinagkakaguluhan?! Taste nila, bulok!"

Zachariel cannot help it but to cover half of his face and scoff. "You mean, pati iyong sa 'yo 'di ba? Pero sige, magkukunwari nalang akong 'di ko alam na muntik kang malunod noong nag-swimming tayo dahil topless lumabas si Ridge galing sa cabin natin."

Parang tangang nakatanaw si Lyle sa kambal habang papalayo ang mga ito. Sa katunayan, nabigla pa siya nang ibalik ni Zachariel ang mga mata sa kanya at masigla siyang kawayan. Nagpapaalam sa kanya na aalis na sila. Akala niya nga, nagkamali pa ng kaway ang isang iyon ngunit noong lumingon siya, wala namang ibang tao sa paligid niya liban sa kanya at sa papalapit na mag-aasikaso ng order niya!

"Good afternoon po.'

Natigilan si Lyle nang marinig ang boses ng isa sa mga crew. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil inaasahan niya na baka si Gian ang lumapit sa kanya. Kaso, kasasabi nga lang na hindi pumasok, hindi ba? Si Zachariel pa mismo ang nagsabi.

Mukhang napansin naman ng nasa counter ang dismayang nakapinta sa mukha niya kaya masuyo itong ngumiti at humagikhik bago nagpaliwanag.

"Wala po si Sir Gian. Nagkasakit po last minute bago magbukas 'tong café. Sabi ni Sir Zach, kakalaro raw po ng video games."

"Oo nga, e." Mahina siyang tumawa bago humawak sa likuran ng ulo. "Ganyan nga ang sinabi sa 'kin."

Masuyong ngumiti ang crew. "Mahilig po kasi sa video games si sir Gian. Madalas naman, pumapasok pa rin si sir kahit na puyat kakalaro, ngayon lang po namin narinig na nagkasakit."

Habang nagkukwento ang crew, naalala ni Lyle ang unang beses na makita niya ito sa SM. Kagagaling lang daw nito sa klinika at nais bumili ng malalaro pagkatapos... ngunit nagkita sila. Baka mamaya, nilaro pala nito ang isa sa mga nakita nila noon sa SM.

"Baka na-stress din at hindi kinaya ng katawan ang pagpupuyat ngayon."

"Ganoon nga po siguro. 'Wag po kayo mag-alala, baka bukas nandito na ulit si sir Gian. Ano po pala ang order ninyo, sir?"

Hindi tulad ng dati, hindi naging masaya para kay Lyle ang pananatili sa café. Kanina, pinag-uusapan naman ng kambal si Ridge pero wala roon ang isipan niya. Sa halip, naroon pa rin sa ideyang iniisip niya kung totoo ba iyong ibinungad sa kanya ni Zachariel. Kung totoo bang hindi talaga pumasok si Gian dahil baka mamaya, pina-prank lang pala siya pero abala lang pala sa trabaho ang isa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Kung hindi lang siguro kinumpirma noong nasa counter ang balita, hindi pa talaga maniniwala si Lyle sa kambal.

Nag-aalala siya. Nababagabag din. Gusto niyang i-text ang isa at sabihang magpagaling kaagad ngunit wala naman siyang numero nito. Nakakalungkot pa na wala siyang makausap. He thought of calling Keegan, but his best friend is probably busy working. Hindi sa gym kung hindi sa isa pa nitong raket. Baka nga kauuwi lang ng isang iyon at ngayon pa lamang makakapagpahinga.

Naisip niya rin na papuntahin na si Kaleb dito para maagang mag-lunch dahil malapit din naman silang magkaibigan, pero naalala niyang iba ang madalas nitong kasama sa pagkain. Ayaw naman niyang mang-istorbo dahil lamang wala si Gian ngayon sa café.

Ah, ang frustrating. Ngayon lang ito pero hindi maiwasan ni Lyle na maramdaman na para siyang nag-iisa sa café ni Gian. Madalas naman noon, siya lang talaga mag-isa rito. Anong ginawa sa kanya ng isang araw na pagkakaiba, hindi ba?! Hinahanap na niya ang presensya noong isa.

"Mukhang maaga akong babalik sa opisina ko, a."

Nakakailang subo pa lamang siya ngunit wala na siyang gana na kumain. Hindi siya ganito dati. Nauubos niya ang binili kahit na wala siyang kasama, pero mula noong magkausap sila ni Gian at maging magkaibigan, nagkakulay ang buhay niya sa tanghali lalo na rito sa café na ito.

"Hello po, sir!"

Natigilan si Lyle sa pag-iisip at lumipad ang mga mata niya sa bumati sa kanya. Nakita niya ang isa sa mga crew ni Gian, ngunit hindi pamilyar ang itsura nito sa kanya... mukhang bago. "Hello?"

Ngumiti ang crew at may iniabot sa kanya na papel. "Ipinapabigay po sa inyo!"

Marahang bumaba ang paningin ni Lyle sa hawak nitong papel at bigla na lamang siyang tinamaan ng pagpapamilyar nang makita niya kung ano ang hawak nito. Iyong maliit na papel na nakatupi! Tulad na tulad lamang noong unang papel na natanggap niya sa café ni Gian noong magkabanggan silang dalawa!

Ah, bakit ba hindi niya pala ito naikwento sa binata?

"Kanino galing 'yan?" Pag-uusisa niya.

Mahinang tumawa ang dalaga. "Sorry sir, sinabihan kasi kami ng nagpapabigay na 'wag daw pong sasahihin sa inyo kung sino siya e."

Ganoon? Nagpabalik-balik ang mga mata ni Lyle sa dalaga at sa papel. Ilang segundo rin siguro iyon bago siya bumuntong hininga. Nag-aalangan man, kinuha pa rin niya ang piraso ng memo note na hawak nito. Hindi talaga maalis sa isip niya na ito iyong parehong papel na natanggap niya noong minsang nandito sila ni Keegan!

Kanino ba kasi galing ito?

"Sige po, mauuna na 'ko."

Nag-angat siya ng tingin at tumango. Balak pa sana niyang pigilan ito na umalis pero wala, e. Ang bilis nitong nawala tulad ng mabilis nitong paglitaw sa harap niya. Nang maiwan siya ay nanatiling ang mga mata niya sa hawak na memo note. Nag-angat din siya ng isang kilay bago ngumuso ng kaunti, iniisip kung pareho lang ba sa una ang nakasulat dito.

Nang buksan niya iyon, napangiwi siya.

'Hello, nice seeing you here again! Me and my friend really think that you're cute. <3

Are you straight? Here's my number. I'll be waiting for you! 09XXXXXXXXX

But in case you're into men, too... my friend has a huge crush on you, he's just really shy to ask you out! Here's his number! 09XXXXXXXXX'

Ito nga rin iyon, ngunit mas mahaba ang mensahe. Kinuha niya ang unang memo na natanggap at tinignan kung pareho lang ba ang mga nakasulat na numero roon. Bagamat sinabi naman na iisang tao lang ang nagpapabigay nito, gusto niya pa ring makasiguro.

Baka kasi mag-text na siya ngayon dahil nababagot siya.

Inilibot niya ang mga mata sa buong café ngunit wala namang nakitang posibleng suspek ng nagpapabigay nito sa kanya. Tuwing ganitong oras kasi, karamihan ng naririto sa café ay mga nasa edad trenta na. Mukhang naririto upang magtsismisan.

'Baka naman umalis na?'

Hinanap ng mga mata ni Lyle ang counter ngunit wala namang bagong customer. Naglilinis lang din ng lamesa ang crew na naroon.

'Oo, baka dumaan lang tapos 'di ko napansin dahil abala akong mag-isip.'

Ibinalik ni Lyle ang paningin sa mga memo na hawak. Naningkit ang mga mata niya habang pabalik-balik na binabasa ang mga nakasulat sa memo. Nagdadalawang isip kung magtitipa na ba siya ng mensahe para sa may-ari ng ikalawang numero.

Nguni sa huli, ganoon pa rin naman ang ginawa niya.

Me:

Hello?

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report